CHAPTER 10: BASKETBALL GAME
CHAPTER 10: BASKETBALL GAME
Third Person's POV
"Go Zeque!" sigaw ng mga babaeng nanonood ng basketball practice.
Inagaw ni Zeque ang bola kay Marcky. Hinabol siya ni Marcky, ngunit pinasa nito agad ang bola saka tumakbo palayo kay Marcky. Binalik ulit sa kanya ang bola at agad naman siya nag-shoot.
"Yes!" sambit ni Zeque nang maka-three points siya. Nagsigawan ang mga fan niya dahil sa sobrang tuwa.
Simula nung sumali siya sa basketball club, sumikat siya sa school at nagkaroon ng fan club.
"Good Job Zeque," puri sa kanya ng coach nila.
"Thank you coach."
"Bro, mukhang gusto ng coach natin yung baguhan. Mag-iingat ka, baka hindi na ikaw yung ace player sa darating na tournament," bulong ng isa sa mga regular player kay Marcky.
"Hindi pa siya regular, akala mo kung sino na," inis na sabi ni Marcky.
"Turuan natin ng leksyon dude. Yayain natin siya sa isang game sa sabado. Pakita natin sa kanya ang galing ng team."
"Kayong dalawa diyan! Nag-uumpisa na yung laro," sigaw ng captain nila na kasalukuyang kakampi ni Zeque sa practice game nila.
"Paano si captain? Papayag kaya siya?" bulong ni Marcky habang tumatakbo.
"Akong bahala sa kanya," tugon ng kausap bago ito tumakbo papunta sa captain nila para dipensahan at kausapin.
Natapos ang laro na lamang ng isang puntos ang team nila Marcky. Kasalukuyan na sila nagbibihis para umuwi.
"Zeque, pwede ka ba namin makausap?" umpisa ni Marcky. Hinintay na muna nila makaalis ang iba bago nila kinausap si Zeque. Tanging ang regular team at si Zeque na lang ang natira sa locker room.
"Ano yun?" tanong ni Zeque saka sinara ang locker niya para harapin sila Marcky.
"Hinahamon kita sa isang basketball game sa sabado. Team namin laban sayo. Ikaw na bahalang maghanap ng sarili mong team," diretsong sabi nito.
"Kay Zeque ako kakampi," sambit ng captain nila.
"Camptain naman. Akala ko ba pumayag ka na?" reklamo ni Paolo.
"Payag ako sa basketball game pero hindi ko sinabing sa inyo ako kakampi. Anim naman tayo kaya kay Zeque ako kakampi," tugon nito.
"Ano? Dalawa na kayo ni captain. Tatlo na lang ang kailangan mo," tanong ni Marcky.
"Sige deal," nakangiting sagot ni Zeque sabay lahad ng kamay. Nakipagkamay naman sa kanya si Marcky.
"Kapag nanalo kami aalis ka sa basketball club," sambit ni Marcky habang nakikipagkamay.
"Seryoso ka ba diyan Marc? Sobra naman yata yan?" tutol ni Jerome sa pustahan.
"Payag ako. Kapag naman kami nanalo ikaw ang aalis," tugon ni Zeque. Lumapit pa ito kay Marcky saka bumulong.
"Alam ko sikreto mo. Kapag nanalo ako babalik ka sa totoong katawan mo."
Bumitaw na si Zeque at kinuha ang gamit niya saka umalis. Naiwan namang tulala si Marcky dahil sa binulong nito.
'Paano niya nalaman? Ako lang at yung babaeng nakausap ko ang nakakaalam tungkol dito,' sa isip nito.
******
Zaira's POV
"Athena anak! Totoo nga na naging bata ka," sabi ni Mama sa akin habang nakayakap sa akin.
"Ma, napadalaw po kayo?" tanong ni kuya sa kanya.
"Hinatid ko lang itong pinagawa ni Zeque kay Sir Gus," tugon nito sabay pakita ng mga lalagyan na naglalaman ng bilog na tabletas na parang candy.
"Healing at stamina potion ito. Ano naman ito isa?" tanong ni kuya. Tatlong klase kasi yung yung dala ni mama. Yung healing potion na may kulay red na tabletas at blue naman sa stamina. Alam namin yun dahil minsan na kaming gumamit ng mga gawa ni Sir Gus. Yung isa na naiiba kulay violet.
"Ayan ba? Hindi ko din alam. Tanong niyo na lang si Zeque. Hinatid ko lang talaga yan. Alis na ako," tugon ni mama. Bago pa kami makapagsalita, nawala na siya sa paningin namin.
"Nagmamadali yata si Mama. Ano kaya nangyayari sa Outlandish?" tanong ni Kuya. Napatingin kami kay Henry dahil bukod kay Zeque, silang tatlo lang ni Bea ang pumupunta sa Outlandish.
Ganun kasi sila Mama kapag may problema. Tulad na lang nung nagkaroon ng zombie dito, halos hindi na namin sila makausap dahil sa sobrang busy nila.
"Hindi ako sigurado yun ang dahilan ng mama mo. Naging sunod-sunod ang pag-atake ng mga Demon sa Occult," pagkukwento ni Henry.
"Sigurado yun ang dahilan. Kilala ko sila Mama. Tutulong sila alam nilang nangangailangan. Ganun din ginawa nila noon dito," pagsang-ayon ni kuya. Parehas kami ng iniisip. Kung sila mama ang pinag-uusapan, walang duda na nakikipaglaban sila sa mga demon para proteksyunan ang mga mamamayan na walang kalaban-laban.
"Excuse me. Nandyan ba si Zai?" rinig kong tanong ng isang lalaki. Lumabas ako mula sa kusina para tignan kung sino ito.
Pamilyar sa akin yung tinig kaya may hula na ako kung sino.
"Renz!" masayang sabi ko saka lumapit sa kanya. Ang tagal ko na siya hinihintay dito. Ngayon lang siya dumalaw.
"Para sa iyo," aniya sabay bigay sa akin ng isang lalagyan ng stick-o.
"Wow! Dinalhan mo nga talaga ako. Salamat," kinuha ko ito at agad na kumuha ng isang piraso. Ilang araw din ako hindi pinapakain ni kuya ng stick-o. Mabuti na lang dumating si Renz.
"Bawal sayo yan!" saway ni Kuya nang makita ako.
"Wala na nakain ko na. Saka bigay naman ito ni Renz," sagot ko habang lumalayo sa kanya para hindi niya makuha yung stick-o.
"Henry? Nagtatrabaho ka dito? Kayo din Bea?" tanong ni Renz nang makita niya sila Henry.
"Oo eh. Ano order mo?" tanong ni Henry.
"Isang cheesecake at milktea lang. Tikim muna," tugon ni Renz.
"Isang cheesecake at milktea," sinulat ni Henry sa isang papel ang order ni Renz.
"Upo ka na lang muna. Ihahatid na lang namin sayo yung order mo. Ito number mo."
Inabutan siya ni Henry ng number para hindi kami malito oras na ihatid namin yung order. Umupo ako sa kaharap na upuan ni Renz para makipag-usap sa kanya.
"Zai, hindi din ba tao sila Henry?" bulong niya sa akin.
"Yup. Si Henry, bampira pero may human blood din siya. Mas laman lang yung pagiging bampira niya. Si Bea naman, half vampire at wizard. Si Alexis pure werewolf," sagot ko.
"Eh siya?" turo niya kay Erie na napadaan sa tabi namin.
"Tao siya. Tao na may seventh senses," sagot ko.
"Nakikita niya din yung mga nakikita ko?"
Tumango ako bilang tugon.
"Ito na order mo. One cheesecake and one milktea. Thank you and enjoy," nakangiting sabi ni Clara.
"Salamat," pagpapasalamat ni Renz.
"Masarap nga cake niyo dito. Kaya pala ang dami palaging pumupunta dito." komento niya pagkatapos tikman yung cake.
"Sabi ko sayo eh. Tumulong ako sa paggawa niyan," proud na sabi ko.
"Talaga? Kaya pala masarap," pambobola niya. Tumawa naman ako.
"Bakit ngayon ka lang pumunta dito? Kanina pa tapos klase niyo diba?" tanong ko.
"Hinintay ko pa kasing kumonti yung tao."
"Ah! Ayaw mo ba sa maraming tao?"
"Hindi naman sa ayaw. Ayaw ko lang pumila," tugon niya. Mahaba nga naman yung pila kapag maraming tao.
"Paris, pwede ka ba sa sabado?" napatingin ako kay Zeque na bigla na lang lumabas sa kusina. Gumamit nanaman siguro siya ng portal.
"Oo. Bakit?"
"May basketball game ako sa sabado. Kulang pa ako ng tatlong member."
"Sige. Dito lang naman ako sa cafe palagi."
"Ako sali!" sabi ko habang nakataas pa yung kamay.
"Bawal bata doon," tugon ni Zeque kaya napasimangot ako.
"May pinapabigay pala si mama. Nandoon sa loob sa kusina yung paperbag," sabi ni Kuya sa kanya. Bumalik ulit si Zeque sa kusina para siguro tignan yung dinala ni mama.
Paglabas niya, dala niya yung lalagyan na may lamang kulay violet na tabletas. Binigay niya ito sa akin.
"Para sayo. Kapag ininom mo yan pwede ka na sumali sa amin sa sabado," aniya pagkaabot nito.
"Para saan ba ito?"
"Malalaman mo sa sabado. Kulang pa tayo ng isa."
"Si Renz, pwede!"
Tinuro ko si Renz na kasalukuyang umiinom ng milktea dahil ubos na yung cake niya.
"Bakit ako?" gulat na tanong niya.
"Marunong ka ba magbasketball?" tanong ni Zeque.
"Medyo," tugon niya.
"Pasok ka na! Punta ka dito sa sabado ng 1pm," sabi sa kanya ni Zeque.
"Huh? Teka! Bakit ako?"
"Walang bantay yung cafe kapag sila Levi sinama namin. Wala sila Henry tuwing sabado tapos marami pang tao kapag ganung araw," paliwanag ko. Saka hindi ganun kagaling sila Levi sa basketball. Iba kasi ang kinalakihan nila.
******
Zeque's POV
"Para saan ba talaga itong binigay mo sa akin? Kapag ininom ko ito, ano mangyayari?" tanong ni Athena. Ngayon na ang basketball namin kaya ito sayo ngayon. Hindi mapakali.
"Pampatanda yan. Tatanda ka ng limang taon kapag uminom ka ng isang tabletas. Kaya dalawang tabletas ang inumin mo," sabi ko sa kanya.
Uminom siya ng dalawang tabletas. Unti-unting lumalaki siya, napansin ko na napupunit yung damit niya kaya kumuha agad ako ng kumot at pinangtakip sa kanya. Mabuti na lang nandito pa kami sa bahay.
"Tumanda nga ako," masayang sabi niya. Saka nilabas yung ulo niya sa kumot.
"Yeah. At dito ka pa talaga sa harap ko uminom. Dalian mo magbihis ka na," utos ko sa kanya.
"Sorry. Nakalimutan ko na nakadamit pambata pala ako," aniya saka nagpeace sign. Tumayo na siya at dali-daling tumakbo papuntang kwarto niya.
"May nakita ka ba?" tanong ni Blaize habang nakatingin ng masama sa akin.
"Wala. Kung may makita man ako hindi ko na kasalanan yun," sagot ko. Wala na din sa akin yun kahit may makita pa ako. Minsan ko na din kasi nakita yun noong kwintas pa ako pero iba na ngayon. Kailangan ko mag-ingat.
"Tsk," umalis na lang si Blaize para siguro sundan si Athena.
"Handa na ako!" sigaw ni Athena. Nakasuot siya ng maluwag na t-shirt at jeans. Saka siya nagsuot ng sumbrero para matakpan tenga niya habang tinalian naman niya ng jacket yung bewang niya para sa buntot niya. Tinirintas niya yung buhok niya dahil siguro sa sobrang haba nito.
"Ngayon lang kita ulit nakitang nagsuot ng ganyan," komento ni Paris.
"Ganito na lang kaya suotin ko ulit kapag tumanda na ako? Ayos lang ba sayo?" tanong niya kay Blaize na nakasunod sa kanya.
"Kahit ano suotin mo, maganda ka pa rin," tugon nito saka siya nilampasan habang namula naman si Athena.
"Ehem. Alis na tayo," sambit ko.
Sabay-sabay kami nagtunggo sa cafe kung saan naabutan naming naghihintay sila Renz.
"Makinig kayo. Kailangan natin manalo para mabawi ang katawan ni Max. Ito lang chance na meron tayo kaya galingan niyo. Erie, magmasid ka mamaya. Baka may demon bang nakabantay kay Marcky," paalala ko sa kanila bago kami magpunta ng court.
Habang palapit kami sa court rinig namin ang pagtalbog ng bola at takbuhan senyales na may naglalaro.
"Sila ba yung makakalaban natin?" tanong ni Athena habang nakatingin kila Marcky.
"Oo," sagot ko.
"Sila yung basketball team ng school diba? Sigurado ka bang kakalabanin natin sila?" tanong ni Renz.
"Oo at nakasalalay sa laban na ito si Max," tugon ko.
"Sila na ba yung makakasama mong matalo mamaya?" mayabang na tanong ni Marcky.
"Mayabang pala ang isang ito," bulong ni Erie.
"Hoy kayo ang matatalo sa amin," sagot ni Athena.
"Cane? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Marcky. Kamukha kasi ni Athena si Cane na kasalukuyang nasa katawan ni Zarah.
"Hindi ako si Cane. Si Zaira ako."
"Sabagay! Imposibleng magsuot ng ganyan si Cane," napalingon siya kay Erie.
"Nandito ka ba para suportahan si Zeque? Pansin ko na close ka sa kanya simula nung nagtransfer siya. Kayo ba?"
"Magkaibigan lang kami ni Zeque," sagot sa kanya ni Erie.
"Tama na ang daldal. Umpisahan na natin ang laban," singit ni Athena. Halatang excited na siya maglaro.
"Natin? Maglalaro ka?" tanong ni Paolo.
"Oo. Kasama siya. Sina Paris, Renz at Zai ang makakasama namin," sagot ko.
"Minamaliit mo ba kami? Babae, isasali mo? Pwede naman siya," sambit ni Marcky sabay turo kay Jiro.
"Ano naman kung babae ako? Baka nga mas magaling pa ako sayo," inis na sabi ni Athena.
"Anong sabi mo?!" sigaw ni Marcky.
"Umpisahan na lang natin yung laban para magkaalaman na," paghahamon ni Athena kaya umayos na kami.
"Dalawang game lang gagawin natin. Katulad ng rules sa basketball game ang gagawin natin," paliwanag ni Marcky. Buti na lang hindi sila Levi ang sinama ko dahil wala silang alam sa ganito.
Nag-umpisa na ang laban, nakuha nila Marcky bola pero hindi sila hinayaang makascore ni Paris. Dalawa sila ni Renz sa depensa habang tatlo kaming nakaabang para sa opensa.
Naagaw ni Renz ang bola at agad niya ito pinasa sa akin. Tumakbo ako patungo sa kabilang court. Sinubukan ako pigilan nila Paolo pero nashoot ko pa rin yung bola. May dalawang puntos na kami.
Mabilis na kumilos si Marcky. Kinuha niya ang bola at agad na nagshoot kahit malayo. Ningisian niya ako ng magshoot ito. Lamang tuloy sila ng one point dahil 3 points yung ginawa niya.
Naging dikit ang laban. Parehong ayaw magpalamang hanggang sa natapos ang first game. Tabla ang score namin na 18.
"Magaling kayo. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na magiging dikit ang laban," komento ni captain sa amin.
"Hindi ako basta-basta nagpapatalo sa isang laban. Kahapon ko pa ito gustong tanungin. Bakit ka sa akin kumampi?"
"Hindi talaga ako payag sa laban na ito. Alam kong hindi sila magpapapigil kaya ito na lang naisipan kong gawin."
Hindi naman ako tutol sa sinabi niya. Sa ugali ni Marcky, alam ko hindi siya magpapatalo.
Nag-umpisa na ang 2nd game. Dikit pa rin ang laban at konting oras na lang ang meron. Tabla pa rin ang score na 31. Nakuha ni Athena ang bola pero wala ng oras kaya hinagis na lang niya ito para i-shoot. Lahat kami tututok sa bola. Umikot pa ito sa ring bago mahulog.
"Waaaahhhh! Pumasok! Panalo kami," sigaw ni Athena. Lamang kami ng dalawang puntos kaya panalo kami. Nag-apiran sila ni Renz.
"Sinuwerte lang kayo." sabi sa akin ni Marcky. Nagulat na lang ako nang biglang dumilim.
"Aaaaahhhhh!" sigaw ng mga kasamahan niya at bigla na lang sila natumba habang nakahawak sa mga paa nila. Namimilipit ang mga ito sa sakit.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro