Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

(Saz)

Napahinto ako sa pagtakbo dahil may biglang humarang sa daanan ko at buti nalang nakahinto agad ako at hindi ako nabangga sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim at saka ako tumingin sa kanya.

"Bat humarang ka?" Tanong ko sa kanya. Mas matangkad siya sa akin. Mas maputi ako tas kulot ang buhok niya pero hindi kasing lala ng kulot ng buhok ko pero masmahaba ang buhok ko.

"Do you know who i am?" Mataray na tanong niya sa akin. Sino ba siya.

Umiling nalang ako sa tanong niya.

"Aber for your info i am the principal of this school, kaya humarang ako sa dinadaanan mo ay dahil no running po dito" Mataray na sabi niya sa akin. Aba muwang ko ba. Hindi naman kasi ako taga dito eh.

"Go to the guidance office and later i will talk to you" Mag rereklamo na sana ako ng bigla naman siya umalis.

First day of school may ginaguidance agad sila kawawa naman ang napasok dito tss.... tss...  poor students.

Inilagay ko na saaking bag ang hawakhawak kong libro.

Umalis nalang ako syempre sa ibang daanan ako dumaan ayoko nga duon sa dinaanan niya baka mamaya maisipan pa noon bumalik edi nakita ako noon. Napaka taray ay daig pa ang meron ay!

Ayoko nang mag basa pa wala na akong ganang mag basa baka kasi may sira ulong lumapit nanaman sa akin katulad kanina. Napaka lala noong isang lumapit sa akin kanina ay parang hindi nakainom ng gamot niya ay hahahaha

First time ko makapunta sa school na ito kaya maka pasyal nga muna. mahaba pa naman ang oras tas mag reready na ako para sa parusa niya wahahahhaha......

Una kong pinuntahan ay yung unang building na nadaanan ko.

Pumasok ako sa loob. Namangha naman ako ng sumalubong sa akin ang napakahangin at napakagandang garden. Akalain mo may garden pala nakatago dito. Siguro mamahalin ang mga bulaklak na nakatanim dito kaya nakatago. hmmmm..... Maaari may ganon school ata.

Pero sa school namin mas maganda ang mga bulaklak tas hindi siya nakatago.

Siguro bat nakatago ay dahil may siraulong estudyamteng naninira ng bulaklak, Dahal wala silang magawa kaya pinag tritripan nila ang mga bulaklak na walang kalaban bulaklak.

Hay kawawa naman yung bulaklak? No way, yung mga estudyante ang kawawa dahil para silang tanga na nakikipag laban sa walang kalaban laban na mga bulaklak.

Pumunta ako sa gitna at umikot ikot ako para makita ang kagandahan ng mga bulaklak at maamoy kung gaano kabango ang mga ito. Napatigil naman ako sa pagikot ko ng mapansin ko na may nanunuod pala sa akin.

"Miss Tagumpay!" Tawag niya sa pangalan na hindi ko naman alam kung kaninong pangalan iyon kaya napatingin naman ako sa aking paligid. wala naman tao kundi ako lang at siya lang. Kaya napataas ako ng kilay.

"Ikaw ang kausap ko miss tagumpay. Bakit ka nandiyan its all ready time na kaya pumunta kana sa section mo" Ha ano daw? Sino ako? Miss tagumpay? Kulang ata na "ma" para matagumpay eh ayon ang apelyido ko eh hindi tagumpay.

"Pupunta ka sa section mo na nag lalakad o pupunta ka duon na higithigit kita ha?!" Walang emotion na sabi niya sa akin. So ano peg niya sa school na ito kung yung isa na daig pa ang meron ay principal eh ano naman siya vice principal naman siya hahahhha lol......

"But may surname is Matagumpay not tagumpay" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"I do not care just go to your respective section!" Sigaw niya sa akin kaya agad naman ako lumabas. Hindi ko nga alam kung bakit ba ako biglang lumabas hindi kaya natakot ako sa kanya. Neh..... Ako matatakot. Hindi no.....

Talagang wala na akong ganang tumambay pa duon.

Napatigil ako sa paglalakad at napaisip.....

"Nasaan nga ba ang building dito ng class room's?!"

"Okay ka lang ba miss?" Napatingin naman ako duon sa nag salita at nasilaw naman ako sa ilaw na nanggagaling sa kanyang mukha. Hala anong liwanag ito. Hala!!!! May himala Hahhahaha lol......

"Hello miss" Natauhan naman ako dahil sa pagtawag niyang miss sa akin.

"Ha ano yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sabi ko okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"Ah oo okay lang ako. Pero hindi ko lang kasi alam kung saan ba dito ang building ng mga class room's para sa grade 10" Sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba. Duon din ako pupunta kaya sumabay kana sa akin" Sabi niya sa akin kaya sinundan ko nalang siya.

Napansin ko na marami siyang daladala kaya naisip kong tanungin siya.

"Kaylangan mo ba ng tulong?"

"Ha? Wag na kaya ko na ito" Sabi niya sa akin kaya hindi ko na  siya kinulit pa.

Pumasok kami sa isa sa mga building.

"Maiwan na kita. Kaylangan ko pa kasi ito ibigay. Sa fourth floor ang room ng grade 10" Sabi niya sa akin kaya nag pasalamat ako sa kanya.

Umakyat naman ako hanggang sa fourth floor ng sinasabi niya. Tinignan ko kung may announcement board sila dito. Sa school namin meron ganon sa bawat class room nakalagay iyon sa labas ng class room. Duon kasi na kikita ang mga announce ment the room.

Tinignan ko ang bawat class room ngunit wala sila noon.

Paano ko malalaman kung saan room ba ako?

Saglit nga lang bat ko ba hinahanap kung saang room ako eh ni hindi naman eto ang school na papasukan ko ah.

Hay nako. Ang tanga ko talaga ay sunod lang ako ng sunod sabagay para makita ko rin kung anong klaseng room ang meron sila.

Baba na sana ako ng may sumigaw kaya napatingin naman duon sa sumigaw.

"HOY ANO GINAGAWA MO DIYAN HA!" sigaw ulit niya. Hala si mataray.

"DIBA SABI KO SA GUIDANCE OFFICE  KA AH!" Sigaw nanaman ulit niya sa akin. Sa akin, oo ako dahil ako lang naman ang tao na kasama niya dito.

Tatakas na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Sumama ka saakin" Nanggigigil na sabi niya sa akin. Hindi na ako makawala sa kanya dahil sobrang higpit ang hawak niya sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako. Hindi mo ba ako kilala" Pananakot ko sa kanya. pero hindi naman siya tinablan nito at patuloy lang siya sa paghigit sa akin. Hanggang sa makarating kami sa guidance office ata. Dahil dito siya lumunta at dito niya ako pinaupo at baka nga guidance office nga ito.

Maliit lang siya.

"Miss nandiyan na po pala kayo eto na po yung pinapakuha po ninyo sa akin" Napatingin naman ako duon sa nag salita at si silaw boy pala.

Ahm Bat silaw ang tawag ko sa kanya paano naman kanina nasilaw ako sa kanya kaya silaw ang tawag ko sa kanya hehehehe.

Tumingin siya sa akin at lumaki naman ang kanyang mata na mukhang nagulat sa akin.

"Uy akala ko ba hinahanap mo yung class room ng grade 10 bat ka nandito?" Tanong niya sa akin.

"Hehehehhe" Yan lang ang nasabi ko sa kanya.

"Kilala mo siya?" Tanong naman ng mataray kay silaw.

"Kanina ko lang ho siya nakilala nag tanong kasi siya kung saan daw po yung building ng grade 10" Hindi naman ako nag tanong ah ikaw kaya yung unang lumapit sa akin at saka ako nag tanong.

"Ah ganon ba"

"Ano po ba ang ginagawa niya dito?" Tanong niya kay mataray.

"Paano naman kasi tumakbo ba siya dito sa loob ng school. Diba bawal ang tumakbo sa school na ito" Ha eh paano yung mga nag lalaro,bawal tumakbo yun? Paano pag may PE tas kaylangan tumakbo bawal din yun. Napaka oa naman ang isang to.

"Eh mukhang bago naman po siya-" Hindi na naituloy ni silaw ang sasabihin niya dahil biglang nag salita si mataray.

"Bago man o luma ang mga estudyante dito rules are rules" Mataray na sabi niya kay silaw.

Grabe naman ang isang to kung maka diin sa rules ah. Bakit bawal tumakbo? ang oa ay.

"Sige po maiwan ko na po kayo diyan" Sabi niya at lumabas na siya.

So ano gagawin ko dito.

Si mataray naman ay nakaupo at may hawak na mga papel na ewan ko kung ano ba iyon.

Kinuha ko nalang ang cell phone ko at sinubukan ko tawagan ulit si daddy baka sagutin na niya.

-kring.......kring.........kring......

-Your nub- blah blah blah. Hay nako bat ba ayaw niyang sagutin. nakakainis na ay.

"So dahil sinuway mo ang batas ay may parusa kang matatanggap" Napatingin naman ako sa kanya. Anong sinasabi niya parusa?

"Ano?" Nagtatakang tanong ko sa  kanya.

"Sabi ko may matatanggap kang parusa dahil sinuway mo ang batas. Madali lang naman ang parusa mo kaylangan mo lang mag linis ng garden" Nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Pero ako!, bat ako?!" Nalilitong sabi ko sa kanya. Dahil lang sa pagtakbo ko ay may parusa na agad ako matatanggap pambihira namna to ay.

Seryoso ba siya sa sinasabi niya o nag loloko lang siya.

Hindi naman siya natawa kaya maaring totoo nga ang kanyang mga sinasabi sa akin.

"Nag loloko po ba kayo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko hondi mag tanong sa kanya.

"Mukha ba akong nag loloko" Napailing naman ako sa kanya dahil sa boses niya, na nakakatakot. Parang gusto niya ako kainin ng buhay.

"Go to the garden at clean the garden. Pag sinubukan mo tumakas humanda ka sa akin!" Pananakot niya sa akin kaya natakot naman ako sa kanya. Kakaiba ang aura na pinapakita niya sa akin.

Agad akong lumabas at nakita ko naman si silaw na nasa may gilid ng pintuan.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Baka kasi hindi mo alam kung saan yung garden namin eh. kaya maari kong ituro iyon sa iyo" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Ah ganon ba. Sige ituro mo sa akin" Sabi ko naman sa kanya. Mabuti na yung may kasama ako mukhang mabait naman siya eh kanina ko pa nga siyang kasama kaya masasabi kong mabait talaga siya.

Alam ko naman ang garden na  sinasabi ni mataray eh yung nadaanan ko ba kanina, Ay hindi pala yung tinignan ko pala kanina tas may nalalaman pa akong pagikot sa gitna hahahaha. Ang weird ko no.

》》》》》To Be CONTINUE《《《《《

Do not forget to...
Vote
Comment
And Share the story

PAALALA:

SORRY KUNG MAY MALING SPELLING O MALING TYPE AKO I EEDIT KO NALANG PAG NATAPOS KO NA ANG STORY.

NO TO COPY WRITING!

ENJOY READING MGA READERSSSS

*****That's all Thank you(^-^)122618

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro