
Three Points of View: Second Chance
Entry to RomancePH's Summer of Hope
Date Published: June 12, 2020
Word Count: 1000
Prompt:
Fritz|Loyd
Second Chance
Tatlong buwan nang hiwalay ang hotel manager na si Fritz at ang boyfriend niya pero heto siya at tuliro pa rin. Napabalik siya sa realidad nang huminto ang elevator na sinasakyan niya at bumukas. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita ang gwapong ngiti ni Loyd, ang babaerong best friend ng CEO nilang si Sir Chase na madalas bumisita at manggulo sa opisina. Biglang uminit ang elevator nang magsara ito. Napapikit si Fritz nang mahigpit sa folder na hawak niya nang bigla nitong pindutin ang emergency button para huminto ang elevator. Hinarap ni Loyd si Fritz na may ngiting delikado para sa kanyang 'di pa magaling na puso.
"So, single ka na pala. May chance na ba ako sa 'yo? Can I be the man to make you happy now?"
🌸🌸🌸
'LET'S BREAK UP, FRITZ.'
Tulalang nakatitig sa screen ng cellphone niya si Fritz habang paulit-ulit na binabasa ang huling mensahe sa kaniya ng dating nobyo. Hindi na niya magawang lumuha pa, naiiyak na niya lahat nitong nakaraang mga buwan.
Tatlong buwan na ang nakararaan simula nang maghiwalay si Fritz at ang dating nobyong si Jordan. Gusto na niyang maka-move on pero hanggang ngayon, sa tuwing mababasa niya ang huling mensahe nito sa kaniya ay parang biglang bumabalik siya sa umpisa.
Paano ba naman siya makaka-move on agad, kung sa isang text lang tinapos ng magaling niyang ex ang relasyon nila? Sa text lang nakipag-break ang walanghiyang ex niya!
Ganoon na lang itinapon ni Jordan ang relasyon nila for almost three years na parang wala lang. Hindi man lang personal, hindi man lang tawag. Hindi man lang nito sinabi kung bakit, basta na lang nawala na parang bula ang lalaki.
Pero kahit ganoon ang ginawa ng dating nobyo ay umaasa pa rin siyang babalik ito at magpapaliwanag sa kaniya.
Naputol ang pag-alala niya sa dating nobyo nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Napaatras siya nang mapagsino ang pumasok. Sa dinami-rami ng taong pwede niyang makasabay sa elevator, ang babaerong kaibigan pa ng boss niya ang nakasabay niya.
"Good morning, Sir Loyd," magalang na bati niya sa binata. She gave him the same smile that she gives to the hotel guests.
"Good morning, Fritz. You look beautiful as always," he answered, giving her the heart-stopping smile she knows pretty well.
"Thank you, Sir." Napatingin siya sa elevator panel. Bakit parang ang bagal-bagal ng elevator ngayon?
"No need to be formal, babe. Just call me Loyd." She hesitantly nodded and focused her eyes on the changing numbers on the panel.
Pero laking gulat niya nang biglang pindutin ng binata ang emergency button ng elevator. Napahawak siya sa metal railing sa gilid niya nang walang ano-ano ay tumigil ang sinasakyan nilang elevator.
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa binata. Mahigpit na napakapit si Fritz sa mga hawak na folders, lalo na nang humarap si Loyd. She felt her heart drop to her stomach when she saw the way he was smiling at her.
'Please h'wag mo muna akong landiin. Hindi pa handa ang puso ko,' piping sigaw niya sa isip.
Napaatras siya nang biglang humakbang papalapit sa kaniya ang binata. Their close proximity from each other making her heart race more. Pakiramdam niya ay biglang sumikip ang sinasakyan nilang elevator. Nakaka-suffocate.
"So, how are you, babe?" Loyd extended one of his hands and it landed on the elevator wall behind her. She could smell his breath, a mixture of cigarette and mint. "I heard some pretty great news from Chase, you know?"
Kunot-noo'ng sinalubong ni Fritz ang tingin ng binata, kahit pa parang hinihigop siya ng itim na itim nitong mata. She needed to compose herself, or Loyd would surely take advantage of the situation. "I don't know what you're talking about, Sir."
"I told you no need to be formal with me." Pakiramdam ni Fritz ay libo-libong boltahe ang biglang naglandas sa katawan niya nang hawakan ng binata ang baba niya. "Call me by my name or I'll kiss you?"
Agad naman niyang iniharang ang hawak na mga folders sa bibig niya, dahilan para humagalpak ng tawa ang binata. His laugh echoed on the four corners of the elevator. Ramdam ni Fritz ang pag-init ng magkabilang pisngi, hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa hiya o ang nararamdaman niyang tensyon sa pagitan nila ng binata.
"Ah, you're really something, Fritz." Ibinalik ni Loyd ang tingin sa kaniya, pero ngayon ay may kakaiba na sa tinging ibinibigay nito. There's still a hint of mischief but it's gentler now.
Humilig papalapit sa kaniya ang binata hanggang magpantay ang mukha nila. Kung hindi dahil sa hawak niyang folders ay paniguradong kitang-kita nito ang pamumula ng mukha niya.
"So..." he trailed. "Single ka na pala." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng binata. The last thing he said was not a question but a statement.
Nahigit niya ang hininga nang mas lumapit pa ang mukha ni Loyd sa kaniya. Automatic na napapikit siya. He's way too close for comfort. "May chance na ba ako sa'yo? Can I be the man to make you happy now?"
The beating of her heart doubled, she could even hear it in her ears. Kung may sakit lang siguro siya sa puso ay kanina pa siya nakabulagta sa sahig ng elevator.
Ah, this should stop.
Humugot siya ng isang malalim na hininga para kahit paano ay kumalma ang puso niya bago idinilat muli ang kaniyang mga mata. She plastered the same smile that she gave him when he first entered the elevator, and lowered the folders that she's holding. She tried to push him using her closed fist, but he just held her hands between his palms.
Binitiwan rin nito agad ang kamay niya. At bago pa man siya makasagot ay tinalikuran na siya nito at saka pinindot ang emergency button. Nagulat siya nang umandar muli ang elevator at makalipas ang ilang segundo ay narinig niya ang 'ding' tanda na narating na nila ang destinasyon nilang floor.
Agad na naglakad palabas ng elevator si Loyd nang bumukas ang pinto. Pero bago pa man tuluyang magsara iyon ay nilingon siya nito at kinindatan.
"Just kidding."
Naiwan siya sa loob ng elevator na tulala at hindi makapaniwala sa nangyari. He just left her there, flabbergasted. Kaya naman nang muli niyang marinig ang 'ding' ay agad-agad siyang lumabas ng elevator. Habol ang hiningang napasandal siya sa pinakamalapit na pader.
'What the heck just happened?' She held her shaking hands up.
Damn! Hindi pa nga siya nakakapag-move on tapos paglalaruan na naman siya ni Tadhana! Isa-isa lang naman at baka tuluyan na siyang mabaliw kapag nagsabay-sabay.
Isang mahinang tunog ang pumukaw sa pag-iinarte niya. Kunot-noong kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nakita ang isang text mula sa isang unregistered number.
'I'm going to make you mine, Fritz - Loyd'
Ah, shit...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro