Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Three Points of View: Conquering Love Full of Adversities

Entry to RomancePH's Summer of Hope
Date Published: June 12, 2020
Word Count: 1000

Prompt:
Nadia|Chase
Conquering Love Full of Adversities

"Mahal mo pa ba siya?" tanong kay Nadia ni Chase, ang CEO ng hotel na kanyang pinagtra-trabahuan at kapatid ni Philip. Secretary siya nito. Sa gulat ay 'di niya alam kung paano ito sasagutin kaya umiling na lamang siya.

"Good. Because I fired him."

Nanlaki ang mga mata ni Nadia sa takot. "Dahil ba sa kapalpakan ko?"

"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"

"Bawal! Nasa company policy iyon," ani ko pero ngumiti lang siya. 

"I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

🌸🌸🌸

YOU CAUGHT HIM HAVING SEX. Well, almost.

Aksidente lang, hindi mo sinasadya.

Pragma Regency Hotel was at its peak of gaining fame when you started working as a secretary for Chase Consunji, the hotel's CEO. Nakadagdag pa sa paglago at pagsikat ng hotel ang pagpasok ni Philip Consunji, nakababatang kapatid ni Chase, sa Showbiz Industry.

Kasabay noon, ang pagdami ng babaeng dumadaan sa buhay ng boss mo. Mga babaeng ipinapakilala ng best friend niyang si Loyd. Araw-araw, iba-iba. Models. Actresses. Business women. You've already lost count.

At dahil ikaw ang sekretarya, ikaw ang naatasang magpadala ng bulaklak sa tuwing matatapos ang relasyon niya. Alam mo sa sarili mo, hindi na parte ng trabaho mo ang inuutos ni Chase, pero ginagawa mo pa rin. He always asked you to give out white lilies. To lessen the guilt, you always made sure that you include a short note that served as an apology for what an asshole your boss was.

One unfortunate day, you caught him about to do the deed with another girl. And of course, it's a different girl from the one you used to send bouquets to.

Hindi mo naman kasalanan na nahuli mo siyang nagbababa ng pantalon habang may babaeng halos wala ng saplot sa ibabaw ng table niya sa kaniyang opisina. Bakit nga ba hindi man lang sila nag-lock ng pinto? Your eyes were no longer innocent because of it.

Malay mo bang gagawin niya iyon sa oras ng trabaho. Ah yes, kahit ano palang bagay ginagawa ng boss mo. At ang dahilan niya—siya ang boss.

That was your set-up ever since you started working for him three years ago. Palaging ganoon. It became your routine, that you're surprised when everything changed just a year ago, or rather your boss changed.

Hindi mo alam kung anong nangyari. All of a sudden, Chase was not the half-assed bastard and womanizer he used to be. Huminto ang pagpunta ng mga babae sa opisina niya, pati ang pagpapadala mo ng bulaklak ay natigil. It was so sudden that you were caught off guard.

Pero hindi mo masyadong pinagtuunan 'yon ng pansin dahil kasabay nang biglang pagpapalit ng ugali ng boss mo, ang biglang pagpapalipad hangin ng matagal mo ng crush sa Finance Department na si Jay-ar Torres.

Nagsimula sa mga simpleng bati at mga pahaging, hanggang sa maging hatid at sunduan. Naging tampulan kayo ng tukso ng mga ka-department niya, pati na rin ng ibang empleyado sa hotel. Nahihiya ka man ay hindi mo kayang ikaila sa sarili mo na unti-unti ka nang nahuhulog sa kaniya.

Lumipas ang ilang buwan, sigurado ka na sa nararamdaman mo para kay Jay-ar. Hanggang isang araw ay nakita mo na lang ang sarili mong nakatingin sa salamin, lumuluha. Hindi mo inakala na ang taong pinag-alayan mo ng puso mo ay may kahalikang iba.

Huminga ka nang malalim at pinulot ang folder na ipinatong mo sa ibabaw ng bathroom sink. Taas noo kang lumabas ng CR at bumalik sa mesa mo. Ipinatong mo sa ibabaw ng file cabinet ang hawak mong folder, bago mo ulit sinimulan ang ibang trabaho mo.

Ibinaling mo ang atensyon mo sa trabaho, kahit pa bigla na lang sumusulpot sa tapat ng lamesa mo si Jay-ar. Nagtatanong kung anong nangyari at bigla mo siyang hindi pinansin.

Ganoon ang naging routine ninyo nang mga sumunod na araw. Susulpot siya at ipagtatabuyan mo. Hanggang sa dumating ang araw na bigla na lang natigil ang lahat ng 'yon. Hindi na biglang sumulpot sa tapat ng mesa mo si Jay-ar, mistulang nawala siyang parang bula.

"Nadia, come into my office." Naputol ang pag-iisip mo nang marinig mo ang page galing sa boss mong si Chase.

Tumayo ka, at nagmamadaling naglakad papunta sa opisina niya. Kumatok ka muna ng tatlong beses bago mo pinihit ang seradura ng pinto.

"Yes po, Sir Chase?" magalang na tanong mo nang makapasok ka.

"Did you give the December financial report to the Finance Department?" Umusbong ang kaba sa dibdib mo habang pilit mong inaalala kung naibigay mo nga ba ito o hindi?

Mahinang napamura ka nang maalala ang nangyari. 'Yon ang araw kung kailan nakita mo si Jay-ar na may kahalikang iba.

"I'm sorry po, Sir." Nakayukong sagot mo sa tanong niya.

Narinig mo ang mahinang pagbuntong-hininga ng boss mo. Naipikit mo ang mga mata mo, inaasahan ang sigaw na pwedeng manggaling sa kaniya.

"Find the report and give it to them, after that bumalik ka rito sa opisina ko."

"Yes, Sir."

Hindi ka na nag-aksaya pa ng panahon at nagmamadaling lumabas ka ng opisina niya. Patakbo mong tinungo ang file cabinet mo, at tulad nga ng hinala mo'y nandoon pa rin ang financial report. Agad mo 'yong dinala sa Finance Department, bago bumalik sa opisina ng boss mo.

"Naibigay ko na, Sir. Pasensya na po talaga." Pero ang inaasahan mong sermon na manggagaling sa boss mo ay hindi nangyari, bagkus ay isang hindi inaasahang tanong ang narinig mo.

"Do you still love, Jay-ar?" Gulat na nag-angat ka ng tingin at halos pagsisihan mo 'yon dahil ang sumalubong sa'yo ay ang matiim na titig ng boss mo.

Nakaramdam ka ng pagkailang dahil sa mga titig ng kulay tsokolateng mga mata niya, na para bang inuudyok kang gumawa ng kasalanan.

Wala sa sariling napailing ka. Hindi mo rin naman kasi alam kung ano ang isasagot sa tanong niya.

"Good because I fired him."

Nanlaki ang mga mata mo sa narinig. "D-Dahil ba sa kapalpakan ko?"

Umiling siya. "No, I just don't like competition."

Tumayo si Chase at lumapit sa'yo. Sa bawat pag-atras mo ay siya namang pag-abante niya, hanggang sa maramdaman mo ang matigas na pader sa likuran mo.

"Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?" Hinawakan niya ang baba mo at marahang hinaplos ang pisngi mo gamit ang hinlalaki niya.

Nanindig ang mga balahibo mo at saka ka napailing. "Bawal po 'yon, Sir. Nasa company policy po 'yon."

Pero isang nakakalokong ngiti lang ang binigay sa'yo ni Chase. "I'm the boss. I can change the rules whenever I want."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro