9 - Reward
NANATILI sina Meika at Trina sa loob ng kotse ni Lorena. Affected na affected sa nasasaksihan nitong sunog sa Commonwealth si Trina. Ilang beses itong napapalatak at napamura nang mahina habang panay ang ugoy sa kaliwa’t kanan ng ulo’t mga balikat nito. Pasilip-silip kasi ito sa bintanang katabi nito o ’di kaya’y sa windshield ng kotse sa unahan nila. Mahirap kasi makita masyado ang mga nangyayari dahil maraming mga nagkakagulong residente na paroon at parito sa harapan ng kanilang sasakyan. Idagdag pa ang mga bumbero, news reporter, at pulis na ginagawa ang kanilang mga trabaho.
Samantala, halos walang katinag-tinag si Meika sa kaniyang puwesto. Nakaupo siya sa back seat, katabi ni Trina, ngunit parang wala sa loob ng kotse ang kaniyang isip.
Her hands fiddled with her keypad cell phone while her eyes stared past it, blankly into nowhere. She was thinking about Eli. Pinakikiramdaman niya ang sarili.
Nagpapadalos-dalos ba siya kung desidido na siyang makipag-break sa lalaki? Kailangan ba nila mag-usap uli nang masinsinan bago niya ito iwan? Bigyan ito ng second chance?
Meika raised her eyes when the car door at the front opened. Humahangos na umupo so Resty sa passenger seat. Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng upuan at nilingon sila.
“Kumusta?” medyo humihingal nitong ngiti sa kanila.
“Bago ka mangumusta, mag-ayos ka muna, bossing,” concerned na saan ni Trina sa lalaki.
He lowered his head and raspily chuckled a bit. Tahimik nitong sinunod ang suhestiyon ni Trina sa pamamagitan ng pagkandong sa waist bag nito para maglabas ng towel at punasan ang pawisan nitong mukha at leeg. His following movements were swift. Animo’y nagmamadali. He wiped his arms too, but they still glistened with wet, like a sparkling transparent gloss was coated over his skin. Bumakat sa shirt nito ang pawis kaya napapalatak ito bago naglabas ng nakarolyong V-neck shirt mula sa kandong na bag. He swiftly took off his shirt, revealing his hard torso smooth and glistening with sweat, looking tasty like the sweet surface plain glazed donut. Pinangpunas nito ang pawisang shirt bago isinuot ang panibagong damit.
He dabbed the sweat on his face, forehead, and damp hair with his used shirt and turned his head to their direction again. Natigilan ang lalaki nang magtama ang kanilang mga mata.
His lips dropped slightly open for a minute, as if ue froze out of fear for being caught red-handed. Then, he was brought back to reality.
“Shucks. Sorry. Ano . . . Nagbihis ako nang walang pasintabi—”
“Ano?” lingon ni Trina kay Resty. Walang nakahalata na pagkatapos nitong sabihan ang reporter na ayusin ang sarili ay nagpatuloy ito sa pagsilip sa bintana sa nagaganap na sunog.
Resty slowly shook his head. “Nothing.” Then, he shifted his eyes on her. “Kumusta?”
“Bakit pawis na pawis ka?”
“A, medyo lumapit kasi ako sa nasusunog na bahay. Sobrang init, pero kailangan ko pumuwesto roon habang fini-film ni Lorena.”
“Nasa’n si Lorena?” singit naman ni Trina.
Nanatili kay Meika ang mga mata ni Resty. “Naiwan doon. She’s . . .” Umiling ito saglit at inilipat agad ang tingin kay Trina. “She’s filming some shots in other angles. Para sa graphics ng news studio kung sakaling kakailanganin. Babalik din siya rito pagkatapos, kaniya itong kotse, e.”
“Matagal pa ba?” nag-aalalang tanong ni Meika. Mabilis na napatingin sa kaniya si Resty. “B-Baka kasi nag-aalala na ang nanay ko, e.”
Trina gently poked her side with her elbow. “Bakit naman mag-aalala? E, kasama mo ako?”
“Baka abutin na tayo ng gabi sa pag-uwi, Trina,” panlalaki niya ng mga mata sa kaibigan. Then, she looked at Resty again. “Magko-commute na lang siguro kami. Baka kasi nakakaabala na talaga kami sa trabaho n’yo rito. Pinuntahan ka lang naman namin para ibalik ang wallet. Wala kaming balak magtagal dito sa Kyusi.”
Resty’s anxious expression suddenly turned firm. His eyes seemed to intensely focus on her, as if a million thoughts began running at the back of his mind.
“Okay. Ite-text ko na lang kay Lorena kung nasaan tayo. Let’s go.”
Gulat na napasinghap si Trina. “Let’s go saan?”
Hindi yata ito narinig ni Resty. He moved so swift. Pagkayaya nito sa kanila ay nakalabas na ito ng sasakyan at naisarado na ang pinto ng passenger seat. Napakibit na lang ng mga balikat si Trina at binuksan ang katabi nitong pinto para lumabas na rin.
Meanwhile, before Meika could even touch the door handle, Resty already opened the car door for her. Mabilis siyang bumaba at magkatabi sila ni Trina sa paglakad-takbo habang binubuntutan si Resty na nangunguna at malalaki ang mga hakbang.
Sinundan nila ang lalaki at nang marating ang isang pedestrian lane at mabilis itong lumingon sa kaliwa’t kanan nito. Walang-lingon na umatras si Resty at inabot ng isang kamay ang likuran ng balikat ni Trina. Ang kaliwang kamay naman nito at umalalay sa siko ni Meika. And together, they walked along the pedestrian lane until they reached the mall complex on the other side of the street. He immediately released them before entering the mall complex.
Pagpasok sa mall complex ay napabuntonghininga si Meika dahil sa ginhawang dulot ng air-conditioning na sumalubong sa kanila.
“Saan ninyo gustong bumili ng pagkain?”
Panay ang lingon sa paligid ni Trina. “Sa mall tayo kakain? Mahal yata rito.”
“Naibalik n’yo na naman ang wallet ko, kaya wala tayong magiging problema sa pambayad,” sulyap saglit ng nauuna uli sa paglakad na si Resty rito.
“Jollibee na lang? Ano, Meika?” lingon ni Trina sa kaniya at nag-aabang na ng kaniyang sagot.
Meika was still looking around. Namimilog ang mga mata niya. Marami na siyang napasyalan at napag-window shopping na mall sa Muntinlupa pero namamangha pa rin siya dahil first time niyang makapasok sa mall complex na ito. Isa pa, iniisa-isa rin niya ang mga nadadaanang shop at restaurant, para makapamili kung saan kakain.
“Meika?” usig sa kaniya ni Trina nang matagalan siya.
Lilingunin na sana niya si Trina, pero bago makita ito ay unang madadaanan ng kaniyang paningin si Resty kaya ito ang una niyang nakatitigan sa mga mata. He immediately looked away so he could look where he was going.
Meika finally turned to Trina and nodded. “Sige. Sa Jollibee.”
Pagdating sa Jollibee ay pinapili muna sila ni Resty ng o-orderin bago ito p Ite-take out daw ang mga pagkain para makaderetso na sila ng uwi at hindi gabihin sa kalsada. Meika originally asked for a simple hamburger and softdrinks, but Trina playfully persuaded her and Resty to buy a bucket of fried chicken for them instead. Puwede na raw kasing panghapunan ang matitira. Hiyang-hiya man si Meika dahil parang sobra-sobra na ang nire-request ni Trina, hindi niya na iyon isinaboses dahil mabilis na pumayag si Resty. He even seemed so nonchalant about buying them a bucket of fried chicken. Iyong tipo na parang walang nakagugulat doon.
Trina and Meika seated on a vacant table while they wait for Resty to buy their food. Hindi maiwasan ni Meika ang mapatitig sa lalaki para pag-aralan ito. She wondered why he had to bother this much just to reward them for returning his wallet. He could just thank them and let them leave.
“Titig na titig, a? Mag-move on ka muna kay Eli, uy!” tukso sa kaniya ng nakangising si Trina.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Pinagsasasabi mo? Inoobserbahan ko lang siya?”
“Ano naman ang inoobserbahan mo? Ang mga masel sa braso o ang pecks?” nanunuksong pigil nito na pagtawanan siya.
“Sira ka!” palo niya sa braso nito. Napaatras tuloy ang tumatawang si Trina habang hinahagod ang napalo nitong braso. “Ang weird kasi, bibilhan pa tayo ng fried chicken! Tapos ihahatid pa tayo sa Muntinlupa!”
“E, iyon daw ang reward sa pagbabalik natin sa wallet niya, e,” kibit-balikat ni Trina. “Ano’ng wirdo ro’n?”
Napalabi si Meika at nagnakaw uli ng sulyap kay Resty. Nakapila pa rin ito pero mukhang may katext. Ginagawa na ba nito ang sinabi kanina na ite-text ang camera woman nito kung saan sila pupunta?
“Totoo nga ba na may mga mabubuti pa ring tao sa mundo? Iyong totoong mabuti? Hindi ’yong pakitang-tao lang?”
“A, pakitang-tao man iyan o hindi, tatanggapin ko ang fried chicken at sasamantalin ko ang makalibre sa pamasahe para makauwi sa atin!”
“What if, hindi niya tayo ihatid pauwi?”
“Wow. Sure ka na r’yan? Reporter sa TV, naging kidnapper?”
“E, ano ba ang dapat kong isipin? Na magtitiwala ako agad sa kaniya?”
Tinanaw ni Trina si Resty. Her friend squint her eyes a nit before answering. “Bakit ba masyado mong ino-overthink ang mga ginagawa no’ng Restituto . . .” Trina trailed off the slowly return her eyes on her. This time, a teasing smirk was on her lips and a teasing gaze was in her eyes. “Ahh . . . Type mo na, no?”
“Ano’ng type!” naeeskandalo niyang depensa.
“Naiilang ka siguro. O baka iniisip mo, kursonada ka niya kaya nag-e-effort nang ganito. Uyyy!!!”
“Kaka-break lang namin ni Eli, okay? Kaya huwag mo nga akong tuksuhin do’n sa reporter.”
Trina waved a hand dismissively. “Sige, atin-atin na lang.”
Napailing na lang siya. Wala naman kasing katotohanan ang mga patutsada ni Trina. Meika was just not used to this grand gesture of gratitude.
When Resty returned, he handed the bucket of fried chicken to Trina. Then, he carried a paper bag with one hand that seemed to contain some hamburgers. And on his other hand, there was a cup carrier with four medium-sized drinks in it.
Bumalik sila sa kotse at nadatnan na nakasandal sa gilid nito si Lorena. Kumuha ito ng isang cup ng softdrink at uminom nang kaunti. Habang umiinom ito ay pinauna sila ni Resty sa pagpasok sa kotse. Then, Meika saw through the closed window that Resty and Lorena were talking.
At first, they seemed to talk so casually. But a few minutes later, Lorena’s jaw dropped and they seemed to have a little argument. Mukhang si Lorena ang sumuko dahil nauna ito sa pagpasok sa kotse. She took the passenger seat this time.
Resty got into the driver’s seat and drove them back to the TV network building. Iniwan nila rito si Lorena bago sila hinatid ng lalaki sa Muntinlupa.
This time, the only voice that could be heard in the car was coming from the radio. Nasa news station ito kaya ang mabibilis at malilinaw na boses ng mga reporter ang kasama nila buong biyahe.
Trina and Meika could not even talk. Pinalipat kasi ni Resty ang isa sa kanila sa passenger seat at nagpresinta si Trina dahil mas malawak daw ang view ng kalsada roon.
So to pass the quiet time, Meika played Snake in her cell phone. Every now and then, she would observe Trina or Resty. She noticed that Resty didn’t just turn on the radio to get away from any awkward conversation with them. He seemed to be listening intently to the news. Sa unang tingin, tila walang reaksiyon sa mga balita ang lalaki. He looked so stoic, but when her eyes happened to glance at his lips, that’s where he saw his emotions. Bahagyang kumikibot ang mga labi ng lalaki kapag masama ang balita. Kapag maganda ang balita, bahagyang umaawang naman ang mga labi nito na para bang nakahinga ito nang maluwag.
It was already eight in the evening when Resty dropped them off in front of a mall. Lingid sa kaalaman ng lalaki na aakyat pa sila sa isang overpass at lalagpas nang kaunti sa palengke na mabababaan nila bago marating ang mismong bahay nila.
It was Trina who verbally thanked Resty for the reward they got. Resty was gracious enough to accept their appreciation as he thanked them too for returning his wallet. He stared at her for quite a long time, as if he was waiting for her to thank him too, verbally, for the reward. Pero naisip ni Meika na nasabi na ni Trina ang gusto niyang sabihin, kaya nginitian na lang niya ang lalaki bago tuluyang naghiwalay ang kanilang mga landas.
***
“FINALLY!” nanggigigil sa galit na hablot ni Lorena sa car keys nito mula kay Resty.
He just chuckled at her. “O, makasasama sa baby ang ma-high blood! Kaya chill ka lang, Lorena!”
“Baby ka riyan?” masungit nitong turan. Hindi naman niya magawang magalit kasi kilala niya na si Lorena. Talagang umiinit ang ulo nito kapag binigyan ng sa tingin ng babae ay unnecessary inconvenience. “Damn! You’re unbelievable! Talagang inaksaya mo ang gas ko para ihatid hanggang Muntinlupa iyong dalawang babae!”
“Gagabihin na kasi sila sa biyahe. Mabuti na iyong makauwi sila nang safe. They returned my wallet.”
“So, how was it? Hindi ka ba nila hinoldap on your way back to Muntinlupa?”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Pinigilan niya ang matawa sa kawalan ng katuturan ng pagsususpetsa nito. “At bakit naman nila ako hoholdapin?”
“Well, who knows? They could be really planning to get you alone, para mapagtulungan nila.”
“Kaharap mo lang ako? I am back, and in one piece! I am fine! They seem to be nice people. Halata nga na nahihiya sila kahit papaano dahil nagpresinta pa akong ihatid sila pagkatapos kong bilhan ng fried chicken. So, as much as possible, pinigilan ko ang daldalin sila para hindi na maging awkward pa lalo.”
“How sweet,” sarkastikong saad ni Lorena. Kasalukuyang abala na ito sa pagpasok ng camera at iba pang gamit sa kotse.
Tiningala saglit ni Resty ang TV network building. “I need to clock out first. Mauna ka na sa pag-uwi.”
Tinaasan siya ng kilay ni Lorena. “Talaga! Hello, alas-dos na ng madaling araw!” Umiiling-iling na sumakay na ito sa driver’s seat. “Kung hindi ka lang pinsan ni Ricky, hay naku, Resty!” Then, she slammed the door shut.
Nilingon niya ang babae at nginitian. “Sorry for the inconvenience, Lorena. But it was worth it.” He puleldout his cell phone and checked it for any unread messages. As Lorena drove away, Resty started walking inside the building. “At least, I got to savor the last moments with a person I will never meet again. It’s the most rewarding thing ever.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro