6 - Introduction
“ARE you sure about this?” Istela asked Meika while watching her put on a shell necklace in front of the mirror on the hotel’s white vanity table.
“Of course, Istela. Ngayon pa ba ako aatras, e, nasabihan na ang anak ko na magkikita kami ngayon?” Meika smiled as she thumbed the pendant of her necklace.
The shell necklace is one of the necklaces that is close to Meika’s heart. It looked like Ursula’s necklace in the movie, The Little Mermaid, but smaller and gold-colored like its chain. It’s special because it reminds her of what it represents in that movie—that whoever wears that necklace possesses Ariel’s beautiful and powerful voice.
She wore this necklace today because she needed a beautiful voice, in a sense, since her aim is to capture her daughter’s heart through words.
Hindi biro ang mahiwalay dito ilang buwan mula nang ipinanganak ito hanggang ngayon. Hindi biro na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakikita ng kaniyang anak. Sigurado si Meika na maraming katanungan na ang gumugulo sa isipan ng bata tungkol sa kaniya—kung ano ang hitsura ng nanay nito o anong klaseng tao ito—kaya kailangan niya ng boses na magiging maganda sa pandinig nito. She wanted to tell her daughter the truth, but that might be too much for a child to bear. So, she decided to sugarcoat some part of it, or what others call ‘filtering.’ Hence, her need for a ‘beautiful’ voice.
“I know. But we can postpone it. Are you prepared on how to explain to your daughter? How are you even going to introduce yourself to her as her mother and separate it from your image as a singer?” ekis ni Istela ng mga braso habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kuwarto at pinapanood pa rin ang bawat kilos niya.
Meika stood up, slowly turned around and faced Istela. She looked gorgeous in her body contouring yellow ribbed dress with spaghetti straps and low v-neckline. The slightly mustard-like shade of yellow compliments her glowing brown skin so well. Her hair was tied up into a neat bun with a few hanging hair strands on both sides of her face.
She smiled. “Of course, I am prepared. E, ikaw? Handa ka na ba?”
Nagdududang nagtaas lang ng isang kilay ai Istela. “As you can see, I’m already dressed up.”
Pinasadahan niya ito ng tingin. Meika internally groaned because Istela was wearing her usual kind of attire—a white button-down blouse topped with an open, black blazer. Instead of a pencil skirt, she put on a pair of tight, black, cropped pants. And finally, a pair of black high heels. Her wavy, blond hair was tied in a low ponytail. She groaned because Istela’s taste in fashion is very different from hers. She respects it, but she felt a sense of superficiality about it. Hindi naman siya makapag-demand kay Istela na manamit kung paano manamit kapag hindi nagtatrabaho. Kung siya nga naman kasi ay pili-pili lang ang ikinukuwento rito, bakit pa siya magde-demand na magpakatotoo si Istela sa kaniya? Na manamit na parang wala ito sa trabaho o hindi nagtatrabaho?
“For Pete’s sake, when are you going to wear the accessories I bought for you?”
“Nah. Not gonna use them. They’re nothing but hassle.”
“What hassle?” reklamo niya habang nakaupo na sa dulo ng kama at nagsusuot ng puting peep-toe high heels.
“It’s hard to move with them.”
“Paanong ‘hard to move with them?’” Tumayo siya agad pagkatapos magsapatos. “They’re just accessories.”
“A ring, a necklace, a bracelet, a watch . . . they can get caught onto something.”
“On very rare occassions!” Hay, hindi niya talaga ma-gets itong si Istela. Hindi naman ito artista o stunt woman para problemahin ang mga ganoong bagay pagdating sa accessories.
Meika picked up her shoulder bag—a caramel-colored hobo made of leather. Meanwhile, Istela turned around and headed out of her room. Naglabas ito ng cell phone mula sa bulsa at mabilis na tinawagan ang driver na si Caloy. Habang tuloy-tuloy sila sa paglalakad ay pinagbuksan sila ng pinto ng bodyguard na si Rommel. Huling lumabas ng hotel ang lalaki na nag-lock sa pinto bago bumuntot sa kaniya.
“Caloy,” ani Istela na naglalakad sa unahan niya. “Where’s the car?” Pause. “Good. Meet us at the hotel front. Now.”
Paglabas ng hotel ay pinagbuksan agad si Meika ni Caloy ng pinto sa back seat. Umupo siya rito bago tinabihan ni Rommel para sa kaniyang proteksiyon. Si Istela naman ay pumuwesto sa harap, katabi ng driver.
Sa kasagsagan ng biyahe ay nakailang hina nang malalim si Meika. It was only at this moment when the feeling of both excitement and nervousness began sinking in.
It had been thirteen years. She had been absent in her twelve-year old daughter’s life for twelve years. How is she going to deal with her daughter’s reaction when they meet? Tiyak na may mga bagay na isusumbat ito kahit papaano. Katulad na lamang ng desisyon niya na huwag magpakita rito o huwag man lang ito bisitahin noong bata pa ito.
The car stopped in front of a white gate. Bukas ito ngunit hindi puwedeng ipasok ang sasakyan kaya bumaba sina Meika habang naiwan sa sasakyan si Caloy para hanapan ito ng mapaparadahan.
Sumalubong sa grupo nila ang mayabong na puno na nilalambitinan ng mga baging na pula ang mga dulo. It was around 10:30 in the morning. Marami pang bakanteng upuan sa loob ng café, pero pumuwesto si Meika sa labas at wala pang katao-taong tropical themed, al freco dining setup ng mga mesa roon. Pinili niya iyong table set sa pinakabungad na gawa sa rattan. She seated on the chair close to the white, cemented plant box. Naghila ng upuan si Rommel mula sa kabilang mesa at umupo sa tabi niya para bakuran siya. Si Istela naman ay pumasok sa café para kumuha ng kopya ng menu card nito.
Hindi siya kinakabahan na may makakilala sa kaniya rito o pagkaguluhan siya. Una sa lahat, wala naman kasi siyang plano magtagal dito. As soon as her daughter arrives, they’ll order some take-outs then leave this café. What a waste, because the lush green plants all over the place looked so refreshingly pretty and the air was cool here. Masarap tambayan.
Ilang minuto lang at lumapit na sa kanila si Istela. Napansin nito na isa na lang ang bakanteng upuan kaya naghila ito ng upuan mula sa kabilang mesa at itinabi iyon sa uupuan ng anak niya bago ito umupo. She handed her the laminated menu card.
“Pick your order already. So we won’t run out of time.”
“My daughter has to order too.”
“Later. When she arrives. But we have to place our orders already, to avoid other customers from holding us up.”
“Fine,” she sighed before looking at the card.
To their shock, a group of people entered the gate. Mabilis na humarap sa katabing mga halaman ni Meika para itago ang mukha. Mabuti na lang at dumeretso ang mga ito sa loob ng café at hindi sa al fresco dining sa bakuran nito.
“Akala ko, tagong place ito?” mahina niyang tanong kay Istela.
“It is. I saw on the Internet. They ca this café a hidden gem.”
“E, bakit maraming tao?”
“It got popular now, I guess.”
Ibinalik niya agad kay Istela ang menu card at sinabi rito ang kaniyang order. Hinintay pa nilang makapamili si Rommel bago tinawagan ni Istela si Caloy habang pabalik sa loob ng café. By this time, they had no choice but to get back in her car. It was parked outside, along the wall so greenw with plants.
Habang naghihintay sa loob ng kotse ay natanaw ni Meika ang pagtigil ng traysikel sa tapat ng puting gate ng café. Bumaba mula roon ang dalawang babae. Ang isa ay halos kaedad niya. Ang isa ay hindi nalalayo ang tangkad dito, pero medyo bilugan ang katawan.
Nanlaki ang mga mata ni Meika nang makilala ang mas nakatatandang babae. Pumasok sila agad sa gate pagkabayad sa tricycle driver. Muntik na siyang bumaba ng kotse pero hindi matuloy dahil nasagi ng braso niya si Rommel. Naunahan siya nito sa pagbukas ng pinto ng kotse.
“I’ll bring them here.”
“Let them order first, please,” pakiusap niya rito.
Rommel nodded and turned to Caloy. “Pakibantayan si Ma’am, Caloy.”
Tumango lang si Caloy bilang tugon. Bumaba na ang kaniyang bodyguard.
Nanghihinang napasand si Meika sa kinauupuan. Tila nagkakarerahan ang kaniyang puso at paghinga. Parehong bumilis ang mga ito. Hindi niya masyadong nasilayan ang mukha ng kaniyang anak dahil sa bilis ng pangyayari pero ganito na katindi ang epekto ng presensiya nito sa kaniya. Huli na nang namalayan ni Meika na naluluha na pala siya.
Confusion appeared in her misty eyes. What is this mix of feelings? Happy and sad, both and all at once, like sunshine through the rain.
Nanghihinang napayuko siya habang naglalabas ng tissue mula sa kaniyang shoulder bag. Maingat niyang pinunasan ang nagbubutil na luha sa bawat sulok ng kaniyang mga mata bago pa tumulo ang mga ito. She took in a deep breath and released a staggering sigh when the car door opened. Pigil niya ang paghinga noong una. She was expecting to see her daughter, but instead, it was Istela, carrying a cup holder with four cups of cold coffee in it. On her other hand was a brown paper bag that contained their food.
Inalok nito sa kaniya ang cup holder para hugutin ang coffee cup na para sa kaniya. Pagkatapos ay isinara nito ang pinto at sumakay front seat. Ipinatong nito sa dashboard ang cup holder habang hinahalungkat mula sa paper bag ang cream cheese waffle na para sa kaniya. As soon as Istela handed it to her along with a straw for the coffee cup, Meika could not help asking.
“Si . . . Ang anak ko? Nakita mo bang pumasok sa café?”
“Ah, yes. Rommel is already accompanying her and her guardian.” A smile crept on Istela’s lips. Nagmamadaling napayuko ito at naghalungkat uli sa paper bag. “Caloy,” abot nito ng naka-wrap na sandwich sa driver.
Meika smiled and nodded. Tama nga ako. Sila nga ang nakita ko kanina.
Inilapag niya sa kandungan ang naka-wrap pa na cream cheese waffle. Pagkatapos ay akmang itutusok na niya ang straw sa cup nang matigilan. Napalingon siya sa dark-tinted window ng kotse. Nakita niya ang bulto ni Rommel na binubuksan ang pinto ng kotse bago ito umusod para magbigay daan sa dalawang babae na nasa likuran nito.
Her eyes widened as the door slid open, revealing a young girl to her. She had long, straight, black hair just like hers. A smooth brown skin just like her. Gentle, droopy eyes just like her, and pouty lips. Meika held her breath, admiring her daughter and how pretty she looked. Her lips shone with a touch of pink lip gloss. Her cheeks were kissed by a light blush-on powder. She has a round face and round shaped body, clad in a cute white dress with ruffled straps and prints of blue-colored flowers.
Napaawang ang mga labi ng dalagita sa gulat. Katulad niya, tila naglaho ang lahat ng nasa kanilang mga paligid. All that they could see were each other. All that they could feel is the sudden stop of their breathing and heartbeat.
Bahagyang nayanig siya nang tumili ito.
“Mommy Trinaaaa!!!” Muntik pa nito mabitiwan ang hawak na cup ng fruit juice. “Malayo pa ang birthday ko, bakit?!” Mangiyak-ngiyak na ito sa galak. “Sabi mo, si mommy ko ang makikita ko. Iyon pala, mami-meet ang greet ko si mother that keeps mothering! Aahhh!” Nilingon siya uli nito habang niyuyugyog sa braso ang Mommy Trina nito. Bakas sa pamimilog ng mga mata ng dalagita na gusto na nitong tumigil sa katitili pero hindi magawa. “Jen!!! Miss Jen!!!” excited na sumampa ito sa kotse at niyakap siya. Nahihiyang lumayo rin ito agad. “Sorry! Consent nga pala!” nahihiyang tawa nito habang nagpipigil mapatili. “Can I hug you po?”
Meika could feel the tears filming her eyes again. Pinahawak muna niya kay Istela ang kaniyang coffee cup at nilapag sa upuan ang nakabalot pa na cream cheese waffle. “Y-Yes.”
“Yes!!!” ipit ang cute na boses na bulalas nito bago siya niyakap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro