18 - Padespedida
RESTY regained his consciousness inside a dark room. For a moment, he thought that he was transferred somewhere more secluded, like a secret headquarters or an abandoned warehouse, but instead, he found himself still inside the computer shop.
The center of the room was cleared, all cubicles with the chairs and desktop sets on them were shoved on both sides of the room. A pop music still played in the background, for the obvious purpose of drowning the voices in this place.
Resty tried to stand up, and he just found out that he was restrained in a monobloc chair. Kayang-kaya niya itong mabuhat kahit nakatali siya rito, ngunit hindi puwede dahil maraming maaangas na mga lalaki ang nakapaikot sa kaniya, ang mga customer na nakita niya kanina sa comshop. He glanced at the door and saw between the gaps of taped posters and signages a silhouette of a man, probably standing on guard outside ghr computer shop.
Ibinalik agad ni Resty ang tingin sa harap. Napukaw kasi ang atensiyon niya ng marahan ngunit maawtoridad na paglalakad ni Mang Philip. The old man, who was probably in his sixties already, didn’t have to wear lavish clothes or formal suit and ties to exude authority. His dark, stone face; thin, graying hair; lifeless eyes; pair of board shorts; and wrinkled dirty white, round-neck T-shirt were enough. Straight-faced, he paced slowly and gallantly in front of him, back and forth. He was gently patting a black expandable baton stick on his palm without throwing a single glance at Resty, or at anyone in the room. Habang pinapanood ang matanda, namuo ang nagyeyelo na nerbiyos sa kaniyang naninigas na sikmura. Resty was quick in assessing a situation. He could tell rightaway that he unfortunately fell into the den of his enemies, into a territory of Buenos Mafios. And these men, including Mang Philip, were either the bosses or the tools of this organization.
Huminto si Mang Philip sa paglalakad kasabay ng paghablot nito sa baston na ang disenyo ay mas manipis kaysa sa karaniwang nakikita na baston ng mga pulis. He turned to face Resty.
“Akala mo siguro, mautak ka, bata.” He spoke in a low yet chilling tone. Kasing lamig ng tono ng pananalita nito ang klase ng tingin sa kaniya ng mga mata nito kung saan sumisilip ang pagkahalang ng kaluluwa nito. Bahagyang nakaangat ang baba ng matanda, tila ipaparamdam nito sa kaniya kung gaano siya kababa sa paningin nito. “Sa comshop mo pa talaga naisip buksan ang files ng flashdrive para hindi matunton ang mismong tinitirahan mong peste ka.” He cradled the baton stick on his palm and let its surface gently stroke his skin, as if he was caressing it. His face remained stoic. “Malas mo nga lang dahil, papunta ka pa lang, pabalik na ako. Kasing linaw ka ng mga balitang nire-report mo, kaya basang-basa ko ang ipinapahiwatig ng mga kilos mo.”
Resty still could not believe that a senior citizen successfully spearheaded this manhunt. Lalo na at hindi niya masyadong pinapansin ang matandang ito na palaging namimili sa karinderya nina Aling Mika!
Mang Philip might have caught him, but he would not give him the satisfaction of seeing him scared, though. Resty collected all his courage. Matatag niya itong sinagot.
“Sigurado ako na nakuha n’yo na ang flashdrive nang nawalan ako ng malay. Kaya bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras? Bakit hindi n’yo na lang ako pakawalan?”
“Pakawalan?” Then, Mang Philip scoffed. “Pagkatapos mo kaming pahirapan, basta ka na lang namin pakakawalan?”
Mabilis na yumuko nang bahagya si Mang Philip na sinabayan ng malutong na tunog ng paghaba ng expandable nitong baston. In one swift stroke, he smacked Resty’s leg.
Resty howled in pain. Muntik nang tumaob pahiga ang upuan dahil sa gulat at sakit na tila kumuryente sa kaniyang buong katawan.
Nang ibalik ni Resty ang tingin kay Mang Philip ay nakatayo na ito ng tuwid. Nanatiling nakababa ang mga kamay nito, hawak pa rin ng isa ang baston habang nasa malayo ang tingin.
“Huwag kang mag-alala, Resty Fondejar. Bubuhayin ka namin dahil bukod sa may koneksiyon ka sa media, ang pagkabuhay mo ang makatutulong para hindi ka paniwalaan ng mga tao sa oras na maisip mong ibalita ang tungkol sa amin at sa organisasyon. Pero hindi ka aalis dito nang hindi natuturuan ng leksiyon.” Mang Philip slowly turned and gave him a chilling glare. As quick as the wind, Mang Philip extended his hand to trace the tip of his baton along Resty’s throat, trailing upward to tip his chin up and squarely meet his deadly yet lifeless stare. “Sisiguraduhin ko na hindi mo makakalimutan ang leksiyon na ituturo ko sa ’yo, bata. Ang leksiyon? Ang manahimik at itigil ang pakikialam sa mga nananahimik!”
In a flash, Mang Philip flicked the tip of the baton to the left and slapped Resty’s cheek with it!
***
MAG-AALAS-OTSO na ng gabi. Nagtataka si Meika kung bakit mag-iisang oras na ay wala pa si Resty sa tapat ng karinderya.
Nag-setup sila sa gilid nito, na tapat mismo ng bahay nina Meika, ng ilang mga mesa at upuan para sa mga dadalo. Umupo na rito ang ilan sa mga kabarangay na inimbita ni Resty, at si Mickey na nagyaya ng ilan sa mga kalaro nito sa basketbol na nakakalaro din minsan ni Resty tuwing may oras ito sa umaga. Habang inaasikaso ni Aling Mika at Mami Karlo ang pagkain at inumin ng mga ito ay abala naman si Meika sa pag-aabang kay Resty.
Nakatayo si Meika at Trina ilang hakbang ang layo mula sa mismong karinderya, sa tabi ng kalsada kung saan makikita nila agad si Resty kung sakaling mapadaan o malapit na ito. For this occasion, Meika decided to wear her overused pair of flipflops, fringed denim shorts, and a black, long-sleeved button down V-neck shirt made of thick cotton. Ang katabi niyang si Trina naman ay naka-oversized hoodie na pula, tsinelas, at tokong shorts. Habang tinatanaw ni Meika ang direksiyon na dapat ay pagmumulan ng lalaki, panay naman ang tawag ni Trina sa cell phone nito na ilang beses nang hindi nasasagot. Kahit ang mga text ni Trina kay Resty ay walang natatanggap na reply.
Naiinis na ibinaba sa wakas ni Trina ang cell phone. “Ano na ang nangyari do’n? Pupunta ba siya o ano? Mag-iisang oras na siyang late!”
Meika didn’t glance at her best friend. “Siguro naman pupunta siya. Hindi puwedeng hindi, e, nag-abala at gumastos tayo para dito sa padespedida niya. Nag-abot din siya ng pera kay Nanay, kaya imposibleng hindi siya pumunta.”
“O, e, bakit wala pa nga siya?”
Inirapan niya ito. “Kaya mo nga siya tinatawagan at tineteks, ’di ba? Para maagot iyang tanong na ’yan?”
“Pa’no masasagot, e, wala ngang reply si Resty sa akin? Ni tawag ko, hindi sinasagot!”
Bahagyang umaliwalas ang mukha ng nag-aalalang si Meika. “Sunduin na kaya natin?”
“Sunduin? Alam mo ba kung saan siya nakatira?”
“Oo,” mabilis niyang sagot.
Napangisi si Trina. “Aba, mukhang nakapasok ka na sa bahay ni Resty . . . Bakit? Ano ang ginawa mo ro’n? Ha?”
“Ang dami mong tanong,” hila niya sa braso ng kaibigan para tahakin na nila ang kalsada. “Tara na at puntahan na lang natin siya!”
Nang makarating sa apartment ay una nilang hinanap ang landlord nito na nakatira sa ground floor ng tatlong palapag na parentahan.
Kuryosong nagpalipat-lipat ang tingin ng matandang babae na si Lita sa kanila. “Bakit n’yo ’ko hinahanap?”
“Ka Lita,” ani Trina rito, “puwede po bang pumasok? Pupuntahan lang namin si Resty.”
Kumunot ang noo ng matanda. “Sige.”
Pagkapasok sa maliit na pantaong gate ay inakyat nila ang makitid na hagdan sa gilid ng bahay para marating ang ikatlong palapag nito. Nanguna si Meika sa paglakad dahil siya ang nakaaalam kung alin sa mga kuwartong ito ang tinutuluyan ng binata. But as soon as she opened the door, she found the room almost empty. Ang natira na lamang dito ay ilang mga muwebles. Alam ni Meika na wala na rito ang mga gamit ni Resty dahil wala nang laman ang mga shelf sa maliit na kusina na kahati ng sala sa espasyo. Wala na ang mga pinggan, kubyertos, at baso, maging ang electrical kettle at rice cooker. Dala ng kuryosidad ay dumere-deretso siya sa kuwarto ng lalaki. Nakaayos na ang kama at ang mga unan dito, ngunit naiwang bukas ang cabinet na wala nang laman. Tila nalimas ang mga gamit sa sobrang linis dito.
Trina held her shoulders from behind. Sumilip ito sa kuwarto. “Wala na ang mga gamit niya rito. Ibig sabihin, lumipat na siya ng tirahan.”
“E, ’di sana, sinabi ni Ka Lita na wala na rito si Resty imbes na papasukin tayo rito, ’di ba?” naguguluhan niyang saad habang pinapasadahan pa rin ng tingin ang kuwarto.
Marahang tinapik lang ni Trina ang kaliwa niyang balikat. “Tara, tanungin natin si Ka Lita.”
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Ka Lita nang tanungin nila ito tungkol sa nadatnan sa apartment ni Resty. Nakatayo ito sa tabi ng gate habang nasa kabilang gilid ng gate naman silang magkaibigan, nakaharap sa direksiyon ng kanilang kausap.
“Wala lang ang mga gamit niya riyan kasi pi-ni-ckup kaninang umaga ng pinsan daw niya. Pero dito muna magpapalipas ng gabi si Resty at bukas pa raw siya aalis.,” ani Ka Lita. “Mga hija, baka naman may nilakad lang, pagkatapos, dederetso na ’yon sa karinderya ninyo. Bakit hindi n’yo na lang siya hintayin doon?”
“E, kayo? Hindi ba kayo makikisalo sa padespedida namin?” magalang na imbita ni Trina. “Sumabay na ho kayo sa amin.”
“Naku, hindi na. E, ano naman ang gagawin ko roon?” mahinang natawa si Ka Lita. “Hindi ko na kayang makipagsabayan sa inyo na mga bata-bata pa. Alam naman ni Resty na hindi ako pupunta kaya ipagbabalot na lang daw niya ako.”
Trina nodded. “Sige po, Ka Lita. Salamat.”
Malayo-malayo na rin ang nalalakad nila mula sa apartment nang bahagyang idikit ni Trina ang braso nito sa braso niya. Her friend gently nudged her and asked.
“Kanina ka pa tahimik, a?” anito.
“Puwede ko ba makuha ang number ni Resty? Tawagan ko lang,” wala sa loob niyang saad, matamlay ang boses.
“Ha? Bakit? E, hindi nga siya sumasagot.sa mga tawag ko.”
“Gusto kong ako mismo ang kumausap sa kaniya. Kailangan niyang mag-explain kung bakit inabala pa niya tayo nang ganito ’tapos hindi rin naman pala siya sisipot.”
“Ay, magtigil ka nga! Sino’ng may sabi na hindi siya sisipot? Alam mo, naiisip ko na baka may biglaang trabaho siya. Alam mo naman ang mga reporter. Hahabol din ’yon!” Umakbay sa kaniya si Trina.
“Sayang naman. Ang dami pa naman nating handa. May pa-parting-parting gift pa!” Napailing siya. “Anong oras ba niya balak pumunta?”
“Hindi masasayang ang handa. Habang hinihintay natin siya, kakain na tayo.” Pilit na sumilip si Trina sa kaniyang mukha. Naglaro ang nanunuksong ngisi sa mga labi nito. “Baka naman, ang sinasabi mong sayang e, sayang dahil hindi mo siya makikita sa huling pagkakataon?”
Napapiksi siya kaya hinigpitan lalo ng kaibigan niya ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Pinanlakihan niya rin ito ng mga mata.
“Sira! Iyong handa talaga ang concern ko! Maaga kami nagsara ng karinderya para sa kaniya! Maraming niluto na pagkain si Nanay at dumating na ang mga inimbita niya! Konsiderasyon naman sana, ’di ba? Puwede naman siguro siyang tumawag o mag-text para sabihing male-late siya.”
Nilakihan ni Trina ang mga hakbang kaya natangay siya nito. “A, magpaparamdam din ’yon! Tulad ng sabi, sayang ang handa, kaya bilisan na natin para makakain na tayo at makapag-parteeeey!!!”
Meika lowered her head and forced a small smile. Sinabayan na niya ang malalaki at mabibilis na mga hakbang ng nakaakbay sa kaniya na si Trina.
***
NAKASABIT sa ilalim ng de-tukod na bubong sa harap ng karinderya ang mahabang hibla ng kumukuti-kutitap na Christmas lights na kulay pula, luntian, dilaw, at asul ang mga bumbilya.
May mga nakaupo na mga bisita ni Resty sa mahabang bangko sa harap at gilid ng karinderya dahil mag-iisang oras nang hindi tumatanggap ng mamimili rito. Okupado na rin ang ilan sa apat na maliliit na mesa sa tapat ng bahay nina Meika na bahagyang nasa likuran ng karinderya maliban sa bandang dulo nito kung nasaan ang bintana ng isang kuwarto. Malapit sa bukas na bintana ng kuwarto ang videoke machine. Doon ito ipinuwesto para padaanin ang saksakan nito sa bintana ng kuwarto nina Aling Mika at sa extension sa loob nito iyon isaksak.
Nakahalukipkip na nag-aabang si Aling Mika ilang hakbang ang layo mula sa tapat ng karinderya, sa gilid ng kalsada. May nakapatong na puting cardigan sa suot nitong simpleng blusa na maroon at de-garter na bulaklaking puting pants. Nakaladlad lang ang maikli nitong buhok at pulbo lang ang inilagay nito sa mukha.
Hindi lang ang pagdating ni Resty ang inaabangan ng ginang, kundi maging nina Meika at Trina. Hindi nagpaalam ang dalawa kung saan pupunta, pero may palagay ang ginang na sinundo na ng mga ito si Resty.
Tumalikod ito sa kalsada at mabagal na naglakad pabalik sa mga bisita. Habang wala pa ang tatlo ay aasikasuhin muna ni Aling Mika ang mga ito. Ang hiling lang nito ay maabutan pa sana ang tatlo na mga pagkain.
“Sarado?” ani isang tinig na nagpatigil kay Aling Mika.
Naramdaman ng ginang ang pagtayo ng isang lalaki sa tabi nito. Hindi na ito nag-abalang lingunin kung sino ang katabi. Boses pa lang kasi ay kilalang-kilala na nito si Mang Philip.
“Ngayong gabi lang. Magpapadespedida kasi kami para kay Resty.”
Kumunot ang noo ni Mang Philip. “Iyong reporter?”
Nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha ni Aling Mika. Kalkulado. “Oo. Narinig mo naman siguro ang alok ko nitong nakaraan, na dito kami sa karinderya magpadespedida para kay Resty.”
Pinantayan ng matandang lalaki ang pagiging kalkulado ng babae. He feigned unawareness on his face, as if he was just an innocent bystander. “Naaalala mo rin naman siguro ang napag-usapan natin tungkol sa reporter na ’yan. Na ayokong umaali-aligid ’yan sa ’yo o kay Meika.”
“Oo, pero hindi ako kailanman pumayag sa pakiusap mong walang katuturan dahil wala ka namang masabing matinong dahilan para kumbinsihin akong itaboy siya sa karinderya. Hiningi ko lang nitong nakaraang mga buwan ang tulong mo para siguraduhing hindi na guguluhin si Meika ng kawatang Eli na ’yon na bagong labas sa kulungan. Hindi ibig sabihin n’on ay malaya ka nang bakuran ang anak ko para hindi na malapitan ng kahit sinong lalaki.”
“Malas mo dahil hindi kung sinong lalaki lang si Resty.”
“Ang sabihin mo, napapraning ka lang kasi reporter si Resty at ayaw mong mapalapit kami sa tao na posibleng ipaalam sa buong bansa ang tungkol sa samahan ninyo, ‘Tay.”
Binundol ng kaba ang dibdib ni Aling Mika nang hindi sumagot si Mang Philip. She worriedly glanced at the old man. Sa pagkakataong ito lang nito nakita ang hitsura ng matanda. Ito ay nakasimpleng oversized shirt na puti at naghihimulmol na may kupas nang berdeng tatak ng logo ng isang wall paint brand. Tinabas hanggang sa tuhod nito ang maong shorts nitong kulay beige.
“May iba pa bang dahilan bukod sa sinabi ko? May inililihim ka na naman ba sa akin, ’Tay?” pagtitimpi ni Aling Mika nang humalili agad sa pag-aalala nito ang pagkainis.
Nanatiling sa harap ang tingin ni Mang Philip. Umaakto ito na para bang walang seryoso o pribado sa pinag-uusapan nila. “Hindi sa naglilihim ako pero ang sabi mo, ayaw mong masangkot o makarinig ng kahit ano na may kinalaman sa samahan, kaya hindi na ako nagbabanggit sa ’yo ng anumang may kinalaman doon.”
Aling Mika’s jaws hardened. “May kinalaman ka ba sa hindi pa pagsipot ni Resty sa mga oras na ito?”
Mang Philip glanced at her coldly. “Oo.” Walang kaabog-abog nitong saad. “At hindi na siya babalik dito kaya huwag na huwag mong hahayaan si Meika na makipagkomunika o ang hanapin ang lalaking iyon.”
“Bakit naman gagawin ni Meika ’yon? Magkaibigan lang sila! Binasted niya nga ’yon noong umakyat ng ligaw! Bakit hindi ka na lang naghintay na umalis muna rito ang lalaking iyon bago ko ginawa ang anumang gusto kong gawin sa kaniya? Dahil ngayon, tiyak na magtataka si Meika kung ano ang nangyari d’on!” Aling Mika hissed in frustration. She wanted to blurt those words, but was mindful of her surroundings, so she kept her voice as low as possible.
Hinarap naman ito ni Mang Philip. Walang mababanaag na emosyon sa malamig na mga mata nito. Animo’y hindi ito naaapektuhan. “Puwede ko namang ipagpabukas ang pag-asikaso sa Resty na iyon, pero siya mismo ang pumili ng araw kung kailan kami magkikita. Kaya huwag mong isisi sa akin ang ’di pagsipot ng persyeng iyon.”
Paalis na sana si Mang Philip pero ibinalik nito agad ang tingin sa nanay ni Meika.
“Oo nga pala. Pinasundan ko sina Meika at Resty noon sa isang concert. Naghalikan sila roon ng pesteng iyon. Kaya sundin mo na pang ang ipinagagawa ko sa ’yo. Siguraduhin mo na magmula sa araw na ito, hindi na magkukrus muli ang landas ng dalawang iyon.”
“At sino ka para ipagawa ’yon sa nanay ko, Mang Philip?” singit ng iritadong boses ni Meika.
Gulat na napalingon ang dalawa sa dalaga na nakatayo na pala sa likuran nila kanina pa. Nasa gilid ito ng kalsada at nakatayo sa bandang likuran nito ang maangas na si Trina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro