17 - Planado
NO ONE between Resty and Meika ever mentioned about the kiss. They neither talked to each other after that. Sa sobrang pagkataranta, hindi na rin nila malaman kung sino ang unang humiwalay sa kanila. It was as if a thread of electrical flowed between their lips, jolting them away from each other. Basta na lang silang naghiwalay at hindi makatingin sa isa’t isa kaya humarap agad sa entablado.
Resty didn’t know how Meika felt about it. He would steal glances at her from the side of his eye but never caught her look at him. For a moment, she seemed to forget about his presence again. She resumed watching Westlife. Her occasional smile and sparkle in her eyes told him she enjoyed the show, but her upbeat energy completely wound down, as if they were drained out by their kiss. Hindi na siya nakikitili, nakikisayaw, o nakikikaway ng kamay sa mga kapwa manonood. She never sang-along to the songs anymore.
After the concert, Resty briefly instructed Meika to wait for him outside the arena, by the stairs. He and the camera man just had to attend some after-concert briefing with the event’s management and organizer before leaving the place. Tsinek lang ng mga ito ang footages na nakunan mula sa concert. Istrikto ang mga ito pagdating sa mga larawan at video na nakunan ng mga reporter o media bodies para maiwasan ang piracy o sobra-sobrang spoilers partikular sa concert. Once they got the approval to leave, Resty and the camera man approached Meika who was waiting by the stairs.
As the camera man bade goodbye to them, the awkwardness and dead air between them arises once more.
Resty nodded his head to Meika. Mukhang naunawaan naman agad ng dalaga ang pahiwatig niyang sundan siya nito dahil iyon ang ginawa nito hanggang sa makarating sila sa parking space. Pagtayo ni Resty sa tapat ng motorsiklo, walang-imik na inabot sa kaniya ni Meika ang kaniyang helmet.
He touched the other end of the helmet with his head lowered. “I’m sorry—”
“Sorry,” Meika said at the same time.
When their eyes met, Meika slowly released the helmet. Resty tugged the helmet closer to his abdomen. Habang nakatitig sa mga mata ng isa’t isa ay naghihintayan sila na magsalita ang isa. The silence grew longer, so Resty took the initiative.
“Hindi ko sinasadya iyon. May tumulak sa akin . . .” He trailed off because he was already loss for words. Sa palagay niya ay hindi nakakukumbinsi ang dahilan kaya aksidenteng nahalikan niya si Meika.
While Resty was feeling shy, Meika felt more awkward than shy.
“Ako rin naman. Natulak ng katabi ko sa concert kanina. Hindi ako nakaatras agad kaya hindi mo kasalanan ang nangyari.” Meika sighs. It was as if she was frustrated. “Kalimutan na lang natin. Isipin na lang natin na hindi ’yon nangyari. Okay?” Then, she immediately put on her helmet.
Resty was frozen for a second or two. Natulala siya saglit sa dalaga. ‘Okay? How can it ever be okay? It’s a kiss! You don’t just forget something like that so easily!’
Nang ituon na uli ng dalaga ang tingin nito sa kaniya, mabilis na isinuot ni Resty ang sariling helmet at sumampa sa motorsiklo. He kicked back the motorcycle stand, balanced it, then glanced at Meika. He nodded at her, signaling her to hop on the seat behind him. Resty took in a breath as her hands found his hips. Her fingers slipped through the belt loops of his jeans to secure her hold on him.
Minutes later, the ripping engine of the motorcycle roared as it tore the road back to the south. Throughout the ride, Meika felt sleepy because of the pretty stripes of the city lights that they passed by and thre lulling touch of the cool late nigh air. As she watched the dark coastline view along the highway road, she mindlessly rested her head on Resty’s back, right below his nape.
Upon feeling her lean on him, Resty figured that she must be feeling sleepy. Medyo kinabahan siya roon pero saglit niyang ninamnam ang mas katanggap-tanggap na paglalapit na posible para sa kanilang dalawa. He took in a deep breath, sucking in this moment to fill his lungs with the life that it was giving him. Upon remembering their accidental kiss, he tensely released his breath, making his lips shudder lightly in the process.
“Meika, don’t sleep.” He intended to sound gentle and understanding, but he said that in a loud voice so that the motorcycle engine wouldn’t drown his words.
“Gising ako,” may kalakasan ang boses na sagot ng dalaga, pero may bahid ito ng panlalambot na dulot ng antok.
“Umayos ka ng upo at baka masita tayo ng patrol.”
Mabilis na sumunod si Meika. Resty managed a relieved sigh as he shrugged his shoulders a bit and returned his focus on driving.
“Medyo pagod lang ako.”
“Huwag kang mag-alala. I’ll try to drive as fast as I can without overspeeding.”
Meika chuckled at that. “Siguraduhin mong sa bahay mo ako madederetso at hindi sa presinto!”
“I will. I will safely bring you home,” he smiled while his eyes were still on the road.
***
KINABUKASAN, nasorpresa si Meika dahil umagang-umaga ay napagawi na sa karinderya nila si Trina. Hindi naman siya naiilang na makita ang kaibigan habang magulo ang pagkaka-hair clamp ng kaniyang buhok at simpleng pambahay na T-shirt at shorts lang ang suot niya. Ang ikinagulat lang niya ay pumarito ito sa oras at araw na hindi niya inaasahan.
“Trina!” malumanay na bati ni Aling Mika sa kaniyang kaibigan.
“Good morning, Tita Miks!” masiglang tugon ng kaibigan niya rito.
Ibinalik saglit ni Meika ang atensiyon sa pagsasandok ng kanin sa isang platitong may plastik. Nang matapos ibigay ang order at sukli ng mamimili ay lumapit siya sa nagkukumustahan na sila Aling Mika at Trina.
Habang hinihintay matapos ang usapan ng dalawa, pinasadahan saglit ni Meika ng tingin si Trina. Naka-tsinelas ito at nakasuot na oversized T-shirt sa ilalim ng oversized nitong dilaw na basketball jersey shirt na pinarisan ng itim na cycling shorts. Nakalugay ang unat at mamasa-masa nitong buhok na blonde-dyed.
“O, kumusta ang concert?” bungad agad ni Trina sa kaniya nang iwan sila ni Aling Mika para mag-usap.
Na-excite siya nang maalala ang Westlife. “Naku, Trina! Ang saya! Nakakakilig ang Westlife! Ang guguwapo! Sayang, wala si Brian, my love!”
“E, si Resty . . . kumusta?” Medyo naningkit ang mga mata nito, tila ba nanunukso na nagdududa na ewan habang nakaloloko ang pinipigilang ngisi.
Nakaramdam si Meika ng sunod-sunod na pitik sa dibdib. Pagkabanggit pa lang no Trina sa pangalan ni Resty ay una niyang naalala ang aksidenteng pagdadampi ng mga labi nila kagabi.
“K-Kumusta si Resty?”
“Oo. Kumusta naman siya kagabi? Okay naman ba?” anito na tila nanunukso na nanunubok pa rin kung makatingin sa kaniya.
‘Okay naman ba na ano? Okay naman ba humalik?’ na-e-eskandalo niyang isip. ‘May alam ba ’tong si Trina sa nangyari kagabi?’
“Okay naman . . .” alanganin niyang sagot dahil wala siyang ideya kung tungkol sa alinman sa nangyari kagabi ang kinukumusta ni Trina tungkol kay Resty. She was hoping, too, that her friend would clarify what she was talking about in particular.
“Maganda ba ang performance?”
“P-Performance?” halos bulalas niya.
“Oo? Nanood kayo ng concert, ’di ba? Kaya kumusta ang performance ng Westlife? Mya pumiyok ba?” At mahinang natawa si Trina sa sarili nitong joke.
Halos mamatay-matay naman si Meika za nerbiyos habang pinipilit ang sarili na makitawa kay Trina. “Oo naman. Natanong mo na ’yan, ’di ba?”
“Ang sabi mo lang kasi, masaya ang concert dahil nakakakilig. Wala ka namang nabanggit tungkol sa pagkanta at pagsayaw nila.”
Nag-init tuloy ang mga pisngi niya. “Westlife ’yon, no? E, ’di siyempre, automatic na maganda!”
“Asus! Nagpokus ka lang yata sa pagtitig sa guwapo nilang mga mukha, e!”
“E, siyempre, kasama na rin ’yon!”
At sabay silang nagtili-tilian ni Trina. Mabilis silang kumalma para hindi makaistorbo sa mga kumakain.
Humalukipkip si Trina. “Kung nag-commute lang sana kayo, e ’di sana, nakasama ako!”
“Pa’no? E, kahit mag-commute kami ni Resty, iisa lang naman ang libreng ticket.”
Napapitik sa hangin si Trina. “Sinadya ka yatang solohin ng mokong na iyan, a!”
“Hindi, no!” nanlalaki ang mga mata na depensa niya.
“Ows? Talaga? Walang ginawang kakaiba si Resty?”
Lalo siyang kinabahan. Naalala na naman niya ang paghahalikan nila. “Kakaiba? Tulad ng ano?”
“Hindi ba siya dumiskarte? Nang-tsansing?” Nagdududang hilig nito ng ulo habang patagilid na nakatingin sa kaniya.
Meika looked around nervously then scolded Trina on a hushed tone. “Sira ka talaga!”
“Haller. Nanligaw siya sa ’yo dati, ’di ba?”
“Dati ’yon. Ilang buwan na siyang hindi nagpakita ng interes. Hindi mo na rin ako tinutukso sa kaniya kaya ang akala ko, e, tanggap mo nang hindi na niya ako gusto . . . o hindi ko siya pinaligaw sa akin.”
Mabilis na umayos sila ng pagkakatayo at natahimik. Naalarma kasi sila sa biglang pagdating ni Resty. Medyo basa ang buhok nito pero hindi dahil bagong ligo, kundi dahil kagagaling lang nito sa pakikipaglaro sa mga kabataan ng basketball sa covered court. Markang-marka sa suot nitong muscle tee na gray ang pawis. Nakasabit pa sa balikat nito ang towelette na pinangpupunas sa mukha nito habang mahinang humihingal.
Since he was panting, Meika could not help noticing his slightly parted lips were his breath was slipping out. She noticed how moist they look, as if water just touched those narrow lips.
“Hi,” bati sa kaniya ni Resty pagkaupo nito sa dulo ng kahoy na bangko. His eyes moved to Trina. “O, Trina. Hello.”
Umupo si Trina sa tabi ni Resty. “Nangungumusta lang ako. Ngayon lang ako nakadayo rito ng umaga at busy kami sa parlor. Nitong nakaraang mga araw, late na kami magsara, e.”
Bahagyang humarap ng pagkakaupo si Resty kay Trina. His eyes shifted on her and her friend though alternately as he spoke. “Oo nga pala. Available ba kayo sa Linggo?”
Kumunot ang noo ni Trina. “Bakit Linggo? Alam mo namang matao sa parlor ’pag Linggo. Kaya hanggang alas-diyes kami bukas kapag Sabado at Linggo na.”
“E, kasi, gusto ko kayong yayaing kumain sa labas. Ikaw, si Mami Karl . . . ang wonder beks . . . Padespedida ba.”
Namilog ang mga mata at napanganga saglit sa gulat si Trina. “Despedida? Aalis ka?”
“Babalik na ako sa Q.C. Tapos na naman ang pagkaka-assign ko rito sa Muntinlupa.” Resty glanced at her. For some reason, there seemed to be something in the way he looked at her. His lips weren’t curved, but Meika seemed to see a ghost of his smile there. It was as if, he was pleased with what he was seeing. “In fact, nitong nakaraan ko pa nasabi kay Meika.”
“Totoo ba ’to? Alam mo na ’to, Meika?” nagtatakang lingon ni Trina sa kaniya.
Napalabi siya at itinukod sa magkabilang balakang ang mga kamay. “O-Oo. Nasabi na ni Resty sa akin.”
Hindi naman maalis-alis ang tingin ng binata sa kaniya. “Makasama ka sana, Meika.”
Siyang salita ni Aling Mika na nakatayo na pala malapit sa kaniya. Nagsasandok ito ng lugaw para sa matandang mamimili na si Mang Philip. “Bakit hindi na lang kayo rito magdespedida? Isasara ko nang maaga ang karinderya para masolo ninyo. Sabihan n’yo lang ako ng mga gusto n’yong ihanda para alam ko ang lulutuin ko.”
“’Nay! Hindi na kailangan!” malumanay protesta ni Meika.
“Mas mabuti na iyon dahil ayoko namang mapalayo kayo, lalo na kung gagabihin kayo. Iyon ay kung wala pang nahahanap so Resty na kainan.” Sumulyap pa saglit si Aling Meika kay Resty bago itinali ang supot ng mainit-init na lugaw. Pagkatapos ay inilagay nito iyon sa may hawakang plastik kasama ang dalawang nilagang itlog, isang maliit na supot ng bawang at isang kalamansi.
“Wala pa naman akong nahahanap, at mukhang maganda ang ideya ninyo, Aling Mika. Kung malasing man kami, hindi kami mahihirapang umuwi dahil malapit lang itong karinderya sa uuwian namin.” Resty smiles and nodded. “Mas marami din ang makakapunta sa mga naging kaibigan ko na rito sa Putatan dahil malapit lang.”
Aling Mika grinned proudly. “Mabuti. Pero babayaran n’yo pa rin ang mga pagkain dito. At kayo na mismo ang bumili at magdala ng alak n’yo rito, dahil hindi kami nagtitindi n’on.”
Nilingon saglit ni Aling Mika si Mang Philip para iabot ang binili nitong lugaw. Inasikaso nito saglit ang bayad at sukli nito.
Nahihiyang napailing na lang si Meika. “Hay, sabi ko na nga, e. Pera na naman ang kapalit nitong pagpepresinta ni Nanay!”
Natawa na lang ang mga kasama niya kaya napangiti si Meika.
***
SA sumunod na mga araw ay saglit na nakakausap ni Meika si Resty tuwing kumakain ito sa karinderya para sa padespedida rito.
So far, it seemed like he completely forgot about their accidental kiss. He wasn’t that shy around her anymore. Minsan nga ay nahuhuli pa niyang titig na titig sa kaniya ang lalaki. Hindi man lang ito naiilang kapag nahuhuli niyang nakatingin. O marahil, nakatitig lang masyado sa kaniya dahil nakikinig ito nang mabuti sa mga suhestiyon niya para sa padespedida rito.
They agreed that there would be alcoholic drinks, and videoke from seven but never past ten in the evening. There will also be small parlor games hosted by Mami Karl, Trina, and the parlor employees, no pun intended. Foods to be served were mostly finger foods—fries, nachos, and grilled streetfoods (Isaw in particular). Heavier meals consisted of pancit palabok, hamburger, rice, and fried chicken.
Lingid kay Resty ang tungkol sa usapan nina Meika, Trina, at ng iba pang taga-parlor na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng parting gift para kay Resty, mga munting pabaon bago ito umalis.
Until Sunday morning finally arrived.
Inabot ng hapon sina Meika at Aling Mika sa kusina dahil sa sobrang pagkaabala sa preparasyon ng mga lulutuin para sa padespedida para kay Resty. Humalili naman si Trina at Mickey sa pagtatao sa karinderya.
On the other hand, Resty was in his apartment, busy packing his things. Inipon niya ang tatlong naglalakihang bag sa sofa sa sala bago tsinek ang kaniyang laptop bag kung kompleto ang laman nito. He fished out the flashdrive that his informant got from Buenos Mafios, which reminded him of his plan.
Nagpaalam saglit si Resty sa landlord na lalabas ng apartment.
“Darating dito ang pinsan ko para kunin ang mga gamit ko. Ricardo Escalante ang pangalan niya. Puwede n’yo siyang hingian ng ID para makasigurado kayong siya ang kukuha ng mga gamit ko. Patuluyin n’yo na lang po sa apartment ko,” bilin niya rito.
“Babalik ka pa naman sa apartment, ’di ba?” kunot-noo na tanong ng matandang babae. “Ang sabi mo, bukas ka ng madaling-araw aalis.”
“Opo. Mauuna lang iluwas ang mga gamit ko,” magalang niyang saad dito. “Hindi kasi kakayanin kung iaangkas ko lahat sa motorsiklo. May mga kalan pa naman d’on, mga babasagin.”
“Sige, hijo,” tango ng matanda.
Ang plano ay mauunang dalhin ang mga gamit niya sa bahay niya sa Q.C. Masyado kasing marami ang mga ito at mahihirapan siyang iangkas sa motorsiklo na sa Muntinlupa niya mismo nabili, noong mga unang araw ng paninirahan niya rito. Kinabukasan na siya bibiyahe roon gamit ang motorsiklo, para kahit papaano ay humupa na ang tama ng alak sa kaniya. Sigurado kasi si Resty na mapaparami siya ng inom sa padespedida para sa kaniya.
His heart thumped hard in every step he take. For some reason, he felt anxious about leaving this place. It didn’t feel right. Bawat pamilyar na lugar na nadadaanan niya ay tila kinokonsensiya siya, inuusig siya na huwag ituloy ang balak na umalis.
But then, he would happen to glance at the flashdrive stick that he was holding. That was enough to bring him back to his senses and remind him why he had to leave. Tiyak na matutunton ng mga taga-Buenos Mafios ang lugar kung saan in-access ang flashdrive, pero hindi niya puwedeng hayaan na matagpuan din siya ng mga ito.
So, he would access the files this morning . He would not leave immediately because that would be noticeable for the people in this place. Baka aksidenteng mabanggit ng mga ito sa naghahanap sa kaniya ang tungkol sa pag-alis niya, maisip ng mga ito na guilty siya, at mahabol siya ng mga ito. It was to his advantage that Buenos Mafios didn’t know that it was him who was holding the flashdrive, and Resty had to make sure that they would stay blind about the identity of who’s spying them.
Resty headed to a computer shop. Binuksan at isinara din niya agad ang salamin na sliding door nito. Transparent sana ang salamin ng pinto kung hindi lang tadtad ng nakadikit na papel na mga print out ng presyo ng computer rent at pa-print, ng mga litrato at poster ng online games na available sa computer shop.
He noticed that the shop was full. All cubicled seats were taken by males. Siguro ay magkakasama ang mga ito at kasali sa team gaming dahil halos magkakapareho sila na naka-jeans at polo shirt na short-sleeved. Ang karamihan ay itim at ang iba ay iba’t iba na ang kulay. Nakapagtataka lang na hindi sila naka-headset at tahimik lang. Siguro, hindi pa mainit ang laro kaya tahimik at nagko-concentrate.
Before Resty could even turn away to look for another comshop, one of the customers stood up and headed to the counter table close to the sliding door. Doon lang napansin ni Resty ang bantay ng comshop, si Mang Philip.
Magalang na tinanguan niya ito bago nilapitan. Nilagpasan siya ng lalaki na kinausap saglit si Mang Philip sa counter at lumabas na ito ng comshop.
A contemporary pop music was playing inside the shop, giving accent to the clickling sounds of keyboards and computer mouses and drowning the concentrated silence from the customers whose eyes were on their own designated computer screens.
“Open hour ho,” ani Resty kay Mang Philip na walang-emosyon siyang tiningnan bago nito ginalaw saglit ang mouse at keyboard na kaharap.
“Number 5,” anito sa computer cubicle na binakante ng customer kanina.
Resty nodded and headed to the cubicle immediately. Sinilip niya ang maliit na tab ng time monitoring software ng computer at nang makitang naka-open hour iyon ay isinaksak niya na ang flashdrive sa likuran ng computer tower sa patungan nito sa ibabaw ng cubicle. Then, he sat down again and waited for the flashdrive to open.
As soon as he accessed the file, he saw a folder named after his father—Ezra Fondejar.
He was welcomed by photo files and scanned pages of particular documents converted into PDF. Resty was in a hurry, so he decided to check the files that he could examine the quickest—the photos.
Inisa-isa niya ang mga litrato. The setting of the place looked exclusive, like a restaurant or a private meeting place. He easily saw his father in those pictures. What’s puzzling was that Ezra Fondejar looked relaxed and, at some photos, happily smiling in the presence of the other men who were with him. Most of the men were in their suits or semi-formal attires, looking neat and respectable.
Unfortunately, Resty was not familiar with anyone in the photo. Ang ama lang niya ang kilala niya sa mga ito.
Then, one photo made him stop. It was Ezra, sitting in a semi-circle lounge seat of what looked like a gentleman’s club with neat-looking men and the president at that time, Aries Ferdinand.
‘My father was against the president. Is there a point where they used to be . . . allies?’
Then, he saw that face again. It belonged to a man that looked like a foreigner and who always wore black suits. The photos were black and white, so he was not sure if his suit was really black or made of another dark color. Hindi mapapansin ni Resty ang lalaki dahil hindi naman siya pamilyar dito. Napukaw lang ng mukha nito ang atensiyon niya dahil nahalata niyang kasama ang lalaki sa karamihan sa mga litrato ng kaniyang ama na nasa flashdrive na ito.
Gumusot ang mukha ni Resty. He was so confused that it was starting to make him feel dizzy.
Or maybe, it was that strange, chemical smell? Amoy na amoy niya ito dahil saradong-sarado ang air conditioned na comshop.
Bago pa lumingon si Resty para alamin kung ano ang amoy at saan ito galing ay may biglang nagtaklob ng panyo sa kaniyang mukha. Alertong dadaklutin niya sana ang panyo pero may matigas na braso na sumakal sa leeg niya kasabay ng pagdiin ng kabilang kamay nito sa basang panyo sa kaniyang mukha, partikular sa ilong. He violently kicked his legs and pushed his body back; his hands clutched on both arms that restrained him as he fought for his safety, but it was all in vain.
The strong chemical smell immediately weakened him and dulled his senses. He felt his movements slow down and his consciousness fade until it was gone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro