16 - Accident
‘ISTUPIDO!’ Resty scolded himself the moment ue woke up in his apartment and remembered what happened last night.
Ayaw pa niyang maniwala na binigyan niya ng ticket sa concert ng Westlife si Meika, kaya tsinek niya ang kaniyang bag. The moment he confirmed that the ticket was missing, he had been frantic. Nakailang hilamos siya ng mga kamay sa mukha habang pabalik-balik na naglalakad sa kuwarto. He was feeling slightly dizzy. Hindi niya sigurado kung dahil ba may hang-over pa siya o dahil ba ito sa tarantang nadarama niya. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap kay Meika kapag hinayaan niyang pumunta ito sa concert kasama niya. Mas lalo namang nakahihiya kung babawiin niya ang ticket mula sa dalaga.
But it seemed like he was lucky. Pagdating niya kasi sa bahay ni Meika ay tulog pa ang dalaga. Nadatnan niya ang nanay nitong si Aling Mika na paalis pa lang para mamalengke. Kasabay nitong lumabas ng bahay ang bunsong si Mickey na inutusang tumao sa karinderya.
So, Resty made up a story. Kunwari ay ipinatago lang niya kay Meika ang ticket, at nagtagumpay siyang makuha ang ticket nang hindi kinakailangang harapin pa niya ang dalaga.
Dumeretso na siya ng uwi pagkatapos. Pinaplastik niya ang biniling kanin at ulam mula sa karinderya nina Aling Mika na si Trina pa ang nagsandok para sa kaniya. Humalili lang saglit ang babae dahil inutusan nito si Mickey na kunin ang handa sa birthday celebration ni Mami Karl kagabi na ipinagbalot para sa binatilyo at kay Aling Mika.
After Resty had his breakfast, he finally felt better. Nawala ang hilo o anumang nararamdaman niya kanina na puwedeng isisi sa kalasingan kagabi o nerbiyos bago nakuha ang concert ticket. He took a cool shower and changed into a pair of cycling shorts and hung his bath towel over his shoulders. He made coffee and did not bother to comb his short, air-dried hair.
While facing his laptop and having a mug of coffee at ten in the morning, Resty could not help thinking of Meika every now and then. Sana hindi maalala ni Meika ang tungkol sa concert ticket. Kung maalala man nito, sana ay isipin ng dalaga na panaginip lang ang lahat dahil kahit anong hanap pa nito sa bahay nito ay wala na rito ang concert ticket.
Laking-gulat ni Resty nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. He finished the sentence that he was typing in the word file before he stood up and headed for the door. Malapit-lapit na siya rito nang katukin na naman ng nasa labas kaya nilakihan niya na ang mga hakbang at binuksan agad ang pinto.
He was shocked to see Meika, staring back at him. He caught her hooded eyes, as if they were closing when they were not the moment her gaze slowly dropped to his exposed chest and abdomen.
Her inspecting eyes went lower.
Ewan ni Resty kung bakit ang awtomatiko niyang ginawa ay magkunwari na nahihilo siya.
“M-Meika . . . Ano’ng ginagawa mo rito?” He even flinched then, looked away.
“Kinuha mo raw ’yong ticket, sabi ni Mickey?”
‘Kinuwento ni Mickey ang tungkol sa ticket?’ kabadong titig niya sa kawalan habang nanlalaki ang mga mata. ‘Lasing pa yata ako kanina! Nakalimutan kong ibilin sa Mickey na iyon na huwag na huwag sasabihin kay Meika ang tungkol sa pagkuha ko sa ticket!”
“Resty?” pukaw sa kaniya ng dalaga na pilit sinisilip ang kaniyang mukha. May bahid ng iritasyon sa tila napipikit nitong mga mata. Her lips even slightly pouted with a tinge of impatience.
“Oo,” lakas-loob niyang salubong sa tingin ng dalaga. Katulad nito ay nagsalubong na rin ang kaniyang mga kilay. Tutal, alam na rin naman ni Meika ang totoo, wala nang silbi pa na magpanggap siyang may hang-over. “Bakit?”
“Akala ko ba, akin na ’yon?”
“Ano’ng iyo? I was drunk, Meika. Ngayong nasa huwisyo na ako, ayoko nang ibigay sa ’yo ang ticket.”
“Puwede bang papasukin mo muna ako?” pamaywang nito. Napatingin tuloy siya sa kabuoan ng dalaga. This time, her black layered hair was tied up in a ponytail. Her fringe was swept to the side neatly. She was wearing a pair of white short shorts and a pink fitting shirt. Napalunok siya nang mapansin kung gaano kabilugan ang mga hita nito. Hindi pa nga siya nagpapasakal sa mga ito, pero napapalunok na siya.
Resty immediately looked away. “Para saan pa? Kailangan pa bang pahabain ang usapan tungkol sa ticket? Binabawi ko na ’yong ticket, gano’n kasimple!”
“Baka naririnig tayo rito ng iba pang tenant kaya puwede, sa loob na tayo mag-usap?”
He groaned. Nilakihan niya ang pagkakabukas sa pinto at pinadaan ang dalaga papasok sa kaniyang apartment. He closed the door and when he followed, she was already sitting on the left corner of the small couch that faced a small table. Nasa maliit na mesa ang kaniyang bukas na laptop.
Resty immediately claimed his seat, right in front of the laptop. Maingat niyang ini-save ang word file bago isinara ang tab nito.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Meika. “Kagabi, ang sabi mo, kailangan mo ng tulong ko kaya gusto mo akong isama sa concert ng Westlife.”
“Sinabi ko iyon?” maang-maangan niya.
“Oo!”
Nanatiling kumikilos ang kamay ni Resty sa touchpad ng laptop. “Lasing ka rin naman kagabi kaya baka mali ang pagkakaalala mo.”
“Lasing lang ako, hindi nagka-amnesia.” At nilahad nito ang isang kamay. “Akin na ang ticket.”
He glared at her. “Bakit ba kinukulit mo ako? Binabawi ko na nga ang offer ko! Sorry, pero ayaw na kitang isama sa concert.”
“Dahil?” mataray na pagtataas nito ng isang kilay.
Resty groaned and when his laptop shut down, he was left with no choice but to glance back at Meika. “Dahil ayoko naman talagang isama ka. Kung anuman ang mga nasabi ko kagabi, dala lang iyon ng kalasingan. Are you not even aware of the law regarding obligation and contracts? Na walang bisa ang lahat ng mga kasunduan na naganap—written o verbal—kapag wala sa tuwid na pag-iisip ang isang tao? Katulad ng kawalan ng huwisyo dahil sa kalasingan?”
“Ngayong hindi na tayo lasing, akin na ang ticket,” labi nito.
“Why are you so hell-bent to have the ticket? My, I didn’t realize na sobrang fanatic ka pala ng Westlife!” Napainom siya ng kape.
“Fan ako, pero alam ko ang limitasyon ko. Hindi naman ako gagawa ng kalokohan para lang matustusan ang pagiging fan ko. Kaya lang nangako ka na babayaran mo rin ako sa pagtulong ko sa gagawin mong scoop, at iyon ang hinding-hindi ko palalagpasin.”
Muntik na niyang maibuga ang kape. Mabuti at nalunok lang niya ito. “Kailan ko naman sinabing babayaran kita!?” Ibinaba ni Resty ang mug sa mesita, katabi ng laptop at hinarap agad ang dalaga.
“Kagabi! Noong bago ako bumaba ng traysikel!” bulalas nito
Nasapo niya ang noo. “Meika . . .” He was about to deny it, but he began remembering what he said in the tricycle . . .
“Meika!” lasing na tawag ni Resty sa babae na nasa loob ng side car.
“Ano?” silip nito sa kaniya.
Resty could not look at her though. Nakakapit siya nang mahigpit sa hand bar sa uluhan niya at nakatanaw sa bawat nadadaanan ng traysikel.
“Para hindi mo makalimutan ang tungkol sa ticket, I have an additional offer. Babayaran kita ng 5 thousand! Pesos! In cash!”
“Five thousand?”
“Oo!” mayabang niyang nakaw ng sulyap dito, pero hindi niya makita ang babae kaya ibinalik niya sa kalsada ang tingin.
“Sayang din ang five thousand kapag nakalimutan mo itong usapan natin!”
“At hindi mo man lang kinuwestiyon ang offer ko na iyon?” Resty retorted defensively after that short flashback. “Bakit naman ako mag-o-offer ng ganoon? Libre na nga kita sa concert, may bayad pa akong 5k sa ’yo?”
Meika shrugged. “Dahil kailangan mo ako para magawa ang trabaho mo? Dahil gagawin mo ang lahat para sa trabaho mo?”
Resty smacked his knee. ‘Ano ba itong mga kabaliwang pinagsasasabi ko kagabi?’ He calmed himself first before he faced her again, composed. “Meika, listen. Lasing lang ako kagabi. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na iyon. I’m sorry pero wala kang makukuhang concert ticket at 5k mula sa akin.”
Natulala saglit sa kaniya ang dalaga bago dismayadong napailing at napabulong sa sarilim “Sayang naman.” Tumayo na ito. “Sige.”
Meika was already heading for the door when Resty immediately stood up from his seat. “Meika?”
Huminto ito at lumingon. Mas kalmado na ito. “O?”
“Iyan lang? Iyan lang ang reaksiyon mo?”
Naguguluhang hinarap siya nito. “Oo? Bakit? Ano ba dapat? E, hindi na kita mapakiusapa, e. Alangan namang puwersahin kitang bigyan ako ng confert ticket at 5k.”
He rested his hands on his hips. “Wala ka bang ikokomento tungkol sa pagyaya ko kagabi?”
Napakamot ang dalaga sa batok. “Naguguluhan ako sa ’yo. Puwede bang deretsahin mo na lang ako, Resty?”
He looked away first and mustered all the strength before he opened up. He returned his eyes on her.
“Sorry. Ang totoo, naaalala ko ang usapan natin tungkol sa concert. Pero totoo rin na nakalimutan ko ’yong tungkol sa 5k.”
Napahalukipkip si Meika. Pinanliitan siya nito ng mga mata habang patuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag.
“Binawi ko lang naman iyong ticket kasi nahimasmasan na ako pagkagising ko. Saan ko ba kasi nakuha ang kapal ng mukha para yayain kang samahan ako sa concert? Inobliga pa kita na tulungan ako sa trabaho ko.” His pleading eyes locked gazes with her unconvinced ones. “Pero higit sa lahat, baka isipin mo na pumoporma na naman ako sa iyo. Na hindi ako makatanggap ng pag-hindi ng isang babae.”
“Iyon lang? Wala ang mga ’yan sa isip ko, Resty. Isa pa, ilang buwan mo na rin naman akong hindi na inaabala o pinopormahan, kaya ang ina-assume ko, wala ka nang gusto sa akin.”
“Really?” he asked. Halos hindi siya huminga habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
Marahang umiling si Meika habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kaniya. “Oo. Tama naman ako, hindi ba? Hindi ka na interesado sa akin? Hindi mo na ako popormahan?”
Resty stared at her for a while. For some reason, his chest felt light, as if he was finally safe.
He would be lying to himself if he claims that he wasn’t attracted with Meika anymore. Damn, he still was! But he knew how to take no for an answer. He always reminded himself of the reasons why entertaining how attracted he was to her was useless, so that he would manage to control himself whenever she was around. That’s why he was having a hard time breathing, as if he was restricting some words from coming out of his mouth.
“O-Oo. Oo naman, hindi na kita popormahan.” Tinalikuran niya si Meika para damputin ang bag niyang nasa sahig, nakasandal sa gilid ng mesita. “Para saan pa? Hindi na rin naman ako magtatagal dito?”
“Hindi na magtatagal?” pagtataka nito.
Resty took the concert ticket out of his bag and faced her again. “Oo. Kasi two weeks from now, sa Q.C. na uli ako titira.”
Habang naglalakad si Resty patungo kay Meika, kitang-kita niya ang pagguhit ng gulat sa mga mata nito.
“Aalis ka na? Alam na ba ito ng mga kaibigan mo rito? Nina Trina at Mami Karl?”
Resty smiled gently. “You’re the first to know, but don’t worry, sasabihin ko rin ’to sa kanila agad. Kaninang umaga ko lang kasi nabasa ang text sa akin ng department head namin. Puwede ko na raw i-receive iyong formal letter sa office para sa akin. Approval siya na ma-assign ako uli sa Q.C. o sa iba pang malalayong lugar kung kakailanganin.” He stopped walking the moment he got in front of her. Inangat niya ang kamay na may hawak sa concert ticket para ipakita sa dalaga. “Here’s your ticket, Meika.”
Napatitig si Meika sa concert ticket.
“See you tomorrow? 3 P.M?” he smiled.
Kinuha ng dalaga ang ticket at binasa ang nakasulat dito. “Bakit 3 P.M.? E, gabi ang start—”
“Siyempre, bibiyahe pa tayo, e. Motorsiklo ang gagamitin natin. I don’t have a spare helmet yet, so . . . bibili na lang ako mamaya.”
Binalik ni Meika ang tingin sa kaniya. “Mapapagastos ka pa lalo. Mag-commute na lang tayo? Taxi?”
Resty considered. “No. Mas convenient talaga kung magmomotor tayo.”
Meika shrugged. “Kunsabagay, importante sa reporter na mauna sa location, tama?”
He nodded. “Tama.”
Meika lightly waved the concert ticket to show it to him. “’Yong 5k ko ha?”
“Basta talaga pera,” naiiling niyang tawa habang umaatras palayo kay Meika.
“Basta talaga pera, ano?” natatawang atras din nito palayo sa kaniya.
“Fine. I’ll pay you.”
“Kitakits!” paalam ni Meika bago pumihit, lumabas ng apartment, at sinara ang pinto.
Pinakawalan naman ni Resty ang pinipigilan niyang paghinga. He shook his head and went back to the small leather couch.
“Okay. Don’t panic, Resty. It’s not a date. Trabaho lang ’to.”
Iniligpit niya na ang mga gamit. Aalis kasi siya ng apartment para bumili ng helmet na ipagagamit kay Meika. Pagkasuksok ng laptop sa laptop bag ay napukaw ang pansin niya ng flashdrive stick. Ito rin mismo ang flashdrive stick na ibinigay ng informant niya.
‘Bago ako umalis, kailangan kong makita ang laman nito,’ he thought as he picked up the flashdrive stick. ‘Mabuti nang dito ko i-access itong USB stick bago ako umalis, para kung sakaling ma-trace ako ng Buenos Mafios ay nakaalis na ako sa lugar na ito.’
At inilaglag niya ang flashdrive stick sa loob ng laptop bag bago ito ini-zipper pasara.
***
NAUNA sa Araneta Coliseum ang camera man na assigned para makatrabaho ni Resty sa pag-cover ng balita tungkol sa concert ng Westlife.
Ang unang mga video ay pre-recorded para magamit na visuals sa network studio katulad ng ilang kuha sa location at sa pagdating ng libo-libong manonood. Ang ilan naman ay pre-recorded na pag-interview ni Resty sa ilang fans para kumustahin ang mga ito at alamin kung gaano ka-excited ang mga ito para sa concert. Resty had been too busy, he barely glanced at Meika. Naaaliw din siya dahil sa masiglang disposisyon ng fans ng Westlife. Their excitement was so contagious that Resty himself, who wasn’t even a fan of the boy group, was already feeling the same thrill too.
And finally, Resty held a microphone on his chest level. Bitbit naman ni Meika ang helmet nilang dalawa at nakasabit sa braso nito ang itim niyang leather jacket. Kasalukuyang nakatayo ang dalaga sa likuran ng camera man na kinukuhanan siya ng video para sa live broadcasting ng kaniyang pagbabalita tungkol sa concert.
Resty lightly reported live. “Ngayong gabi na ang concert ng sikat na Irish Pop boy group na Westlife dito sa Araneta Coliseum. Katulad ng nakikita ninyo, dumadagsa na ang mga masusugid na Pinoy fans dito at damang-dama ang excitement nila na muling maharana ng grupo na nagpasikat sa mga kantang ‘My Love,’ ‘Flying Without Wings,’ at ‘Uptown Girl.’”
After reporting, Resty immediately put his things in his side bag. Ipinatong niya uli ang itim na leather jacket sa ibabaw ng suot niyang collared polo shirt na may nakatahi sa dibdib nito na logo ng TV network. Hinintay din niya na makapagligpit ng mga gamit ang camera man bago ito tinanguan bilang senyales na sumunod na lang sa loob ng arena.
He gently took Meika by her wrist and pulled her alongside him as they entered the arena. Meika showed her concert ticket at the entrance. Si Resty naman ay ipinakita ang kaniyang Media Pass na nakasipit sa chest pocket ng kaniyang itim na leather jacket. Pinaalalahanan si Resty ng staff tungkol sa mga limitasyon ng reporter pagdating sa kukuhanang mga litrato o video sa event. Pagkatapos ay pinapasok na sila nito.
As they got inside the sports arena, the excited voices of the crowd filled the whole place. May malaking telon pa na tumatakip sa entablado kung saan magtatanghal ang international boy group.
Meika got a VIP ticket, so they headed to the floor that was right in front of the stage. Sa bawat madadaanang hagdan ay awtomatikong inuunahan ni Resty si Meika para maalalayan ito sa pagbaba. Tahimik namang tinatanggap ng dalaga ang kaniyang kamay at nagpapaalalay sa kaniya. Siya naman ay tahimik din na napapatitig dito habang bumababa ng hagdan.
Resty could not even explain what he was feeling. Wala namang kakaiba kay Meika sa gabing ito. Naka-half ponytail ang itim at layered na buhok ng dalaga. Her lips were glossy and tinted with watermelon red. She applied some powder on her face, but it wasn’t that obvious. She wore a red sleeveless V-neck shirt and a pair of skinny jeans so tight it emphasized the roundness of her thighs and the thickness of her hips. He already saw her dolled up a few times, but damn, she still took his breath away every time she does.
When Meika’s sultry hooded eyes caught him staring, Resty shyly looked down. His eyes found her feet, covered in rusty orange cloth flat shoes. He watched her step down the stairs carefully, so elegantly. Napalunok siya saglit bago ibinalik ang tingin sa mukha nito.
Meika curiously returned his gaze, making him feel so lost. So lost that it scared him. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak niya sa kamay nito.
“Hoy,” pukaw nito sa kaniya.
Tila nakukuryente na binitiwan niya ang kamay nito. “Sorry. A-Akala ko, may dumi ka sa mukha.”
Bago pa nakasagot ang dalaga ay nagmamadaling humalo na si Resty sa mga tao sa floor. Meika followed him until they got to the very front. Walang nagreklamo lalo na nang ipakita ni Resty sa ilang manonood ang Media Pass badge niya.
They stood beside each other without any exchange of words. Kahit pasulyap-sulyap si Resty sa dalaga ay nakatutok lang ang mga mata nito sa stage at excited na nag-aabang sa pagsisimula ng concert.
There had been a few opening acts before finally, Westlife appeared on stage.
Nayanig si Resty sa kaniyang kinatatayuan dahil sa pagdagundong ng masayang hiyawan ng fans. The lights were already turned down so that everyone’s eyes would focus at the brightly lit stage, and yet, he could not ignore the loud presence of the audience who cheered, reacted, and sang along to Westlife’s first song on their set list—Flying Without Wings.
♫ ‘Everybody’s looking for that something
One thing that makes it all complete
You’ll find it in the strangest places
Places you never knew it could be.’ ♫
Before Resty knew it, he was already staring at Meika. Pumapasok sa pang-unawa niya ang mensahe ng kanta, pero ang dalaga lang ang kaniyang nakikita. She watched with a phantom of satisfied smile on her closed lips. Her hooded eyes with long lashes glittered as the stage lights reflected their shine on them. She clasped her own hands and placed them close to her chest, as if she was silently praying for this evening to turn out as perfect as it should be.
Pagkatapos ng madamdamin na unang kanta, marami pa ang nangyari sa concert. Resty never forgot to take note in his cell phone about the key highlights of the event. Ang ibang detalye ay itatanong na lang niya mamaya kay Meika.
The audience were already jumping and waving their arms while singing along to Westlife’s ‘World of Our Own’ when Meika finally noticed him. Itinulak nito pababa ang kaniyang kamay para mailayo sa mukha niya ang hawak niyang cell phone.
She shouted something at him but he responded a blank expression at her. Hindi niya kasi ito maintindihan. He was expecting her to speak louder, tumambol tuloy sa gulat ang kaniyang dibdib nang ikawit ni Meika ang isang braso sa kaniyang leeg. Tila ang intensiyon nito ay akbayan lang siya pero dahil gusto siya nitong makausap din ay inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. Now they stood face to face, which was ironically the name of the boy group’s tour and latest Face to Face.
“Ang sabi ko! Mamaya ka na mag-cell phone!” masiglang ngiti ni Meika sa kaniya. Tila tuluyan na itong nahawa sa pagiging energetic at excited ng iba pang manonood.
Nagsalubong lang ang kaniyang mga kilay. Ayaw niya na naaabala siya sa kaniyang pagtatrabaho pero hindi niya naman makuhang magalit sa dalaga. “Just focus on the concert, Meika! I am here to do my job!”
“Oo! Pero ano ba ang trabaho mo? Ang panoorin ang Westlife, ’di ba?!”
♫ ‘No buts or maybes (buts or maybes)
‘When I’m falling down
There’s always someone who saves me,
And girl, it’s you!’ ♫
“Oo nga! Nanonood naman ako, a?! Nagno-note lang ako sa cell phone ko ng mga napanood ko—”
Nasagi si Resty ng ilang patalon-talon at pa-sway-sway na manonood kaya bumangga siya kay Meika na nakasabit pa rin ang braso sa kaniyang leeg.
Bumangga rin ang mga labi niya sa mga labi nito.
♫ ‘Funny how life can be so surprising,
I’m just realizing what you do . . . Oh!
We got a little world of our own . . .’ ♫
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro