14 - Uninterested
WALANG ano-ano na nilapitan ni Meika ang mga binatilyong nagbabasketbol. Isa sa mga ito ang kaniyang kapatid na si Mickey. Natigilan tuloy ang mga ito sa paglalaro. Napakamoy naman ng ulo si Mickey at sinalubong siya sa gitna ng covered court.
“Ate . . .”
“Uwi,” marahan niyang saad dito.
“Hindi pa kami tapos, e—”
“Mag-a-alas dose na, uy!” She waved a hand, gesturing for her brother to come closer. “Tara na, tara na! Uwi na!”
Napipilitang nagpaalam si Mickey sa mga kaibigan. Palapit pa lang ang kapatid sa kaniya ay tumalikod na siya para mauna sa paglalakad pauwi. Mahaba naman ang mga biyas ng binatilyo kaya sigurado si Meika na maaabutan siya nito.
Ngunit bago pa siya maabutan ni Mickey o ’di kaya ay makalabas ng covered court ay nakalapit na sa kaniya si Resty. She saw him jump the last step of the bleachers before he blocked her way, then stepped aside to let her resume walking.
Itinuon ni Meika sa harap ang tingin. ‘Akala ko ba, wala na sa kaniya iyong pag-reject ko sa panliligaw niya? Bakit niya ako sinasabayan ngayon sa paglalakad?’
“Meika.”
“Hindi ba malinaw sa iyo na binasted na kita? Ibig sabihin, hindi mo na ako dapat sinusundan.”
“Well, paano ko malalaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa ’yo kung lalayuan kita?”
Natigilan siya sa paglalakad at hinarap ito. Pinandilatan niya ito ng mga mata.
“Binasted mo ako kasi hindi ako sigurado sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa ’yo. So, let me find out.”
“E, ’di lumabas din ang totoo! Pinagmukhang ewan mo pa ako kanina sa harap ni Trina. Tama rin naman pala ang hinala ko kung bakit lumipat ka sa apartment dito!” pamaywang niya.
“No. Mali ka naman talaga sa hinala mo. Lumipat ako rito dahil sa trabaho ko, hindi dahil sa iyo. But since I am already here, bakit hindi ko na rin isabay sa pagtatrabaho ko ang alamin kung ano ang nararamdaman ko talaga para sa iyo?”
“O, ngayong sinabi mo na iyan, ano ang gagawin ko?” sarkastiko niyang saad.
“I need your permission to let me in to your life.”
“Bilang ano? Kasi hindi naman kita puwedeng maging kaibigan agad. Hindi pa kita nakikilala nang lubusan.”
He slightly lowered his head but never took away his gaze to her eyes as he smiled sheepishly. “Just an acquaintance then. Puwede ba?”
Meika looked away, considering everything that Resty just said. Napagtanto niya na wala namang masama siguro kung magiging acquaintance nga niya ang lalaki. What could even possibly happen? Kung balak naman nitong isahan siya at pahulugin ang loob niya rito nang walang pasabi, imposible rin iyon dahil may sarili siyang isip. Makahahalata naman siya siguro kung nagpapa-fall ang lalaki nang palihim dahil hindi nito matanggap ang pambabasted niya rito. Actually, it didn’t really matter because if she was uninterested with Resty and with having a relationship with him then he could not do anything to change her mind about it.
“Bahala ka. Pero huwag kang—” turo niya sa dibdib nito habang nakatitig sa mga mata ng lalaki, “—aasa ng kahit ano mula sa akin. Okay? Nabasted na kita. Tandaan mo iyan.”
Resty nodded politely. “Of course. Hindi naman kita pipilitin na magbago ang isip mo.”
“Mabuti na ang malinaw.” Nalingunan niya si Mickey na kanina pa yata nakikinig sa kanila ni Resty. Nakaloloko pa ang tikom-bibig na ngisi nito habang palipat-lipat ang nanunuksong tingin sa kaniya at kay Resty. “Itigil mo nga ’yan, Mickey! Tara na!”
Nang umalis sila ni Mickey ay hindi na sila sinundan pa o sinabayan ni Resty sa paglalakad. Hindi naman nilingon ni Meika ang lalaki para alamin kung saan ito nagpunta at baka mahuli siya nitong hinahanap ng kaniyang mga mata. Mahirap na kapag binigyan nito ng malisya ang simpleng paglingon niya rito, so she had to act like she didn’t care at all.
***
RESTY let out a heavy sigh once he got inside his apartment. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang makumbinsi si Meika sa dahilan kung bakit lumipat siya malapit sa bahay nito.
Noong kumain siya sa karinderya nito kaninang umaga lang, nahalata na ni Resty na hindi ito kumbinsidong lumipat siya ng tirahan nang dahil sa kaniyang trabaho. He figured that if he could not convince her, then there would be room for doubt within other people’s minds as to why he moved here. Kailangan niyang maging maingat lalo na at may posibilidad na magpadala ng mafioso ang Buenos Mafios sa barangay na ito para magtanong-tanong tungkol sa kaniya. So, he came up with the idea to entertain Meika’s assumption that he moved here for her. Para kung sakaling may magtanong tungkol sa kaniya, mabanggit ng mga ito na four months ago pa siya napupunta sa barangay na ito at may kakilala siya sa lugar na ito. Ibig sabihin, lalabas na hindi siya bagong salta na may posibilidad na napunta rito para pagtaguan ang Buenos Mafios na humahabol dito.
In reality, what he told Meika in the covered court was partly true. It was a lie when he said he wanted to be a part of her life, to figure out what he really feels for her. But it was true that he wasn’t planning to change her mind about him. Malinaw na sa kaniya na binasted na siya ni Meika at nirerespeto niya ang desisyon na iyon ng dalaga. Nakakahiya at masakit sa pride niya ang makipag-acquaintance dito matapos nitong i-reject. Pinagmumukha kasi niyon na desperado siya masyado o ’di kaya ay walang respeto sa babae dahil umayaw na ito ay tila naghahabol pa siya. But for the sake of his effective hiding from a mafia gang, he had to resort to this strategy.
Nagtagumpay naman si Resty sa nais niyang mangyari, kaya ang natitira na lang na kailangang gawin ay ang panindigan ito. Once his request to be relocated for work back in Quezon City was approved, Resty would be leaving everything behind—the apartment and Meika, in particular.
Hopefully, the mafia gang would stop chasing him when that time comes.
Umupo si Resty sa gilid ng kaniyang kama at inilabas mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ang flashdrive na ibinigay sa kaniya ng informant.
He stared at the flashdrive and toyed it with his fingers while his thoughts began running: mayroon siyang laptop at puwede niyang tingnan ang files gamit ito; kaya lang nagdadalawang-isip siya na isalpak ang flashdrive sa laptop niya. He wasn’t that much of a tech savvy, but his imagination knew no bounds. What if accessing the files in his laptop would help that mafia gang locate him?
‘Computer shop!’ bahagyang pagliliwanag ng kaniyang serysong mukha. ‘Bubuksan ko ang files sa isang computer shop!’ Tumayo si Resty at inilagay sa bulsa ng kaniyang side bag ang flashdrive. ‘At dahil may posibilidad na baka ma-locate ako gamit ang flashdrive o ang files nito, titingnan ko na lang ito kapag paalis na ako sa lugar na ito . . . Kapag papunta na ako ng Q.C.’
***
SA paglipas ng mga araw, napansin ni Meika na araw-araw kumakain sa karinderya nila si Resty. Kadalasan ay present ito tuwing gabi dahil siguro kumakain ito sa kainan na malapit sa mga lugar na kino-cover nito para sa TV news. Kapag wala itong trabaho o nasa barangay lang nila, tatlong beses ito kung kumain dito. Not a day passed where he missed eating in their eatery.
Ang ipinagtataka lang ni Meika ay parang hindi naman interesado si Resty na maging magkakilala sila katulad sinabi nito noon sa covered court. He acknowledged her presence with those quick glancea from his eyes, but other than that, he never talked to her or approached her. Sa halip, si Trina ang madalas nitong nakakausap.
Tuwing nagpupunta si Resty sa karinderya, si Trina rin ang una nitong hinahanap. Katulad sa araw na ito.
Resty arrived looking fine. Tila kagagaling lang nito sa trabaho pero mukhang fresh pa ang lalaki na naka-kapote nang transparent sa ibabaw ng itim nitong V-neck long-sleeved shirt at jeans. He wore a pair of black leg-high rubber boots and a belt wrapped around his waist. His short trimmed hair lightly glistened because of the stray raindrops that touched some of its black strands.
Pumuwesto si Resty sa bandang dulo ng mahabang kahoy na bangko habang nagkakandahaba ang leeg sa kahahanap ng mga ito kay Trina. Sa oras na ito, abala si Aling Mika sa pag-aasikaso kay Mang Philip na napadadalas din ang pagbili ng lutong ulam. Hindi naman inintindi iyon masyado ni Meika. Matanda na kasi ang lalaki at mag-isa na lang sa buhay, kaya malamang ay ayaw na nitong pahirapan ang sarili sa pagluluto at namimili na lang ng ulam.
Nang mapagtanto na wala sa karinderya si Trina, nilagpasan siya ng mga mata ni Resty at tinanaw nito si Aling Mika. Nabasa niya ang panghihina sa mukha nito nang mapagtantong abala ang nanay niya at hindi ito maaasikaso.
“May gusto ka bang bilihin?” Meika finally initiated. Bahagya niyang itinaas ang mahabang manggas ng suot niyang jacket na bukas ang zipper sa gitna kaya kitang-kita ang pink na Hello Kitty T-shirt niya. She wore a pair of gray jogging pants and her fliplops Kahit kasi puro ambon na lang ang nagaganap nitong nakaraang mga araw ay sobrang lamig pa rin naman ng panahon. Ang tsinelas naman ay awtomatikong suot niya dahil nakasanayan na niya ito tuwing nasa karinderya.
Nang mai-rolyo nang bahagya pataas ang manggas ng jacket niya ay inayos niya ang pagkaka-high ponytail ng kaniyang buhok habang hinihintay ang sagot ni Resty.
Resty looked at her with his uninterested copper brown eyes, confused and somewhat surprised. “Oo. Pero nasaan si Trina?”
Namaywang siya. “Nakita mo naman siguro na wala siya rito kasi kailangan ding mag-day off no’ng tao.”
He nodded quickly and put down his cloth briefcase on the narrow table in front of him. “Isang bulalo nga. Tatlong cup ng kanin.”
“Iyon lang?” paninigurado niya. She tried to sound cool as much as possible. Iignorahin na lang niya ang kaalaman na tila sinadya ng lalaki na ibahin ang topic ng kanilang usapan para maitaboy siya nito.
“Mas madali sana kung narito si Trina. Alam niya na kasi kung ano ang ise-serve.”
Hindi niya malaman kung bakit naiirita siya sa lalaki. Siguro ay dahil feeling may-ari ng karinderya itong Resty na ito. “Pasensiya na po, sir, kung wala rito ang secretary mo at hindi niya naibilin sa akin kung ano ang palagi mong kinakain.”
Resty stared at her with furrowed brows. Tila naguguluhan pa ito. Patalikod na siya rito para asikasuhin ang order nito nang pigilan siya ng boses nito.
“You seemed moody today. Meron ka?”
“Merong ano—” Nanlaki ang mga mata niya. “Aba, pakialam mo kung meron ako?” patungkol niya sa pagkakaroon ng buwanang dalaw.
“Well, may pakialam ako kung nakakaapekto iyan sa pagtrato mo sa akin na customer mo rito.”
“Ang daming daldal, o-order ka na lang ng pagkain, e.” Tumalikod na siya para ipaghain ang lalaki.
Resty just shrugged and pushed his bag a bit to his right to provide a space on his part of the table for his lunch. Pagkahain niya sa tanghalian ng binata ay inasikaso niya na ang iba pang mga customer. Tanghali na kasi kaya marami ang kumakain at namimili sa karinderya.
Nang kumaunti na ang mga mamimili, naging abala si Meika sa paghuhugas ng mga pinggan, kubyertos, at baso. Pagkatapos ay pumalit siya kay Aling Mika sa pagbabantay sa karinderya para makapagluto sa bahay ang nanay niya ng ilang meryenda at maihanda na rin ang ititindang ulam para sa hapunan.
Alas-tres na ng hapon nang maiwang mag-isa sa pagbabantay sa karinderya si Meika pero nakaupo pa rin dito si Resty. As far as she could recall, it took him thirty minutes to finish his lunch and about fifteen minutes to finish his soft drinks. Habang kumakain kasi, nakikipagdaldalan pa ito sa ibang mga kumakain o mamimili sa karinderya. Minsan naman, nagtitipa ito sa de-keypad na cell phone. Um-order na rin ng meryendang lumpiang toge ang lalaki habang panay ang sulat ng kung ano sa notebook nito.
Meika sighed and shook her head slowly while watching him. Napansin naman ito agad ni Resty.
“May problema ba?”
“Ganito ka ba lagi kapag iniiwan namin si Trina para magbantay tuwing hapon? Tumatambay ka rito hanggang alas-tres?”
“Okay lang naman, ’di ba? Kasi bumibili pa rin naman ako.”
Tiningnan niya ang natitirang isang lumpiang toge mula sa in-order nitong tatlong piraso kanina na mga twenty minute pa yata ang lumipas bago naubos ng lalaki. May katabi itong sukang sawsawan na nasa maliit na plastic dip bowl.
“Oo, pero nakapagtataka lang na tumatambay ka pa rito. Puwede mo naman iuwi iyang lumpia at doon ka sa apartment mo magsususulat sa notebook habang kumakain.”
Resty chuckled lowly. “Medyo mahaba ang paliwanag ko riyan. I suggest for you to pull a chair and sit closer here. O lumabas ka at umupo ka rito sa tabi ko.”
“Hindi. Tatayo na lang ako rito. Mag-explain ka na,” halukipkip niya.
Resty sighed with a smile and showed his notebook to her but only for a second.“Gumagawa ako ng draft para sa balita na ire-report ko.” Without looking away from her, he put down his motebook and closed it with his pen squeezed between two of its pages. “Pagkatapos kong isulat ’to, i-i-email ko sa opisina, sa news editor. Kapag naman maikli lang, tinetext ko na lang o itinatawag. Kapag naaprubahan, pupunta na ako sa location para mag-record ng report kasama ang camera man kung gagawing playback at hindi live ang news report ko.”
“At dito mo pa talaga ginagawa iyang trabaho mo?” kuryoso niyang tanong.
“Siyempre! Wala naman akong mahahagilap na balita sa loob ng apartment ko, kaya kailangang nandito ako sa labas. Isa pa, maraming kumakain dito na tao—mga tagarito at mga napadaan lang. Perfect location itong karinderya ninyo para makakalap ako ng balita.”
“E, hindi ka naman sigurado kung balita ba talaga o tsismis ang masasagap mo rito.”
“Exactly. Kaya nagte-take down notes ako at pinipili ko kung alin sa mga nababalitaan ko rito ang mas importante na ma-report. Pagkatapos, pupuntahan ko ang location niyon o hahanapin ang taong involved para ma-verify kung totoo nga ang nasagap kong balita.”
Inilihim ni Meika ang pagkamangha habang nakikipagtitigan kay Resty na tila naghihintay sa kaniyang reaksiyon o tugon dito.
‘May punto nga naman siya. Ibig sabihin, trabaho lang talaga ang dahilan ng pagtambay niya rito . . .’ Napahiyang tumalikod siya kay Resty bago lumabas ang reaksiyon sa kaniyang mukha. Nalukot ang mukha niya dahil sa matinding pagkaasiwa sa pagiging usisera niya. ‘Mukhang wala na talaga para kay Resty na binasted ko siya! Tama na ang tamang hinala, Meika! Hindi ka niya aatakihin nang patalikod o pipilitin na ma-fall ka, okay? Kaya tama na! Tama na ang pag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa kaniya! Tanggap na niyang maging magkakilala na lang kayo, kaya hindi na ako dapat na mailang o mangilag sa kaniya.’
Meika composed herself as discreetly as possible before she immediately turned to face Resty. “Sorry. Tumalikod lang ako kasi may inaalala lang ako.”
“Related ba iyan sa pinag-uusapan natin? Naalala mo na ba?” tila inosente nitong tanong.
Meika nodded and gave him an uncertain smile. Kasabay niyon ang paglalahad niya ng isang kamay rito. “Hindi related pero oo, naalala ko na. Bayad mo nga pala?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro