13 - Resty's Revenge
PAGKATAPOS magkape ni Resty ay umalis na ito agad kaya hindi na naabutan sa bahay ni Aling Mika. Meika simply told her Trina and her mother that she already rejected Resty and her reason for that.
Ibinalik din niya sa binata ang bucket ng fried chicken na dala nito kaya dumeretso silang mag-nanay ng tulog noong gabing iyon.
Two weeks passed by without getting any news from Nesty. Kaya naman inisip ni Meika na tapos na ang anumang interaksiyon sa pagitan nilang dalawa.
Maybe, Resty realized that she was right—he wasn’t sure about his feelings for her so that might mean he wasn’t in love with her at all.
Or maybe, Resty confirmed that he really was in love with her. But since she already rejected him, he decided to keep things that way and refused to pursue her further.
It was already July. Ilang araw nang maulan kaya naman mga sopas o ulam na may sabaw ang madalas na menu sa karinderya nina Meika. Para na rin makaiwas sa hassle na biyahe kada umaga, maramihan na ang mga sangkap na binibili ni Meika. Iyong sasapat para maipang-stock sa loob ng isang linggo nang hindi nabubulok o nasisira. Dahil dito, napakarami niyang dalang plastik pagbaba mula sa jeep. Mabuti na lang at kahit makulimlim ay hindi pa bumabagsak ang ulan, dahil wala siyang pangatlong kamay na magagamit panghawak ng payong.
Nilakad niya ang kalsada papasok sa kanilang barangay hanggang sa marating ang tapat ng pinto ng kanilang payak na bahay. Nilingon niya muna ang karinderya at nang makitang naroon sina Aling Mika at Trina na mukhang maayos na nakakakilos, lumapit na siya sa pinto. Natigilan lang siya nang sumulpot mula sa kaniyang likuran ang nakababatang kapatid—si Mickey. He was already thirteen, second year in high school. He wore an oversized black T-shirt and a loose green basketball shorts.
There was this sharpness in the shape of his eyes. Unlike Meika’s pouty lips, his’ were thin, narrow. His skin had a deeper shade of brown, thanks to his basketball playing hobby. Pareho sila na matangos ang mga ilong at itim ang unat na buhok. Nauuso sa taong 2006 ang emo-style ng buhok kaya ganoon ang pagkaka-istilo ng mahabang buhok ni Mickey na itim na itim at may side bangs na tumatakip sa kaliwang mata nito. Nabibiktima ang kapatid niya ng libreng pagupit ng patilya tuwing unang araw ng buwan sa eskuwelahan, pero matigas pa rin ang ulo nito at panay ang pahaba sa buhok. Kung hindi lang ipinagbabawal sa eskuwelahan nito ay nagpa-red o purple highlights na rin ang binatilyo.
“Ako na riyan, ate,” ako nito sa pagbibitbit sa ilan sa kaniyang mga pinamili.
“Mabuti naman at naisipan mo akong tulungan. Aba, kanina pa kita hinahanap para samahan akong mamalengke!”
“Sorry na, ate. Naunahan ka nila Jeric, e. Niyaya na nila ako mag-basketball sa covered court bago mo pa ako niyaya.”
“Wow, naunahan pa nila ako sa lagay na ito? E, ’di alas-kuwatro pa lang pala ng madaling-araw nasa basketbolan na kayo?”
Pinagbuksan siya ni Mickey ng pinto ng bahay bago ito naunang pumasok kasama ang ilan sa mga plastic bag. “Siyempre, kung alas-sais pa kami pupunta ro’n, marami na kaming kaagaw sa covered court na mga naglalaro at mga nagpapaaraw ng sanggol.”
Nakasunod lang siya kay Mickey patungo sa maliit nilang kusina na konektado lang din sa sala. Bago pa siya nakasagot sa itinuran ng kapatid ay naunahan na naman siya nito.
“Dapat kasi sinagot mo ’yong manliligaw mo. E, ’di siya sana tagabitbit ng mga pinamalengke mo!” natatawa nitong biro.
“Ay wow! Tagabitbit lang ang kailangan ko, e, bakit kailangang boyfriend-in ko pa ’yon? Puwede namang ikaw na kapatid ko na lang ang tagabitbit ko,” ganti niya ng pang-aalaska rito.
Nginisihan lang siya ni Mickey pagkalapag ng mga plastic bag sa mesa nila na berdeng linoleum na nilagyan ng thumb tacks ang cover. “Sige, ’te, pang-hapon na ang pasok ko sa school kaya magre-ready na ’ko.”
“Nakahingi ka na ng baon kay Nanay?” tanaw niya sa kapatid na naglalakad na sa sala, patungo sa kuwarto nila. Iisa lang kasi ang silid sa bahay kaya pinaghahatian nilang tatlo ng kaniyang ina at kapatid. Naglalatag lang sila ng manipis na foam sa sahig at doon natutulog.
“Oo naman, ’te,” walang-lingon nitong sagot.
Pagkatapos ayusin ni Meika ang mga pinamili ay dumeretso na siya sa karinderya para tumulong. Matao kapag tanghali, kahit maulan, kaya naman importateng tatlo nina Aling Mika at Trina na nakatao roon.
Pagpasok sa karinderya ay inobserhan muna niya ang dalawa. Abala si Aling Mika sa pagse-serve ng isang mangkok ng sinigang na baboy sa customer. Si Trina naman ay nakatalikod mula sa kaniyang direksiyon at tila may kausap. Pinasya niyang lapitan ang kaibigan para alamin kung tungkol saan ang pinag-uusapan nito at ng customer.
“Asuuus, talaga bang wala na lang iyon sa ’yo? O baka naman pinili mo talagang lumipat dito para—” Her friend abruptly stopped talking. Ang talas ng pakiramdam nito dahil napalingon agad nang maramdaman ang presensiya niya sa likuran nito. “Meika!”
She gave Trina an upward nod and shifted her eyes to the customer. Buti ay napigilan niya ang mapanganga sa gulat nang makita na si Resty ang nakaupo sa bangkong kahoy katapat ng kinatatayuan nila ni Trina. There was this serious look in his eyes as his brows slightly furrowed while meeting her shocked gaze.
Namaywang siya gamit ang isang kamay. “At ano ang ginagawa mo rito?”
Bakit din nagpapakita ito nang walang paalam? Natiyempuhan pa nito na may tilamsik ng ulan mula kaninang alas-sais ng umaga ang suot niyang pink scoop neck shirt na hanggang mga hita niya ang haba. She wore a decent pair of tokong jeans and a pair of red slippers, but her straight hair was the most disastrous of them all. Magulo ang pagkaka-claw clip niya rito.
“Manananghalian. Bawal na ba kumain sa karinderya?” kunot-noo ni Resty sa kaniya.
Narinig niyang natatawa si Trina kaya nang lingunin niya ay tumikom agad ang bibig nito. Tila umuubo ito bago tuluyang kumalma.
“O, e, bakit dito at hindi sa Q.C.?” mapanghamon niyang tanong.
“Grabe ka naman, Meika, buti nga dito naisipang kumain ng tao. Dagdag din iyan sa kita natin,” bulong ni Trina sa kaniya.
“Binasted ko na nga siya, ’di ba?” bulong niya rito, nagtitimpi.
“O, ’tapos?” mataman pa siya nitong pinagmasdan, tila inoobserbahan bago nagpatuloy. “No hard feelings naman daw, e. Dito siya kumakain kasi nakatira na siya sa apartment malapit sa covered court.”
Pinanlakihan niya ng mga mata si Resty. “Dito ka na nakatira?”
“Months ago pa ako nakatira dito sa Muntinlupa. Masyado nang mahal ang renta sa tinutuluyan ko kaya naghanap ako ng iba pang malilipatan.”
“At dito mo pa naisipang lumipat?”
“Oo. Mura dito, e,” kaswal nitong sagot.
Masyadong kaswal . . . Pinanliitan niya tuloy ng mga mata ang lalaki at binigyan ng nagdududang tingin.
“Talaga lang, ha?”
“Why? Is there something wrong?”
Napaiwas siya saglit ng tingin. Inihahanda lang niya ang sarili. Bumuwelo lang bago ito hinarap uli at sinagot.
“Hindi naman sa assumera ako, ano? Pero kasi, weird lang na pagkatapos kitang basted-in, naisipan mong lumipat dito. Dito pa talaga malapit sa bahay namin.”
“Ano ang weird doon?”
Hindi siya makapaniwala na napanganga saglit sa itinuran ng binata. ‘Aba, ano ’to? Maang-maangan?’
Nilingon niya si Trina. “Aba, malay ko ba. Baka lumipat siya rito para harass-in ako, para gumawa ng paraan para magustuhan ko siya, para ipagpilitan na baguhin ang isip ko tungkol sa pambabasted ko sa kaniya, hindi ba, Trina?”
Trina just pouted and shrugged. “Malay ko. Parang hindi naman ganoon ang intensiyon ni Resty.”
“Kaibigan ba kita o ano?”
Dumikit sa braso niya ang braso ni Trina at pasimpleng bumulong. “Friend, ayoko lang pahabain ang usapan ninyo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, o.”
Conscious na tumingin sa paligid si Meika at nakumpirma na totoo ang sinasabi ni Trina. Ang mga walang kamuwang-muwang lang sa sagutan nila ni Resty ay ang kaniyang ina na abala sa pag-aasikaso sa mga customer.
“My presence here shouldn’t bother you, Meika,” ani Resty kaya bumalik ang tingin niya sa lalaki. “Ikaw na rin ang nagsabi na hindi totoo ang love at first sight. Kaya kung hindi totoo na may feelings ako para sa iyo, bakit mo naman naisip na narito ako para magustuhan mo ako? Ano ang mapapala ko sa feelings mo kung wala naman akong feelings para sa iyo? Hindi pa nga ako sure sa feelings ko para sa ’yo, ’di ba?”
Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin dito. ‘Kailangan ba talaga na ilahat niya ang mga detalye rito? Dito sa karinderya namin? Sa harap ng mga tao?’
“Hoy, Meika, halika rito at tulungan mo ako! Dinudumog ako ng mga tao rito, o!” tawag sa kaniya ni Aling Mika mula sa nasa kabilang dulo ng karinderya at nakatalikod sa kanilang direksiyon. Her mother just flanced at them shortly over her shoulder. “Trina, bakit nakatunganga ka riyan?”
“Ay, sorry po, Aling Mika!” talima agad ni Trina, medyo nataranta pa nang ayusin ang nakabaligtad nitong shorpet bago sumingit sa harapan niya. “Ano uli ’yong order mo, Resty?”
“Dalawang bulalo at tatlong cup ng kanin.”
“Ay, oo nga pala! Sige. Sandali lang.” At umalis na si Trina para ihanda ang order ng lalaki.
Meika crossed her arms and studied Resty. He wore his usual black V-neck shirt and jeans. Napapatungan iyon ng transparent na kapote na nakababa ang hood. Nakapatong sa makipot na mesang katapat nito ang basang asul na folding umbrella at itim na cloth briefcase.
He was busy with his keypad phone when she could not help asking, “Bakit dito ka na pala nakatira? Paano na ang trabaho mo sa Q.C.?”
Resty just shrugged and did not lift a single gaze at her.
‘Ano’ng laro naman kaya itong nilalaro niya? Umaakto lang ba siya na walang pakialam sa akin? O na-offend siya sa mga in-assume ko kanina?’
“Meika!” tawag uli ni Aling Mika sa kaniya kaya nilapitan at tinulungan na niya ang kaniyang nanay sa trabaho.
***
ALAS-DIYES na ng gabi. Tatatlo na lang ang customer na kumakain sa karinderya at wala pang nakatambak na hugasin sina Meika at Trina kaya nakaupo sila sa isang sulok nito, malayo sa mga kumakain at nagtsitsismisan.
Siyempre, kinumusta ni Meika ang inaayos pa rin na bahay nina Trina at Mami Karl. Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang masunugan ang mga ito. Tatlong linggo lang naman ang itinagal ng mag-ama sa evacuation center bago napagpasyahang tanggapin ang alok niya na makitira muna ang mga ito sa kanilang bahay.
They stayed there for two months. Last month, they finally moved back to their old house. Pinagtagpi-tagpi pa lang muna ang mga puwedeng maitagi para lang magmukhang bahay uli ang tirahan ng mga ito, pero sa awa ng Diyos naman ay maayos ang kalagayan nila kahit may mga kailangan pang ayusin sa bahay nila.
Hanggang sa napunta na nga ang usapana nila kay Resty. His presence earlier had been bugging Meika all day. Hindi niya tuloy napigilan na banggitin ang lalaki.
“Kinakabahan talaga ako, Trina. Sa tingin ko, gusto akong gantihan n’on,” ani Meika habang yakap ang nakataas na mga paa sa kinauupuang monoblock. “Resty’s revenge ba.”
Trina gave her an unconvinced look. “Gantihan saan? Sa pambabasted mo?”
“Oo!” panlalaki niya ng mga mata rito. “Tapatin mo nga ako, Trina? Bakit hindi ka nababahala sa Resty na ’yom? Hindi ka naman ganyan kaluwag noon sa mga pumoporma sa akin dati? Si Eli nga, naging boyfriend ko na, pero inaangasan mo pa rin.”
Meika looked away. Tinanaw lang niya saglit ang mga kumakain na customer.
“E, ano ba ang ikababahala ko ro’n sa Resty?” sagot ni Trina. “Noong pumoporma siya, ’di ba, napagsasalitaan ko pa siya ng kung ano-ano? Ngayong hindi na siya nanliligaw at mukhang hindi naman siya interesado na sa ’yo, para saan pa na angasan ko siya?”
Naguguluhang tinitigan niya si Trina. “Sa tingin mo? Hindi na siya interesado sa akin?”
“Oo. Kanina nga, ’di ba? Pag-upo niya ro’n sa upuan, akala ko hahanapin ka o kukumustahin. Pero hindi, tinawag lang niya ako at nagtanong ng presyo ng bulalo at kanin bago um-order. Nagtaka ako kung bakit ganoon siya umakto kaya inusisa ko na kung bakit dito siya sa karinderya kumakain.
“Sabi niya, bagong lipat siya sa apartment malapit sa court at wala siyang oras magluto kaya dumeretso rito sa karinderya. Ito lang daw ang alam niyang makakainan na malapit daw, e. Hindi pa nga ako kumbinsido noon. Tinanong ko kung sigurado bang pagkain lang sa karinderya ang ipinunta niya—”
“At ano’ng isinagot?” nagmamadali niyang usig.
“Ito na nga po,” lapit ng pisngi ni Trina sa pisngi niya dahil nakatanaw ito sa mga kumakain na customer. “Ang sabi niya, oo kakain lang daw siya. Huwag na raw kitang tawagin pa para lang makita siya, kasi wala na raw kayong dapat pag-usapan pa dahil binasted mo na siya. Tinukso ko tuloy siya na baka affected pa siya. Wala na raw ’yon, sabi niya kaya sabi ko ‘Asuuus, talaga bang wala na lang iyon sa iyo?’”
“A, iyon na iyong naabutan kong pinag-uusapan ninyo?”
“Oo.”
Meika cocked her head to the side. “Sa tingin mo, nagsasabi siya ng totoo? Hindi niya kasi nasagot ang tanong ko, wm Sa Q.C. siya nagtatrabaho kaya bakit dito siya sa Muntinlupa nakatira? Iyong address sa I.D. niya, sa Q.C. din, ’di ba?”
“Malay ko. Pero reporter siya, ’di ba? Kaya baka naman nadestino lang dito sa Muntinlupa dahil may gagawan siya ng balita na dito nangyari. Katulad noong nagkasunog sa amin, ’di ba? May kasama pa nga siyang camera man.”
Meika nabawasan naman ang agam-agam ni Meika. “Kunsabagay. Napanood ko pa nga siya no’n sa TV.”
“Kitams? Kaya baka trabaho lang din ang ipinunta niya rito. Nagrerenta nga lang siya, e, hindi naman bumili ng bahay at lupa rito. Ibig sabihin, temporary lang iyon maninirahan dito.” Trina playfully cracked her knuckles. “At kung sakali namang magtangka siyang tsansingan ka dahil hindi niya matanggap na binasted mo na siya, e, nandito lang namaj ako, Meika. Makakatikim siya ng Trina’s revenge na may kasamang sapak.”
Natatawang napailing na lang siya.
“Hoy, walang nakakatawa sa sinabi ko!” nangingiting saad nito. “Hindi ako puro angas lang, no! Bakla si Mami pero magaling magturo kung paano manapak!”
“Oo na! Oo na!”
“Sa panahon ngayon, friend, kailangan kahit babae ka, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo.”
“E, ’di turuan mo akong manapak!” tuwid niya ng upo sabay baba ng mga paa mula sa pagkakataas sa upuan.
“Sige ba!” ngisi naman ni Trina sa kaniya.
***
RESTY was sitting on the cemented bleacher inside a public covered court. May mga kabataang naglalaro ng basketball dito kahit alas-diyes na ng gabi. Nagkalat sa mga bleacher ang mga kabataan na nanonood ng basketball o ’di kaya’y magkakabarkada na nagkukuwentuhan na animo’y may sarili silang mundo.
He felt someone sit beside him. Ipinatong nito sa tuhod ni Resty ang isang flashdrive stick. Mabilis namang kinuha ito ni Resty at ikinuyom ang kamay sa ibabaw ng tuhod para ikubli ang flashdrive.
“Sigurado ka bang walang nakasunod sa iyo?”
“Oo naman,” sagot ng lalaking naka-cap, ang kaniyang informant.
“Siguraduhin mo,” mariin niyang wika habang nagkukunwari na nanonood ng basketball. “Dahil sa ’yo kaya napilitan akong lumipat ng apartment.”
“Nag-ingat naman ako. Sadyang matinik lang talaga ang mga tauhan ng BM.”
“Siguraduhin mo rin na hindi ka double-crosser. Na hindi ka nabayaran ng mga iyon para matiktikan nila at masundan ka para matunton ako.” Mabilis na inilabas ni Resty ang kandong na puting envelope na nakakubli kanina sa ilalim ng suot niyang itim na V-neck T-shirt. Ipinatong niya ito sa tuhod na mabilis namang kinuha ng impormante. Pasimple pa nitong sinilip ang laman na pera. “Iyan na ang huling bayad ko sa ’yo.”
“Ay, ano’ng huling bayad? Bakit?”
“Tapos na ang trabaho mo sa akin.”
“Pero hindi pa sapat ang laman ng USB na iyan para masagot ang mga gusto mong malaman.”
“Tinatapos ko na ang pagtatrabaho mo para sa akin.”
Kabadong luminga-linga ito sa paligid bago sinilip ang kaniyang mukha. Resty, on the other hand, refused to make eye contact. Nanatiling nakatuon ang kaniyang tingin sa mga naglalaro ng basketball.
“Bakit? Iniisip mo ba talaga na sinadya kong masundan ako ng mga BM?” Natatarantang napailing ito. “Hindi ko magagawa iyon. Paano nila ako mababayaran? Ni hindi pa nga nila ako nakikita o nalalapitan? Ni hindi ko pa nga kilala ang pinuno ng Buenos Mafios.”
His eyes narrowed. “Tangina mo. Iyang bunganga mo rin ang magpapahamak sa atin.”
Tila naputulan ng dila ang lalaki. Nabanggit nito ang buong pangalan ng organisasyon na ingat na ingat sila na huwag ma-involve dito sa anumang paraan.
“Sir Resty, hindi puwedeng basta mo na lang akong bitiwan. Nasundan na ako ng mga BM, e. Kapag naghiwalay na tayo ng landas, oo wala ka nang poproblemahin dahil hindi ka na matutunton ng mga iyon. E, ako? Ako ang susundan nila at hindi nila ako titigilan! Sa oras na madakip nila ako, baka mapilitan akong banggitin ang pangalan mo—”
Nakakakilabot na tingin ang ipinukol niya rito. “Subukan mo lang na banggitin ang pangalan ko.”
“Sinasabi ko lang. Hindi ako makapapayag na ilaglag mo nang ganito para lang mailigtas ang sarili mo.” Kulang na lang ay sumigaw ito dahil sa umaahon na pagkataranta at galit sa boses habang nagpipigil na mapagtaasan siya ng boses.
“Hindi kita inilalaglag. Iyan na ang pera, Danilo, gagamitin mo na lang para makapagtago ka. Alangan namang magkita pa rin tayo at pareho tayong madakip ng mga iyon?” He returned his eyes to the front. “Mas magiging madalinang pagtatago natin mula sa kanila kung maghihiwalay na tayo ng landas, Danilo.”
Tinitigan pa siya ng lalaki na para bang nag-aabang sa pagbabago ng kaniyang isip. Danilo was only left disappointed because he, Resty Fondejar, rarely change his mind. Dahil sa humaba na ang katahimikan sa pagitan nila ay napipilitang umalis na ang informant.
Resty opened his hand and revealed the black flashdrive on his palm.
Ayon kay Danilo, hindi pa sapat ang laman ng flashdrive stick na ito para masagot ang mga katanungan niya, pero titingnan niya kung makakatulong ito kahit papaano para makausad siya patungo sa makasasagot sa matagal nang gumugulo sa kaniyang isipan—kung sino ba talaga ang nasa likod ng pagkamatay ng kaniyang ama.
He immediately hid the flashdrive in his balled fist when something alerted him. He saw someone in his peripheral vision. Nang ipokus ang mga mata ay nakita niya ang isang babae na malalaki ang mga hakbang patungo sa parte ng covered court na malapit sa basketball ring.
Tila pasugod sa mga binatilyong naglalaro doon si Meika.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro