12 - Courting
INILAGAY na ni Meika sa dish rack ang huling pinggan na pinunasan ng towelette para matuyo. Pagkatapos ay ipinunas niya sa gilid ng magkabilang mga hita ang dalawang kamay habang palapit kay Aling Mika.
“Nanay, mag-a-alas-diyes na. Papasok na ako sa bahay para maglinis. Baka parating na si Resty,” seryoso niyang paalam sa ina.
“Uyyy, talagang ipaglilinis niya ng bahay ang kaniyang manliligaw,” tukso ni Trina na halos magkandahaba ang leeg kasisilip sa kanila. Nasa kabilang dulo ito ng karinderya at ipinagkukuha ng isang bote ng soft drinks ang customer.
“May manliligaw si Meika?” tanong ng isa sa mga customer na naghihintay sa binili nitong lutong ulam. Si Mang Philip ito, ang matandang matangkad at medyo hukot na ka-barangay nila.
“Oo, Mang Philip! Dayo pa. Galing ng Kyusi!” sagot ni Trina kaya pinanliitan niya ang kaibigan ng mga mata. Nagpipigil ng tawa na nilapitan naman ni Trina ang customer at inabot dito ang bote ng soft drinks na nilagyan ng plastic straw.
“Aba, ang layo naman yata ng naabot ng natatangi mong ganda, Meika,” natatawang tukso sa kaniya ni Mang Philip.
Natawa ang nanay niya at si Trina. Nahihiyang napayuko ng ulo naman si Meika at napailing.
“E, nagpunta ng Kyusi, e, kaya umabot talaga ro’n!” ani Trina.
“Alam mo, Trina, kung makapagkuwento ka akala mo sarili mong love life ang pinag-uusapan dito,” pandidilat niya sa kaibigan.
“Sorry naman! Masaya lang ako, no! Kasi may nanliligaw na uli sa ’yo. Malakas siguro ang loob dahil hindi n’ya kilala si Eli at ang gang niya ng mga ‘magna!’”
Mang Philip softly warned Trina. “Hoy, hija, huwag kang masyadong maingay at baka mapag-initan ka ng grupo nila.”
“Wala iyan, Mang Philip! Lie-low pa ang mga iyon dahil kalalabas pa lang ni Eli ng kulungan.”
Gulat na nilapitan ni Meika si Trina. “Kalalabas lang ni Eli?”
“Ay, hindi mo alam?” gulat nitong lingon sa kaniya bago napalitan ng panunukso ang tingin at ngisi nito. “Uyy, talagang naka-move on na siya!”
Pinalo niya si Trina sa braso. “Sira! Hindi sa gano’n!” Pagkatapos ay hinila niya ito patungo sa isang sulok para silang dalawa lang ng kaibigan ang magkarinigan. “Trina, baka sumugod dito si Eli. Natatandaan mo naman siguro na tinanggihan natin siya noong humingi siya ng tulong para makalabas ng kulungan?”
“O? E, ’di subukan niyang sumugod para makulong uli siya!”
Napasapo na lang sa sentido si Meika at pinisil-pisil ito ng mga daliri. She lowered her gaze because her mind was already running with hundreds of worried thoughts.
“Anong hitsura ’yan? Natatakot ka kay Eli? Kailan ka pa natakot kay Eli?” Medyo natatawa na si Trina sa kaniya. “E, kahit ‘magna’ iyon, hindi ka naman makanti n’on.”
“Oo nga, pero paano kapag nagkita sila ni Resty?”
“E, ’di nagkita!” kampante nitong sagot kahit nawala na ang ngiti nito.
“Hindi ba sila magkakasakitan? Dahil sa akin?”
“Ay wow, sakitan agad? Hindi ba puwedeng magtanungan sila kung ano sila para sa iyo?”
“Trina naman, e. Hindi mo sineseryoso ang mga sinasabi ko.”
“Bakit ba kasi inaalala mo iyan? Silang dalawa na ang bahala ro’n. Iyong isa, ex mo na. Ang isa naman, manliligaw pa lang. Kaya ang priority mo lang ay sarili mo, okay?” Trina gave her an encouraging smile and a pat on her shoulder. “Kapag nagkapisikalan sila, e ’di ipabarangay natin, tapos sila na ang bahalang mag-aregluhan. Hindi mo kailangang magpaka-stress masyado sa mga lalaking ’yan, friend.”
Meika nodded. “Okay.” Then she glanced at Trina again. “Uuwi na ako.”
“Sige na. Susunod sa iyo si Aling Mika. Wait ka lang nang kaunti. Pagkasara ko ng karinderya, subukan kong makahabol.”
“Salamat, Trina,” marahang tapik niya sa braso ng kaibigan bilang pagpapaalam.
Nagpaalam na rin si Meika sa kaniyang nanay. Pagkauwi sa bahay na nasa likuran lang ng kanilang maliit na karinderya sa tabing-kalsada ay nagwalis na sa sala si Meika at nag-ayos ng mga gamit. Mabilis siyang natapos kaya naisipan niyang palitan ang punda ng dalawang throw pillow sa sofa nila na gawa sa puting plastik. Pagkatapos ay naghugas siya saglit ng katawan at nagpalit ng damit.
She reappeared in the living room wearing a pink babydoll dress. It had a ruffled shoulder strap and a skirt that reached her knees. Nakalugay ang lagpas-balikat niyang buhok na layered ang gupit at may side bangs. Nagpulbo pa siya. Nang mapagtanto ang kaniyang hitsura ay kabadong bumalik siya sa kuwarto.
‘Sa hitsura ko, baka isipin nilang nagpaganda pa talaga ako para kay Resty!’
Paglabas ng kuwarto ay nakapambahay na siya. Suot niya ang itim na bulaklaking short shorts at V-neck T-shirt na pula. Nakalugay pa rin ang kaniyang buhok.
Pag-upo ni Meika sa sofa ay napaisip siya. ‘Hindi ba masyadong pambahay itong suot ko?’ She looked at her shorts. ‘Masyado bang maikli itong shorts ko? Baka kung ano ang isipin ni Res—’
Napatayo siya nang makarinig ng mga boses sa labas. Hindi lang boses iyon kung hindi nasasaliwan pa ng tugtugin mula sa isang boombox. Kabadong binuksan ni Meika ang pinto at bumungad sa kaniya ang manliligaw. May hawak itong mikropono na nakakonekta sa boombox na nakasabit sa braso nito. May hawak pang isang bucket ng fried chicken ang lalaki sa kabilang kamay nito.
Halatang pinaghandaan ng lalaki ang pagbisita rito. He wore a pair of dark gray slacks, brown leather shoes, and a button-down short sleeved sage green shirt with faint gray patterns printed on it. His shortly trimmed black hair was shiny.
“Uso pa ba ang harana?” umaawit na panimula ni Resty.
Pakiramdam ni Meika ay lulubog na siya sa kinatatayuan. She never cringed this hard in her life as she, and the neighbors, and everyone in their eatery, watched Resty serenading her.
***
ILANG minuto nang hindi umiimik si Meika. Resty started to worry. Didn’t she like his getup? Napangitan ba ito sa pagkanta niya?
He did a last minute inquiry to his co-workers a few hours ago. Inalam lang naman niya kung ano ang karaniwang ginagawa tuwing nanliligaw at karamihan sa mga ito ay sinabing kailangan niyang mangharana. Mabuti na lang ay may sarili siyang boombox at nakapagpa-burn agad siya ng minus one ng kantang Harana ng Parokya ni Edgar. There was nothing about the song that he could connect with Meika, after all, they barely knew each other. But that song just came to the top of his head, since its title was synonymous with what he was planning to do—to serenade.
Pinatapos naman siya ni Meika sa pagkanta. Pero hindi pa natatapos ang huling tunog sa minus one ay hinila na agad siya ni Meika papasok ng bahay. So maybe, it wasn’t his singing? Siguro nahiya ito dahil may mga nagpalakpakan at nangantiyaw sa kanila na mga kapitbahay nang matapos niya ang kanta?
“Are you embarrassed?” deretsahan niyang tanong dito nang igiya siya sa plastik na sofa. Resty placed the microphone and boombox in the middle of the seat, then the bucket of fried chicken on his lap.
Gulat itong napalingon sa kaniya. “Embarrassed? H-Hindi, no!”
Pagkatapos ay umupo na si Meika sa kabilang dulo ng upuan kaya nakapagitan na sa kanila ang mikropono at boombox.
“Come on, kitang-kita ko naman,” magaan niyang ngiti rito. Maliit lang ang espasyo sa pagitan nila sa plastik na sofa pero pakiramdam niya ay malayo pa rin ang loob ng dalaga sa kaniya dahil nakasiksik ito sa kabilang dulo ng upuan. “Okay lang din naman sa akin kung iyon ang reaksiyon mo. Basta para sa akin, walang nakakahiya sa pag-e-express ng nararamdaman mo para sa isang tao. If you’ll let me, I’ll teach how good it feels . . .” a playful encouraging smile appeared on his lips, “. . . to express love.”
Meika lowered her head. “Hindi naman ikaw ang ikinahihiya ko. Okay naman ang pagkanta mo. Pero iyong mga kapitbahay kasi . . .” Alanganin ang ngiti nito nang lingunin siya uli. “Bakit kailangan mo pa mangharana? Akyat ng ligaw lang ang usapan natin, hindi ba?”
“Hindi ba parte ng panliligaw ang panghaharana? Meika, we’re not teenagers anymore to feel shy or awkward about grand gestures. We should also stop giving a damn about what other people think.”
Umiling ang dalaga. “Kailangang may pakialam pa rin tayo sa iisipin ng ibang tao. Reporter ka, hindi ba? Kaya mas nauunawaan mo iyon.”
“Ano naman ang kinalaman ng pagiging reporter ko rito?” he gently asked out of curiosity.
Meika looked away and shrugged. “Totoo naman. Inaalala ninyo kung ano ang iisipin ng ibang tao. Doon nakadepende kung paano n’yo ire-report ang isang balita. Minsan inaakma ninyo ang paraan ng pananalita ninyo o ang mga salitang ginagamit ninyo sa gusto n’yong marinig ng mga tao.”
Hindi niya nagustuhan ang narinig, pero mapang-unawa niyang tinanong ang dalaga. “Iyan ba ang tingin mo sa aming mga reporter? Minamanipula ang mga salita para paniwalain kayo sa kung ano ang gusto naming paniwalaan ninyo?”
“Ewan ko. I mean, hindi naman siguro lahat ng reporter, gano’n. Minsan para sa mabuting intensiyon kaya namimili kayo ng salitang gagamitin kapag may ibabalita . . . Pero nangyayari pa rin, hindi ba?”
When she glanced at him, he seized the chance to look into her eyes deeply and hold her gaze. His intensity drew her eyes toward his’ and trapped them, unable to look away even just for a second.
“We choose our words carefully, because as much as possible, we must stay unbiased. We have to say the news for what it is and avoid using words that can easily be twisted by others and used as a loophole to misunderstand what we actually mean,” paliwanag niya sa dalaga. “I don’t know about the other reporters, pero ako, hindi ko isinasaalang-alang ang iisipin ng iba tungkol sa ibabalita ko. At the end of the day, everyone will always have their own opinion. Ang trabaho ko lang ay kumpirmahing totoo ang isang balita bago ibahagi ito sa mga tao. At kapag isinaalang-alang ko muna ang mararamdaman ng iba bago ang katotohanan, maduduwag akong ihatid ang anumang balita na kailangang malaman ng mga tao.”
Her hooded eyes stared at him for a while before she looked away and nodded.
“Marangal ang trabaho ko. Marangal ako magtrabaho,” he clarified.
“Pero hindi rin lingid sa kaalaman naming mga ordinaryong tao na may mga reporter na . . . na nababayaran, na nagkakalat ng maling balita.”
“Ibahin mo ako,” he confidently smiled at her.
She glared at him while pursing her lips. Was she stifling a chuckle? Why though? What was funny about what he just said?
“Nice one, Meika. Now the reporter becomes the interviewee. Ini-interview mo na ako at napakaganda ng tanong na itinatanong mo sa akin. I love it,” he smiled, proud of her. Muntik pa niyang hawakan ang kamay nito, buti nakaalala siya sa kaniyang boundsries at mabilis na dinampot ang isang bucket ng fried chicken mula sa kaniyang kandungan. “Oh, by the way, here’s some . . . fried chicken.”
Tumuwid ang dalaga ng upo at tinanggap ang bucket ng fried chicken. “Thank you, Resty. Pero baka hindi namin maubos ’to, ha? Ano’ng oras na, e.”
“Baka maisipan ninyong mag-midnight snack. Because I am sure, magugutom kayo sa pagod dahil hanggang alas-onse bukas ang karinderya ninyo.”
Meika chuckled as she looked at the fried chicken bucket she was holding. She tried to put it on her lap, pero dahil maikli ang shorts nito at dumidikit sa balat nito ang mainit-init na bucket, hinawakan na lang nito ang bucket sa hawakan at inangat sa ere. “Thank you, Resty.”
“Bakit nga ba hanggang alas-onse, bukas pa kayo? Pagkatapos alas-singko namamalengke ka na ng mga sahog para sa lulutuin ninyo kinabukasan. Nakakatulog ka pa ba nang maayos?” Resty asked, resting his elbows on his knees while clasping his hands. In this position, he could freely peek at Meika’s face when she occasionally looks forward or lowers her head.
Napaawang saglit ang mga labi nito. Nalilitong napatitig ang dalaga sa kaniya. “Alam mong madaling araw ako namamalengke?”
He shrugged casually. “Of course. Hindi ba una tayong nagkita sa palengke? Mag-a-alas sais na nga yata iyon. That’s where you found my wallet. Ibinalik mo agad sa akin pero nawala ko na naman kaya dinala mo pa sa Q.C.”
Tila nahihiyang nag-iwas ito ng tingin. “Kaya ba nililigawan mo ako? Dahil sa wallet na iyon? Na bumiyahe ako nang ganoong kalayo para makita ka kaya iniisip mo malaki ang chance mo kapag nanligaw ka?”
Magaan siyang natawa. He just found her statement pretty amusing. Masarap sa pandinig pero alam niya ang totoo. “How I wish you really went there to see me, but we both know it to ourselves that you just came to me to return my wallet.”
Meika took in a deep breath and looked away. “Ayoko lang magkaproblema. Napulot ni Eli ang wallet mo. Natakot ako noon na baka mapagkamalan siya o ako na ninakaw namin iyon . . . Ayokong maparatangan nang ganoon . . . Ayokong maitulad sa mga taong pu . . .”
Tila may karugtong pa ang sasabihin ng babae pero mas pinili nitong huwag na lang isaboses iyon.
“Anyway, do you like flowers?”
She glanced at him. “Flowers?”
“Yup. You see, fried chicken lang ang dala ko, kasi iyan lang ang alam ko na gusto mo. Iyan kasi ang hiningi mong reward noon for returning my wallet, right?”
She smiled serenely and glanced at the fried chicken bucket.
“So, should I bring flowers on my next visit here?”
“Next visit?” tila na-e-eskandalong lingon nito sa kaniya.
“Yes.” He worried all of a sudden. “Unless . . . there’s no more next time?”
“H-Hindi naman sa ganoon.” She lowered her eyes again. Nahihiya ba ang dalaga sa kaniya o naiilang? “Pero bago ka mag-next time, puwede bang sabihin mo muna sa akin kung bakit ako?”
“Bakit ikaw?” tumuwid siya ng upo at sinundan ng mga mata ni Meika ang kaniyang mga mata kaya hindi bumitiw ang titigan nila sa isa’t isa.
“Oo. Bakit ako pa ang gusto mong ligawan? Taga-Kyusi ka pa. Ang layo-layo. Gusto mo lang ba maka-experience ng LDR kaya sinusubukan mo akong girlfriend-in o ano?”
He smiled at inhaled deeply silently. Before he answered, he admired how her layered hair fell straight past her shoulders. His fingers itched with the desire to ran them through those black hair strands to feel how soft and smooth her hair was. How he wanted to set aside her side fringe a little to get a complete view of her beautiful space where her soft, heavily lidded eyes with thick lashes and plump lips rested. How he wanted the back of his hand to caress her soft golden brown skin from her cheek down to the side of her neck . . .
“Resty,” gising ni Meika sa kaniya mula sa pangangarap ng gising.
“Do you believe in love at first sight?” he answered her in a form of question.
“Naknang—” Napailing ito. “Seryoso ka ba? Dahil lang d’yan bumibiyahe ka nang pabalik-balik dito sa Muntinlupa at doon sa Q.C.?”
“I know right? Kahit ako, hindi ko ine-expect na magagawa ko ito . . . nang dahil sa ’yo,” mataman niyang titig dito.
“Paano’ng . . .” Napailing ito at inilapag saglit ang fried chicken bucket sa mesitang may plorera ng plastik na mga bulaklak. “Sorry pero, hindi ako naniniwala sa love at first sight. Paano ka magkakagusto sa isang tao na hindi mo kilala?”
“It happens. Bakit sa tingin mo may mga artista?”
“Iba naman iyong gusto ka dahil fan sila sa gusto to the point na . . . na liligawan ka!”
“There’s a thin line between the two though. And that’s why I want to have a date with you, para makilala ka nang lubusan at masigurado ko kung talaga bang may nararamdaman ako.”
“So, nanliligaw ka nang hindi sigurado, kung mahal mo ako?”
Resty slowly nodded. From where the conversation was going, it felt like everything was going downhill. But he has to be honest. “Oo. Dahil katulad ng sinabi mo, paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung hindi mo pa siya lubusang kilala? So, I have to find out what this is that I am feeling for you. Kung bakit hindi kita malimutan simula noong una tayong magkita at kung bakit . . . bakit gusto kong mapalapit sa iyo at gandang-ganda ako sa ’yo at . . .” He held his breath. The further he explained, the harder it was getting to find the right words. “There’s no harm in trying, right? I mean, let’s get to know each other, Meika, and if we start to like each other, then we can agree to take things to the next level.”
Humalukipkip ito at mataman siyang tinitigan. “Four months pa lang akong single, Resty. To be honest, wala pa sa balak ko ang mag-boyfriend uli at pinagbigyan lang kita na manligaw rito para malaman kung bakit ako ang naisipan mong ligawan.”
Resty kept his eyes on her, waiting for every word that would come out from her lips.
“Pero sa tingin ko, may harm sa pag-try na kilalanin natin ang isa’t isa, lalo na kung hindi ka sure sa feelings mo para sa akin.”
“No . . .” He was confused. Wala sa inakala niya na mahahantong agad sa rejection ang panliligaw niya. “Paano’ng may harm? Meika, you barely gave me a chance.”
“May harm iyon, Resty. Kasi paano kung kunwari hinayaan kitang manligaw? Pagkatapos kung kailan nahulog na ang loob ko sa ’yo, at saka mo naman mare-realize na wala ka naman talagang gusto sa akin? Na nagagandahan ka lang sa akin, hindi ka in love, at hindi mo pala gusto ang personality ko? E, ’di ako pa na ginulo mo ang buhay itong masasaktan?”
“Paano mo naman nasasabi agad na hindi kita magugustuhan—”
“Dahil hindi totoo ang love at first sight,” she smiled with conviction.
He narrowed his eyes at her and felt his jaws tighten. Resty wanted to be angry at her but after a few seconds of struggling, he couldn’t produce that emotion. Instead he was enveloped by a freezing kind of pain that shook his insides. Sa sobrang panlalamig ay parang nauuhaw siyang makatanggap ng mainit na yakap.
Meika stood up and looked away. “Bago ka umalis, ikukuha muna kita ng maiinom. Tubig o kape?”
“Kape,” tipid niyang saad, hindi makatingin sa dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro