11 - Interview
PUMASOK si Meika sa isa sa mga tent sa evacuation center. Nadatnan niya rito si Trina kasama ang tatay nitong si Karl. Abala sa pagsasalansan ng mga gamit ang mag-ama. Tsinetsek nila kung alin sa mga ito ang maayos pa at alin ang dapat dispatsahin dahil nasira na ng sunog. Mula nang maapula ang sunog sa kapitbahayanan nina Trina, nakailang balik na sa bahay nila ang lesbiyana para isalba ang naiwan pang mga gamit.
Inilapag ni Meika ang isang styro cup ng tsokolate sa tabi ng pintuan ng tent at tinabihan ito para hindi matapon. Sa kaniyang posisyon ay nakaharang siya sa pintuan ng tent.
“Ito na lang ba ang mga natirang gamit?” angat ni Karl ng tingin sa anak nito na nakaupo lang din sa loob ng tent. Nagkalat sa palibot nito at sa kandungan ang ilang mga gamit. Pamilyar si Meika na ang karamihan sa mga ito ay gamit sa parlor katulad ng ilang spray bottle, gunting, at iba’t ibang klase ng suklay.
“Nakailang balik na ako, Mami,” sagot ni Trina na patalikod ang pagkakasuot ng shorpet o cap sa ulo. “Iyan na lang talaga ang natira. Hindi naman ako puwedeng mangalkal nang mangalkal doon. Baka makita ako ng mga bumbero’t pulis at paalisin.”
Napailing lang ang matandang lalaki na balingkinitan ang katawan at mapilantik ang mga daliri at pino kung kumilos. “Naunahan na tayo ng mga kawatan. At inuna pa talaga nilang tirahin ang mga blow dryer ko.”
Trina shrugged hee shoulders. “Makababawi ka rin, Mami. Kapag napaayos na natin ang bahay, mag-barbershop ka lang muna. Tamang gupit lang ng buhok. Gano’n.”
Malungkot na tiningnan lang ni Karl ang anak. “Haircut lang? Boring! Titingnan ko na lang sa ipon natin kung kakasya pambili ng mga bagong gamit. At saka pangkulay na rin ng buhok. Magpa-parlor pa rin tayo pagkaalis natin dito.”
Napailing na lang si Trina. “Siguradong mamayang gabi, mag-aalisan na rin ang mga pulis at bumbero doon. Pupuntahan ko uli ang bahay natin. Baka may mga gamit pa roon na naiwan, na puwedeng isalba.”
“Sasamahan na kita—”
“Huwag na, Mami. Walang magbabantay sa mga gamit natin dito sa evacuation.”
“E, ’di si Meika!”
“Hindi puwede, no? Hahanapin na ’yan sa bahay nila kapag inabot ng gabi sa labas!” Pagkatapos ay nilingon siya ni Trina. “Iyong chocolate ko?”
Meika took the hot cup. She held it by the lid while carefully handing it over to Trina. Nang makuha ang styro cup ay dahan-dahang uminom ng tsokolate ang kaniyang kaibigan.
“Mami,” baling ni Meika sa bakla na tatay ni Trina. “Sigurado po kayo na ayaw n’yong makitira muna sa amin? Oo, medyo masikip do’n, pero mas makakakilos naman kayo ro’n nang maayos. Wala kayong kaagaw sa tubig, kuryente. Hindi kayo pipila para sa pagkain. Kung nahihiya kayo matulog sa bahay mismo, puwede po ninyong tulugan ang karinderya pagsara namin n’on tuwing alas-onse.”
“Naku, huwag na, Meika,” kumpas ni Mami Karl ng isang kamay. Pagkatapos ay kinolekta na nito ang mga gamit na itatabi sa isang malaking plastic bag. “Nakakahiya na kay Mikaela,” banggit nito sa pangalan ng kaniyang nanay. “Mag-isa na nga lang niya kayong tinataguyod na magkapatid, dadagdag pa kami ni Trina.”
“E, saglit lang naman po kayo roon, Mami. Mahihirapan kayong ayusin uli ang bahay ninyo kung hindi ninyo pagtutulungan ni Trina. Kung mananatili kayo rito,.sino ang maiiwan dito at magbabantay sa mga gamit ninyo habang inaayos ninyo ang bahay n’yo?”
Napatingin sa kaniya si Mami Karl.
“Puwede naman ako. Kaya lang, alam n’yo naman po na tumutulong ako sa karinderya.” At may naisip pang ideya si Meika. “Isa pa, makakapag-ipon pa kayo ng pampaayos sa bahay o pambili ng mga gamit sa parlor kung tutulong si Trina sa karinderya. Kikita siya ro’n.”
“Wow, madam na madam. Mayaman ’yan? Ikaw na ang nag-aalok ng trabaho, e!” pabirong tawa ni Trina sa kaniya.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. She did it in a humorous way. “O, bakit? Ano’ng masama? E, tropa tayo, ’di ba?”
“Oo nga!” natatawang tugon ni Trina dahil sa totoo lang ay tuwang-tuwa ito at malaki na agad ang pasasalamat sa kaniya
“Hello po. Excuse me?” ani boses mula sa labas ng tent.
“Naku, baka paalisin na ako,” ani Meika at kumaway na kina Trina. “Ba-bye na.”
“Susunod ako, ha? Magpapaliwanag ako sa volunteer kung bakit nandito ka,” narinig niyang saad ni Trina mula sa kaniyang likuran.
Pagkapihit ni Meika paharap sa pintuan ng tent ay palabas na sana nang muntik nang mabangga ang mukha sa isang pares ng mga hita. Dahan-dahan siyang tumingala. She saw thighs and a crotch covered in dark jeans. Her eyes trailed higher, to a shiny, silver belt buckle to a tight, black V-neck shirt that hugged a hard body of a man. When she saw his piercing eyes looking down at her, Meika slowly stepped back inside the tent.
She stared shortly at the pair of gray sneakers that slowly stepped away from the tent. Lumayo lang ang mga ito pero hindi umalis, kaya muling sinubukan ni Meika na makalabas ng tent.
Pagtayo niya nang tuwid ay bumungad ang magalang na ngiti ng kilala niyang TV reporter—si Resty Fondejar. He didn’t change that much, which made sense because the last time they’ve met was around four months ago. Lumagpas sa lalaki ang kaniyang tingin nang mapansin ang nakatayong camera man sa likuran nito. He hoisted a camera over his left arm. Napayuko tuloy si Meika.
Resty was perceptive. Nilingon nito saglit ang kasamang camera man bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Oh, don’t worry. We’re not filming yet.”
Nahihiyang nag-angat uli ng tingin si Meika. Tinanaw niya uli ang camera at napansing may itim na takip sa lente nito. Pero dahil hindi siya maalam sa mga camera ay hindi siya sigurado kung iyon lang ba ang lente nito o may iba pang lente na nakukuhanan siya ng video.
Medyo natulak si Meika palapit kay Resty dahil kailangan ni Trina ng space para tuluyang makalabas ng tent. Inayos pa ng kaniyang kaibigan ang pagkakasuot ng shorpet nito bago nagpalipat-lipat ng tingin sa kaniya at kina Resty.
“Okay lang ba na ma-interview ka?” tanong ni Resty sa kaniya na hindi man lang umatras nang mapalapit siya rito.
Ikiniling ni Meika sa kanan ang ulo habang paitaas na tiningnan sa mga mata ang matangkad na lalaki. “H-Hindi ako ang nasunugan dito. Ito, si Trina.” She pointed a thumb to her friend.
Aalis na sana siya nang matigilan sa sinabi ng lalaki.
“Hindi ’to interview para sa TV,” anito habang titig na titig sa kaniya. “I am asking for a one-on-one interview.”
Naguguluhang napatingin siya rito. “Ano’ng . . . Bakit naman?”
Mahinang natawa ang lalaki habang nakatutok ang kumikislap na mga mata sa kaniya. “I am asking for a date, silly.”
“D-Date?”
“Whoa, whoa, whoa,” kabig agad ni Trina sa balikat ni Resty para mapaharap ito sa kaniya. “Ang bilis mo, tsong, a? Date agad? Magpakilala ka muna, uy! Manligaw ka!”
“Manligaw?” he looked genuinely confused. “Isn’t that what dating is?”
“Hindi, no! Ang manliligaw, bumibisita sa bahay! Nakikipag-usap sa nililigawan at sa magulang ng nililigawan, at nagdadala ng mga regalo! Ang pagde-date, lumalabas na kayong dalawa, kumakain at namamasyal sa kung saan-saan!”
“Oh,” he sheepishly lowered his head and scratched his nape. “Iyon pala ’yon. I’m sorry, I don’t know the difference. Aaminin ko, ngayon ko lang kasi ito ginawa, e.”
“’Sus, hindi mo kami mauuto rito!” Inakbayan siya ni Trina kaya gulat na napatingin si Meika rito. “Halika na nga, Meika. Ihahatid na kita sa inyo at baka kung saan ka pa mahila nitong si Mr. Reporter!”
Aksidenteng napatingin si Meika sa lalaki na mukhang naibalik na uli ang kumpiyansa sa sarili. From how embarrassed he felt for not knowing what courtship or dating actually meant, he began to look determined. Sa hindi maipaliwanag na dahilan tuloy ay kinabahan siya.
“Puwede ba akong sumama sa paghatid sa ’yo, Meika?”
“Hoy, ano’ng sasama! No way!” singit agad ni Trina.
“Paano ko malalaman kung saan ako aakyat ng ligaw kung hindi ko alam ang bahay ni Meika?”
Nag-aalalang nilingon siya ni Trina. Bumulong ito. “Ano? Payag ka ba?”
“B-Bakit mo tinatanong? Akala ko, ikaw na ang bahala sa akin?”
“Ano’ng ako ang ang bahala? Hoy, love life mo ’to, ’te! Bilang kaibigan ang responsibilidad ko lang ay siguraduhing safe ka, wala na akong say kung magpapaligaw ka rito kay Mr. Reporter o hindi!”
Naguguluhang napatingin uli si Meika kay Resty habang natatarantang bumubulong kay Trina. “Bakit ba kasi narito ang lalaking ’to? Bakit n’ya ako ginugulo? Ano ba itong pinaggagagawa niya? Bakit ako pa ang liligawan niya, e, hindi naman kami magkakilala?”
“E, ’di paligawin mo na lang para magkakilala kayo!” labi ni Trina.
Inirapan niya ito. “Akala ko ba wala kang say kung magpapaligaw ako o hindi?”
“Wala nga!” depensa agad nito habang nanlalaki ang mga mata. “Suggestion lang iyon. Puwede mong sundin, pero puwede rin namang hindi, kung ayaw mo.”
Meika gave Resty another look while she was trying to quickly make up her mind. He gave her these puppy-eyed expectant look which was hard to fathom how he could execute so perfectly when he has this big, strong built and serious bad boy vibe.
“Sige. Pero pagkahatid mo sa akin, hindi ka muna papasok sa bahay.”
“Bakit naman hindi?”
“Anong bakit hindi? Ano ’yon, umagang-umaga, aakyat ka na ng ligaw?” panenermon niya rito.
He looked confused again. “Hindi ba puwede iyon?”
“Siyempre, hindi!” tulong agad ni Trina sa kaniya. “Busy rin kaming mga tao, no! May trabaho si Meika at ang nanay niya!”
“Oh, yes. Of course. I’m sorry, I should have considered that,” Resty nodded politely. Ibinalik nito ang mga mata sa kaniya. “So, what time can I come over your house para manligaw?”
‘Seryoso ba talaga siya?’ naguguluhang titig ni Meika sa lalaki.
Nakaakbay pa rin sa kaniya si Trina na pinisil ang isa niyang balikat. “Huy, ano’ng oras daw,” bulong nito sa kaniya.
“Oo, narinig ko,” ganti niya ng bulong dito.
“Alam kong narinig mo. Trinanslate ko lang kasi English. Baka hindi mo na-gets.”
Pinandilatan niya ito. “Na-gets ko, okay? Huwag mo naman ako i-pressure na sumagot agad.”
“Sorry naman!”
Meika returned her eyes on Resty. “Mga alas-onse na kami nagsasara ng karinderya, e. Hindi pa sigurado kung papayag ang nanay ko na i-entertain ka ng ganoong oras. Kadalasan kasi, pagod na kami sa trabaho kaya pagsara ng karinderya, nagpapahinga na kami.”
“Well, ihahatid naman kita kasama ng kaibigan mo. Siguro malapit lang sa bahay mo ang karinderya, kaya hihingi na ako ng permiso sa nanay mo na manliligaw ako mamayang gabi.”
Muntik nang maubo sa gulat si Meika. Mabuti na lang at napanatili niyang nakatikom ang bibig.
“What can you say?” he prodded, hinting that he was getting a little impatient with the length of their conversation.
Napaiwas na lang ng tingin mula sa lalaki si Meika. “S-Sige. Kausapin mo na lang muna si Nanay kung papayag siyang manligaw ka at kung ano’ng oras.”
***
NAKAHALUKIPKIP si Meika habang tinatanaw si Resty na nakaupo sa bangkong kahoy sa tapat ng karinderya. Habang kausap nito ang kaniyang nanay ay kumakain ito at ang kasamang camera man.
Tumaas ang isa niyang kilay nang makitang halos hindi galawin ng camera man ang pagkain nito. Si Resty naman ay paunti-unti kumain lalo na at abala ito sa pakikipag-usap sa nanay niya.
“Sigurado ka na bang magpapaligaw ka?” bulong na naman ni Trina na nasa likuran niya. Abala ang kaibigan sa pagsasandok ng kanin sa isang naka-plastik na pinggan gamit ang isang maliit na tasang may hawakan.
Dapat ay ginagabayan niya si Trina sa unang araw ng pagtao nito sa karinderya nila. Pero mukhang mas tutok na tutok pa siya sa kaniyang nanay at kay Resty.
“Hindi ko alam, Trina,” sagot niya sa kaibigan.
“Anong hindi mo alam? Um-oo ka kanina kahit ayaw mo?”
“Hindi sa ayaw ko. Hindi rin sa gusto ko. Hindi ko lang talaga alam kung papayag ba o hindi. Hindi ko nga kasi siya kilala.”
“Pero, pumayag ka sa suggestion ko na magpaligaw para makilala siya? Ibig sabihin, gusto mo siyang makilala,” nanunuksong ngiti nito sa kaniya.
“Siguro. Kasi litong-lito lang talaga ako kung bakit ako. Bakit ako pa, ’di ba? Gusto ko lang siguro malaman kung bakit gusto niya akong . . . maka-date? At saka taga-Kyusi siya, ’di ba? Kaya kung sakaling sagutin ko siya, ano kami, LDR?” Long Distance Relationship.
Mabilis na umayos ng pagkakatayo si Meika nang lumapit ang nanay niyang si Aling Mika. Meanwhile, Trina cleared her throat and wordlessly excused herself by leaving the two of them on their own. Ipinagpatuloy ng kaibigan niya ang pag-aasikaso sa order ng isang customer.
“Meika, mamayang alas-diyes aakyat ng ligaw si Resty, kaya kung puwede, mauna ka na no’n sa bahay para asikasuhin siya,” ani Aling Mika sa mababa at seryosong boses.
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Ibig sabihin ba nito ay pumayag ang nanay niya na manligaw si Resty sa kaniya?
“P-Paano kayo, Nanay?”
“Okay lang naman siguro na tumulong dito si Trina hanggang mamayang alas-onse, ’di ba? Tutal, pumayag naman sila ni Mami Karla na mag-sideline siya rito?”
Pasimpleng iginalaw ni Meika ang mata para silipin ang walang kamuwang-muwang na si Trina. Then, she smiled politely at her mother.
“Susunod din ako sa bahay bago mag-alas-onse,” patuloy ng ginang.
“Pero, pumayag talaga kayo na umakyat ng ligaw si Resty?”
“E, pumayag ka naman na, hindi ba? Kaya alangan namang kumontra pa ako?” naguguluhan nitong tanong.
“Opo. Pero . . . ikaw, Nanay? Gusto mo ba? Okay lang sa ’yo?”
“E, mukhang matinong tao naman itong Resty. Reporter sa TV. Aba, matinong trabaho naman iyon, anak. At manliligaw naman, hindi ba? Kaya may pagkakataon pa tayong makilala siya nang mabuti. Maganda na rin na sa simula pa lang, nilinaw na niya kung ano ang intensiyon niya sa ’yo. Hindi katulad ng ibang lalaki na ang sasabihin e, kakaibiganin ka lang, pero patalikod na palang sumisimple at pinapahulog ang loob mo sa kanila.”
Nangingiting napamaywang siya at napataas ng isang kilay. “Nanay, si Eli na naman ba ang pinagtutungkulan mo?”
“Hindi, a? Hindi lang naman si Eli ang gano’n,” naiiling na saad nito bago ninakawan ng tingin sina Resty. Napatingin din tuloy si Meika rito. He was holding a spoonful of food but talking to his camera man. Medyo nakakunot ang noo nito na tila nag-aalala. “At saka guwapo rin naman siya, hindi ba, anak?”
“Nanay!” saway niya rito sabay tingin dito.
“O, bakit? Totoo naman, a?” Nag-alala ito. “Meika, tapatin mo nga ako, ayaw mo ba sa kaniya? Pinilit ka lang ba niya na dalhin siya rito para makapagpaalam sa akin na manliligaw?”
“Hindi po,” mahinahon niyang tanggi. “Ano lang kasi . . .” She hesitated at first, but asked anyway. “Wala pa akong nararamdaman para sa kaniya kaya hindi ko alam kung . . . kung tama ba na paligawin ko siya nang walang kasiguraduhan kung may mapapala ba siya o wala. Isa pa, curious ako kung bakit ako? Bakit gusto niya akong ligawan?”
“Nakalimutan mo na ba? Ibinalik mo noon ang wallet n’ya, hindi ba? Nabaitan siguro siya sa iyo.”
“Hindi ba ang babaw naman kung iyong one-time na nagkita lang kami ang basehan niya para magkagusto sa akin? At huwag mo isingit ang love at first sight, Nanay. Hindi ’yon totoo!” Napaungot siya pagkatapos. “Ilang buwan na ang nakalipas, Nanay. Medyo nakalimutan ko na nga iyon, e. Dapat nga nakalimutan na rin niya iyon, e.”
“E, paano iyan? Mukhang hindi ganoon ang kaso sa kaniya. Hindi siya nakalimot. Hindi ka niya nakalimutan.”
Nasapo na lang ni Meika ang sentido at napamasahe rito habang tinatanaw uli si Resty. “Nakapagtataka pa rin, Nanay. Bakit gugustuhin ni Resty na makipag-date sa akin na hindi pa naman niya kilala nang lubusan?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro