Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 91


SAPHIRA REYN FERRER

         Napatingin ako sa malaking paaralang nasa harapan ko. Mas malaki ito kumpara sa unang paaralang pinatayo ni Marcelo.

"School of Killers. . ." Pagbasa ko sa malaking sign na nasa harapan.

School of Killers? Baduy

Hindi ko akalaing makakabalik talaga ako. Kung hindi lang para sa kanila, mananahimik na lang ako at mananatili sa kung nasaan ako.

Akmang maglalakad ako patungo sa gym pero napatigil ako nang makita ang isang batang lalaking naglalakad at naglalaro ng baril-barilan. Sa tansiya ko ay nasa isang taong gulang na ito. At kahit hindi ko hanapin ang mga magulang niya, alam ko na agad kung kanino siyang anak.

Pero bakit nandito siya? Bakit nandito sila?

Dumako ang tingin sa 'kin ng batang lalaki. Malawak itong ngumiti bago tumakbo palapit sa 'kin.

"Mama," nakangiting sabi niya bago yumakap sa aking binti. "Mama. . ."

"Hindi ako ang mama mo." Binigyan ko siya ng malamig na tingin pero hindi man lang ito nasindak. Tumawa lang ito at inangat ang kaniyang dalawang kamay, senyales na nagpapabuhat siya.

Napahinga naman ako nang malalim bago siya buhatin. Bumungisngis ito bago yumakap sa 'kin.

"Nasaan ang mama mo?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ito sumagot at pinaglaruan lamang ang aking maikling buhok. Napahinga muli ako nang malalim at sinama na lamang siya sa aking pupuntahan.

Ilang saglit lang ay narating ko ang gym. May mga tauhan ni Marcelo sa entrance ng gym. Pinagbuksan ako ng mga ito ng pinto kaya agad akong naglakad papasok, buhat ang batang lalaking ayaw humiwalay sa 'kin.

May mangilan-ngilang napalingon sa 'kin, habang ang iba ay tila hindi pa rin ako pansin.

"Oh, let's welcome our special guest." Dumako ang tingin sa 'kin ni Marcelo. "Look who's back."

"Siya na ba 'yan?"

"She looks scary."

"She's hot!"

Lahat ng atensiyon ay napunta na sa 'kin. Hindi ako nakaramdam ng kaba o takot. Isang malamig na tingin at awra ang ibinigay ko sa kanilang lahat.

Lumibot ang paningin ko hanggang sa huminto iyon sa grupo ng mga taong mahalaga sa 'kin. Mahigit isang taon pa lang pera parang ang dami nang nagbago. Parang ang daming nangyari na hindi ko alam.

"Kaninong anak 'to?" malamig kong tanong.

"Hala, Ravin!" Tumayo si Rabbit bago tumakbo palapit sa 'kin.

Pinagmasdan ko si Rabbit at alam ko agad na maraming nagbago sa kaniya. Mas lalo rin siyang gumanda.

"Anak, iniwan kita sa dorm, ah? Bakit nandito ka?" Kinuha niya sa 'kin ang kaniyang anak.

"Bakit nandito kayo?" malamig kong tanong sa kaniya.

"M-may nangyari lang," sagot niya at ngumiti. "Welcome back pala, Saphy. Sobra kitang na-miss."

Ngumiti ako ng tipid at sinenyasan siyang bumalik na sa kaniyang upuan.


Pinanood ko siyang makaupo pero agad ring nawala ang atensiyon ko sa kaniya nang mahagip ng aking paningin si Milo, katabi nito ang isang babaeng mukhang hapon.

Malamig itong nakatingin sa 'kin at tila walang interes. Sinuklian ko naman ang tingin na ibinibigay nito sa 'kin.

"Let's all welcome, Saphira Reyn Ferrer." Nabaling ang tingin ko kay Marcelo nang magsalita ito.

Mabibigat ang hakbang na nagtungo ako sa stage kung nasaan si Marcelo, pati na rin ang ibang miyembro ng mafia leader at mafia authority.

"Welcome back, Ferrer. . ." Nakangising bati sa 'kin ni Marcelo.

"Nagbalik ako para sa 'yo," nakangising malamig na tugon ko.

Napatawa si Marcelo bago tumingin sa harap. "Student ranking president, do you have any message to our newcomer?"

Bumaling ang tingin ko kay Milo. Tumayo ito at ganoon pa rin ang kaniyang reaksiyon sa 'kin.

"Die. . ." malamig na sabi ni Milo

I gave him a cold looked. "Soon, Mr. Gaudino."

Nagtagisan kaming dalawa ng tingin at walang gustong pumutol no'n. Pero nawala ang tingin namin sa isa't isa nang magsalita si Marcelo.

"Ferrer, I would like you to meet my visitors." Nakangiting sabi ni Marcelo.

Isa isa kong binigyan ng tingin ang mga Mafia Leader at Mafia authority na nandoon. Biglang tumayo ang ilan sa mga ito at yumuko sa 'kin na mukhang ikinagulat ni Marcelo at Kiego.

"Damn, what the hell is happening?"

"Yumuko sa kaniya ang ibang Mafia Leader at Mafia authority?"

"Shit, biglang akong kinilabutan!"

"Damn, she's not the old Ferrer."

"Suprised?" Malamig akong tumawa bago mapailing. "This is my starting point, Marcelo. Huwag ka munang mangamba dahil marami pa akong sorpresa sa 'yo. Be ready, okay?"

I tapped his shoulder before turned my back. Naglakad ako pababa sa stage bago lumapit sa gawi nila Milo. Tinapik ko ang babaeng natutulog na nakasandal sa balikat ng isang lalaki.

"Lian, let's go," malamig kong sabi sa babae.

"Putek, hindi ko napansing dumating ka," sabi nito bago mag-inat. "Masyado kasi akong napuyat kagabi. Ang ingay niyo kasi ni Storm."

"Chismosa ka kasi kaya napuyat ka," masungit na sabi ni Storm bago tumayo at lumapit sa 'kin. "Are you tired, my devil? Hatid na kita sa dorm natin?"

"Later," tipid kong sagot. "Let's eat, I'm hungry."

Tumango naman ito bago maunang maglakad, sumunod naman sa kaniya si Lian.

Bago ko sila sundan, nilingon ko muna sila Kuya Sebastian. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti pero walang emosyon lang ang mga mukha nila.

I know they are mad because of what happened.

Sumunod na ako kila Storm na nasa labas na ng gym. Naglakad kaming tatlo patungo sa cafeteria.

"My baby saphy!" Napangiwi ako dahil sa malakas na sigaw na bumungad sa 'kin.

"Bakit sila nandito?" Itinuro ko ang gawi ni Kuya Khalil at Kuya Neo. Kumakain silang dalawa.

"Nag-enroll din sila," sagot ni Lian. "Hindi ko ba nasabi sa 'yo?"

Bigla naman akong nakaramdam ng irita. Nakakairita kasing kasama ang dalawang lalaking 'yon, masyadong maingay.

"Dito kayo, nag-order na rin kaming foods niyo," sabi ni Kuya Neo.

Wala kaming choice kung hindi ang maglakad palapit sa kanila. Tahimik akong naupo bago magsimulang kumain. Nakatulog ako kagabi dahil sa training namin ni Storm kaya hindi na ako nakakain.

"Anong reaksiyon nila?" usisa ni Kuya Khalil.

"Nothing," tipid kong sagot. "Si Rabbit lang ang bumati."

"Oh, and that fucking man asked Saphira to die," medyo inis na sabi ni Storm.

"What do you expect from him? Mataas ang pride ng gagong yun," sabi ni Kuya Neo. "And don't believe on him, tinatago lang niya na patay na patay pa rin siya kay Saphira."

"Oh, akala ko girlfriend niya yung babaeng haponesa," sabi ni Lian. "Ang sweet kasi nila sa isa't isa at may pa-cuddle pa."

Hindi ko na sila pinakinggan at tahimik na lamang na kumain. Ayokong marinig ang tungkol kay Milo at doon sa babaeng haponesa. Gusto ko kasing mambaril bigla.

Maya maya lamang ay dumami ang tao sa cafeteria, kabilang sa pumasok ay sila Kuya Sebastian. They all looked happy. They are happy with that haponesa girl.

"Dimple, inaaway ako ni Leo!" Si Theo.

"Awayin mo rin," sagot ng dimple at mahinang napatawa.

Tinitigan ko kung paano asikasuhin ni Milo si Dimple. Ganiyan din siya sa 'kin noon. What should I expect? I left them. Expected ko na dapat na may pumalit na sa 'kin.

Dumako ang tingin sa 'kin nila Aika? They waved their hands at me. I just gave them a smile.

"Masakit?" tanong ni Lian. "Nandiyan naman si Storm, mas gwapo naman siya kaysa doon sa Milo."

Hindi ako sumagot at tumango lang.

"Anong dorm natin?" tanong ko. "Mauuna na ako. Gusto ko rin muna kasing mapag-isa."

Binigay ni Storm sa 'kin ang isang susi na may numero. "Here, 301."

Ngumiti ako bago sila talikuran. Nadaanan ko ang table nila Milo pero para lang akong isang hangin na hindi nila tinapunan ng pansin o binati man lang.

Kahit alam kong mangyayari 'to, nag-e-expect pa rin ako na ako pa rin. Nag-e-expect pa rin ako ng isang bati mula sa kanila.

Masakit pala talagang mag-expect.

Mapait lang akong napatawa. Imbis na dumiretso sa dorm, dumiretso ako sa parang garden ng school. Inakyat ko ang mataas na puno doon at naupo sa isang sanga.

Inilabas ko ang sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan iyon. Yes, I smoked. Natuto ako dahil kay Storm. Pinagbawalan na nila ako pero palihim pa rin ang pumupuslit minsan.

Hindi na nila ako prinsesa ngayon. Isa na lang akong hangin na hindi na nila napapansin.

Oh, I love this fucking life!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro