Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2: The Masters of Abduction


Elba's PoV


"TARA na Drexel" Turan ko saka sumakay sa may passengers seat at sinuot ang aking seatbelt. Sanay na naman ako sa pag-uugali ni Ceres kaya hindi ko na masyadong dinadamdam ang mga desisyon niya sa buhay.


"Teka hindi ba sasama si Ceres?"
Umiling ako kay Drexel saka umayos na sa pag-upo habang siya umikot sa may drivers seat at pumasok na rin. Ang hirap naman kasi talagang pasamahin sa mga kasiyahan ang Ceres na 'yon. Napaka kill joy. At ibang kill joy ang ibig kong sabihin.


Pinaandar na lamang ni Drexel ang kotse nang may bigla akong mapansin. Sininghot ko ulit ang hangin sa loob ng toyota niya. Parang may mali. Bakit may naamoy akong perfume na kakaiba? Sigurado akong hindi ito perfume ni Drexel at mas lalong hindi akin.


Meron kaya siyang pinasakay kanina?


"Drex, may tanong ako" Pinilit kong hindi magmukhang nangangamba.

"Ano?"


"May sumakay ba sa 'yong lalaki kanina?"
Dagli naman siyang napaisip at saka umiling.


"'Yung mama ko lang, hinatid ko sa bahay kanina. Bakit mo natanong?" Wika niya. Matapang ang amoy ng perfume kaya sigurado ako na hindi ito perfume ng babae.


"Wala naman" Sabi ko sabay kibit-balikat.


Pero kung may sumakay nga sa kotse ni Drexel kanina dapat ay unti-unti ng nawawala ang tapang ng amoy nito, pero bakit klaro ko pa rin ang perfume?


Ofcourse Elba! Bakit ngayon mo lang naisip 'yon?


"Anak ng!" Wala sa isip na naibulalas ko. Hindi kaya...Agad akong napatingin sa rear view mirror ng sasakyan at...


"Elba okay ka lang?"

"Hindi"


"Huh? Anong hindi?" My heart is racing as I continue to speak.


"Drex pwede mo bang ihinto muna ang sasakyan sa convenient store na 'yon. May ipapabili lang sana akong yoghurt sa'yo" Alam kong napaka lame ng ideya na iyon pero sana naman kumagat siya.


"Pero El--"


"Sige na Drex. Please" Hindi na siya nakaangal pa at agad na huminto sa tapat ng isang convenient store.


"Tsk. Minsan talaga hindi kita maintindihan Elba" Wika ni Drexel sabay labas ng kotse at agad na pumasok sa convenient store.


Lumunok muna ako ng maraming beses saka nagsalita.

"Alam kong nandyan ka. Maari ka ng lumabas sa pinagtataguan mo."

Lakas-loob na sabi ko. Hindi rin nagtagal ay biglang may isang pigura na nagpakita sa likod ng upuan ni Drexel.


Isa itong lalaki na may puting buhok. Kumurap muna ako ng ilang beses para siguraduhing hindi siya isang multo o hindi si Jack Frost ang nakikita ko. Mukhang nasa early thirties pa ito at nakasuot ng isang pormal na damit. Bata pa ang mukha niya pero bakit puti 'yong buhok niya? Ganito na ba ang trend ngayon?


Medyo tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Paano siya napunta dyan?


"Si-sino ka? A-nong kailangan mo sa'kin?" Kung hindi ako nagkakamali ako ang pakay ng lalaking ito. Hindi naman sa assuming ako o ano pero sigurado akong hindi si Drexel ang pakay niya. Kung si Drexel sana noong wala pa ako ay sinunggaban na niya ito.


"Hindi nga talaga ako nagkamali. Ikaw na nga ang hinahanap ko." Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa lalim ng boses ng lalaki. Nakakrus pa ang kanyang dalawang kamay sa dibdib na waring casual lang siyang nag-uusap sa'kin.


"Hindi mo 'ko papatayin di ba? Kung balak mo akong patayin sana kanina pa lang 'nong mag-isa akong naglalakad papunta sa dorm ng kaibigan ko mo ko pinatay, tama?"


Ngumiti lang ang mamang may puting buhok.


"Kung ganun, anong balak mo sa akin?" Sa totoo lang nag-uumapaw na ang kaba na nasa dibdib ko. Isipin niyong nasa isang kotse ako kasama ng isang lalaking napakacreepy at hindi ko pa kilala! Jusko naman!


"I'm here to abduct you" Tumagaktak ang baba. Ano bang klaseng tao ang kaharap ko ngayon?


"Anong sabi mo?!" Isa kaya ang lalaking 'to sa mga grupong nagbibinta ng kidney? Jusko, goodbye kidney na ba 'ko?


Unti-unti kong kinapa ang cellphone na nasa shoulder bag ko. Mukhang kailangan ko nang tawagan ang pulis.


"Kung ako sa'yo hindi na ako magsasayang ng oras pang tumawag sa mga pulis"


"P-paano mo nalamang tatawag ako ng pulis?" Sobrang creepy na talaga ng mamang ito. Nakakabasa ba siya ng isip ng tao?


"I'm here to abduct you in peace, and a bunch of policemen will just make everything more easier since I'm one of them" Sabi niya sabay ngiti saka ipinakita ang kanyang I.D na may nakasulat na,


Verim C. Wenceslao
Detective Inspector
Bagong Silang Metropolitan Police Department

Bigla siyang pumanhik sa may drivers seat, sabay naman nito ang paglabas ng kaluluwa mula sa katawan ko.


Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong. Hindi nga talaga siya nagbibiro. Talagang ki-kidnapin ako ng mamang ito.


"Don't scream or you'll be sorry"
Banta ng mama na Verim ang pangalan base na rin sa I.D na pinakita niya.


"Elba! Nandito na ang yog..." Tapos nakita kong lakad-takbo si Drexel papunta sa dereksyon ko.


"Drexel! Tulong! May Kikipnap sa'kin! Tulong! Tumawag ka ng pulis! " Sigaw ko sabay baba ng bintana ng sasakyan pero agad namang may malalaking kamay na humila sa'kin.


"Elba? Elba!"

"Drex!!!!! Tulo---uhmmm---uhmm-uhmmm" Bigla na lamang tinapalan ng panyo ni Verim ang bibig ko. I smelled cloaroform. Unti-unting sumasara ang talukap ng aking mata. I felt dizzy.


"I told you not to scream"

Ang huling salita na narinig ko bago nagdilim ang aking paningin.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Ceres' PoV


"In this juncture may I call all the lovely ladies and gentlemen to gather in front for the waltz!" Masiglang sabi ng announcer. Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. The perfect time to lit my fire crackers and conduct my present for all of them.


Perhaps you're thinking that I'm nuts for doing this but believe me I knew it a long time ago so no need to inform me the things in which I'm already well informed.


Alam kong sira na ang tuktok ko. And I'm damn proud of it. I would even put it in my biodata and resume when I applied for a job. Well, a type of job that requires a psychopath may be and those job that doesn't requires neuropsychiatric test.


"You're the light, you're the night
You're the color of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much"


Mas lalo akong nairita sa lumabas na panlamay na musika. This is why I hate this type of parties, well to be fair I hate ALL kinds of parties. May mga estudyante ng malumanay na sumasabay sa indayog ng kanta.


Nasa may backstage na ako ng isang sikat na function hall. You must be thinking how did I ended up here without getting too suspicious.


Ang sagot dyan ay ginamit ko ang super powers na minana ko pa sa ninuno kong hobbit. Kapag sinuot ko ang isang singsing ay magiging invisible ako.


Syempre joke lang 'yon. Nagpanggap akong taga deliver ng softdrinks kaya ako nakapasok sa loob.


Ang talino ko diba? Ako lang yata ang matalinong baliw na makikilala mo sa tanang buhay mo. Meaning, you're very honored to meet someone like me.


Dumungaw ako ng kaunti at hinanap si Elba. Tsk. Kanina pa nagsimula ang program pero wala pa siya. Where did she go? Don't tell me Drexel and Elba ditch the party to have their own romantic get-away?!


Kung tama nga ako, talagang aahitan ko ng kilay ang Elbang 'yon.


"Nasa rule na'tin na bawal ayawan ang lalaki, girls kung yayayain kayong sumayaw. 'Wag kayong KJ!" Sabi ulit ng babaeng announcer. Seriously? This is a democratic government and everyone has their own freedom to choose! Bakit pinapatay ng announcer na 'to ang demokrasya?


So love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?

 

You know what I'm waiting for Ellie Golding? 

And because I was really pissed off samahan pa ng isa ring nakakairitang kanta. I fish out my match in my pocket.


"And this is how I ruined your party, again Hahahaha" Masayang usal ko at sinindihan na ang bakus ni Judas at inihagis sa may stage kung saan wala namang tao maliban ang nakakairitang announcer.


A simultaneous popping of sounds erupted that surely shocked everyone. A mixture of screams filled the hall.


Screams that had become a music to my ears.

"Ahhhh!!!!"

"Lumayo kayo!"

"Anong nangyayari?!!!!"


Kung gusto niyong maging memorable ang isang event dapat may gagawin kayong kakaiba para hindi talaga nila malimutan. Kagaya nalang ng ginaawa ko ngayon.


They should be thankful for what I've done because I made their night worth remembering. Hindi 'yong usual at boring na Juniors Night.


And because I'm me I wouldn't stop there. Umakyat ako sa isang wall saka sinindihan ang isang sprinkler. Bigla itong bumuga ng tubig. Gayon din ang ibang sprinkler na nakaplanta sa iba't ibang sulok ng kisame.


I devilishly smiled as I watch all their dresses get wet and their make-ups wash-out. Tumigil na rin ang sinturon ni Judas ko sa pagputok dahil nabasa na ito. Nabasa na rin ako pero wala akong pakialam.


Mabilis akong bumaba mula sa inakyatan ko at pa demure na lumabas dala-dala pa rin ang isang case ng softdrinks. Because the crowd were so busy running through the exit nobody paid no heed on me.


Geez, I'm getting really good at this.

"Hoy! Pigilan niyo siya!" Lumingon ako sa sumigaw at nakita ang isang babaeng pilit na sumisiksik sa madla papunta sa....dereksyon ko? Siya 'yong announcer kanina!


Mas lalo kong siniksik ang sarili ko papalabas ng pinto. Hindi niya naman siguro ako namukhaan no?


"Narinig niyo ba 'ko?!!! Pigilan niyo ang babaeng 'yan!!"


"Uh-oh" Na divert lahat ng atensyon sa'kin. I did my best to run through the door. Geezz! I'm in huge trouble.

"Excuse me! Passing through!"


Wala na akong pakialam kung may mabangga ako. What's important right now is to get my ass out of here, without handcuffs alright. Good thing, madalas akong manuod ng action movie na James Bond kaya nagamit ko 'yong push-the-person-who-will-get-into-your-way-trick. Ang galing ko diba?


Nasa labas na ako. I have no time to get into my scoter since may mga naghahabol na sa'kin.

I'm left with no choice but to run. Mga apartment at klase-klaseng subdivisions ang nadadanan ko.


"Sumuko ka na lang!" Boses lalaki ang narinig ko. Base on the noise of their footsteps I guess there were five men that were chasing me. 'Five men' and 'chasing me' in the the same sentence would have been heart-warming. However they are not chasing me as a girl that they admired rather as a criminal who just ruined their party which they needed to caught.


I run a few blocks at napadpad nga ako sa isang madilim na eskinita nang biglang...

"Aw aw aw aw aw aw!"


"Damn it!" Napasapak ako sa isang barricade na nakaharang. Damn. I'm trapped. Hindi ko rin ito pwedeng akyatin dahil may isang dambuhalang german shepered na naghihintay sa akin.
Mas takot ako sa isang asong may rabies kaysa sa isang tao no!


"Huminto ka na lang! Wala ka ng matatakasan!" Sabi ng isang runner habang hinahabol pa ang hininga niya.


"Alam ko na nga bang mahuhuli ka rin namin."


Nginitian ko lang sila at ikiniyom ang kamao ko.


"Why don't you come and fight me then?"
Okay, I admit that was a foolish idea because the next thing that I knew a single punch knock me out from my senses as my whole world spin into darkness.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~


"Bitawan niyo nga ako! Ano ba! Get your filthy hands of me! Ouch!" Reklamo ko. Geez, why so brutal and harsh? Agad nila akong binitawan at tinulak sa loob ng presinto. Feeling ko namamaga ang gilid ng pisngi ko na sinuntok ng isang lalaking humabol sa'kin kanina.


"Anong kaso 'to?"


"Kasong Assualt sir. They're trying to harass me! See this?!" Duro ko sa limang lalaki na schoolmates ko at saka sa namumuong bukol sa kaliwang bahagi ng pisngi ko. Binalik ko ulit sa ayos ang bull cap ko. If a feminist had seen how the unknown guy punch me, he wouldn't have seen the sun shine again. Those feminist might have toast him in the oven.


"Sir, wag po kayong maniwala sa loka-lokang babaeng 'yan ang totoo po....bla bla bla" Tapos nag kwento na 'yung runner number one kay kuyang pulis. Geez, sobrang exaggerated pa. Para namang may nasaktan sa pagpapaputok ko na 'yon.


"Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ng isang...babae"
Tumaas naman angvkilay ko sa winika niya.


"Why so sexist kuya? May gender qualification ba para sa pagpapaputok ng sinturon ni Judas sa isang engrandeng Juniors Night huh?!"
Bigla namang ngumiti ang pulis. Saka ko lang na realize kung ano ang sinabi ko. Great! Just Great!


"Totoo nga ang paratang nila sa'yo. Tama? "

"Why are you asking the accused? Malamang sasabihin kong hindi para maabswelto ako. Duh. 'Yong totoo pulis ka ba talaga? You seemed so amateur"


Sinamaan ako ng tingin ng kuyang pulis. Eh bakit ba?! Sa nakakabobo siya eh.


"Fill-up-an n'yo na lang 'to. Tapos maari na kayong umuwi. Ako na ang mag-iinterogate sa babaeng 'to." He said to the five males who had caught me.


"Alangan naman na sila ang mag i-interogate sa'kin? Of course ikaw dapat. Why do you need to inform them? Duh."


"Ang sama ng tabas ng dila mo ah!" Inirapan ko na lamang ang mamang pulis. Baka 'pag sumagot pa 'ko mag transform na si kuyang pulis bilang si Dracula.


"Oh, tawagan mo ang magulang mo. Sabihin mo na nandito ka sa presinto"

"Why do I need to call them? Ano 'yon para maging proud sila sakin?! Isip-isip din kuya."

"Aba talaga namang!" Nanggagalaiti na sa galit 'yong kuyang pulis.


I don't need to inform my parents because in the first place I have none. Tanging ang lolo at lola ko lang ang nagpapaaral sa'kin. My mother died when I was ten and my father left us before I was born may be that's the reason why I'm like this. Kulang ako ng parental guidance.


"Ceres? Ikaw ba 'yan?" Agad akong napalingon at nakita ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.


"Drexel? Why are you here?" Nagpaputok rin ba siya ng sinturon ni Judas? At na'san si Elba? Bakit hindi niya kasama?


"Dinukot si Elba, tinangay ng kidnapper ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan siya dinala."


Mangiyak-ngiyak na niyang sabi. Paano nangyaring dinukot si Elba? Sinong dumukot sa kanya?


"Miss, sumunod ka sa akin sa interrogation room"


"Teka lang, I'm talking to my friend!"


"Sabing sumunod ka na sa a---"


*Bang! Bang! Bang! Bang!"


"DAPA!"

"Ahhhhh!!!"

Agad naman akong dumapa. My goodness, ano bang klaseng tao na nasa matinong pag-iisip ang sumasalakay ng isang police station?


"WALANG KIKILOS! KAMAY SA ITAAS! KUNG AYAW N'YONG I-MASSACRE KO KAYONG LAHAT!"

Wow. Ang cool naman ni kuya. Talagang nanghamon pa sa mga pulis. Paglaki ko gusto kong maging kagaya niya.


Nakasuot siya ng isang itim na suit na pang-agent at may dalang dalawang armalyt. Mukhang nasa late thirties na siya. Pormal na pormal at saka may pulang buhok. Seriously?! Red hair si kuya? Lakas maka KPOP ah.


"Pssst. Kuya sino 'yan?" Pabulong na sabi ko kay kuyang pulis na mainitin ang ulo.


Sinamaan lang ako nito ng tingin. Dating ex-convict kaya ang taong 'yon?


"Siya si Maestro Bravo. Isang notorious hitman." He whispered.

"Cool!" Naibulalas ko. Subalit huli na dahil agad akong tiningnan ni Maestro Bravo. Uh-oh.


Damn it Ceres! Why can't you keep that mouth of you shut?!


"Wala akong sasaktan, May kailangan lang akong kunin" Deklara niya sabay lakad sa dereksyon ko. Why do I have this bad feeling that he was referring to me?


Papunta na siya sa dereksyon namin nang bigla siyang huminto sa kay kuyang pulis. Pch. I thought it is me that he wants.


Biglang dinukot ni mamang red hair and isang taser gun kay kuyang pulis at biglang tumingin sa'kin.


"Uh-Oh"


"Atlast! What a perfect place to abduct you, Reina"

Before I could correct him, and say that I am no Reina. That Reina, is my mother's name which was already dead six years ago, he already shot me with the taser gun. An electrical charge literally made me fall into a deep sleep.


Hindi ko na alam kung saan niya ako dinala.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro