Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1: The Pure and Wicked


Ceres' PoV


THERE are only two types of people in this world, the good and the bad. No one can come in between. No one can possess both. If you're bad, you are really bad. If you're good, you're really good. Period.


Maraming gustong maging mabuti, pero wala namang ginagawang kabutihan. At walang gustong maging masama. Dahil na rin sa kadahilanang naniniwala ang mga tao na totoo ang impyerno which is so idiotic. Pero ako, gusto kong maiba naman.


Being good is boring or so I believe.


Tumingin ulit ako sa salamin at parang ewang nakangisi sa get-up ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng itim na hood jacket at itim na pantalon at ang aking pinakapaboritong bull cap na may nakasulat na 'DIE'. If someone would see me right now he would totally take me as a bomber or something. Pero mas maganda nga 'yon.


My wierdest dream is to kill someone. I want to hurt someone to the extent that they will beg mercy from me. Gusto ko na katakutan ako.


Wala pa naman akong napapatay na tao. Hanggang lamok at ipis lang ang natigok ko, at 'yong aso ko rin pala na ginilitan ko ng leeg dahil sobrang ingay tapos binigay ko na lang sa mga tambay sa'min para ipulutan. I didn't felt any remorse or guilt kasi dahil sa ginawa ko may napakain pa akong tao.


Maraming nagsasabing isa akong weirdo at isang psychopath na nilalang. But hell I care. I'm not pissed with the name calling, natutuwa pa nga ako.


Tumigil na ako kakatitig sa salamin baka mahuli pa ako sa ceremony. Agad kong kinuha ang limang metrong paputok na sinturon ni Judas na nakalatag sa higaan ko at dahan-dahang nirolyo at isinilid sa aking itim na bagpack. Just to clear things up. Malayo pa ang new year. So bakit meron akong sinturon ni Judas?


I'm planning something abominable tonight. Pero secret lang natin 'yon. Dapat walang makakaalam.


*Tok! Tok!*

Napabalik ako sa aking wisyo nang biglang may kumatok sa pinto ko.

Agad kong sinarado ang aking bag. Sino naman kayang maglalakas loob na kumatok sa room ng isang future killer? Pch. Kung sino man 'to talagang gigilitan ko ng leeg.

*Tok! Tok! Tok! Tok!


"Can't you wait?!" Bulyaw ko. Apurado masyado.

Hinawakan ko muna ang isang swiss knife na nakaipit sa belt ko. Sa dami ba namang kagagahang ginawa ko hindi na kataka-takang may mga taong balak akong saktan. It's better to be ready than sorry.


"Ceres! Ako 'to. Buksan mo nga 'tong pinto!"


Mabilis kong binitawan ang pagkakahawak sa kutsilyo ko. Pch. Siya lang pala.


I put on my best smile and open my door.


A young beautiful lass who's wearing a cute pink cocktail dress is standing right in front of me. Her long black hair was pulled-up in a messy bun. She was wearing an elegant make-up that could absolutely make.her stand out in the crowd. She is really beautiful but to be fair I am prettier than her.


"Elba! What a pleasure to see you!" I said too cheerfully that it made me look so suspicious. Elba is my best friend. No scratch that, my one and ONLY friend. Bigla naman siyang napangiwi.


"Ceres! Bakit ganyan ang suot mo?! Para kang holdaper! Alam mo naman diba na Juniors Night natin ngayon?! Tingnan mo nga ang sarili mo, para kang myembro ng budol-budol!"
She shrilled, almost popping my eardrums. Geez, why so mapanglait Elba?


"Elba relax lang okay?"


"Anong relax? Huh? Magsisimula na ang program hindi ka pa nagbibihis!"


Imagine Elba saying that with a red nose and a smoke venting from her ears, because that's how I can see her right now.


"Teka...hindi ka pupunta no?" Pagpapatuloy niya.


"You get it Sherlock" Wika ko sabay wink pa.


"Pero kung hindi ka pupunta, bakit ganyan ang suot mo? Dapat nakapambahay ka na ngayon. Kung ganun, ibig sabihin, may lakad ka. Tama ba?"


Geez, kahit kailan talaga hindi ako makakawala sa mga hula nitong si Elba.


"Base sa ekspresyong ipinakita mo, tama nga ako. Pero saan ka naman kaya pupunta? Hmmm. Hindi kaya..."


"Stop deducing me Elba. Or else I will kick you out of my house"


"Baka nakakalimutan mo Ceres nasa labas pa ako. Kaya hindi uobra ang panakot mo na 'yan."


Napatampal ako sa noo ko. Pch. Hindi ko pa pala siya pinapapasok dahil alam niyo na. Baka mamaya makita niya ang sinturon ni judas sa bag ko.


"Edi I will kick you out from this dorm's hallway na lang" She just rolled her eyes.


Knowing Elba, she really loves to stick her nose to the things that doesn't even concern her. She love to sleuth while I'm the opposite.


She love to be a detective while I love to be a criminal. Marahil nakapagtataka kung bakit kami naging magkaibigan. Dito kasi nagsimula 'yan.


*Flashback*
(2 years ago)


"You moronic and bullshit section! Kapag nalaman ko kung sino ang nag leak ng answer key na 'to! I swear from the bloody moon and back that I will make you pay for this! I will ruin your future at sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo! Did you hear me?!"


I laugh victoriously in my mind. Grabe...gusto ko na talagang matawa sa pagmumukha ng science teacher namin na pandak.

Ako nga pala si Ceres Amor, at middle name ko ang 'trouble maker'. 'Di joke lang.


I'm the one who leaked the answer key. Bakit ko ginawa 'yon? Wala lang. Trip lang. Pampa goodvibes kung baga.


My conduct was justified since our science teacher barely discuss anyway. Nararapat lang sa kanya 'yon! Para ano pa ang sweldo nila mula sa tax na pinaghirapan ng sambayanang Pilipino kung hindi naman pala siya nagtuturo ng maayos diba?


Sa totoo lang madali lang namang kunin 'yong answer key eh. I just broke into the science faculty room in the middle of the night and stole the test paper as well as the answer key that was kept in his drawer. I know how to pick a lock kaya sisiw lang sa akin 'yon. Saka naki photo copy na rin ako roon para mabigyan ko lahat ng copy ang mga kaklase ko at inilagay sa locker nila. Neat and brilliant, don't you think?


"Ms. Amor! Why, in the name of Satan are you smiling?!"


"Sir?" Bumalik ako sa kasalukuyan. Lahat na pala ng mga kaklase ko ay biglang napatingin sa'kin.


"Bakit ka nakangiti?! Did I say something funny?!"


Yes Sir, All the things that you've said were funny. And your face looks funny.


"Hindi po Sir" Sabi ko na lang sabay iling.


Geez...Ceres hold your laughter!


"As I was saying If ever you'll know who the hell leaked the answer key approach me immediately and I will grant you an immunity in my subject" Nakarinig agad ako ng bulong-bulongan. Pch. Bakit ba lahat ng mga estudyante naghahabol ng mataas na marka?


"Bye! See you at removals!" Sabi ng science teacher namin at agad na nag walk-out habang ako malapit nang mamatay kakatawa sa loob ng isipan ko.


"Sino kayang may gawa 'non?"

"Grabe si Sir kung magalit"


"Kung sino ka man mas mabuting sumuko ka na lang at mag sorry!"


Sorry my ass! Over my dead and sexy body. I will never turn my self in. May kriminal bang inaamin ang krimeng ginawa niya tapos parang baliw na hihingi ng kapatawaran? Wala diba? Ang bobo talaga ng mga kaklase ko.


"Alam ko kung sino ang may gawa 'non"


Mabilis pa sa alas-kuwatro akong napalingon sa nagsalita. Nanggaling ang boses sa isang babaeng nasa sulok na may hawak-hawak na libro. Mystery bookyata ang binabasa niya.

Pa as if naman na alam ng babaeng 'to na ako ang gumawa.


Elba Gerona yata ang pangalan ng babae. Ang totoo kasi niyan bago pa lang ako dito sa Bagong Silang High School kaya hindi ko pa masyadong alam ang mga pangalan ng mga kaklase ko.Transferee ako dahil na kick-out ako sa dati kong school sa kadahilanang sinunog ko lahat ng mahal na libro na pilit na pinapabili sa amin. Eh mas mahal pa ang libro na 'yon sa matrikula ko sa isang taon. Halata namang buwaya ang mga school officials na nandoon.


"Talaga? Alam mo Elba?"

"Sino? Sabihin mo na!"

"Baka naman ikaw!"

"Bobo! Sa tingin mo sasabihin ko ang mga bagay na 'yon kung ako ang gumawa? Nag-iisip ka ba?" Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Elba. Hindi rin naman siguro niya alam na ako. Nobody will know that I'm the one who committed the crime.


"Really Elba? And who is it, may I ask?" Paghahamon ko sa kanya.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Of course, who wouldn't?"


Mapapahiya ka lang Elba kaya mas mabuti pang tumahimik ka na lang. 'Wag ka nang mag feeling detective. Marami ka pang kakaining bigas saka mo malalaman na ako ang salarin.


"Kung ganun, lumapit ka" At talaga namang inuutusan pa 'ko. Gusto ko nang umirap sa kanya pero mabuti na lang napigilan ko. Lumapit na lang ako kay Elba.


She leaned forward and whipered the words that makes me mortified like hell.


"Ikaw" Makapanindig-balahibong binulong niya.


Nag peke na lang ako nga tawa saka lumayo sa kanya. How did she knew?


"Nice try Elba but you're wrong"


"Talaga? But why do I smell a lie?"


Napalunok ako. Ano bang klaseng ilong meron siya?

She leaned into my ears again.

Bollocks!

"Ang locker mo lang ang walang bakas na pinilit itong buksan Ceres. Kaya ikaw ang may gawa 'non. Tama ba?"


I didn't slap her, or curse her, nor cry, or even choke her to death kagaya ng mga napapanuod niyo sa telebisyon kapag nabibisto na ang kriminal instead I smiled and tap her back saying...


"Let's just be friends, okay?"

*End of flashback*


"Oi Ceres! Nakikinig ka ba?!"

"Huh?"

Ceres! Tapos na ang flash back!

A small voice shouted in my mind.


"Sabi ko. Kilala na kita, alam kong may binabalak kang hindi maganda! Kung ano man 'yan Ceres 'wag mo nang ituloy! At mas mabuti pang magbihis ka na dahil paparating na si Drexel na susundo sa atin." I came back to my senses as her accusing words struck my ears.


Ang hirap din palang may kaibigang ganito, palagi kang nabibisto.


"Don't worry Elba. I'm not planning anything. I swear" I smiled sweetly as I raise my right hand as if I am taking an ought.


"Sus! Alam ko na yang galawang hokage mo Ceres! Naalala mo 'yong acquintance party na'tin last year? Pinutol mo yung wirings sa circuit breaker kaya nawalan ng kuryente ang buong campus. Hindi tuloy natuloy ang foam party."


Tumaas ang dulo ng labi ko nang maalala ko ang bagay na 'yon. Paano ba naman ginawang compulsory ang acquintance party tapos binagbayad pa kami ng 300 pesos para lang mag hire ng event organizer! Nasaan ang hostisya 'don?!


Kagaya ng dati si Elba rin ang nakadiskubre na kagagawan ko 'yon. Buti na lang magkaibigan na kami kaya hindi niya ako sinumbong. Pareho rin kasi kaming ayaw ng party na 'yon.


"Elba, it was long a time ago. I've changed"


"Sus! 'Wag mo 'kong lukohin Ceres. E paano mo maipapaliwanag na pinilayan mo si Janna kahapon na siyang mainit kong kalaban sa ' Queen of the Night' ngayon? Hindi tuloy siya makakapunta tapos sasabihin mo ngayon na nagbago ka na?"


"Okay, I've changed after Janna's incident. Which is yesterday by the way. Maniwala ka Elba, I have nothing up to my sleeves"


Pero kahit yata isang essay pa ang pagpapaliwanag ko hindi pa rin maniniwala si Elba. I knew her too well, hindi siya basta-basta mauuto.


"The night's not getting young El, I think mas mabuting pumunta ka na sa reception. Habang matutulog na ako. Oh, nandyan na pala si Drexel eh"
Turan ko sabay senyas sa nakaparadang puting toyota na nakapark sa mismong tapat ng dorm.

Siya ang kaklase kong escort yata nitong si Elba.


"Mukhang buo na nga ang pasya mo. Basta Ceres, ipangako mong hindi ka na ulit gagawa ng kagagahan! Please help yourself to stop inducing anymore trouble"


"Aye-aye Maam!"

She hugged me before she disappear in my doorstep.


I hastily grabbed my bagpack at isinuot ito. Taking a peep unto the window to make sure Drexel's car is already gone. Kinuha ko agad ang susi ng scoter ko at lumabas.


Promise Elba, last na 'to.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

A/N: I hope you like my story. Keep on reading :) Ths is not your typical and too mainstream detective story :) I promise

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro