Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Truth

Lumipas na ang pangatlong araw at natapos na ang aking suspensyon. Pumasok ako sa classroom namin at ganoon pa rin ang ugaling nakita ko. Maingay at makulit. Ang sasaya ng mga hitsura nila na parang walang pinoproblema sa buhay.

Habang kami ni Imee ay nagpapakahirap para lang malaman kung ano ang gustong iparating ng multo at ng panaginip namin. Sa dalawang bese na pagkakita ko sa kanya ay lagi siyang nagsasabu tungkol sa katahimikan.

Ano kaya ang katahimikan na gusto niyang hingin? At kung humihingi siya ng katahimikan, sino ang hinihingan niya noon? Hindi naman pwedenf kami ni Imee dahil hindi naman namin siya kakilala. Hindi kaya isa sa mga kaklase namin?

Habang ine-explain ni Mr. Bachicha sa amin ang mga rules and regulations sa Field Trip ay hindi ako mapakali. Dahil half-day lang naman kami ngayon, plano namin ni Imee na balikan si Amanda at baka pwede namin siyang maka-usap tungkol sa katahimikan na gusto niyang makamit.

Natapos na ang Orientation at dumeretso na ng uwi ang ibang estudyante habang may iba naman na nahiligan pang tumambay sa school. Kami naman ni Imee ay nagtungo ulit sa abandonadong classroom upang maka-usap si Amanda.

Pagdating namin ay nakaramdam kami ni Imee ng takot sa kung anuman ang maaaring mangyare. Nilakasan nalang namin ang loob namin at pumasok na kami ng classroom.

"Amanda Villamor! Kung nasaan ka man, magpakita ka!" sigaw ko pero walang sumasagot o nagpapakita "Wag kang matatakot Hindi ka namin sasaktan! May gusto lang kaming tanungin sayo!" dagdag ko ngunit wala pa rin.

Naghintay kami ni Imee, nakatayo lang kami malapit sa nakabukas na pinto. Ilang minuto na ang nakakalipas pero walang babaeng nagpakita o nagparamdam sa amin.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" napasigaw kami ni Imee nang marinig namin ang boses ng janitor namin "Hindi dapat kayo pumapasok diyan! Umuwi na kayo, diba may Field Trip pa kayo bukas?" tumango kami ni Imee sabay lakad paalis.

"Hayy, kaawa-awa talaga ang batang iyon" biglang sabi ng janitor sabay sara ng pinto. Napatigil kami ni Imee at tumingin kami sa janitor "Kuya, alam mo ba ang nangyare sa kanya?" tanong ni Imee.

"Oo naman. Sa tagal ko nang nagtatrabaho dito, bakit ko naman hindi malalaman" pagpipilosopo pa niya sabay tawa nang mahina.

"2 taon na ang nakakalipas nang mag-enroll dito si Amanda Villamor. Isa siyang napaka-ganda at napaka-bait na bata. Matalino rin siya at mapagmahal. Pero makalipas ng ilang buwan ay bigla siyang nagpakamatay." paliwanag niya.

"Maaari niyo po bang masabi sa amin kung ano ang naging dahilan ng pagpapakamatay niya?" tanong ni Imee.

"Hindi ako sigurado. Pero sa tingin ko ay dahil lagi siyang inaapi ng mga kaklase niya" nagkatibginan kami ni Imee tapos saby balik ang atensyon sa janitor "Lagi ko kasing nakikitang inaapi siya ng mga kaklase niya. Laging tinutukso at sinasaktan. Siguro hindi na niya nakaya ang lahat ng iyon at nagpakamatay nalang siya" pagkwento niya.

"Yun lang po ba?" tanong ko "Ayun lang ang alam ko eh. Bakit niyo ba gustong malaman?" tanong ng Janitor.

"Wala naman po. Sige po. Uuwi na po kami. Salamat po sa oras niyo" sagot ko, tumayo na kami ni Imee sa aming upuan at lumakad na paalis.

Siguro iton ang naging dahilan kung bakit sita hindi matahimik. Gusto ni Amanda na gantihan ang mga taong sumira sa kanya at ang mga naging dahilan ng pagkamatay niya. Kinalbit ako ni Imee kaya ako biglang nawala sa aking iniisip "Elena, hindi kaya yung mga kaklase natin ang mga nambully kay Amanda 2 years ago?" tanong ni Imee.

"Siguro nga. Pero, sinu-sino sa kanila. At kung ganoon nga, bakit ngayon lang siya naghihiganti? Bakit pa siya naghintay ng isang taon para lang maghiganti sa mga taong iyon?" tanong ko.

"Oo nga noh. Sayang kasi hindi natin siya naka-usap para natanong sana natin sa kanya" malunkot na sabi ni Imee.

Nang gabing iyon, nag-iba na ang panaginip ko. Matapos kong mapanaginipan ang akaidente sa bus ng tatlong beses na ay biglang nagbago ang panaginip ko.

Pagmulat ko ng mata ko ay nakita kong nasa loob ako ng isang classroom. Nagsisiuwian na ang mga estudyante at unti-unti nang nauubos sila. Pagkatingin ko sa harapan ko ay nagulat ako sa taobg nakita ko; si Amanda!

"Amanda? Amanda!" naka-ilang tawag na ako pero hindi niya ako pinapansin. Hindi niya siguro ako nakikita o naririnig. Tumayo si Amanda sa upuan niya at tsaka lumakad na papalabaa nang bigla siyang salubungin ng isang teacher. At nakilala ko ang teacher na iyon; si Mr. Bachicha.

Hinawakan ni Mr. Bachicha si Amanda sa kanyang balikat at tsaka ito itinulak hanggang sa matumba ito sa sahig. Bago pa man siya makaupo ay umupo si Mr. Bachicha sa tiyan niya at nagsimulang maghubad. Sumigaw ng malakas si Amanda kung sakali ay baka may makarinig sa kanya pero wala.

Gusto ko sana siyang tulungan pero ano magagawa ko? Hindi ko siya mahawakan at hindi niya naman ako makita o marinig. Hindi ko na kinaya ang malaswa at masamang ginawa ng gurong iyon sa estudyante niya kaya tumakbo na ako palabas.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Amanda sa labas ng classroom nila. Papasok pa laman siya nang matigilan siya. Lumapit ako sa kanya nang marinig ko ang boses ng mga kaklase niya na may pinagtatawanan.

"Ayos din yung plano mo, Risa!" rinig kong sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay boses ni Tyler iyon.

"Oo nga! Mabuti at sumunod si Mr. Bachicha sa plano mo." nagulat ako sa narinig kong sinabi ng isang babae na sa tingin ko ay boses naman ni Desiree.

"Well, the bitch deserves it. Matapos kunin ng nanay niya yung Daddy ko, tuloy, anak niya pa ang nagbayad para sa kanya. Haist! Like mother, like daughter nga naman. Kung pok-pok ang nanay, ganun din ang anak." sabi ni Risa sa kanyang maarteng boses sabay tawanan ng lahat.

Nagulat ako sa mga narinig ko. Ibig sabihin, sinet-up nila iyong panggagahasa ni Mr. Bachicha kay Amanda? At basta nalang pumayag.doon si Mr. Bachicha? Walang hiya talaga! Kaya pala sa panaginip ko ay lahat ng kaklase ko ay patay pati na rin si Mr. Bachicha maliban lang sa amin ni Imee.

Pagkakita ko nalang ay marami nang tao sa paligid at lahat sila mga takot at gulat pa ang ekspresyon. Lahat sila nakatingin sa loob ng classroom kaya naisipan kong sumilip mula sa bintana. At ganoon nalang ang gulat ko nang makita ko ang duguan at wala nang buhay na bangkay ni Amanda.

IPAGPAPATULOY...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro