Research
Susunod na araw, nagsimula akong mag-search tungkol sa multong iyon. Nag-search ako sa internet tungkol sa estudyanteng nagpakamatay sa aming school kaao hindi ko alam kung anong exact date nang magpakamatay siya.
Kaya naghanap nalang ako kung alin sa mga magpapakita iyon. May 3 akong nahanap kaso sa tatlong iyon ay puro murdered eh. Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa wala pa rin akong nakita.
Matapos ang ilang oras ay wala pa rin akong nakita tungkol doon hanggang sa gabihin na ako sa pagsesearch.
Naisipan kong ipagpatuloy nalang bukas kaya nahiga na ako sa aking higaan at natulog na ako. Nagulat nalang ako nang mapanaginipan ko ulit ang tungkol sa aksidente sa bus. Nagising ako na may sabay na sigaw habang hinahabol ko ang aking hininga.
Nang susunod na araw ay nagpatuloy ako sa paghahanap tungkol doon sa babae. Naka-ilang oraa din ako nang paghahanap pero wala talaga.
Bandang hapon ay bumisita sa akin si Imee. Naka-uniporme siya kaya naisip ko na galing siya sa school.
"Sorry talaga, Elena. Dahil tuloy sa akin na-suspend ka' paghingi niya ng tawad habang naglapag ako ng tray na may 2 baso, pitchel na puno ng juice at isang plato na puno ng biscuit.
"Wala yun. Dapat talaga di na tayo pumunta doon eh. Ayan tuloy, napano ka. Kamusta na pala pakiramdam mo?" tanong ko nang maka-upo na ako sa tabi niya.
"Heto. Okay nanaman. Ikaw? Kamusta ang first 2 days of suspension mo?" sabi niya.
"Actually, inaalam ko nga yung tungkpl sa babaeng nakita natin kahapon eh. Pakiramdam ko kasi, may gusto siyang ipaalam kaya siya nagpakita sa atin eh" biglang kinoberan ni Imee ang mga tenga niya.
"Elena! Wag na nating pag-usapan iyan please? Ayoko nang maalala iyon!" reklamo niya, napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa ibang bagay gaya nung field trip namin sa Friday.
"Pero alam mo, Elena, medyo kinakabahan ko sa Field Trip natin" biglang sabi ni Imee, nagtaka naman ako. Parang kanina, excited sita, ngayon, hindi na.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi... kagabi nagkaroon ako ng masamang panaginip. Nakasakay na tayo nang bus at papunta na tayo sa Clark nang biglang nagpakita yung babae na nakita natin kahapon. Pagkatapos, naaksidente yung bus at tayong dalawa lang ang nag-survive." nagulat ako sa kwento ng aking kaibigan.
"Imee. Parehas tayo ng panaginip. Napanaginipan ko iyon 2 days ago pero every night ko na siyang napapanaginipan." paliwanag ko. Nagtaka tuloy kami ni Imee.
"Ingat ka sa pag-uwi mo." paalala ko kay Imee pagkalabas niya ng pinto "Wag mong kalimutang dalhin yung Yearbook ng 2nd year, 2 years ago" dagdag ko.
"Okay. Don't worry, I will. Bye, kita kits, tomorrow" pagpapaalam ni Imee sabay alis na.
Sumunod na araw, dumating si Imee sa amin at dala dala niya ang yearbook na pinapadala niya sa akin. Pumunta kami sa kwarto ko at doon na namin tinignan ang Yearbook.
Pinagmasdan namin ang bawat litrato at baka may makita kaming makakasagot sa aking pagtataka kung sino ang babaeng nakita namin sa abandonadong classroom na iyon.
Pero ni isa sa mga iyon wala naman ang mukha na hinahanap namin. Nakatingin na kami sa mga anim na litrato ng 2nd year pero wala talaga.
"Wala naman sa mga ito yung babae eh" reklamo ni Imee habang napahiga siya sa aking higaan.
"Oo nga eh." pagsang-ayon ko habang tumitingin pa rin sa mga litrato. Nang makuha ng atensyon ko ang class picture nila. Tinignan ko isa-isa na sa tingin ko ay sa pangatlo nang beses. Hanggang sa nakita ko na siya.
"Imee, tignan mo 'to" pag-aanyaya ko, lumapit sa akin si Imee at itinuro ko sa kanya ang litratong iyon.
"Nakita na natin yan eh!" reklamo ni Imee "Hindi! Tignan mo nang maige" sabi ko sa kanya. Inilapit ni Imee ang mukha niya sa litrato.
"Heto. Siya ang babaeng hinahanap natin!" sabi ko sabay turo sa mukha ng isang babaeng nasa pinakadulo ng first row. Naka-simangot siya at halos nakatago na ang mukha niya, kaya siguro hindi namin siya napansin
"Oo nga noh. Siya nga yung babae." pagsasang-ayon ni Imee sa akin "Teka" biglang sabi ni Imee sabay lipat ng pahina.
"Bakit?" tanong ko habang naglilipat ng pahina si Imee "Alam ko nakita kp na siya dito eh" tapos napatigil na siya sa isang pahina kung saan nakalagay ang isa-isang liteato ng mga estudyante at nandoon siya; si Amanda Villamor.
IPAGPAPATULOY...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro