Scarlet Rain of June
“Grabe, umuulan pa rin?!”
Napalingon ako sa kaibigan ko na namomoblema kung paano makakauwi. Paano ay hindi na naman siya makakarating ng bahay nila na tuyong-tuyo. Marami pa naman siyang mga projects na unfinished at hindi pa niya matapos-tapos dahil araw-araw nalang nadadagdagan. Well, same naman kami.
Napaupo siya sa tabi ko at napabuntong hininga. Nakisilip siya sa pinapanood ko kung bakit parang wala akong pakielam at hindi ko sinasabayan ang mga rants niya.
“Ano 'yan?!” tanong niya na nag-uusisa.
“Scarlet Heart: Ryeo,” sabi ko at mas nilapit ang mukha ko sa cellphone ko dahil naiistorbo niya ako.
“Uy, 'yan ba 'yong bida si IU at Joon Gi, ang gwap—” I cutted her words.
“Lee Joon Gi a.k.a Wang So is mine,” pagbakod ko agad sa asawa ko. Napansin kong muntik ng mabitawan nung isang lalaking naka-all black at balot na balot ang mga pinagkukuha niya.
Pinause ko muna ang video kahit na alam kong baka mamaya, 'di magloading 'yon. “Marecakes, pwede kang manood pero manahimik ka, naiistorbo mo ang pagpapantasya ko e,” sabi ko at muling tinuloy ang panonood. Mabuti nalang at sumunod siya sa akin at nanood din ng tahimik. Kanina pa malakas ang ulan at tamang tambay lang kami dito sa 7/11.
“Yes! Sa wakas, dumating na ang sundo ko!” biglang sigaw nitong katabi ko kaya nakaagaw kami ng atensyon. Pwede naman sana na sabay na lang kaming umuwi kaso magkaiba kami ng daan kaya hindi talaga pwede. Ako, may payong ako at tanging school bag lang ang dala ko. Pwedeng-pwede na umuwi pero kawawa naman ang bestfriend ko kung wala siyang kasamang kaibigan na asawa ni Lee Joon Gi na mala-IU ang alindog, 'di ba?!
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Rewatch lang talaga ang ginawa ko dahil na-miss ko ang feels ng period k-drama kaso ang masama, kinikilig na ako at para akong tinutusok ng karayom 'pag naalala ko ang ending at more than five years na yata akong naghihintay ng season two. Ang problema ay, mas posible pa yata ang pagputi ng uwak kaysa magkaroon ng isang makatarungang season two ang Scarlet Heart.
“Sa bahay nalang ako manonood ulit,” tumingin ako sa aking bestie na super happy. “Babush marecakes, bukas nalang tayo kitakits!” sabi niya at kinawayan pa ako bago lumabas ng 7/11. Inayos ko na ang ilang gamit ko na nakalatag at inubos ang cup noodles na kinakain ko.
“Miss, can I leave this here for a while?” napatingin ako sa nagsalita at si kuyang balot na balot pala 'yon. Tinanguan ko siya sabay thumbs up. Punong-puno ang bunganga ko para magsalita.
Napansin kong speaking english si kuya na medyo may kakaibang accent. Hindi naman parang kengkoy na ewan na parang english carabao, basta. Weird, parang koreano yata siya. Omo, teka! What if.. ito na ang forever ko?!
Oh my gosh! Nasa 7/11 ang true love mga mare!
Nung bumalik siya dito sa may pwesto ko ay nagbow pa siya, kahit naka-mask ay kitang-kita ko ang mga chinito niyang mata na parang nakasmile. Hiyang ngiti ang naipakita ko sa kaniya.
“Thank you,”
“No probs, basta you!” sabi ko at kumindat. Isang matunog na halakhak ang sinagot niya sa akin. Wow, naging clown pa ata ako sa paningin niya.
Iling-iling pa siya na tumawa. Tawa-tawa ka diyan, asawahin kita e, charot. O pwede rin naman na hindi charot.
Paglabas namin ng 7/11 ay may shed sa may tabi, may dalawang estudyante na kaparehas ko ng uniform ang nandito at may sariling mundo.
Tinignan ko si kuya na naka-all black—teka, ang haba naman ng tinatawag ko sa kaniya, ano na lang kaya? Hmm.. Kuyang Chinito? Pwede! Nakasunod si Kuyang Chinito sa akin na medyo madaming dala, pero sa dami ng bagahe niya, wala akong nakitang payong.
“Uhm.. hello?” napatingin ako ulit kay Kuyang Chinito, paksiw! Baka nahalata niyang panay tingin ako sa kaniya at baka iniisip niyang pinagpapantasiyahan ko siya—well, totoo naman.
“Uh, yes?” gusto kong palakpakan ang sarili ko ng magawa kong mag-english ng may accent pa at hindi nauutal. Naks, self, sana 'di ba sa may recitation din, gan'yan ka kagaling mag-yes.
“May I ask, which one is your way?” he asked—este tanong niya. Nakakahawa naman ang spokening dollars, kaloka.
Itinuro ko ang kanan na direksyon. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makita ang tinuro ko.
“Do you mind if I share the umbrella with you?” tanong niya at agad naman akong pumayag. S'yempre, palay na lumapit sa manok, aarte pa ba ako?
“Thank you,” sambit niya. Binuksan ko na ang payong at medyo tinaasan dahil mas matangkad siya sa akin.
“What's your name, Miss?” sana may mask din ako, para 'di halatang nagba-blush at kinikilig ako sa boses niya. Tumigil ka, self! Haliparot kong side, manahimik ka please.
“Minako Yui,” sambit ko na todo pigil ng kilig. Siya 'yung nagfirst move oh! Siya 'yong unang nagtanong kaloka, nakakakilig, maiinggit ka please!
“May I ask, why do you watch the drama that you've been watching a while ago?” tanong niya pa at gusto ko sana sabihin na pinapanood niya pala ako pero 'di nalang.
“Because uh... it's just very fascinating! It's the best! Best everything, it makes me feel.. kilig, do you know that word?” tanong ko, marahan siyang umiling. “Kilig is a filipino word like.. feeling something great, butterflies in stomach, like that,” sabi ko at napatango naman siya.
“Why do you said a while ago that Lee Joon Gi is,” napatawa pa siya ng kaunti. “..is yours?” tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
“Of course, he's an ideal man for me! I just said he's mine so my bestfriend will not steal him, here in the Philippines, we call it: bakod,” at pinaliwanag ko pa ang bakod sa kaniya. Natawa naman siya sa pinagsasabi ko at kinikilig na ako shet. Salamat ulan, sana huwag ka ng tumila pa.
“If you'll meet Lee Joon Gi, what would you tell him?” napataas kilay ko sa tanong niya. Naikuskos ko ang mga palad ko sa mga braso ko dahil ang lamig ng paligid, grabeng ulan naman 'to.
Inisip ko pa kung sasagutin ko pa ang tanong niya o hindi pero sige! “I'd tell him that I'm one of his fans that he never knew existed,” medyo sad na sabi ko pero ang pangit naman kung sad ng sasabihin ko. “And also, I'd support him in any way I could! I love him at the bottom of my achey scarlet heart,” dagdag ko at tumawa na sinabayan niya.
“Do you have any wish?” napaatras ako ng kaunti sa tanong niya. “Woah, why? Can you grant my wish?” sabi ko ng pabiro. “No, seriously, what is your wish? If you have any,” hirit niya. Aba, strangers pa rin kami ano pero sige, 'di naman ako madamot e.
“Hmm, I think season two of Scarlet Heart: Ryeo is enough,” sabi ko at tumango-tango naman siya sa akin.
“What if I tell you that I'm Joon Gi?” napalingon ako sa kaniya. “Weh?” naibulaslas ko at natawa. Tumigil siya ng may dumaan at kotseng tumigil sa gilid namin. Tinanggal niya ang mask niya at kitang-kita ko ang buong mukha niya na nakangiti pa.
Pa-pa-pakshet!
“Thank you, Miss Yui” sabi niya, niyakap ako ng mabilis at pumasok agad sa may kotse. Umandar nalang at nakalayo na ang kotse ay nakatunganga pa rin ako doon sa kinatatayuan ko.
Sheteng kalabaw! Si Joon Gi ba talaga 'yon?!
Naiiyak akong umuwi sa may bahay namin. Ang lokaret kong ate at mama ay tawa ng tawa, naghahallucinate daw ako. Masama pa daw ang epekto ng ulan sa akin.
Kinwento ko din sa kaibigan kong sabog 'yong nangyari pero tinawanan niya lang ako. Aba, mukha ba akong nagjojoke at nasisiraan ng bait?! Sad girl na sana ako buong linggo ng isang araw paggising ko ay isang pagkabongga-bonggang pasabog ang nabasa ko sa cellphone ko, sabog 'yung notification ng isang socmed account ko.
SBS announces the season two of Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo.
Lee Joon Gi talks about the fan he met in the Philippines.
***
A/n: huhu, 'di ko sure kung tama bang SBS ang nilagay ko, basta, fanfic 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro