Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Scene: Saving Her (FNC: Missing Piece)

- ♦ Momento ♦ -

♦  A D R I A N

THIS was probably the biggest mistake I've ever done in my life.

Hawak hawak ang susi ng sasakyan ni Lawrence, ramdam ko na kaagad ang pagsisisi ko. Alam ko naman na nandoon ang dalawa kasama ni Abby, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng pangamba.

Hindi naman dahil sa wala akong tiwala sa dalawang iyon. Sa totoo lang, sila nga ang mas pupwede sa pagbabantay kay Abby. Mas mainam nga na silang dalawa ang iwan ko kasama niya kaysa sa akin.

I mean, I never really thought of myself as the heroic one. Kung tutuusin, mas pupwede nga sa role na 'yon si Laws.

Pero kahit kasi anong sabihin ko sa sarili ko, hindi pa rin ako mapakali - that I can still feel that everything was not alright when I left that place.

Napabuntonghininga na lamang ako at agad na hinaplos ang buhok ko bago tumingin muli sa bahay nina Nadine. Mas mabuti siguro kung bilisan ko na lang ang pagkuha ng inumin ko. Para naman masigurado ko na okay silang tatlo doon sa loob.

You have nothing to worry about, X. Nandoon naman si Laws para protektahan si Abby.

Yeah, right. Hindi pa rin ako kampante.

Nang binaling ko ulit ang atensyon ko sa sasakyan, agad ko itong binuksan at kinuha ang isang diet coke sa loob. Pasalamat na lang ako na hindi siya masyadong uminit kaya nainom ko pa rin ito.

Pagkatalikod na pagtalikod ko pa lamang, nanlaki na ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki sa 'di kalayuan. Hindi na siya makalakad ng maayos at mukhang 'di na rin mabalanse ang sarili niya.

Wait, si Lawrence ba iyon?

Tumakbo na kaagad ako nang mapansin siyang nanghihina at agad na napaupo sa mismong harapan ko. Halos mapauntog na nga rin siya sa ibang sasakyan kung hindi ko kaagad siya nasalo.

Lumuhod sa harapan niya, agad kong nakita siyang namumutla at hindi na umiimik. Fvck, why does he look vulnerable right now? Sovereign namin 'to, for fvck sake. Dapat hindi siya nagmumukhang ganito.

"Laws," tawag ko sa kanya. Sa unang tawag ko, hindi siya tumitingin sa akin. Pero, sinubukan pa rin niyng tumango, na pinipilit niya akong intindihin. Iyong kamay niya, nanlambot na rin sa tabi niya kaya agad ko ulit siyang inalog alog para magising.

Fvck, ano bang nangyari dito sa kaibigan kong 'to?

"Laws, okay ka lang ba?" paulit ulit ko siyang tinanong hanggang sa nagsalita na siya ng isang pahayag na nagpanerbyos sa akin ng husto.

"Abby's still there, X. Those girls spiked my drink."

At nang dahil doon, nagpasiya akong iwan muna si Laws at sinabing babalikan ko na lamang siya. Sana naman naagapan man lang ni Dom si Abby or else I'd lose my fvcking sanity because of those girls.

Dahil sa dami ng tao sa loob, hindi na ako nagdalawang isip pang itulak ang mga nagsasayawan at mga taong nakahara sa harapan ko.

"Tumabi nga kayo diyan. Saka na kayo makipaglandian kapag nakadaan na ako!" bulaslas ko habang umiwas naman ang iba sa kanila - agad akong namukhaan at napansin.

Iyong iba namang mga babae, nagpupumilit pa na harangan ako.

Kapag 'tong mga ito ay nabuhat ko isa-isa, ihahagis ko 'tong mga ito sa pool.

Nang makapunta na ako sa mismong likod, ang una kong nakita ay si Dominic na tila mahimbing pa ang tulog sa isa sa mga pool benches. Nakababa ang isang kamay nito sa lapag habang ang isa naman ay nasa mukha niya.

Tumakbo kaagad ako palapit sa kanya at agad siyang ginising.

Aba, mukhang wala pang balak gumising ang g*go.

Winagayway lang niya ang kanyang kamay para palayasin ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na buhatin siya at hawakan ang kanyang dalawang braso at sabay inalog.

Minulat naman niya ang mata niya sa akin na tila antok na antok pa. Sa kalokohan ng lalaking ito, ngumisi pa sa'kin.

"Nasa'n si Abby?" pasigaw kong tanong habang hagikhik pa ito ng tawa.

"Ha? Hakdog," palokong sabi nito bago ngumiti sa akin at humagikhik muli. Kapag 'to nahataw ko ng malakas, gising ang diwa nitong g*gong ito.

"Kahit kailan talaga Dominic, wala kang kwenta," sinabi ko habang ngumuso ito sa akin.

Maya maya ay napansin niya na seryoso ako kaya tumuro kaagad ito sa isang direksyon. "Ang alam ko kanina nando'n lang siya...ewan ko lang kung saan pumunta."

Hindi ko na rin siya pinilit kasi amoy pa lang niya, alam ko na kaagad na nakainom ito. Binitawan ko siya kaagad bago nag-ikot ikot at tumakbo sa kabilang direksyon.

"Look at her! She looks so damn helpless!" Isang sigawan naman at tawanan ang agad kong narinig kaya agad ko itong pinuntahan.

Isang nakakagimbal naman na pangyayari ang agad kong nakita sa harapan ko. There was Abby, putting her hands up as she helplessly tried to swim back up. And the most terrifying thing here was that Nadine was forcefully holding her head back down.

"What the fvck?!" sigaw ko kaya agad na napabitaw si Nadine sa ulo ni Abby habang nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan sa tabi niya.

"X-Xavi!" gulat na sambit ni Nadine sa akin. I guess she wasn't expecting me to see her like that.

Hindi na ako nagsayang ng oras, agad akong tumalon sa pool para iligtas si Abby. Nang lapitan ko siya, nakita ko siyang kinakaligkig sa lamig ng tubig at halos nahihirapang huminga.

Agad naman niya akong nakita at hindi rin nagdalawang isip na kumapit nang maigi sa akin. Dahil dito, nahila na rin niya ang wristband ko at halos mahulog ito sa aking kamay.

But, who cares if my wristband falls and expose my secret? Mas importante siya kaysa do'n.

"Just stay with me, Abby. You're going to be okay. Right now, you're safe in my arms," sinabi ko dito bago niya ipinikit ang kanyang mga mata nang makuha ko na siya. She fainted right there on my arms.

Poor thing, she didn't fvcking deserve this.

Agad ko siyang binuhat at umalis sa pool habang hindi na nakaalis sa pwesto ang tatlo. Halos pansin ko ang tinginan ng tao nang sinubukan ni Nadine akong lapitan at lambingin.

Kapal din ng mukha ng babaeng 'to, ano?

Nang mailagay ko na si Abby sa isa sa mga upuan doon, hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit kay Nadine na tila galit na galit. Sinamaan ko na rin siya ng tingin para hindi na rin ito makaimik.

"Alam mo, nagtitimpi talaga ako sa'yo kanina pa. Pero talagang sinusubukan mo ang pasensya ko sa'yo," pagalit kong sambit habang umatras siya at tila lumayo sa'kin.

Tapos ngayon, matatakot ka? Sadyang matakot ka sa susunod na gagawin ko.

When I finally had caught up to her, I then carried her bridal style as her friends screamed in terror. Kahit nga si Nadine, nanlaki ang mata niya at pilit nagwawala sa aking mga kamay.

"Ginusto mo 'to, Nadine. Sinabi ko sa'yo na 'wag mo siyang pakikialaman, 'di ba?" Agad siyang umiyak at tila hinawakan pa ako sa damit.

"Please Xavi, don't do this!" nagmakaawa pa siya habang mahina lamang akong tumawa sa kinalalagyan niya ngayon.

"I warned you once, pero 'di ka nakinig sa akin. Never fvcking touch my property again, understood?" Tumango naman siya sa akin at tila kumalma nang akala niya ibaba ko na siya. Pati 'yong kamay niya, tinanggal na rin niya sa damit ko kaya agad akong ngumisi.

Akala mo hindi kita gagantihan? Ha, in your fvcking dreams.

Nagitla at tila napasigaw ang lahat nang bumuwelo ako at agad siyang inihagis sa pool.

Kahit nga si Nadine, napasigaw at halos mamatay matay na sa paglangoy pataas dahil naka-dress pa siya hanggang ngayon.

Mukhang magbubunganga pa nga sa'kin sina Cassandra ngunit tinitigan ko na kaagad sila ng masama at binalaan.

"Oh ano? Pagsasabihan niyo ako? Gusto niyo, ihagis ko rin kayo. Isama ko pa kayo sa kaibigan niyo."

Agad silang nanahimik at hinayaan akong umalis kasama si Abby - na tilang mahimbing namamahinga sa kamay ko.

"You're safe with me, Abby," bulong ko sa sarili habang naglalakad.

"Like I told you, I'd always be here for you to keep you safe." Nang tingnan ko siya, agad kong itinatak sa utak ko na hinding hindi ko na siya pababayaan.

A diamond's word of honor, I would protect you.

♠    ♦    ♥   ♣

Ito na muna pinublish ko since nay chance na hindi niyo maintindihan ang next chapter kapag ini-cut ko. But, look at the bright side! Ito iyong unang momento natin for Adrian 😚😍💜 See you guys soon sa susunod na kabanata~~ May surprise ako sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro