Special Chapter: Fast Heartbeats
S E A N
Nang matapos ako sa pag aayos ng gamit, agad kaming dumiretso sa taas kung saan nakalagay iyong mga laruan ni Pochi dati.
There was something in my head that told me to tell Abby to wait for me downstairs but still couldn't hide the truth that I want her to go to that room.
Maybe because I want her to know everything.
We had some memories up there --- polaroid pictures, albums, the old pillow fort that I actually fixed a few days, and of course the origami star notes stuck in a jar that I gave her.
Kaso, sa akin rin napapunta kasi hindi pumayag si Ace na makuha niya ito. Ang nabuksan kasi niya dating note ay isang "I love you" kaya hindi niya hinayaan na mapapunta kay Abby.
Hindi rin ako nagkaroon ng lakas ng loob para balikan siya. Kinabahan ako. Tuluyan nawala ang koneksyon namin sa isa't isa at mas napalapit na siya sa mga kaibigan ko.
Hindi na siya katulad ng dati na makulit sa akin. Parang napipilitan lang siyang kausapin ako dahil kaibigan ko iyong tatlo.
"Gutom ka na ba, Abby?" malumanay kong bungad sa kanya habang lumingon siyang bigla sa akin at umiling.
Bakas sa kanyang mukha na nagsisinungaling siya kaya mas inisip ko na bilisan na lang namin kunin iyong mga gamit para sa aso ko.
Pero...paano ko naman ipakikita sa kanya iyong magagandang alaala namin noong bata pa kami?
Maybe I can still find a way.
"Ah, hindi. Okay lang ako, Sean," mabilis na sagot niya sa akin bago ko binuksan ang mismong taas at ibinaba ang hagdan papunta sa attic.
Once I glanced back at her, she had this expression of doubt in which I told her not to worry.
Hindi naman masyadong madilim sa taas kaya ako na iyong nauna para maramdaman niya na okay lang.
"Watch your steps," I warned her as I climbed up and made sure tp turn back to her to grab her hands while she's on the ladder.
She then accepted, ascending as she gripped my hand tight and finally stood as we looked around. Bagong linis lang ito kaya inisip ko na inayos siguro ng nanay ko iyong ibang gamit.
I'll remind myself to thank her for this.
Nandoon pa rin naman iyong pillow fort kaya agad itong nilapitan ni Abby at pinagmasdan.
Please tell me that you remember.
"This looks like the old pillow fort. The one we built when we were kids," bulong niya habang lumapit ako at tumango. Buti naman na hindi mo ito kinalimutan. We used to watch movies together under that pillow fort.
Napansin ko na nandoon rin ang mga litrato namin sa dingding kaya kinuha ko ang isa sa mga ito at ipinakita sa kanya.
Kaso hindi niya ako pinansin at agad na tumingin sa mga kahon. Damn it, Abby.
I then tried to catch her attention by calling out her name and coughing, "Abby, maybe you can help me with something? If you're not too busy looking at that boxes instead of me."
Sinigurado ko na mahina lang ang pagkakasabi ko sa bandang pahuli. Hindi ko napigilan ng sarili kong mamula nang tumingin siyang bigla sa akin.
Narinig kaya niya 'yon?
"What's wrong, Sean? Kailangan mo ng tulong saan?" Buti na lang hindi mo narinig. Magiging awkward pa kasi.
What the hell was I thinking? Bakit ko ba sinabi 'yon?
Nginitian ko kaagad siya at napakamot sa ulo, hawak hawak pa rin ang litrato namin sa kanang kamay. "Nothing. It's just my way to make you come here."
"What?" Her eyes made me nervous so I had no other choice but to show her our picture. Nang lumapit siya sa akin, nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.
No, deny it. You've been hiding your feelings for years. Keep it.
Huwag kang mahuhulog, Sean. Hangga't hindi ka nakakasigurado na sa'yo na talaga siya.
Keeping a straight face on, I spoke, "I just found some old pictures of us."
"You look really cute with a bonnet on." Bakit ba ganito? Mas lalo mo akong pinahihirapan, Abby.
Napangiti na lang ako, pinipilit na huwag ipakita na nagiinit na ang pisngi ko at tila namumula.
Maybe the reason why I was like this was because I missed her.
No, that can't be it, right?
"Mas cute ka," hindi ko naman napigilang sabihin habang napatingin siya sa akin. Her wide eyes said it all.
She then crossed her arms, eyebrows raised as she stared with curiosity in her eyes.
"Ha?" tanong niyang bigla sa akin habang nanatili akong walang imik.
Fvck, ano na ang sasabihin ko?
Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Kanina okay pa naman ako. Think, Sean.
"Your height is cute," sagot ko.
Damn it, I messed up real bad. Anong klaseng sagot iyon?
"Sinasabi mo bang maliit ako?" Hindi naman. Sumakto lang. Mas madali para sa akin kasi mas matangkad ako sa kanya. Pero, nakaka-offend ba?
Binalewala na lang dahil masyado na akong napapahiya sa harapan niya, naghanap pa ako ng ibang bagay para doon mapapunt ang atensyon niya.
Tama na ang kahihiyan. Be the Sean that she met at the mall. Kung paano ka niya nakilala ngayon, dapat manatili iyon.
Noong makita ko iyong video cam, ito na lang ang ibinigay ko at kinuha ang polaroid na litrato sa kanyang kamay. Mas maganda na iba na lang ang makita niya kaysa mas lumala pa iyong kinatatayuan ko ngayon.
"Is this your old video camera?" It was a good thing that she ignored what happened earlier and decided to ask me about the cam. Umiling iling, agad akong nagsalita.
"No, it's my mom's. Siguro ginamit niya dati para makuhanan tayo ng video..." Nakita ko na nagsimula siyang tumingin isa isa sa mga video roon at agad tumigil.
There, I saw the both of us. We were both eating fries and was sitting on the swings at the park. Noong sinubukan kong alalahanin ito, malawak akong napangiti. Ah, tanda ko na.
Ito iyong unang laro namin dati kung kailan umiyak pa si Abby sa akin dahil nahulog siya roon sa mga monkey bars. Nakailang tumba siya nang araw na 'to.
To be honest, I was worried yet happy at that time.
"We look cute in this one." Noong tiningnan niya ako, doon ko naisip na kunin muna ang kahon kung nasaan ang laruan ni Pochi at itabi ito sa akin. Mas madali na ilagay ko muna ito rito para isang buhat na lang mamaya.
Noong nakita kong titingnan sana ni Abby iyong kahon, agad ko siyang sinagot kaya napakurap siya. "Tanda ko pa iyang araw na 'yan. 'Yan iyong araw kung kailan ka nadapa nang dahil lang sa fries."
She then gasped, pointing her fingers at me. "Hinabol mo kaya 'ko no'n! 'Di ko na 'yon kasalanan."
"Naalala ko talaga na tinuturo mo 'ko dati kaso umupo lang ako at nagkunwaring nagbabasa ng libro. Kaya hindi ako napagalitan," sambit ko kaya napatango na lang siya at binalik ang atensyon sa camera.
"Good times," she told me as I huffed.
Ramdam ko na unti unting nawawala ang koneksyon ulit namin kaya ako na mismo ang nagsimula ng usapan. Ayaw kong mangyari ang dati na halos hindi na kami nag-uusap. Nandito na siya, bakit ko sasayangin ang oras ko?
"Siguro kung hindi ako umalis, gano'n pa rin tayo hanggang ngayon."
Halata ang gulat sa kanyang mukha noong hinarap niya ako. Napatungo na lang ako, napahaplos sa aking buhok.
Damn it, should I really tell her? Alam ko na ito na lang siguro ang pagkakataon dahil pipigilan ako ng tatlo kapag nasa penthouse na ako.
"Hindi siguro tayo mahihirapan ngayon na kilalanin ulit ang isa't isa," dagdag ko pa. Narinig ko naman si Abby na ibinaba ang camera sa isa sa mga kahon na katabi niya --- tila nakikinig na nang husto.
She wasn't talking. Kahit isang salita, wala talaga. Hinahayaan niya ako.
"Pero alam mo..." I trailed off before smiling at her.
"Noong nasa KFC ka at nakita kitang mag-isa, hindi iyon aksidente na nakilala mo ako." Doon ko nakuha ang atensyon niya. Her eyes were wide at this rate, gaping mouth, cheeks flushed red.
"What do you mean by that, Sean?" she questioned me. My hands trembled. Should I really confess now?
Sean, this is your moment. Para maging sa'yo na talaga siya. The chances are slim. But, I have to make her mine before the others have an open chance.
I can't risk losing her.
"I saw you that day. Sinadya kong talagang tumayo sa likuran mo para magkaroon ako ng excuse para kausapin ka," ipinaliwanag ko sa kanya, tila nahihirapang hanapin ang mga tamang salita.
"Though, the drink being spilled on me wasn't a part of my plan at all." Agad naman akong napatawa nang saglit bago huminto.
Ramdam ko ang lamig sa paligid naming dalawa. Hindi kami kumikibo. Humakbang ako palapit sa kanya. At hindi siya gumalaw. Nakatitig lang siya sa aking mga mata.
"The truth is..." I told her, taking another step. My hands then went towards her cheeks, brushing my fingers as she closed her eyes before opening them again with her cheeks flushing red.
Nararamdaman mo rin ba, Abby?
Mabilis ang tibok ng puso ko.
Parehas ba tayo ng nararamdaman?
Huminga nang malalim, tumingin ako sa kanyang mata. I could see that she was anticipating what I was about to say.
"Abby, I like---"
Nanlaki na lamang ako nang marinig ko ang boses ng nanay ko sa likod ko kaya agad kong inalis ang kamay ko sa kanyang pisngi at hinarap siya.
Her eyes seems excited as she gave me a smile. "I see that you and my son are having a stronger bond now. Dati nagkakahiyaan pa kayong dalawa sa isa't isa."
"Ah, nandiyan po pala kayo tita," sabi ni Abby bago ngumiti at umatras bigla sa akin. I was so close. Kaso, hindi natuloy.
Gusto kong kunin ang kamay niya at ilapit siya ulit sa akin kaso hindi ko magagawa iyon kasi nandito ang nanay ko.
"I'm happy that you both are okay again. Which is good. Masaya na ulit ang anak ko kaya masaya na rin ako."
Mom, you just ruined a moment. But maybe it's for the best. Baka nga hindi pa ako handa. Siguro isa itong senyales mo na huwag ko muna itong sabihin.
Nang tingnan ko ang relo ko, agad akong napamura. "Sh*t, it's already 7."
"Pequeño!" My mom exclaimed as I just apologized. Naintindihan naman siguro niya kasi agad kong itinuro ang kahon para sa laruan ni Pochi at si Abby na nakatayo sa likod ko.
Noong bumaba na kaming tatlo paalis sa attic, agad kong hinarap si Abby. "Baka mag-alala pa si Ace kapag napatagal ka masyado."
"I understand," sagot niya sa akin bago naglakad sa harapan ko habang hawak hawak ang kahon sa aking kamay.
Someday, I'll make you mine again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro