Kabanata XXX: Talking to a Stranger
A B B Y
Naglakad kaagad ako papunta sa KFC, panay ang tingin ko pabalik para masigurado na wala na talaga si Dominic. Ang hangin naman niya para sabihing gwapo siya. He's really conceited of himself. I then sighed in relief when I saw that he was nowhere to be seen. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Hindi ko lang talaga gusto ang mga mahahangin na lalaki.
Bago pa ako makapasok sa loob, napahataw ako sa isang malaking pader.
I then looked up to see that it wasn't really a wall. Noong tumingin ako sa kanya, halos manlambot na ako sa kinatatayuan ko. Isang lalaki na chinito ang nakatingin pabalik sa akin, magandang pangangatawan, matangkad, gwapo, moreno at mamula mula ang kanyang balat habang halatang halata ang biloy sa kanyang kaliwang pisngi. He also had this dark brown eyes that could make you think that he wasn't from around here.
Nagulat naman ako nang makita ko na nabasa yung T-shirt niya at may hawak hawak siyang float na halos ubos na. Nakatingin siya sa akin ng maigi, siguro pinag-aaralan yung itsura ko. Pagkatingin ko ng maayos sa kanyang hawak-hawak, nagulat ako at agad humingi ng patawad.
"Oh no, I'm so sorry. Kuya, hindi ko po sinasadya. I'll make it up to you. Bilhan na lang po kita ng panibago. Oh dear," ninenerbyos kong sinabi habang umiling naman siya sa akin. Ngumiti naman siya sa akin habang patuloy akong nagsasalita.
"I am really sorry. Nagtatago lang po kasi ako sa aking kaibigan kaya-" bigla naman niya ako in-interrupt.
"You don't have to apologize. I wasn't looking as well. So, I guess that makes us even, miss." Nang mag-english siya, halos dumaloy na ang dugo pababa sa ilong ko. Grabe, yung accent niya parang foreigner talaga. Napatulala naman ako habang pinunasan naman niya yung T-shirt niya gamit yung towel niya.
I then snapped out of my trance when I heard him talking once again.
"Maybe I'll accept your apology if you could tell me your name, miss." He then smiled at me afterwards as I almost fell down on my knees. Bakit ba ang gwapo niya? Kung ikokompara siya sa ibang lalaki, halatang halata mo na halos gawin na siyang perpekto. Which in fact, he was.
"Abby Guevarra," tugon ko habang napangiti naman siya sa akin.
"Abby, that's a nice name," sinabi niya habang napangiti naman ako sa kanya.
"My name's Sebastian. Sebastian Zachario." Ngumiti naman akong pabalik sa kanya habang napalingon naman siya sa kanyang kanan. Bigla naman akong tumingin kung saan siya nakatingin at napansin na kakaunti na lamang ang pila sa KFC.
"How about we get to know each other better? My treat," agad na sinabi niya habang nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ito. I mean, I barely even met the guy. Noong napansin ko na naghihintay siya ng sagot, bigla naman akong tumango. I guess knowing each other than our names wasn't really a bad thing.
"Okay, pero ako ang pipili ng aking pagkain ko, And this means nothing, alright? We're just trying to know each other than our names." He then nodded as we both went inside. Napansin ko naman na hindi pa rin dumadating si Dominic. Iniwan na kaya ako noon?
Bigla ko naman narinig ang pangalan ko na tinawag kaya't ibinalik ko ang tingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang ang mala-tsokolate niya na mata'y parang nagtataka kung bakit ako natulala.
"Are you okay?" tanong niya habang tumango na lamang ako at sumama sa kanya sa pag-order. Ngumiti kaagad sa amin yung babae sa cashier habang ngumiti na lang kami pabalik sa kanya.
"Isang chicken with large fries sa akin at..." he then trailed off as I continued.
"Isang flavorshots with fries naman po yung akin." Tumango naman yung babae sa amin at sabay in-input yung order namin. Kukunin ko na sana yung aking wallet para bayaran yung aking pagkain ngunit nagbigay naman si Sebastian ng P500.00.
"Keep the change, miss," tugon niya habang tumango naman yung babae at nagpasalamt. Kukunin ko na sana yung tray ngunit pinigilan naman niya ako. Siya na mismo ang nagdala habang sumunod na lamang ako, nahihiya dahil siya pa talaga ang nagbayad. I mean, I'm the one who accidentally crashed into him and the reason why his drink spilled on his shirt. And here he is now, treating me food at KFC.
Nang tumigil kami sa isang table, umupo kami sa magkabilang upuan.
"So, are you a foreigner?" tanong ko habang napatawa siya ng saglit bago umiling. I could still feel that to him, it was one hell of a joke. Hindi naman ako magtataka since kakaiba talaga yung tanong ko sa kanya.
"No, not really. I just like to talk in English. It's much easier for me," tugon niya habang tumango naman ako. Kinuha ko naman yung kutsara't tinidor bago nagsimulang kumain. Kinuha naman niya yung kanya at sinabayan ako sa pagkain.
"Anyway, you said to me that you were waiting for someone earlier. What happened? Did he or she left you behind?" mabagal na tanong niya habang napatigil naman ako. Oh, I forgot. Tumingin naman ako sa labas at napansin na wala pa rin si Dominic. I then let out a sigh as he quickly noticed the sad look on my face.
"Iniwan na siguro ako no'n," mahina kong tugon habang nagulat naman ako nang may kumatok mismo sa salamin ng KFC. Tumingin ako sa kanan ko at nakita bigla ang mukha ni Dominic na halos idikit na niya ito sa galit. Nakita ko naman siyang pumunta sa may pinto at binuksan ito.
Nang malapit na siya sa amin, naramdaman ko na hinila na lamang ako. Nandoon na si Dominic, galit na galit na nakatingin sa amin dalawa. Nakita ko yung inis at pagkairita niya sa kanya habang nanatiling kalmado ang lalaking kanina ko pang kausap, hindi man lang natakot kay Dominic.
"Stay away from her, got that?" sinabi ni Dominic bago hinila na ako, pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang. Sinubukan kong alisin ito ngunit binigyan niya ako ng masama na tingin. Hindi ko naman namalayan na binalik niya ang kanyang tingin kay Sebastian at itinaas niya ang kanyang hinlalaking daliri, minumura mura siya pagkatapos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro