Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XXVIII: Cheating?

A B B Y

Tumingin ako sa kaliwa't kanan bago umalis ng room, handang makipagkita kay Lawrence para sa assignment ni Dominic.

Desperate times comes desperate measures.

Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Laws na pumayag siyang turuan ako sa math ngunit kailangan naming magkita pagkatapos nang klase. Hindi ako sigurado kung nagmamadali siya o sadyang gusto lang tapusin na ang kanyang mga dapat gawin. Hindi ko na rin hinintay si Lance dahil sigurado ako na kaya niyang pumunta sa cafeteria mag-isa.

Nagmadali kaagad akong naglakad, hawak hawak ang strap ng bag ko. Tumingin ako sa aking kanan at kaliwa – tinitingnan kung may makakapansin sa aking pamilyar. Subalit, bago pa ako makapunta sa library, may humila sa aking bag na siya namang ikinagulat ko.

"Going somewhere, Abby?" tanong nito habang natakot ako sa may-ari ng boses. Sinubukan kong kumawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Dahan dahan tumingin sa taas, nakita ko ang nakakunot na noo ni kuya Ace.

"K-Kuya! B-Bakit ka nandito? 'Di ba nagkaklase pa kayo?" gulat kong sambit habang nagkibit balikat siya bago niya sinagot ang tanong ko.

"Vacant kami kaya okay lang na umalis ng room. Atsaka, walang available na substitute teacher kaya pinayagan kami na lumabas. Early break, kumbaga." Bigla naman niyang nakita yung cattleya ni Dominic kaya itinago ko kaagad ito bago pa niya makita ang pangalan na nakalagay sa ibaba ng kwaderno.

"Teka, since kailan ka naman gumamit ng cattleya? Hindi ka naman nagamit nang ganyan. Kanino 'yan, Abby?" mabilis na tanong nito habang nagkandautal na ako sa pagsasalita.

Lumunok naman ako habang kitang kita ko na mas lumamig ang tingin niya sa akin. Bago pa ako makasagot, may lumapit na kaagad sa amin.

"You don't have to worry, Ace. Aking cattleya 'yan."

Tiningnan ko naman kung sino ito at nagulat nang makita ko si Lawrence na nakatayo malapit sa amin. Seryoso ang ekspresyon nito sa kanya bago tinitigan ako ng malamig.

Halos matunaw na ako sa tingin nila kaya't hinila na lang ni Laws ang kamay ko, hindi man lang nagsasalita. Hindi naman siya pinigilan ni kuya at nakita ko siyang lumakad na lang sa ibang direksyon.

"Kaninong cattleya ba iyan?" biglang tanong niya sa akin kaya't naalarma ako. Of course, I wouldn't really tell him. Malalagot si Dominic kapag nalaman ni Lawrence na kanya ito.

Hindi ko alam kung nagdadalawang isip siya o galit kasi ang mismong ibinigay lang niya sa akin ay ang hindi ko mabasa-basang ekspresyon. Sa ibang salita, isang seryosong tingin.

"Um, sa kaibigan ko ito sa ABM. Kailangan daw niya ng tulong."

Bigla naman kumunot ang noo niya sa akin nang sabihin ko iyon. Noong sinubukan niyang kunin ito sa aking mga kamay, lumayo kaagad ako. Mas lalong nagtaka siya nang hindi na muli ako lumapit at mas nanatili na malayo sa kanya.

"Classmate ba namin 'yan ni Ace?" nagtatakang tanong niya habang nagulat ako sa kanyang sinabi. Oh hell no, mali ako ng sinabing strand.

Bago ko pa mabawi, hinila niya akong bigla sa kanya bago niya ikinulong ang aking beywang – sinisigurado na hindi ako makakaalis sa kanyang pagkakahawak.

"Uulitin ko ang tanong, Abby." Bigla akong napalunok nang lumapit ang mukha niya sa akin, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya.

"Kaninong kwaderno iyan?"

Bago pa makalapit lalo sa akin si Lawrence, narinig ko ang malakas na sigaw ni Dominic sa hindi kalayuan. Napatingin ako aking kanan at nakita si Dom na gulat na gulat sa aming dalawa.

Bigla siyang tumakbo at hinila ako – tinanggal ang kamay ni Lawrence sa aking beywang.

"Don't touch my honey babes. Akin lang siya," sambit niya habang tinaasan siya ng kilay ni Lawrence. Ngunit, bago makatanggi si Lawrence, ay biglang naman nagsalita si Dominic.

Judging the smirk on his face, I already knew that he was going to say something that would make Laws angry. At bigla akong nagulat nang nilapit lalo ako ni Dominic sa kanya.

"According to G.A #2170, Abby Guevarra is off limits unless given her permission for mutual relationships or any sort of open love correlation," sambit ni Dominic habang kitang kita kong nanlaki ang mata ni Lawrence.

"The L.A.D members shall not display any sort of public display of affection unless he is Abby's soulmate and is given the permission to do so – most technically from Abby herself," pinagpatuloy niya sabay ngumiti na parang nakakaloko.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Dominic habang galit na galit na tumitig si Lawrence sa kanya. Teka lang, ano ba yung G.A? Magtatanong sana ako ngunit hinila ulit ako ni Lawrence at biglang pumasok ng library, hindi na hinayaan akong makipag-usap kay Dominic.

Bakas sa kanyang mukha ang galit dahil binanggit ni Dominic ang tungkol sa G.A na iyon.

"Lawrence-" bigla niya akong in-interrupt.

"Huwag mo akong kausapin," sagot niya bago hinila ang isang upuan para sa akin. Umupo naman ako tabi niya habang kinuha niya kaagad yung kwaderno at binuksan ito kung nasaan ang assignment ni Dominic.

Kinuha ang papel sa kanyang bag, biglang nagsimula sa pagso-solve. Mga ilang minuto ang lumipas, natapos na niya ito at biglang ibinigay sa akin. Bago pa ako makapagpasalamat, tumayo siya at kinuha ang kanyang bag – isinakbit ito bago umalis ng library.

Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Iniwanan niya lang ako mag-isa sa loob ng library, nagtataka at nag-aalala sa kanya. Napatungo naman ako bago nagsalita.

"Thanks, Lawrence," bulong ko sa aking sarili.

Tumayo na kaagad ako at nagulat nang may bumukas ng pinto. Inaasahan ko na si Laws ito para manghingi ng paumanhin. Ngunit, si Dominic lang ang nakita ko. Nakangiti siya habang nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng kanyang bulsa.

"So, anong nangyari sa inyong dalawa? Wala na bang kayo?" tanong niya sabay kumindat.

Hindi makapaniwala sa kanya, inihataw ko ang cattleya sa kanyang dibdib bago kinuha ang bag ko. Isinakbit ko kaagad ito at lumabas, rinig na rinig ko ang pangalan ko na tinatawag.

Mas binilisan ko ang paglalakad ngunit nakaabot pa rin sa akin si Dom, naglakad siya sa tabi ko.

"Okay, I'm sorry sa ginawa ko sa inyo parehas. But, maybe I could make it up to you," sambit niya habang hindi ko pa rin siya pinapansin. Ngunit, hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. So, I decided to answer him.

"Paano naman si Lawrence? Hindi ka na magso-sorry sa kanya?" tanong ko habang napakamot naman siya at sinabayan pa rin ako sa paglalakad.

"I can make it up to him later. Pero, gusto ko munang patawarin mo ako. I really want to make it up to you," sinabi niya habang napatigil naman ako sa paglalakad.

Tumigil din siya sa tabi ko habang tumingin naman ako sa kanya. Maamo ang kanyang ekspresyon habang tinarayan ko siya.

Okay, maybe I was a bit harsh towards him.

Tumitig sa kanyang mukha, nakita ko yung pagka-sincere nito sa akin. Walang halong biro ang kanyang ekspresyon at hakatang halata na gusto talaga niya humingi ng patawad.

"I-treat kita sa labas. Will that be okay?" tanong niya habang napaisip naman ako.

"Fine. Pero, magpaalam ka muna kay kuya. Baka hindi kasi ako payagan," sambit ko habang ngumiti si Dominic sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro