Kabanata XXVII: Dominic's Assignment
A B B Y
Hindi ako makapaniwala na mahuhuli kaagad ako. I really can't believe that Lawrence would know about me eavesdropping along with his little brother. Talagang observant siya sa paligid niya. Hindi ko alam kung paano pero may pakiramdam ako na alam niya na naglilihim ako.
Tumingin siya ng ilang segundo sa akin bago ibinaling ang atensyon ulit kay kuya. Seryoso ang ekspresyon at tono ng kanyang boses. Walang halong biro ang kanyang mga sinasabi. In other words, he already knew.
"Can I talk to you for a minute? It's about your sister," malamig na sambit nito kay kuya.
Tumingin si kuya Ace sa akin bago tumango kay Lawrence. Well, that sums it up. I am dead meat. Sinubukan kong hilahin pabalik si kuya ngunit kinunutan lang ako ng noo nito at inalis yung kamay ko.
Kinuha ko naman ulit ito para pigilan siya. Actually, I didn't want kuya Ace to know about Lawrence's agreement with Cassandra. Mas lalong lalala yung problema namin kapag nalaman niya na nakasali ako sa kanilang gulo.
Sa huli, inalis pa rin ni kuya yung kamay ko at saka ako pinagalitan. "Abby, hayaan mo akong makipag-usap kay Laws. Maya na lang tayo magkita kapag uwian na, okay?"
Nakita ko naman silang dalawa na umalis, mukhang importante ang pinag-uusapan. Napalunok naman ako. This is not good. Nang lumingon ako, napasigaw ako bago binigyan ng masamang tingin yung lalaking nasa likuran ko. Ngumiti siyang bigla sa akin, tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko sa kanya.
"Don't scare me like that, Dominic!" sigaw ko habang lumawak lang yung ngiti niya sa akin. Bago pa ako makapag-reklamo, binigyan niya ako ng isang regalo.
Nagtaka naman ako nang makita kong ang heart designs na maayos nakabalot sa kahong kanyang ibinigay. Tinaasan ko naman siya ng kilay habang tumango siya, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.
Nang tanggalin ko ang laso, binuksan ko ang kahon at nakita ko na puno ito ng mga english pocketbooks na bagong bili. Sa ilalim naman ang mga tagalog na libro na isinulat ng mga paborito kong mga manunulat. Nagtataka, tinaasan ko siya ng kilay habang umiiwas lang siya ng tingin – nahihiyang sumagot.
"Dom, ano 'to?" tanong ko sa kanya, ipinakita yung regalo. Nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang batok at sabay napangiti na lang.
"Regalo," simpleng sagot lang niya habang sinimangutan ko siya.
Napatawa naman siya bago lumingon sa kanyang kanan at kumindat sa isang babaeng tahimik na naglalakad. Inakala ko na ngingiti itong pabalik ngunit, hindi naman siya pinansin nito.
Biglang napailing si Dominic dahil hindi niya ito nakuha sa pagkindat at maganda nitong pagngiti bago siya humarap sa akin.
"Alam kong regalo 'to. Pero bakit mo ako binigyan nito?" sagot ko habang ibinigay lang niya sa akin yung cattleya niya. Napakunot naman yung noo ko nang kinuha ko ito sa kanyang kamay. Noong binuksan ko ito at tiningnan ang mga pahina, narinig ko siyang nagsalita.
"Pwede mo ba ako tulungan sa math?"
Nanlaki kaagad yung mata ko nang narinig kong mabuti ang kanyang sinabi. Kaya pala niya ako binigyan ng regalo. I then frowned, looking at him in disbelief. Hindi talaga ako makapaniwala na bibigyan niya ako ng mga libro bilang regalo tapos ipagagawa niya yung math assignment niya sa akin.
Anong tingin niya sa akin? Robot?
"Paano kung ayaw ko?" tanong ko, nakakunot pa rin ang noo sa kanya. Nagulat naman ako at napaatras sa lockers nang lumapit ito sa akin, panay ang abante. Naramdaman ko yung lamig ng lockers sa likuran ko habang nilagay niya ang kamay niya sa gilid – katulad ng ginawa ni Adrian noong nasa library kami. Bigla naman niya akong binulungan nang malapit na kami sa isa't isa.
"Hahalikan kita," sambit niya sabay lumayo ng kaunti. Hindi ko naman namalayan na pinigilan ko ang aking paghinga. Nang malayo layo na siya sa akin at binigyan niya ako ng space, tiningnan ko siya ng maigi.
Kitang kita ko sa kanyang mukha na seryoso siya. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya. So, I agreed to help him. Wala na rin naman akong choice.
"Fine, I'll do it. Kunin mo na lang sa akin bukas yung cattleya," sinabi ko habang ngumiti naman siya na parang nagtagumpay siya sa kanyang plano sabay tango sa akin. Ini-roll ko na lang yung mga mata ko sabay inayos ang bag ko. Nagpaalam kaagad siya sa akin nang narinig kong nag-bell sa hallway.
Since malapit lang naman yung next class ko, naglakad na lang ako at sabay pumasok ng room. Nakita ko kaagad si Lance, nakatungong nagbabasa malapit sa bintana. Iniangat ni Lance ang ulo niya para tingnan ako, yung libro niya'y biglang isinarado.
"Bakit parang natagalan ka? May nangyari ba?" tanong niya sa akin habang ibinaba ko ang bag ko sa upuan at sabay umupo ng maayos. Ngumiti na lang ako sa kanya saka ko siya sinagot.
"Nakipag-usap lang ako kay kuya. Something about the eavesdropping. Nagsinungaling nga lang ako." Tumango naman siya bago nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Tiningnan ko naman yung cattleya na hawak hawak ko sabay napangiti.
It's not really bad to peek, right?
Binuksan ko ito at nakita na maayos na nakasulat ang bawat formula sa bawat pahina ng kwaderno. Malinis at halatang iniiwasan magka-erasures ang mga nakasulat dito.
Kung mayroon man, naka-correction tape agad ito at napaltan ng malinis na sulat. Nang binuklat ko ito ng binuklat, nakita ko kaagad kung paano magsulat si Dominic. Kung ikokompara mo sa mga fonts ng Ms Word, mapapansin mo na para itong Verdana.
Tiningnan ko naman yung naka-bookmark at napansin na ito pala yung assignment na pinagagawa sa akin. Oh dear, paano ko ito iso-solve? Hindi ko pa naman ito napapagaralan. Habang wala pa ang teacher namin, kinuha ko kaagad ang phone ko.
Nakita ko naman na naka-save pala sa akin ang phone number ni Lawrence. Tumingin ako sa kaliwa't kanan bago ako nag-type ng message sa kanya.
To: Lawrence
Laws, kung hindi ka busy, pwede mo ba ako turuan sa math? Hindi ko lang talaga sure kung paano ko iso-solve yung mga given equations. Thanks in advance!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro