Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XXIX: My Treat

A B B Y

"No, hindi ako papayag. Ayaw ko. Hindi ka bagay sa kapatid ko," mabilis na sinabi ni kuya Ace habang kitang kita ko na halos magkandarapa na si Dominic sa pagmamakaawa. Right now, we were in the middle of the hallway. Hinintay kasi namin si kuya Ace since iba ang strand niya kumpara kina Adrian at Dominic. At ngayon, si Dom na mismo ang nagpaalam sa kanya kung pwede kami lumabas at kumain sa isang restaurant.

Nakaluhod siya sa harapan ni kuya, hawak hawak ang binti nito para hindi siya makaalis. Sa galit naman ni kuya, sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito. Ngunit, kahit anong gawin niya, hindi naman ito kumibo at nanatili lamang ito sa kanyang binti.

And to be honest, it was a bit funny.

"Bilis na kuya Ace-" sambit nito bago siya sinigawan ni kuya.

"Anong kuya Ace?! Huwag mo nga ako ma-kuya kuya. Hayop na ito!" bulalas ni kuya habang sinubukan niyang maglakad habang hawak hawak pa rin ni Dominic ang kanyang binti. Sinubukan naman ni kuyang sipain siya ngunit hindi naman ito kumawala.

"Honeybabes, tulungan mo naman ako sa kuya mo. Ayaw tayong payagan," sambit ni Dominic habang hinila naman ni kuya si Dominic pataas at inalis ang kamay sa kanyang binti. Binigyan naman siya ng masamang tingin ni kuya habang ako naman, nanatiling tahimik.

"Huwag mong isali ang kapatid ko sa kagaguhan mo!" Ibinalik naman ni Dominic ang malamig na tingin kay kuya bago kumunot ang kanyang noo. Halatang halata sa kanyang mukha ang pagkairita niya kay kuya Ace.

"Hindi naman ikaw ang kausap ko!" bulalas pabalik ni Dom bago ako hinila palayo. Aalis na sana kami ngunit nakuha bigla ni kuya ang isa ko pang kamay kaya't parehas silang naghilahan. Kung ikokompara ako sa isang laro, para akong lubid at sila'y naglalaro ng tug of war. Nagulat naman ako nang makita ko si Lawrence at Adrian sa aking kaliwa't kanan.

Hinila kaagad ni Lawrence si kuya habang inawat naman ni Adrian si Dominic. Ramdam na ramdam ko yung tension sa dalawang panig habang nandoon ako sa gitna, natatakot na mahila muli. Nakita ko naman yung nagtatakang tingin ni Lawrence at Adrian sa akin habang tumungo na lamang ako, nahihiya.

"I will not let you date my sister," sinabi ni kuya Ace habang iritang iritang tumingin si Dominic sa kanya.

"Hindi naman 'yon date. I just wanted to treat her for a meal outside!" sigaw ni Dom sa kanya.

"At anong rason mo naman para gawin 'yon?" Bigla naman napatigil si Dominic sa tanong ni kuya. Si Lawrence naman, binigyan siya ng malamig na tingin. I could see in his eyes that he was asking Dominic for an answer. Hindi na lang umimik si Dominic at nanatiling nakatayo sa tabi ni Adrian.

"Dominic, tell him," sambit naman ni Lawrence habang nanlaki ang mata ni Dominic sa kanyang sinabi. Sa takot ko na magsabi ng totoo si Dom, ako na mismo ang humila sa kanya. Bigla kaming kumaripas ng takbo habang nanatiling gulat silang tatlo. Napatawa naman si Dominic habang tumakbo kami sa parking lot at papunta sa kanyang sasakyan.

"That was hilarious! Hindi ko inakala na ikaw pa mismo ang hihila sa akin. Kung gusto mo ako honeybabes, dapat sinabi mo na lang sa akin," sinabi niya habang palaro kong sinuntok ang kanyang bisig. Nagkunwari naman siya na nasaktan bago pinaandar ang sasakyan.

"So, where are we going?" tanong ko habang nakatingin siya sa daan.

"Some place you've never been before," sagot niya habang napatawa naman ako ng malakas.

"Wow, ang cheesy naman nito." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Pero seryosong tanong, saan mo talaga ako dadalhin?" tanong ko, nakangiti sa kanya. Tumingin naman siya sa akin bago umiling. Oh great, he won't tell me. I then sighed and looked out of the window. Tiningnan kong bigla ang mga gusaling nilalampasan namin habang nag-iisip kung saan niya ako dadalhin.

Mcdonalds? Maybe.

Jollibee? Maybe.

KFC? Probably.

Tumingin kaagad ako sa kanya at nakita na nakatingin na siya sa akin. Nang makita niya na napansin ko siya, bigla siyang umiwas ng tingin – ibinalik ang atensyon niya sa pagmamaneho. Bago pa ako makapag-isip ng maayos, narinig ko siyang nagsalita.

"We're here," sinabi niya sa akin sabay ngumiti ng ilang segundo.

Suddenly, the car stopped.

Biglang bumaba si Dominic at nakita ko siyang bumili sa isang stand. I couldn't really read his lips so I can't tell what he was trying to say. Ang nakita ko lamang ay bigla siyang tumuro sa akin sabay ngumiti sa tindero. Tiningnan kong mabuti kung ano ang kanyang binibili at nakita na may hawak-hawak siyang kwek-kwek.

Wait, tama ba ang nakikita ko?

Nagulat na lamang ako nang bumalik siya, pumasok sa loob ng sasakyan, at ibinigay ang isa sa akin.

"Paborito mo ito, 'di ba?" tanong niya sa akin habang napanganga ako. Tiningnan ko siya bago tumingin sa kwek-kwek. Kinuha ito sa kanyang kamay, hindi na ako nag-alinlangan na magtanong.

"Paano mo nalaman na paborito ko ito?" I asked him as I saw his playful grin beaming at me.

"Let's just say that I'm a bit observant." I then rolled my eyes after I heard his remark. Si Lawrence ang observant sa kanilang tatlo, hindi si Dominic. Nang makita niya ang reaksyon ko, napangisi siya sa akin.

"Siguro ini-stalk mo ako," tugon ko habang napatawa naman siya sa aking sinabi.

"Maybe," mabilis na tugon niya habang tinaasan ko siya ng kilay. I knew it. Mas lalo naman lumawak ang kanyang ngiti bago pinaandar muli ang sasakyan. Hindi naman gaanong trapik kaya hindi kami natagalan sa pagpunta sa Mall of Asia. Pagka-park ni Dominic, umuna siyang bumaba ng sasakyan.

Inakala ko naman na pagbubuksan niya ako ng pinto ngunit nakita ko lamang siyang naglalakad na palayo. Agad agad naman akong lumabas at isinarado ang pinto ng sasakyan. Sinabayan ko kaagad si Dominic at sabay sinuntok ng mahina ang kanyang bisig.

"Akala ko magiging gentleman ka at pagbubuksan mo ako ng pinto," pataray kong sinabi habang maayos lang siyang tumingin pababa sa akin. Given that I'm shorter than him, mas lalo lang akong nanliit sa kanya.

"I'm handsome, possibly charming. But, I was never a gentleman." Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad bago hinarap ako. Inilagay lang niya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa. "Honeybabes, don't assume very much. Baka sa susunod, umasa ka lang."

Mas lalo ko siyang tinarayan sabay binilisan ang lakad ko. Kitang kita ko naman na sinubukan niyang habulin ako ngunit natakluban na ako ng maraming tao.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro