Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XLVIII: Dog Troubles

A B B Y

Noong magluluto na si Lawrence, nagulat na lamang ako nang hinarap niya muli kami at binigyan ng nagtatakang tingin.

Hindi siya nakangiti sa amin kaya inisip ko kaagad na baka may ginawa sina Dominic kaya ganito ang ekspresyon niya.

Tiningnan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

Ang bukod tanging nandoon sa loob ay mga gulay, hilaw na karne, itlog, malalaking non-fat milk, tubig, at iba pang mga rekado.

So, why is Lawrence being like this? Puno naman ang fridge nila.

"Sinong kumuha ng ham dito?" Tiningnan kaagad niya 'yong dalawa habang kumunot lamang ang noo ni Adrian sa kanya habang naghalukipkip si Dominic at kumurap.

"Alin?" tanong ni Adrian sa kanya habang tumuro muli si Lawrence sa loob ng fridge.

"The whole ham that I was about to cook. Nasaan na?"

Nagtaka naman kami nang hindi nakikisali si Dominic at nanahimik lamang ito. Hindi siya tumitingin sa amin at parang nag-iisip pa kung paano makakatakas.

Tinaasan ko siya ng kilay at inilagay ang kamay sa beywang.

Aba, hindi talaga siya nasagot. Siguro may ginawa ito.

When he tried to look back at us, the first one he stared at was me. Agad naman siyang tumungo dahil naningkit na ang mga mata ko.

Napansin naman ito ni Adrian kaya agad niya itong pinuna.

"Dom, ang tahimik mo ata diyan." Tinapik pa ni Adrian ang balikat nito ngunit hinawi itong bigla ni Dominic at lumayo pa.

His face suddenly sneered and even looked like he was avoiding the two.

Nagtaka naman si Lawrence sa ginawa nito. "Dominic, did you cook the ham and eat it?"

"Wala akong kinukuha diyan. Aba, ako na lang palagi," pagtutol at reklamo ni Dominic noong marinig iyon.

Agad naman niyang binaliktad ang sitwasyon at agad na itinuro si Adrian na nasa kaliwa niya.

"Pwede naman si Adrian kaya turo nang turo," aniya habang nairitang bigla si Adrian at hinarap si Lawrence.

He even waved his arms up front to show that it wasn't really him. Lawrence just gave a bored look at the two when he saw them arguing.

Siguro napagod na rin siya sa away ng dalawa.

"Hindi ako, Laws. 'Wag kang maniwala diyan sa lokong 'yan."

Nairitang bigla si Lawrence at agad na tinaasan ng kilay ang dalawa. "E, sinong kumain no'n?"

"Malay ko," sabay nilang banggit bago nagkatinginan.

They both gave a glare at each other as Lawrence couldn't help but roll his eyes at the scene and looked back at the fridge.

Hindi naman ako makaimik dahil hindi ko rin naman alam kung sino sa kanila ang may gawa.

Halata kasi na nagtuturuan iyong dalawa kaya mas naging mahirap alamin kung sino ang nasasabi ng totoo. Pero kung pagbabasehan ni Lawrence iyong mukha, magdududa talaga siya kay Dominic.

Si Adrian kasi, halatang naiirita na.

Kapag kasi nagsisinungaling siya, palagi siyang naiwas at natingin sa iba hanggang sa matapos iyong usapan.

Pero, may mga pagkakataon na ituturo niya iyong iba.

At ngayon naman, hindi ko siyang nakitang naiwas kundi pilit niyang itinuturo si Dominic.

Makalipas ang ilang segundo, agad nagpaalam si Dominic. "Bahala muna kayo diyan. Doon lang ako sa kwarto ko."

Kaso, bago pa siya makaalis, agad nahawakan ni Adrian ang kanyang T-shirt at akmang hinila siyang pabalik. "Walang aalis hangga't walang umaamin."

"Dom, walang daw aalis," pinagsabihan ko naman siya habang sumunod naman si Lawrence sa akin.

"Dominic, I'm not finished here." Nakakunot naman at agad na sumimangot si Dominic noong makita niya kaming nakatingin sa kanya nang maigi.

"Plano mong tumakas, no?" dagdag pa ni Adrian kaya lalong nagtaka na si Lawrence. Halatang hindi na nagbibiro si Lawrence dahil agad niyang hinataw ang kanyang kamay sa lamesa.

"Kung sino man iyon, magsabi na kaagad." Nagulat akong pinagpawisan na si Dominic nang lumapit na sa kanila at Lawrence at tinitigan ang dalawa nang malamig.

"Kasi kapag nalaman ko kung sino 'yon---" Isang sigaw naman ang narinig ko kay Dominic kaya sa kanya kami napatinging tatlo.

"Oo na, ako na nga. Ako iyong kumuha ng ham."

Adrian's jaw then dropped as he looked at Dominic with wide eyes. "Iyong buong ham? Kinain mo?"

Iniwas naman ni Dominic ang tingin niya at akmang gustong lumayo kay Lawrence. "Pinakain ko iyong iba kay Pochi."

"Kaunti lang naman ang nakakain ni Pochi. Sinong kumain ng iba? Dapat may natira," nagtatakang tanong naman ni Adrian kaya hinintay namin siyang sumagot. Kaso, nakatungo na siya.

"Dominic," Lawrence warned him as Dominic got scared and blurted out the truth. His eyes were unfocused and really looked like he wanted to find a way to escape.

"Nagutom din ako. Ano, okay na?"

"Great." Napahawak na lamang si Lawrence sa kanyang beywang at agad na pinunasan ang kanyang noo gamit ang kanyang panyo. Nakakunot naman ang noo ni Adrian kay Dominic - halos maraming tanong na gustong sabihin.

"Sorry?" Dominic apologized soo after. His frown was wvident as Lawrence took out an egg and grabbed the salt container.

"Kulang pa ang ingredients para sa omelette," bunyag niya at hindi na pinansin pa ang paghingi ng tawad ni Dominic. Alam ko na hindi naman ito nagustuhan ni Dom kasi pagtingin ko pa lang, nakasimangot na siya.

Poor guy. Alam ko naman na ginawa lang niya ito para kay Pochi. Hindi rin naman namin siya mapipigilan kung nagutom siya.

Noong tumingin siya sa akin, binigyan ko na lang siya ng ngiti. Alam ko na hindi naman niya sinasadya na ubusin iyong ham.

"May itlog naman diyan. Ano pa bang kulang? May asin na rin diyan." Narinig ko naman nag-aaway iyong dalawa dahil sa ingredients na gagamitin.

"The tomatoes, onions, chicken beef---" agad naman siyang pinatigil ni Adrian sa pagsasalita.

"Huwag mo nang lagyan ng gano'n, Laws."

"How about we eat at a restaurant?" Lawrence then offered only to get rejected by Dominic.

"Wala kang pera, 'di ba?"

"How about a delivery then?" Umiling iling naman ang dalawa kay Lawrence at agad na sumagot si Adrian sa kanya.

"Hindi kami ang magbabayad no'n. Cash iyon." Halatang nag-iisip pa si Lawrence para lang hindi simple ang kanyang magiging pagkain. And to be honest, it was really sad to see him like this.

Alam ko kasi na hindi sanay si Lawrence na magiging ganito lang iyong buhay niya. Mas nasanay siya na puro mamahalin ang kanyang inoorder o niluluto.

Kaya kahit simpleng omelette lang, iniisip niya hindi magiging masarap kapag kulang sa rekado.

"Okay lang ba sa inyo na kulang iyong---" The two almost rolled their eyes at him.

"Hindi iyan kulang. Sadyang pinararami mo lang ang ingredients para masarap," sinabi sa kanya ni Adrian.

"Pwede naman lutuin iyong itlog tapos asin," dagdag pa ni Dominic.

"Hirap turuan ang mga mayayaman sa pagluluto. Grabe." Adrian then stood up before exclaiming this. Agad niyang inabot ang itlog kay Lawrence habang nagtataka pa rin si Laws.

"Itlog at asin lang talaga?"

And there goes our Lawrence Wayne.

"Kung gusto mong haluan pa ng iba, bahala ka. You're the chef in here," sambit ni Adrian para hindi na lumaki pa ang gulo. Akmang tiningnan ako ni Lawrence at tumango lang ako.

Hindi naman niya ako nginitian. Siguro nag-iisip pa rin.

"Marunong ka rin naman magluto, 'di ba?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Dominic - agad kinausap si Adrian tungkol dito. Nagkibit balikat lang naman iyong isa sa kanya bilang pagsagot.

"Tamad lang ako magluto."

"Bakit pa ako magluluto kung nandiyan naman kayong tagaluto ko?" pagmamayabang niya habang kumunot na ang noo ng dalawa.

Kahit nakaupo, naisipan ni Dominic na gumanti. Agad naman siyang ngumisi. "Laws, siya kaya ang magluto ngayon? Ano, game?"

"Pwede rin." Tiningnan ni Laws si Adrian nang mabuti habang ninerbyos kaagad iyong isa.

Noong hawak hawak na ni Laws ang frying pan, agad na umiling at sumagot si Adrian - na halatang natakot bigla.

"Biro lang. Luto na kayo."

Umupo na rin kaming tatlo sa mga upuan at hinintay na lang si Lawrence. Kaso, agad kong naalala ang aso ko kaya pinuntahan ko ito at binigyan ng makakain habang nagluluto si Laws ng adobo - para may makuhang karne at maibigay ito kay Pochi - at omelette para sa amin.

"So...kailan mo nga pala napakain na si Pochi, Dom?" tanong ko sa kanya habang binigyan si Pochi ng dog treats.

"Ah, kanina. Noong hindi ka pa dumadating. Tinago ko lang kay Laws na kumuha ako ng ham," paliwanag ni Dominic habang nakikinig si Lawrence sa usapan.

Nakisali naman ito sa amin. "And where was I?"

"Kausap mo iyong dad mo. Company shares or something." Isang tango na lang ang ibinigay ni Lawrence bago kumuha ng mga plato at inilagay ang kanyang inihandang pagkain.

"Alright, let's eat!"

♠  ♦  ♥  ♣

Nang matapos na kami, agad kong nakita na nagpahuli si Adrian. Knowing that he'll be the one to take care of the dishes - again - I decided to volunteer.

Ayaw ko naman kasi na makikikain ako tapos hindi man lang ako natulong.

Agad ko siyang nilapitan noong nakatalikod siya sa akin. Tinapik ko kaagad ang balikat niya kaya napalingon siya sa'kin.

"Ako na sa hugasin," sinabi ko sa kanya bago tumabi at kinuha ang ibang plato.

Nagulat na lang ako nang ibinaba niya iyong hawak hawak niyang kutsara at agad na dinampot pabalik iyong platong nasa kamay ko.

Sinubukan kong tarayan siya kaso isang malamig na titig lang din ang nakuha ko. Ah, palaban. Hindi naman niya akong hinayaan kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko para hindi muli makakuha ng plato.

"Abby, ako na," mariing sinabi niya habang sumimangot ako. If I can't help him, then it feels like I'm making them my personal assistants on their penthouse. Dapat marunong din akong rumespeto.

"Hindi na. Nakakahiya naman na dito ako nakain pero ikaw iyong pagod na pagod." Umiling naman siya sa akin.

"Abby---"

"Ako na sabi. Huwag ka nang makulit," pinagsabihan ko siya habang pilit naman niyang sinasabi na siya na mismo ang maghuhugas.

"Kapag sinabi ko na ako na, ako na---"

"Huwag ka nang magulo, Xavier. Ako na."

Agad siyang tumigil at nanahimik nang ilang segundo. Nagkatitigan lang kami hanggang sa nabitiwan niya iyong kamay ko at akmang tumaas ang isang kilay nang marinig iyon mula sa akin.

"Bakit apelyido ko na ngayon ang ginagamit mo?"

Umiwas na lamang ako ng tingin para hindi ako mapahiya nang husto. "Sabi mo na gusto mo ng bagong itatawag sa'yo. Edi, Xavier na lang."

"Kung gusto mo lang angkinin ang apelyido ko, sabihin mo lang. Papayag ako."

Agad namula ang aking pisngi nang sabihim niya ito sa akin. Mas lumawak ang ngiti sa akin ni Adrian noong sinubukan ko itong balewalain na parang biro lamang niya ito.

"Umayos ka nga diyan." Tumawa naman siya sa aking reaksyon at nagpatuloy na sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

"You know...you should just call me 'Savior'. Xavier, savior. Hmm, not bad."

"Savior?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.

"Bakit? Ako naman talaga ang nagliligtas sa'yo palagi," paliwanag naman niya habang tumawa naman ako.

"Paano iyong time na ikaw iyong nanghabol? Sino ang nag-save sa akin no'n?"

Nanahimik naman siya at agad na binaliktad ang sagot. "Ako. Hindi si Lawrence. Alangan naman na magpatalo ako."

"People chase the person who they think are worth it," sinabi niya sa akin habang nginitian ako. Kaso, hindi naman iyon ang

"Chase them figuratively. Hindi iyong literal mong hahabulin," sagot ko sa kanya.

"Ah, gano'n ba? Akala ko para mapakita mo na importante sila sa buhay mo, hahabulin mo." Isa pang tawa ang inilabas ko nang matapos niyang ilagay ang mga hugas na kutsara't tinidor sa lagayan.

"You know, you have a great sense of humor."

Umiling naman si Adrian sa akin. "Si Dominic 'yon. Hindi ako."

"Huwag ka doon. Joker iyon. Kaya marunong manloko," dagdag pa niya pero dumaan si Dominic kaya narinig ito.

"Ako ang iniwan, hindi ako nang-iwan, g*go!" rinig kong sigaw ni Dominic habang sinusubukan niyang habulin si Pochi sa sala.

Natawa na lamang ako. "Anong sinasabi no'n?"

"Ah wala. Iniwan lang iyon ng girlfriend niya," tugon ni Adrian bago ako tumango. Kaso, hindi ko pa rin hinayaan na maangkin kaagad ni Adrian 'yong gawain.

Unti unti ko siyang hinila habang sumunod lamang siya sa akin. Inakala niya siguro na may ipapakita ako sa kanya.

When we had finally went back to the living room, his expression changed. Agad na kumunot ang noo niya sa akin at mukhang magtatanong.

Kaya, inunahan ko na siya para wala na siyang masabi.

"Anyways, I'm the one assigned on washing the dishes today. Pakibantayan na lang si Pochi," ani ko bago ko kinausap si Pochi.

"Pochi, sama ka muna kay Adrian, okay?" His tail just wagged as Adrian gave me a furrowed eyebrow. His gaze never left so I decided to tease him.

"Xavier, ikaw na bahala. Huwag mong hahayaan na makasira pa si Pochi."

"Okay." Ito na lang ang naging sagot niya noong makabalik ako sa kusina. Pero ilang minuto pa lang iyong nakakalipas at noong sinisimulan kong hugasan ang mga plato, bumalik siya.

"Teka, bakit ka nandito?" Agad naman nakataas ang kilay ko pero agad itong nawala nang binuksan niya iyong fridge.

"Kukuha lang ako ng inumin." Ipinakita pa niya iyong isang can ng coke zero bago ito binuksan at humigop. Inaasahan ko na aalis na siya pero lumapit pa siya sa akin.

"Bago ako umalis..." he then trailed off before he continued.

"Hindi ganyan ang paghuhugas." Halos manlaki ang mata ko nang kinuha niya iyong sponge at agad na kinuha ang kamay ko.

"May paraan pa ba?" tinanong ko siya ngunit nang lumingon ako, halos magkalapit na ang mukha namin kaya namula ako at ibinalik ang atensyon sa mga plato.

Damn it, Adrian. Alam ko 'yang ginagawa mo.

"Ganito ang tamang paghuhugas." Kaya mas nakakahiyang balikan siya ng tingin, nasa likod ko na siya at parang sinasadya niyang makulong sa kanyang mga kamay.

Almost looked like he was hugging me from the back.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong hindi na niya ako tinuturuan kundi hinawakan lang niya ang kamay ko.

He carressed it for a few times - making my cheeks hot and flush red shortly after.

Inakala ko kung ano ang susunod na sasabihin niya. Pero hindi ko inasahan na insulto na pala ang kasunod.

"Siguro hindi ka marunong maghugas ng mga pinggan sa bahay niyo."

Agad akong pumiglas at tinaasan siya ng kilay. Nagulat na lamang ako nang ngumisi siya sa akin at biglang tumawa pagkatapos.

"Anong sabi mo?" pagtataray ko sa kanya habang lumayo lang siya pero tumatawa pa rin. Grabe, nakakairita talaga siya. Hindi pa pala nagbabago.

"Xavier!"

Nanlaki na lamang ang mata niya noong kumuha ako ng isang malinis na plato at inihagis ito sa kanya. Buti na lang, nasalo niya kaagad ito at inilagay muli sa lamesa.

"Hoy, huwag mong ihagis!"

"Hindi ata si Pochi ang makakasira ngayon, eh. Ikaw ata," sabi pa niya bago ko siya tinakot muli. Agad niya akong hinawakan muli sa kamay at ibinaba ang platong hawak hawak ko sa kaliwa.

"Huwag! Presyong ginto ang gamit ni Lawrence."

As if on cue, Lawrence went back to the kitchen and stared at us.

Pansin ko na hindi siya nakatingin sa amin kundi sa kamay ni Adrian. Nang mapansin naman ito ni Adrian, binitiwan kaagad niya ito.

"What's that ruckus you're making?" Umiling lang si Adrian sa kanya.

"Wala lang, Laws. Natulong lang ako kay Abby sa paghuhugas ng plato," sabi pa nito habang tumango naman si Lawrence.

"Okay? Atsaka nga pala, Abby, hayaan mo na si Adrian ang maghugas diyan," aniya bago ako tumango. Nakita ko naman ang matagumpay na ngiti ni Adrian noong marinig 'yon.

"Ako na lang ang maglilinis ng mga kalat ni Pochi," wika ko kay Lawrence kaso sumabat kaagad si Adrian.

"Simulan mo doon sa kwarto ko. Umihi si Pochi doon."

Nakakairita talaga 'tong si Adrian.

"No. You can just arrange my books on my room. Huwag ka na lang pumunta sa kwarto ng dalawa," tutol naman ni Lawrence sa sinabi ni Adrian.

"At kung makikita mo man iyong kwarto ni Dom, huwag mo 'yon lilinisin."

Lumingon naman si Adrian para dugtungan ang sinabi ni Laws. "Sadyang makalat na do'n."

"Grabe kayo sa'kin ngayon, ah." Narinig kong sinabi ni Dom mula sa sala.

"Kaya naman makalat iyon kasi mas madali kong nalalaman kung saan ko nilalagay gamit ko," dagdag pa nito habang hinayaan ng dalawa na magreklamo si Dominic.

'Hyperthymesia ay para na ring photographic memory."

After a few seconds, we heard a ringtone. Lawrence took out his phone and looked at us. "I'll go take this call. Excuse me."

Noong umalis na siya, agad huminga nang malalim si Adrian at hinarap ako. "Palad na tayo mahuli ni Laws."

"Huwag mo kasi gagawin iyon."

"Oo na."

"Aayusin ko na lang iyong gamit ni Laws," sinabi ko sa kanya bago siya tumango. And he even waved at me to tell me to leave.

"Sige. Ako na ang maghuhugas dito."

Umakyat ako sa taas at pumasok sa unang kwartong malapit sa hagdan. I almost forgot that there was a security on this one but it quickly shuts off when I had tried to open the door.

Siguro naka-format na 'to sa cellphone ni Lawrence.

Mag-aayos pa lang sana ako ng gamit kaso isang mabilis na anino ang nakita ko sa labas noong lumingon ako.

"Pochi? Ikaw ba 'yan?" tanong ko kaso wala akong tahol na narinig.

Umiling iling na lang, agad akong nagsalita. "Siguro sa tagal ko na ritong pumupunta, minumulto na ako."

♠  ♦  ♥  ♣

Nang matapos ko nang linisin ang gamit ni Lawrence, agad akong bumaba. Ang unang bumungad sa akin ay si Pochi - na ngayon ay nasa isang gilid at mukhang may kinakagat.

"O, Pochi, ano 'yan?" Nang malapit na ako, natakot akong bigla. It was someone's clothes. Sinubukan kong kunin ito sa kanya ngunit tumayo lang ulit siya at lumayo sa akin.

"Teka, Pochi, huwag mong kagatin 'yan!" Hindi niya ako inintindi kundi nagmatigas pa ito at lalong hinigpitan ang kagat sa damit.

"Pochi, come on. Give it to me."

Saktong pagtayo ko, napalingon ako at nakita si Dominic na walang T-shirt. His bare chest was exposed and I didn't had the time to look at anything since I closed my eyes in surprise.

"Dom, what the hell?" Narinig ko naman ang malakas na boses ni Lawrence sa sala.

"Bakit wala kang pang-taas?"

Agad ko naman naramdaman na parang may humawak ng pisngi ko. "Just keep your eyes closed, okay? Ikukuha ko ng damit si Dom."

"Wala kasi iyong tatlo kong paboritong sando," sinabi naman ni Dominic habang sumagot pabalik si Laws.

"Dapat nag-T-shirt ka na lang."

"Alam niyo naman na hindi ako mahilig mag-T-shirt kapag nandito na sa penthouse."

Agad naman dumating si Adrian mula sa kusina at inabot ang isang damit. "Dom, nakuha ko 'to habang naghuhugas ako. Huwag kang makalat."

"Hindi ako ang nagkalat niyan, promise." Nagulat na lang ako nang ilang segundo ay nagsalita na muli si Dominic.

"Pwede mo nang imulat ang mata mo, Abby." Nang iminulat ko ito at ibinaba ko ang kamay ko, nakita kong nakangiti sa akin si Dom at may suot suot na siyang puting sando.

Dahil sa takot na magalit ulit siya, ako na mismo ang nagsabi.

"Iyong isang sando mo..." I then trailed off before pointing at Pochi. "Nasa kanya."

"Hoy, Pochi, ikaw pala ang kumuha ng sando ko!" Nang nilapitan niya ito, naging masama ang tingin sa kanya ni Pochi kaya lumayo ulit ito hanggang sa umupo na siya sa beanbag.

"I don't know. He looks really cute."

Kumunot naman ang noo ni Dominic sa'kin. "Anong cute? Paano ko kukunin iyong sando ko, 'yon ang gusto kong itanong."

"May galit sa amin dalawa ni X 'yang asong 'yan." Pagkasabi pa lang niya, agad tumahol si Pochi kaya tinuro ito ni Dominic sa'kin.

"Nakita mo?" I just pursed my lips after that.

Wala na akong ibang masabi kundi totoo iyong sinabi niya. Halata kasi na hindi gusto ni Pochi na maki-bonding sa dalawa.

"Parang may idea na ako." Napahawak sa baba si Adrian habang nagtaka lang sa kanya si Dominic at agad siyang tiningnan.

"Idea? Anong idea ka diyan?" nagtatakang tanong naman ni Dominic sa kanya.

"Para hindi na siya magkalat. Nahuhulog iyong balahibo niya kung saan saan, eh," sagot ni Adrian pabalik.

"Aalis lang ako. Bibili lang ako ng damit niya." Noong umalis si Adrian, hindi makapaniwala si Dom. He scoffed at the remark and even complained about it.

"Damit? Buti pa iyong aso may damit," reklamo ni Dominic.

"Guys, wala bang tutulong sa akin para makuha ko na ang sando ko?" tanong niya ulit habang nagkatinginan kami ni Lawrence. And based on his expression, he wasn't planning to help at all.

Instead, Lawrence just turned his back on him.

"Just be nice to him. Makukuha mo rin 'yan." Sumunod na umalis si Lawrence kaya kaming dalawa na lamang ang natira.

"Abby?" agad naman niya akong tinawag habang nagkibit balikat na lang ako. Alam ko naman kasi na ibibigay naman iyan ni Pochi kapag nagsawa na siya.

"Kaya mo na 'yan. Mabait naman si Pochi."

"Ano ba 'yan!" Napakamot kaagad siya ng ulo nang makita si Pochi na nakatitig nang maigi sa kanya at halatang ipinapakita ang ngipin nito na tila nanakot.

♠  ♦  ♥  ♣

So, ito muna ang update. Hindi talaga siya masyadong edited kasi naisip ko na i-proproofread ko rin naman ito pagkatapos kaya tamang edit na lang kapag completed na.

See you on the next chapter! Pero baka matagalan kasi tatlong libro ang inaayos ko ngayon - kasama na ito. 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro