Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XLV: Small Gifts

A B B Y

Noong makarating na kami sa kanyang bahay, nagulat ako at nanlaki ang mata sa aking nakita. Hindi ko inaasahan na ang unang bubungad sa amin ay isang three-storey at box-type house na pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya. Gray ang kulay sa labas at chocolate brown naman ang ibang gilid nito.

Dalawang malapad na balcony naman ang nasa ikalawa at ikatlong palapag. Dalawang vintage chairs ang nakalagay sa ikalawang palapag at maliit na lamesa, siguro isang tambayan para sa kanila.

And he kept this all hidden by keeping his mouth shut. Grabe.

Sean probably noticed my reaction because he suddenly smiled at me, looking back at me through the mirror. I noticed the hint of glee in his eyes as I tried to scoot more towards the car window to look at the house.

"You're probably surprised right now," aniya habang tumango tango ako sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin sa kanya pero marami na akong tanong na gustong gusto kong masagot.

Kaya ba napunta sa kanya ang penthouse ay dahil mayaman din siya?

Kung ganito talaga sila, ibig sabihin ba no'n ay kagaya siya ni Lawrence?

At saka, sino ba ang ipakikilala niya sa'kin? Siblings?

"Surprised, no. I'm just speechless...really," tinama ko ang kanyang sinabi habang napakurap nang ilang segundo.

"I mean, is this really your house? Baka naman sa kaibigan mo 'to." Maloko ang tingin ko sa kanya habang napatawa lamang siya sa sinabi ko kahit nagmamaneho.

"Not really. My dad was the one who brought this. It's our first house, to be honest." Natulala naman ako sa kanyang sinabi. First house lang nila ito. Paano pa kaya iyong iba? Siguro mas malaki pa rito.

Grabe, parang isinasampal na sa akin ngayon na wala kaming binatbat ni kuya.

Hindi na ako nakaimik pa at hinintay ko na lamang makapagpark si Sean sa harapan ng kanilang bahay. There was a terrace and an actual spot for parking. Kaya naman hindi niya ito idiniretso sa garahe ay dahil may naka-park pang dalawang sasakyan sa unahan.

"Hindi ko inaasahan na..." agad niyang pinutol ang akin sinabi.

"Three-storey ang bahay namin? Don't worry, ako rin," malokong sambit niya sa akin para hindi maging awkward ang pagiging magkaibigan namin.

Nginitian ko lang siya ngunit napawi ito noong mayroon kumaway sa loob ng bahay.

A woman around her mid-40's was currently waving her hand at us when Sean had stopped the car. She was wearing a white cotton long sleeved shirt with a v-neckline and soft dark blue pajama.

Nakangiti siya sa amin at agad na umalis nang makaikot na si Sean sa kanilang bahay. Dire diretso siyang lumabas at lumakad papalapit sa amin kung kailan itinigil ni Sean ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay.

And looking at her for so long, I already recognized her as Sean's mom.

Bumaba kaagad si Sean sa kanyang sasakyan. Inisip ko na baka pupunta na siya para batiin ang kanyang ina.

Kaya noong bubuksan ko na ang pinto, agad akong nagulat nang siya mismo ang bumukas nito.

"S-Sean, you were supposed to---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"I know. Still, my mom taught me how to be a gentleman. I can't just let you open that for yourself," aniya habang pumayag na lamang ako at lumabas na rin ng sasakyan.

Then, his mom had surprised us. Nilapitan niya si Sean at agad na niyakap nang mahigpit. Kitang kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata noong makita niya ang kanyang anak. Napaatras naman si Sean at nanlaki ang mata pero makalipas ang ilang segundo ay niyakap niya ang kanyang ina pabalik.

Nakangiti lang din ako pero iniisip ko na sana ganoon din ang mama namin kaso night shift siya palagi kaya naabutan na lang namin ni kuya na tulog siya sa umaga at wala na rin pagdating namin sa bahay.

My mom was a nurse kaso sa gabi lagi siya naka-duty. Kaya halos wala na rin siyang oras para sa amin. Hindi naman namin siya mapipigilan. Wala si dad kaya kailangan magtrabaho.

I wanted to take a part time job but I'm worried of how I'd manage my studies and my work. Sinabi kasi niya na mahirap kapag working student. At siyempre, wala pa ako sa legal age kaya hindi rin naman matatanggap.

Nang pagmasdan ko silang dalawa, inisip ko kung gaano kaswerte ni Sean.

"I didn't expect you to visit me, my pequeño. Masyado kasing napaaga ang bisita mo ngayon," sambit ng kanyang ina bago tiningnan nang mabuti si Sean at umalis sa pagkakayakap. Her chocolate brown eyes beamed as Sean chuckled at her reaction.

"And bringing a girl, nonetheless. Is this my future daughter-in-law?"

Nawala ang ngiti ni Sean noong marinig niya iyon. Parehas na kaming nagkatinginan at agad na umiling iling. Tumawa naman ang kanyang nanay nang makita ang reaksyon namin parehas.

Grabe naman iyon, hindi ko inaasahan na magbibiro ng ganoon si tita. Kaibigan ko si Sean kaya nagulat talaga ako noong marinig iyong salitang 'daughter-in-law.'

Nakitawa na lang ako habang napakamot si Sean sa kanyang ulo noong biniro siya. The laughs then faded as soon as she gazed at me and looked as if she was trying to remember who I was.

"Mom, that's Abby Guevarra." Agad siyang tumango tango at biglang natuwa sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at kinamayan ako. Hindi naman nawala ang ngiti niya nang ginawa niya ito.

"Oh, I remember you! You're Anastacia's daughter. I'm your aunt Siveliana. Nagkita na tayo noong bata ka pa," pakilala niya bago siya nagsalita muli.

"You're also Sean's childhood bestfriend. That's why I suddenly remembered you as soon as my pequeño brought up your name," dagdag pa niya habang napahaplos sa batok di Sean nang marinig niya ang nickname na tinawag sa kanya ng kanyang nanay.

"Mom, please don't use that nickname," sambit ni Sean ngunit umiling iling sa kanya ang nanay niya.

"0h nonsense. Hayaan mo na 'ko. Pequeño is a great nickname for you."

"That means baby in Spanish, mom." Nakakunot na ang noo ni Sean ngunit nagkibit balikat lang pabalik ang nanay niya na mukhang nakakaloko pa.

"Well, baby ka pa naman talaga." Hindi ko man gustong makisali sa kanilang usapan, hindi ko na rin napigilang magtanong pa sa kanya.

"Aunt Siveliana---" Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin at pinutol pa ang aking sasabihin.

"Darling, just call me mom."

"Mom---" tawag ni Sean ngunit tinawanan lang siya ng kanyang ina. She then waved her hands to Sean like she was telling him that she was just joking around.

"I was just joking, pequeño. Kahit naman tumanggi ka, 'yon pa rin itatawag niya sa akin sa susunod."

"Mom, please." Nagmakaawa na si Sean kaya wala nang nagawa ang nanay niya kundi sumunod sa gusto ng kanyang anak.

"Just call me Aunt Sivel o Aunt Liana, dear," saad niya sa akin habang nginitian ko lang siya. Naisip ko kasi na sabayan ang biro niya kaya sinagot ko siya.

"Okay po, mama."

Lalong lumawak ang ngiti niya at halos mamula na ang mukha ni Sean sa kahihiyan. Hindi ko naman ito nakita dahil napansin ko ang tuwa sa mga mata ni Aunt Liana noong marinig 'yon.

"Oh, see pequeño? Pumayag na si Abby! May pag-asa ka na!" she exclaimed as Sean directly hides his face with his hands.

But even if he was doing this, I could see his face getting tainted with red as soon as he heard this coming from his mom.

"Mom, you're embarrassing me right now."

"Well, you do look like a tomato right now," niloko pa siya ng kanyang nanay nang makita niya na pulang pula talaga ang mukha ni Sean.

"Mom, please. I came here to visit Zach."

"Si Zach ba? E, nandoon siya sa loob, nakain." Tumango naman si Sean sa kanyang sinabi at agad na may kinuha sa likod ng kanyang sasakyan.

Habang ginagawa niya 'yon, agad na pinisil ni Aunt Liana ang aking pisngi at pinagmasdan muli ako nang maayos.

"Anyways, you've grown, Abby. Dati ang liit liit mo pa. I think, you were still seven when you had last visited this place?" pagtataka niya habang itinama siya ni Sean - na hanggang ngayon ay abalang abala sa pag-aayos ng gamit.

"Eight, mom. She was eight."

"Grabe ang memory ng pequeño ko," she joked as Sean gave her a nod. Buti pa sila, natatandaan nila. Ako, natandaan ko lang si Sean na paalis ng bansa.

Nagulat naman ako nang nagsalita muli si aunt Liana. "Oh, I almost forgot. Did you two already eat?"

"Don't worry, mom. We already ate," sagot ni Sean sa kanya habang tinaasan siya ng kilay ng kanyang ina.

"Pequeño, alam ko na nagsisinungaling ka."

"No, mom. I'm already full, I promise."

"Aunt Liana, paano po ninyo nalaman na---" tinanong ko naman siya kaso agad niya itong dinugtungan.

"Na nagsisinungaling si Sean?" Natakot naman si Sean noong marinig na niya ang mismong pangalan niya.

Hindi siguro siya sanay na gagamitin ng nanay niya iyong first name niya.

O siguro ginagamit lang ng nanay niya iyon kapag seryoso na siya - katulad ng iba.

"Para malaman kung nagsisinungaling siya, tingnan mong mabuti 'yong galaw niya."

"If he's lying, he would always smile cheekily at me, rub the nape of his neck and even cough to hide his lie," she explained to me before looking back at her son.

Umiwas lang ng tingin si Sean kaya itinuro ito ng kanyang nanay. "O, 'di kaya iiwas ng tingin at babaguhin ang pinag-uusapan."

"Mom, puntahan lang namin si Zach," agad na sinabi ni Sean kaya napatawa na lang ako ng kinurot siya ng nanay niya.

"See? Binago na niya kaagad ang pinag-uusapan. Si Zach kaagad ang paksa." Umiling iling na lamang si Sean.

"Nga pala, huwag kayong aalis kaagad. Magluluto lang ako ng espesyal kong adobong manok."

Sean then waved his hand to refuse. "Mom, there's no need to---"

"Hush! I know that you're really busy these days and you're only eating to those fancy restaurants just like your dad," giit ng nanay niya sa kanya.

"Maybe it's time for you to eat homemade foods again. Matagal ka nang hindi nakakatikim ng luto ko," reklamo pa nito bago pumasok sa loob ng bahay at inaya kami.

"Tagal mo na ring hindi nakakakain dito."

"Mom, I visit once a week."

"Still, that's too long."

"Huwag ka nang tumanggi, pequeño. Tara na," sinabi niya bago hinayaan kaming pumasok. Hindi naman napilitan ni Sean na huminga nang malalim at sumagot.

"Wala rin naman akong choice."

"Exactly," she stated proudly before walking towards the kitchen. Nang makita ko ang loob ng kanilang bahay, nagulat ako na halos parang japanese style ang kanilang mga kagamitan.

Sa sala, hindi sofa ang inuupuan nila kundi mga unan. Siguro gusto nila ng unique.

"Nga pala, mom. Is dad home?" Narinig kong nagtanong si Sean sa kanyang ina habang nag-iikot sa kanilang bahay. Right now, naka-socks lang ako kasi nakakahiya na madumihan ang kanilang sahig.

"No, he's on a business trip. He's too stressed with the company's market shares that he barely comes home anymore," sagot ng kanyang nanay habang iniayos ang tv at binuksan ito.

"Anyways, let's not talk about that. Hintay lang muna kayo diyan. I'm going to prepare the meal." Tumango naman kaming dalawa at umupo sa isa sa mga unan doon. May beanbag din sa gilid ngunit mas pinili ko na makisama sa kanila.

"Okay, mom," sinabi ni Sean bago nag-iscroll sa mga movies na nakalagay sa kanilang tv.

Bago pa man umalis si aunt Liana, agad ko siyang tinawag at tinanong. "S-Sino nga pala si Zach, aunt Liana?"

Nang makita naman niya ang reaksyon ni Sean ay nginitian lang niya ako. "Ah, you'll see. Hindi siguro sinabi sa'yo ni Sean kaya hindi ko sisirain ang surprise niya."

"Kuya po ba niya? Siguro kasing gwapo ni Sean 'yon." Napaubo naman si Sean sa aking sinabi at tinawanan lang ako ni aunt Liana. Bakit? May mali ba akong sinabi?

"You'll see, my future daughter-in-law."

Noong umalis na siya, kaming dalawa na lang ang naiwanan sa sala. Isang mahabang unan lang ang nasa pagitan namin kaya ang awkward kapag tinanggal ng isa sa'min.

"Papakilala ko na ba siya sa'yo?" Tanong niya bago niya ako nilingon para marinig ang sagot ko.

"Pwede rin. I'm really excited to meet him."

"Wait lang. Puntahan ko lang siya." Agad naman siyang tumayo at pumunta sa isa sa mga kwarto sa baba. Hinintay ko na lang siya habang nag-iiscroll ng mga movies.

Grabe, puro action movies. Siguro si Sean ang mahilig dito.

"Zach!" agad naman tawag ni Sean habang naghintay ako at nakita kong umupo muli siya sa tabi ko.

Inaasahan ko na ang makikita ko ay ang kapatid niya - pupwedeng bunso o ang kanyang kuya. Kaso, nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Isang pomeranian na aso na may dala dalang food bowl ang bumungad sa akin.

And the funny thing was, Sean wasn't happy at all. There was no smile plastered on his face. Instead, a look of confusion had washed over him.

"Teka, Zach, nasaan iyong bulaklak na pinakukuha ko sa'yo?"

Nagulat na lang ako nang ihataw ni Zach ang food bowl niya sa harap ni Sean at itinulak pa ito sa kanyang paanan. Hindi na lamang nakaimik si Sean kundi huminga na lamang siya nang malalim.

"Oo na, Zach. Ito na, kukuha na ako ng pagkain mo." Tumayo ulit siya kaso hawak hawak na niya ang walang laman na food bowl ni Zach.

"Dito ka muna kasama ni Abby, okay?"

"Hello Zach. Dito ka," sinabi ko habang tinuro ko iyong unan sa kanya.

Nagulat na lang ako nang tumalon siya sa aking tabi at agad na humiga rito. Kaya naman lalo akong natuwa, lumapit siya sa akin at ipinatong ang ulo sa aking hita.

"Good boy." Natuwa naman ako nang haplusin ko ang kanyang ulo ay agad siyang pumayag. Hindi siya katulad ng ibang aso na tatahulan ka.

Nang bumalik si Sean sa amin, agad niyang ibinaba ang food bowl ni Zach para makakain na ito. I was really surprised that Sean was a dog lover.

Hindi niya kasi binabanggit si Zach sa akin kaya inisip ko na wala siyang alaga.

"Do you like him?" tanong sa akin ni Sean - na kaagad na umupo sa tabi ko. Kaso, kaunti lang ang kinain ni Zach at agad rin itong umupo sa gitna namin.

Nagtaka pa nang husto si Sean noong hindi siya pinansin ni Zach at iniwasan lamang siya nito.

Sorry Sean, looks like Zach likes me more.

"Aba, Zach, anong ginagawa mo? Akala ko kakain ka?" Nagulat kaming dalawa na nagtatatalon si Zach at agad na nagpalambing muli sa akin.

Hindi ko naman napigilang ngumiti nang humikab ito at humiga sa aking hita.

Sean smiled as soon as he saw me giggling. "Looks like Zach likes you."

"Oo nga. I mean, I like him too. He's very cute and not to mention, energectic," sagot ko pabalik sa kanya habang nilalaro ko si Zach kahit nakahiga.

"I was thinking of giving him to you." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon mula sa kanya.

"Sa akin? Teka, bakit naman?" tanong ko habang nagkunwaring nag-iisip.

"No one could take care of him here. Hindi naman pupwede ang mom ko kasi alam kong marami na siyang inaasikaso."

"Ah...gano'n ba?"

"Think of it as a small gift for trusting me." Tinitigan ko siya nang mabuti at nakita ko siyang nakangiti na sa'kin.

"You can also rename him, if you want."

Pumayag naman ako roon at naghalumbaba. Ano nga kaya ang magandang pangalan? Tiningnan ko muli si Zach at sumagot.

"How about...Sean?" malokong tanong ko habang umiling na kaagad siya nang marinig ito.

"No. Except that one. Magugulo kaming dalawa kapag tinawag mo kami gamit ang iisang pangalan," paliwanag niya sa'kin.

"Sean jr.?"

"No. Hindi ako papayag."

"Seannie?"

"No."

"Okay. Then, I'll just call him 'Pochi'." Nginitian lang niya ako habang naghalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"O, tatanggi?" Hindi na niya ako sinagot kundi umiling iling at umiwas ng tingin.

"Hindi naman. I was just thinking that it's a cute name and he'll like it." Agad ko naman nakita na nagtatakang nakatingin sa akin si Zach kaya tinanong ko rin siya.

"Zach, okay lang ba sa'yo na tawagin kitang Pochi?" Nagulat ako nang tumahol siya at nagpaikot ikot sa akin.

"The food is ready! Punta na kayo rito." Narinig ko naman ang malakas na tawag ni aunt Liana kaya tumayo na kaming parehas ni Sean.

"Mom's calling. We should really eat up and leave soon. It's already 9:37 pm. Baka magtaka na iyong tatlo."

"Okay," sagot ko sa kanya bago kami pumunta na sa hapagkainan. Siguro naman hindi kami gagabihin nang husto.

♠  ♦  ♥  ♣

I REALLY THOUGHT THAT IT WOULD BE SILENT.

Noong nakain na kami, agad na nagsalita ang nagsalita si tita Liana. She was talking about a company or something about Sean's dad. Kaya ang ginawa ko, nanahimik lamang ako at nakinig.

"Pequeño, gusto ka raw makausap ng dad mo tungkol sa incorportation." Agad naman ibinaba ni Sean ang kutsara't tinidor at tinitigan ang mom niya.

Sa itsura pa lang ng mukha niya, alam ko na kaagad na ayaw niya itong pag-usapan. Binalewala na rin niya ang kanyang pagkain at napahalukipkip sa irita.

"Mom, don't bring this topic again. Just tell dad that I'm not planning or even thinking about running the incorporation," sambit niya bago huminga nang malalim.

"I don't want to end up like my father at all." Hindi naman napigilan ni aunt Liana na bigyan si Sean ng isang malamig na tingin at tono.

"Watch your tone, Sebastian. This is still your dad we're talking about." Umiling iling naman si Sean at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit, mahigpit na ang hawak niya sa kanyang kutsara at tinidor.

"It's just...irritating. I already told him yet he still pursues to annoy me with the incorporation thing," reklamo niya.

"Wala naman tayong magagawa, pequeño. Only child ka lang. You have no choice but to manage it," sinabi sa kanya ng kanyang nanay.

"Ayaw kong maging katulad ni Lawrence, mom." Nanlaki naman ang mata ko. Teka, soon to be CEO rin ba siya? Kaya ba sinasabi niya na may family problem siya?

"Well then, I'll try to have another talk to your dad. Sana pumayag siya."

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong magtanong tungkol sa isyung ito. Medyo naguguluhan kasi ako kaya gusto kong maging klaro ang lahat.

"Sorry to interfere, aunt Liana. Pero...ano pong incorporation?" nagtatakang tanong ko habang napanganga lamang si aunt Liana at agad na lumingon sa kanyang anak.

"Pequeño, hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?"

"I don't want to. I don't want her to think differently once I told her," sambit ni Sean ngunit tumutol dito ang kanyang nanay.

"Well, then I'll tell her." Sean's eyes widened and almost pleaded her not to. But, aunt Liana still gave him the same answer.

"She deserves to know." Doon ay wala nang nagawa si Sean kundi manahimik. Nilaro laro na lang niya ang pagkain niya - na tila wala na siyang gana pa.

"Axerio Inc. Does it sound familar to you?" tinanong sa'kin ni aunt Liana ngunit hindi ko man lang ito nakilala. I wasn't really aware of it as much as other people.

"Hindi po," sagot ko sa kanya.

"Sean's father - my husband - is the one who currently runs it. The incorporation produces digital technologies," pinaliwanag niya sa akin.

"Our company's current competitor is the Lexus Co."

Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. "Lexus Co.? 'Yong company po nina Lawrence?"

"Sadly, yes. Kaya nahihirapan din itong anak ko na kunin ang kompanya kasi alam niyang makakalaban niya ang kaibigan niya." Sabay tiningnan si Sean.

Nakatungo lamang si Sean at agad na nagsalita pagkatapos itong ipaliwanag sa akin. "Mom, please. We came here to enjoy some quality time."

"Please don't bring this up."

Tumango na lang siya sa kanyang anak at tumikhim. "Apologies, my pequeño. O siya, kain na nga tayo. Huwag na natin 'yang pag-usapan."

And still, I felt guilt.

♠  ♦  ♥  ♣

AFTER DINNER, WE BID GOODBYE TO HER AND LEFT.

Kahit hindi na umiimik si Sean, alam kong hindi niya nagustuhan ang nangyari kanina. Inisip ko rin na baka hindi pa nakatulong ang pagtatanong ko tungkol sa kanilang kompanya.

Bakit ko pa kasi tinanong? Na-badtrip ko lang ata siya.

Right now, we were inside the car. The long drive was silent. Hindi kami nag-uusap at halatang hindi siya iimik. Ang bukod tanging ingay na naririnig ko ay ang paghinga ni Pochi ng malakas at pagtahol niya tuwing nagugutom siya.

Nasa hita ko kasi siya ngayon at dog treats lang ang pinakakain ko habang nagmamaneho si Sean para lang ihatid ako sa bahay namin ni kuya Ace.

I wanted to talk to him so badly. Pero iniisip ko na kapag magsasalita ako ay agad niya akong sigawan. Wala kasi siya sa mood.

Sean probably noticed the eerie silence since he was the one to initiate the conversation. "Nga pala, okay lang ba kay Ace na tumira doon si Pochi?"

"Ha?" Nagulat ako sa kanyang tanong kaya agad akong napasabi noon. Pero, dahil din sa hiya, binawi ko naman ito kaagad. Nakita ko kasi na kumunot ang noo niya noong sumagot ako nang gano'n. "Ah, oo nga pala. Hindi 'yon pet lover."

Ilang segundo ang lumipas, agad akong napaisip.

"Teka, paano nga 'yon?" Agad akong nag-panic nang ma-realize ko na hindi payag si kuya na magkakaroon ako ng pet. Kapag nakita niya si Pochi, alam ko na hindi iyon makakatiis at baka ihagis na niya ito palabas.

Nakakairita nga naman. Ayaw pa niya sa mga alagang hayop. Tingin niya raw na mas dadami ang gastusin niya.

Nakita ni Sean ang reaksyon ko kaya agad siyang nagdesisyon. "Iniisip ko na dalhin na lang muna si Pochi sa penthouse."

"S-Sa penthouse? Baka magalit iyong tatlo," ani ko habang tumawa lang siya sa aking sinabi.

"Hindi rin. Itatago ko si Pochi sa loob ng kwarto ko. Para hindi nila malaman," sinabi niya sa akin bago ngumiti at nilingon ako.

"Before I forget, do you still have the necklace I gave you?" Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Please don't tell me that he wants me to choose right now. Hindi pa ako ready sa tanong na iyon.

As if someone heard my prayers, agad akong napaturo sa unahan ko nang may makita akong puti na dadaan sa kalsada.

"Sean, look out!" Nanlaki ang mata ni Sean at agad tinapakan ang brakes para tumigil ang sasakyan. Halos tumalon na ang puso ko - napabuntong hininga pagkatapos ng pangyayari.

Nang tingnan ko si Sean, nakita ko na parehas kaming natakot. His eyes were wide and his hands were shaking - even if he was still holding the steering wheel.

It almost felt like an adrenaline rush. Iyong tipong mabilis tumibok ang puso mo at hindi mo makontrol ang paghinga mo.

"Please don't tell me that I killed someone," bulong ni Sean bago bumaba ng sasakyan at agad tiningnan kung ano ang muntikan na niyang mabangga. I hope as well that it wasn't a person. Lalo akong matatakot kung nabangga iyon ni Sean. Bumaba na rin kaagad ako, inilagay si Pochi sa loob, at agad  na nakita si Sean na napakamot sa ulo

Bakit kaya naging gano'n lang ang reaksyon niya?.

He then sighed in relief as he carried something. "Grabe, tinakot mo 'ko."

Isang persian white cat ang nakita kong hawak hawak niya. It had those brown round eyes and small legs that would instantly make you fall in love. Maliit ang buntot niya at tenga kaya mas naging cute ito sa aking paningin.

"Sean, can I keep her?" Nagulat naman siya sa tanong kaya umiling iling kaagad siya sa akin. Agad niyang ibinaba ang pusa kaya tumingin lamang ito sa aming dalawa.

"You can't, Abby. This is a stray cat. Ni hindi nga natin alam kung may nagmamay-ari sa kanya," sagot niya habang napasimangot na lang ako.

"Aww, but I wanted to keep her so bad..." Nakita ni Sean ang pagkadismaya ko kaya wala na siyang nagawa kundi kunin ang pusa at ibinigay sa akin. Kinuha ko naman ito at nagtaka noong papasok na siya sa loob.

My eyebrows furrowed when he did this. "Teka, Sean, bakit mo binigay iyong pusa sa'kin?"

"I'm going to check if he or she has an owner," sinabi niya sa akin bago ngumiti. "If there is no one to take care of her, then I'll ask if she can be adopted."

Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ko iyon. "Well then, welcome to the family, Minmin!"

Pumasok na rin ako sa loob at inilagay si Minmin katabi ni Pochi. Nagkatinginan lamang silang dalawa at parehas pang lumingon kay Sean.

I guess they weren't expecting to have a new owner.

♠  ♦  ♥  ♣

Matagal ba ang update? Don't worry. Tapos na ang video documentary namin kaya tuloy tuloy na ulit 'to. And by the way, meet our lovely pets for today, Pochi and Minmin.

Siguro nagtaka kayo kung bakit sila nandito at may pangalan pa, 'no? The reason why is this...

May important role rin sila sa istoryang 'to.

Hulaan niyo na lang~ 😘








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro