Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata XLIV: Traitor Within

🎶 Someone You Loved - Lewis Capaldi

♠  ♦  ♥  ♣

HE CAME BACK WITH A GLARE.

Kitang kita ko na iritang irita na pumasok si Lawrence habang nagtinginan lang ang dalawa.

Masama na ang titig, nakakuyom ang kamay at hindi umiimik ang kanilang kaibigan kaya lumapit kaagad ang dalawa sa kanya.

Umupo sa isang upuan si Adrian at nakasandal naman sa dingding si Dominic.

"Kumusta? Anong rumor ba iyon?" tanong kaagad ni Adrian. Nagkasalubong ang kanyang kilay niya nang umupo na lang si Lawrence sa isang upuan sa tabi at agad na napahawak sa kanyang ulo.

Hindi nangiti, sinagot siya ni Lawrence, "She had been spreading dating rumors between me and Abby to ruin both of our images and our reputation."

"Sana all may dating rumor, 'no?" Narinig ko mula kay Dominic - na ngayon ay nakasandal sa mismong pisara ng silid.

He was smiling as Adrian and Laws gave him a look. Though, Lawrence had now looked away - not paying attention to the other one's remark.

Siguro bigla siyang nairita sa sinabi ni Dominic.

"Ano na naman ba ang pinagsasasabi mo riyan?" sumingit naman sa usapan si Adrian.

"I mean, kapag nga naman mayaman ang pinaguusapan, dating rumor tapos may kasamang dyaryo at online articles pa," paliwanag ni Dominic bago kumuha ng chalk at nagsusulat sa pisara.

Kitang kita ko na sinusulat lang niya ang kanyang pangalan dito habang pinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"Tapos, pagdating sa atin, wala lang. Tsismis tsismis lang sa tabi tabi," dagdag pa niya bago itinuro ang chalk sa direksyon ni Adrian.

He even looked like a teacher giving advice to his student when he had done this.

"Bakit? Plano mo bang magka-dating rumor?" Hindi na naiwasan ni Dominic na magkibit balikat sa tanong ni Adrian sa kanya.

Dahil wala na ring magawa, lumayo si Dominic at tila inihahagis ang mga chalk sa pisara at hinahayaan itong mahulog sa mismong lagayan.

"Hindi naman. Hindi 'yan maganda sa imahe ko." Sa tuwa, binato niya ng isang maliit na chalk si Adrian ngunit hindi ito natamaan dahil umiwas lang ang kanyang kaibigan.

"O, anong gusto mong ipaglaban?" tanong sa kanya ni Adrian habang nginitian lang siya ni Dom at biglang ngumisi nang makita ang nakakunot na noo ng kaibigan.

"Wala, share ko lang."

Hindi na nakapagtimpi si Adrian kaya tumayo na siya at sinubukang habulin si Dom. Though, Dominic wasn't really letting himself get caught in Adrian's arms.

He knew that his friend won't really let go that easily.

So, he ran around the room while Adrian tried to catch him.

"Alam mo, lumapit ka rito. Batukan lang kita kahit isa."

Habang sinasabi iyon ni Adrian ay itinulak ni Dominic ang isang upuan sa harapan niya para lang hindi siya mahagip. Nanlaki ang mata ni Adrian ngunit nahagip niya kaagad ang upuan at inilayo sa kanya.

Halos mamula naman ang tenga ni Adrian nang hindi pa rin niya mahuli huli si Dominic. Nakakuyom ang kanyang mga kamay at pawisan na siya noong tumigil siya para huminga nang malalim.

"Grabe, biro lang 'yon. Sineseryoso mo naman," nakasimangot na sinabi ni Dom sa kanyang kaibigan.

"Kaya ko rin naman nasabi 'yon ay dahil gusto ko ng ibang karanasan. I love the thrill of being caught like a deer in a headlights," paliwanag ni Dominic bago umupo at naghalumbaba.

"Iyong klaseng dating rumor na...patago ang relasyon niyo tapos mahuhuli ka ng media pero 'di nila alam kung talagang kayo kasi sinimulan niyong magtago pa nang mabuti," he added as Adrian furrowed his eyebrows at him.

"Ang gulo mo rin, 'no? Bakit ka pa magtatago kung gusto mo palang mahuli?"

Sasagot na sana si Dominic kaso isang pagsaway ang narinig namin mula kay Lawrence. "Manahimik muna kayo. Nag-iisip pa ako."

"Sorry, Laws," both of them had apologized as Lawrence knitted his eyebrows and look down at his hands. The room became silent as we all had our attention at Laws.

"You know, the only thing that makes me question this whole situation...is that how could Cassandra know every move that we do inside the penthouse if she hasn't even been there?"

Iyon ang narinig namin mula kay Laws kaya nag-isip isip din ang dalawa sa kanyang sinabi. Right now, looking at the three of them, they were all looking at the floor - probably thinking of many different answers.

"Oo nga, 'no? Paano niya nalaman na kumain tayo sa Les Cartes tapos sumakay tayo sa jeep? Hindi niya kayo makikita ni Abby kung hindi naman niya tayo pinasundan," napatanong si Dominic nang malakas. Sinagot naman siya ni Adrian pagkatapos.

"She didn't mention Les Cartes, Dominic. Pwede naman na nakita niya iyon sa mismong social media account ng babae," tanggi ni Adrian sa kanyang kaibigan.

"Pero, imposible pa rin kung ganoon. Bakit nandoon siya tapos bumaba rin kaagad?" Nagkibit balikat na lang si Adrian noong nagtanong muli si Dominic. Sabagay, totoo nga naman 'yon.

"Coincidence?" Tumayo na si Lawrence at naglakad lakad, sumandal na rin sa pinto ng silid. Inilabas din niya ang kanyang cellphone at nag-i-iscroll dito.

"Alagad na naman siguro iyon ni Satanas - ay ni Cassandra pala. Sorry," sinabi ito ni Dominic na tila tatawa tawa pa. Sinamaan naman siya ng tingin ni Adrian kaya tumahimik siya.

Nilapitan ko naman si Lawrence ngunit nang tingnan niya ako, agad siyang umiling. Siguro marami siyang iniisip. Kaya nirespeto ko naman ang desisyon niya at inisip na lang na umupo - pinanood ang dalawa na halos magdebate na.

"Grabe ito. Kung makasabi ng alagad ni Satanas, akala mo na hindi rin siya gano'n." Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Dominic. Nakakunot ang noo ni Dominic nang sinabi iyon sa kanya ni Adrian. Na-offend, bigla niyang dinuro ang kaibigan.

"Ano ba ang ginawa ko sa'yo? Ba't ba lagi mo kong inaaway, ha?" Nakasimangot na si Dominic ngunit hindi tumingin sa kanya si Adrian.

Iniba na rin ni Adrian ang usapan para hindi na sila mag-away ng kaibigan. He then faced their leader just to assure him that it was probably an accidental meeting.

"Pwede naman kaya maging coincidence ang lahat, Laws."

"Queen nga raw, 'di ba? Dapat makita ni Queen. Hindi na ako magtataka na inutusan iyon," tanggi naman ni Dom sa kanya bago nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"That's not what I'm pertaining to." Nagsitinginan kami kay Lawrence nang magsalita na siya.

Kahit hindi niya kami tiningnan pabalik, halata sa mukha niya ang pagkairita.

"Ang sinasabi ko, paano niya nalalaman ang bawat galaw natin sa penthouse?"

"Paanong alam?" tanong sa kanya ni Adrian. Kahit nakikinig, mas pinili ni Dominic na magsulat muli sa pisara para lang mailipas ang pagkainip niya.

"She did mention something earlier about us going to a restaurant and treating Abby out," pinaliwanag ni Lawrence.

"She even went far by mentioning our anniversary," dagdag pa ni Lawrence habang napakamot lang si Adrian sa kanyang ulo nang marinig iyon.

Iyong hawak hawak ni Dominic na chalk ay agad niyang naihulog nang mabanggit iyon ni Laws. Lumapit kaagad ito at hinawakan si Lawrence sa dalawang balikat.

"Ha? Paano naman niya nalaman 'yon?"

"Hindi ko rin alam." Binitiwan naman niya ito at nang tingnan namin ang mga orasan namin, agad kaming lumabas para pumunta sa aming mga sunod na klase. Pero, hindi pa rin kami naghihiwalay.

"Nangangamoy traydor talaga, eh," bungad ni Adrian habang tumingin siya sa kanyang kaibigan at kumunot ang noo. Kahit naglalakad, rinig namin ang mga tsismisan ng mga babae at ang masasamang tingin nila sa akin.

Yet, they didn't pay attention whatsoever to any of them. Si Lawrence lang talaga ang gumanti ng tingin.

Nagulat naman si Dom sa tingin na binigay ni Adrian kaya itinaas niya ang kanyang kamay. Pero, kitang kita ko ang pagkairita sa kanyang mata at ang simangot sa kanyang labi.

"Aba, hindi ako 'yon. Baka ikaw 'yon." Nagitla naman si Adrian sa sinabi ni Dom. Halos mapaatras ito sa akin dahil hindi niya inakala na sasabihin iyon ng kanyang kaibigan.

"Lalong hindi ako 'yon." Nakakunot ang noo ng dalawa sa isa't isa habang tinanong niya ako, nilingon akong bigla. Hindi siya ngumingiti at punong puno ng pagdududa ang kanyang mukha.

"Do you really think Sean did this?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Iniisip ko na isa sa kanila iyon pero bakit si Sean pa? Siya naman iyong bagong dating dito kaya paano iyon magagawa ni Sean?

"Teka, bakit nadamay si Sean dito?"

"I'm just listing the possible people who could do this, Abby," aniya habang nag-isip isip ako. Hindi naman posible 'yon. Naging kaibigan na rin naman niya si Sean pero bakit ganito ang ginagawa niya?

"Bakit si Sean pa? If this was because he couldn't come in the anniversary, he wasn't with us because he told me that he had a family problem to fix."

"Weird. I never really found any problem to his family. They're quite the happy-go-lucky ones," tanggi naman niya sa sinabi ko.

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Sean's family are the ones who doesn't really have any problem whatsoever. At kung mayroon man, maliit na bagay lang at madaling maayos."

"Hindi naman siya magsisinungaling, 'di ba?" Doon nagsimulang umiling si Lawrence. I guess he wasn't really sure how to answer that.

"I'm not sure, Abby. That's not really like him. Alam kong hindi siya nagsisinungaling simula noong bata pa siya. Pero..." nawala na siya sa pagsasalita kaya agad ko siyang sinundan.

"Pero?" Tumingin lang siya sa akin nang matagal bago tumikhim. Hindi na sana niya ako papansin kung hindi ko lang ulit siya kinulit.

"People change if they want or need to change. Lalo na kung may tinatago sila," mariing sagot niya sa akin kaya nanahimik akong bigla.

Tinatago? Mukhang wala naman tinatago si Sean. To be honest, he just looked like he was still coping on how his friends had changed over these past years. Though, he would be disappointed if he finds out that he's being pointed as a traitor.

"Feeling ko naman na nagsasabi siya ng totoo," giit ko sa kanya para lang magbago ang tingin niya kay Sean.

Still, there is a side of me that feels like Lawrence was indeed correct on his assumption. And I was hoping that it wasn't true at all.

"Well, I do hope he's not lying. But, I'm still going to list him as a possibility. I need to find out who that traitor is." Bago pa kami magkahiwa-hiwalay dahil sa taas ang silid aralan nila, agad siyang nagsalita muli.

"Para hindi na manggulo ang tatlong babaeng iyon. And you should help us, Abby." Kumunot ang noo ko noong una nang marinig ko ito.

"Ano naman ang gagawin ko?" Nakataas ang kilay ko sa kanya at naghalukipkip.

"Try to know more about Sean. Alam kong kababata namin siya pero mas mainam kung ikaw ang makakaalam ng totoo." Tumigil siya mismo sa pag-akyat at hinayaan ang dalawa na umuna sa kanya. Nilingon niya lang ako at ngumiti.

"I know that he'll expose any secret of his just for you." And after that phrase, he left me - speechless and unable to move.

♠  ♦  ♥  ♣

WE WERE BACK IN THE PENTHOUSE.

Wala masyadong nangyari sa unibersidad kundi iyong scandal na pilit na ipinagkakalat ni Cassandra. Kahit paalis na ako kasama si kuya, binibigyan pa rin niya ako ng isang masamang tingin. Katabi pa niya ang dalawa kaya sumunod naman ang mga kaibigan niya.

Siyempre, hindi ko na lang ito pinansin. Si kuya Ace lang talaga iyong pumansin sa kanila dahil akala raw niya na siya iyong sinasamaan ng tingin.

When all the three of us went inside, we already saw Sean sitting on the sofa. He was eating some chips and looked really surprised when we had finally entered.

"Oh, you guys are back. Bakit parang natagalan yata kayo?" tinanong niya sa amin habang inihagis na kaagad ni Dominic ang bag niya sa tabi ni Sean.

Si Adrian naman, dumiretso kaagad sa taas, mas pinili na ilagay na lang ang bag niya sa kwarto. Siguro iniisip niya na doon rin naman ilalagay sa huli. Well, he wasn't wrong about that.

Lawrence, on the other hand, chose to put his on the bean bag before going straight to the kitchen. He probably wanted to eat after all these problems lingering in his mind.

And the thing I noticed was that not one of them answered Sean.

"Ah, iyon ba? Naghanap lang ng kami ng masasakyan kasi walang sasakyan ngayon si Laws," sinimulan ko.

"Iyong dalawa naman, kumain pa kasi sa isang restaurant kaya doon na kami dumiretso..." paliwanag ko sa kanya.

Nakahalumbaba naman si Sean, tila nakikinig naman sa aking sinasabi. Nakataas na ang kanyang dalawang paa sa sofa at halatang namamahinga. Kahit nakikinig pa siya, halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin.

"Tapos nakisakay na lang kami sa sasakyan ni Dominic noong natapos na silang dalawang kumain. Na-traffic din ng ilang minuto." Tumango tango naman si Sean.

Ngumiti naman kaagad ito sa akin, kitang kita na ang biloy sa kanyang pisngi. "Ah, gano'n ba? So, you already ate with them?"

"Naku, hindi. Iyong dalawa lang," tanggi ko sa kanyang sinabi. Nagulat ako nang lumawak ang ngiti niya at halos tumalon patayo sa sofa.

"Kain tayo sa labas. Libre ko," aya niya sa akin habang napakurap akong bigla.

Tinawanan ng ilang segundo, agad ko siyang tinanong, "Ha? Bakit? Anong okasyon?"

"Can't we just have a...friendly date or something? Para naman mas makilala mo 'ko," saad niya sa akin habang lalong kumunot ang noo ko at napatawa.

"Kailangan ba ng ga'non?"

He was making me nervous now. I could feel my heartbeat racing as he then moves and approached me, putting his hand on my head and softly touches my hair.

"Sa akin, required. But, I'm not sure if you're still going to agree on that."

Magsasalita pa sana si Sean kaso narinig namin ang boses ni Lawrence na umalingawngaw sa loob ng penthouse. Agad na lumayo sa akin si Sean nang makita ko si Lawrence na pumunta sa sala, nakatali ang asul na apron sa kanyang katawan.

"Huwag na kayong umalis. Nag-prepare na ako ng pagkain. Sayang naman kung walang kakain nito."

"Laws, kayo na lang muna. Nakakain na kami ni X," bungad naman ni Dominic - na ngayon ay umupo sa sofa at itinulak ang paa ni Sean para siya'y magkasya. Dahil sa hiya, naningkit ang mata ni Sean sa kanya at tumayo na nang tuluyan.

"Okay lang naman sa inyo, 'di ba?" tinanong pa sa kanya ni Lawrence habang lumingon lang si Sean at tumango.

"Oo naman." Pagkatapos noon, agad bumalik si Laws sa kusina at narinig ko naman na nagsalita si Sean nang mahina - halatang naiinis.

"Damn it, Lawrence. What are you planning?" sambit niya bago kami pumunta sa mismong hapagkainan.

Nang makarating kami, agad na bumungad sa akin ay pitong pagkaing nakahanda sa lamesa. Most of them weren't familiar to me. Lawrence finally saw us and set down the last fork near Sean's table and smiled.

"Ah, there you are. Come, let's eat." Umupo kaagad kami at nagtinginang tatlo. Hindi ko lubos napigilan ang sarili kong magsalita nang mapuna ko na pang-ibang bansa na naman ang pagkain.

"This is a Korean cuisine..." sambit ko habang tumango si Lawrence.

"I figured you'd like it. Kaysa sa French cuisines, inisip ko na baka gusto mo ng mga ito dahil natutuwa ka sa mga Korean dramas ngayon," sagot niya sa akin habang nagtaka akong bigla.

"Teka, Laws, akala ko ba na nagtitipid ka ngayon? I mean, with your problem and..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inisip ko na maiintindihan niya kaagad ito.

"Hindi sa ganitong paraan. Marami pa namang makakain diyan kaya natuwa lang akong magluto ng mga ganito."

Nanlaki ang mata ko nang inabot niya sa akin ang dalawang pagkain malapit sa kanya habang tumingin lang si Sean sa amin, tila nananahimik.

"You should try this, Abby. This one's Bulgogi." Pilit niyang ibinibigay ang isa sa mga pinili niya ngunit kinuha ko na lang iyong nasa tabi ko.

"Iyong spicy chicken ang uunahin bago pa ang Bulgogi," saad ko habang ngumiti lang si Lawrence at ipinatong ang dalawang pagkain na hawak niya sa lamesa.

"Gusto mong subukan iyong Gyeranmari? Omurice?" Nagitla naman ako nang tinanong ako ni Sean at itinuro pa ang ibang pagkain.

"Siguro mamaya kung kaya ko pa," malokong sinabi ko habang napangiti si Sean sa akin.

We then almost jumped at the sudden question that came from Lawrence. His voice was loud, as if he was still telling us that he was just right there.

Tumikhim naman siya at agad na itinaas ang isang bote na nasa tabi niya. "Soju?"

"Teka, ano 'yan?" tanong ko sa kanila habang umiling iling si Lawrence sa'kin. Agad na itinaas niya ang isa niyang daliri at mukhang pinatatahimik ako.

"Si Sean ang inaalok ko, Abby. Bawal 'to sa'yo." Ngumuso ako at nakita na itinulak nang pilit ni Lawrence ang isang wine glass papunta kay Sean - ngunit itinulak lang din nito pabalik sa kanya ito.

"Hindi ako iinom ngayon."

Doon nagsimulang magmatigas si Lawrence. He wasn't taking a 'no' for an answer, this time. The wine glass was no longer in their middle. Instead, Lawrence had the guts to push it back.

"Come on. Ikaw lang ang 'di ko nakikitang uminom sa ating tatlo."

"No thanks, Laws." Nang itinulak ito ni Sean kay Lawrence, nagulat naman ako nang ibinigay niya ito sa akin.

Nginitian niya ako habang nanlaki ang mata ni Sean sa kanya at agad na nakakuyom ang kamay nito.

Teka, alak nga ba 'to? Then, why was Lawrence letting me drink this?

"Kung ayaw mo, si Abby na lang ang bibigyan ko." Nang kinuha ko iyong baso at inalog alog ito sa aking kamay, agad na binawi ito ni Sean sa akin at siya mismo ang uminom.

Dire-diretso niya itong ininom habang napangisi bigla si Lawrence. His lips twitched and smirked as Sean puts the glass back down on the table.

Nakaramdam na ako ng takot, napakurap at hindi nakahinga. Plano ba ni Laws na malasing si Sean? He can't take that much wine, that's for sure. Tumaas naman ang gilid ng labi ni Lawrence nang makita niya si Sean na mukhang iritang irita.

Siguro plano niya ito para magsalita si Sean. Pero, bakit naman sa ganitong paraan?

Titigil na sana si Sean ngunit tinagayan ulit siya ni Lawrence. "Here, maybe you still want some."

"Lawrence, stop doing this. Whatever you're trying to do, I don't like it." Masama na ang titig sa kanya ni Sean kaya nagkibit balikat si Lawrence at nagkunwaring walang ginagawa.

"Come on, I'm not doing anything wrong here," tanggi ni Lawrence habang tinagayan din niya ang kanya.

"Unless you don't want the truth to be revealed, am I right?"

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Laws?" mariing tanong ni Sean sa kanya. Nang uminom si Lawrence, kitang kita ko ang galit sa kanyang mata nang titigan niyang pabalik si Sean.

Ibinaba ang kanyang wine glass, agad siyang nagsalita.

"Kahapon, sa anniversary ng L.A.D, iniisip ko na ikaw ang nagsabi kay Cassandra kung nasaan kami."

His tone was venomous and he almost sounded that he wanted to kill Sean right on the spot - with this stare and with his words.

"That's preposterous."

"Is it really?"

"Alam mo sa lahat na hindi ako nagsisinungaling," sambit ni Sean ngunit tumayo lang si Laws at agad na kinuha ang kanyang tinidor para kainin ang Gwapyeon na nasa platito niya.

"That was way back our childhood days. May posibilidad naman na magbago ka."

"I didn't tell Cassandra anything about the anniversary," giit ni Sean.

"So, how did she know that we were there?" Nakakunot na ang noo ni Lawrence habang ibinagsak kaagad ni Sean ang kanyang kamay sa lamesa kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Maybe she hired someone to stalk you. Malay ko!" sigaw niya habang nakisali na ako para matigil na ang kaguluhan pagitan sa kanilang dalawa.

"Guys, tama na." Kaso, hindi nila ako pinansin.

"No, she couldn't do that. Hindi niya kaagad malalaman na sa Les Cartes kami pumunta," nilaksan ni Lawrence ang tono ng kanyang boses habang nairita na si Sean at napahawak na sa kanyang buhok, sinabunutan nang kaunti ang sarili dahil sa galit. Ang isang kamay niya, nakakuyom na at halata ang mga ugat sa kanyang kamay.

"Can you just stop pointing fingers, Laws? Kahit noong bata pa, ganyan ka na. Magbago bago ka na minsan, goddamnit." Pagkatapos nito, agad na iniwan ni Sean ang kanyang pagkain at umalis, saktong sakto kung kailan pumasok ang dalawa para malaman kung anong nangyari.

"Sean, bumalik ka rito! Sean!" sigaw pa ni Lawrence habang umimik kaagad si Dominic.

"Baka hindi talaga siya, Lawrence..."

"I have a feeling that it's actually him. Ayaw niya lang umamin," sinabi naman ni Laws sa dalawa, himihimas himas ang kanyang sariling kamay.

"But, what if it is not him?" tanong naman ni Adrian.

"Then, it's probably one of you two. Or maybe just an actual coincidence." Sinamaan naman siya ng tingin ng dalawa bago umalis na rin. Pero alam ko na hindi naman sila talagang galit - na-offend, pwede pa.

"Sa tingin mo, kaya ba talaga ni Sean na gawin 'to?" nakataas na kilay kong tanong sa kanya habang tumango lang siya.

"I'm sure that he can."

♠  ♦  ♥  ♣

SEAN WAS ALREADY FUMING.

Nang makita namin siya sa labas, nagulat ako nang tinapik kaagad siya ni Lawrence. Lumingon bigla si Sean, naningkit ang mata at halatang wala sa mood na makipagusap.

"Damnit, Laws. Hanggang kailan mo ba ako kukulitin? Hindi nga ako," sinabi niya habang umiling si Laws.

"Hanggang sa umamin ka."

"I already told you. Hindi nga ako," malakas na ang tono ni Sean - na halos ipagsigawan na niya ito sa lahat.

"You have no proof," sagot ni Lawrence sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang kinuha naman ni Sean ang kanyang Iphone at iniabot kay Lawrence.

"O, kahit itanong mo pa sa pamilya ko."

"May posibilidad naman na sinabi mo sa kanila kung saan kami pupunta bago ka umalis at bumisita sa pamilya mo." Tinalikuran na kaagad siya ni Sean nang marinig niya ito. Sinipa na rin niya ang isang maliit na bato sa tabi dahil sa irita.

"Damn it, Laws. Ano pa bang gusto mong sabihin ko?" tanong niya kay Lawrencengunit hindi na siya tumingin sa kanya.

"I just want you to tell the truth. Ikaw ba talaga ang nagsabi sa kanila?" Sa sama na ng loob ni Sean, agad siyang pumunta sa loob ng sasakyan at ini-lock ito.

"Teka, sa'n ka pupunta? Tinatanong pa kita." Lumapit kaagad si Lawrence at kinatok pa ang kanyang bintana. Kaso kahit hindi maayos ang boses ni Sean, naintindihan pa rin namin ang sinabi niya.

"I'm going out."

Dahil hindi na rin naman mapipigilan ni Lawrence si Sean, iniwan na lang niya ito at pumasok sa loob ng penthouse. Kaso, hindi ako sumunod at hinintay na lang siya.

But, a few minutes later, he rolled down his window and knitted his eyebrows in confusion.

"O, Abby, ba't ka pa nandito? I thought you were going inside with Laws?" he asked me as I shook my head.

"I'm staying out here with you. Alam ko na nairita ka kanina dahil kay Laws." Tumango naman siya at lumabas. Bigla niyang binuksan ang pinto sa kanyang tabi kaya sumunod ako at pumasok sa loob.

"Sino bang hindi maiirita? I already told him the truth yet he doesn't believe me." Saktong sakto naman na isinara na niya iyong kanya nang pumasok siya at agad akong kinausap.

"Pero...kaya mo nga bang gawin iyon? Are you capable of doing such thing?" Napansin ko kaagad na parang kinabahan na siya. Hindi na siya nakatingin nang maayos sa akin. His fingers twitched and he frowned after he heard that.

"I...Well, I'm not going to lie. Oo, kaya kong gawin iyon."

"But, that doesn't mean that I actually did such thing," dagdag naman niya.

"Pero...bakit ka ninenerbyos?"

"I-I'm not nervous at all. Just surprised," tanggi niya sa akin habang tumango na lang ako. Okay, that's weird. He hesitated in answering my question.

Noong magsasalita ulit ako, agad niya akong inunahan.

"Anyways, I was thinking of going to a drive through. Order at Mcdonald's or something. Wanna come?" tanong nito sa akin.

"Drive through lang ha? Wala nang iba. Baka magtaka ang tatlo. Sabihin pa na talagang traydor ka nga." Tumawa naman siya sa aking sinabi.

"Let them think what they want to think. Basta, inosente ako diyan. Wala akong ginawang mali," saad niya.

"And I'm not the one who told Cassandra about the anniversary."

"I believe you, Sean." Napangiti naman kaagad siya sa akin at agad na sinimulan ang kanyang sasakyan.

♠  ♦  ♥  ♣

IT WASN'T JUST MCDONALD'S.

Nang makarating kami sa drivethrough, agad akong tinanong ni Sean. Lumingon siya sa akin, nakangiti at mukhang nakikinig sa magiging sagot ko.

"What do you want to order?" tanong niya sa akin habang naghalumbaba ako at nagkunwaring nag-iisip.

"I guess some fries and mcflurry would do." Nagsalita naman kaagad siya doon sa babae at tumango naman ito, sinabi sa ibang trabahador doon kung ano ang order namin.

Napaisip naman ako sa sinabi kanina ni Sean. If it wasn't really him, then who?

Pupwede rin na sina Dominic at Adrian ang gumawa noon. Pero, ang tanong, kaya ba talaga nilang sirain ang imahe ng kaibigan nila?

Dominic was the silent type. May posibilidad din na makuha niya ang number ni Cassandra. After all, he can find it in no time. Dahil nga lapitin siya ng babae, kaya niya itong makuha kaagad.

Adrian, on the other hand, could have used Nadine herself. Dahil nga sa dami ng kasalanan ni Nadine sa kanya, pupwede niyang makuha ito mismo sa kaibigan ni Cassandra. 

I wasn't really expecting such fast service but I was surprised to see that Sean had already put my order in front of me.

"Here," sinabi niya sa akin habang nagpasalamat na lang ako.

Nagpatugtog naman si Sean at pumili ng kanta. I then looked at him as I heard the song playing. I remember how my brother used to play this every time.

Napansin siguro ni Sean ang reaksyon kasi ngumiti na siyang bigla. "Sounds familiar?"

"Ito lagi 'yong pinatutugtog ni kuya..." sinagot ko siya habang tumango siya.

"Well, I think this could be our song from now on." Tinaasan ko kaagad siya ng kilay pero hindi niya ito nakita. He was too much focused on the road to even look at me.

"This one? Why?"

"Kapag kasi naririnig ko ito...nakikita ko kung gaano ka nagbago - na hindi na ikaw iyong babaeng nakilala ko noon."

Ouch, mas mabait ba ako no'n?

"Is it really that bad?" tanong ko sa kanya habang nagkibit balikat lang siya. And I took that as a bad sign.

"Not really. I mean, I can't really force you to stay the way you were seven years ago." Napawi na ang ngiti sa aking labi at tumingin na lang sa bintana kaysa sa kanya.

"So...you're saying that you prefer the old me?"

"Oo, iyong dating ikaw na hindi ko kailangang mag-alala na may magkakagusto sa 'yong iba..." bulong niya habang nagmamaneho.

"What do you mean by that? Wala namang nagkakagusto sa akin," nakakunot kong sinabi habang nanatili siyang walang imik.

"Do you really think that no one likes you more than a friend?" He then asked me after a few minutes had passed. And of course, I shrugged - not knowing what to answer to that.

"Wala naman talaga. Bakit, mayroon ba?"

Hindi na talaga siya umimik pagkatapos noon. Nagmaneho lang siya hanggang sa ibang direksyon na kami pumunta at hindi ito papunta sa penthouse. Tiningnan ko si Sean, nanlalaki ang mata at nakabukas ang bibig na tila gulat na gulat.

"S-Sean, teka, hindi ito papunta sa penthouse," sinabi ko sa kanya habang tumango lang siya pero hindi niya ako nilingon.

He still smiled while he was driving though. "I know. I'm just going to visit my family. May kukunin lang sana ako doon na importante."

"Kailangan ba na kasama ako roon?" Hindi ko napigilang itanong. Hindi naman ako kilala ng parents niya. Bakit kailangan ko pang sumama? Hindi ba, parang awkward no'n?

"You have to meet someone other than my family. I'm sure you'll like him," sinabi niya sa akin. Pagkatapos niya itong sabihin, pinisil niya ang pisngi ko sa tuwa.

"I promise." Nagpokus na siya sa pagmamameho habang maraming tanong naman ang umikot sa aking isipan.

Teka, sino naman 'yon?

♠  ♦  ♥  ♣

Tamang update lang kahit may school deadline. Oof 😂 Sorry sir, update lang ako kahit isa. So, tapusin ko lang muna iyong video documentary namin bago ang sunod na update, 'kay?

Get ready for the cuteness on the next chapter. 😉 Hindi na malungkot si Abby.

Lalo na si Adrian. 😂 Love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro