Kabanata XLII: The Sovereign's Fall
Dedicated to: yvethgwapa and JamMoncada4
♠ ♦ ♥ ♣
A B B Y
I DID NOT EXPECT ANYTHING FANCY AT ALL.
Noong dumating kami sa Les Cartes, hindi ko inaasahan na magiging magarbo ang lugar na ito. At first, I actually thought that it was just a simple restaurant at a mall or something. It turned out, it wasn't.
Isa siyang kainan na halos mga banyaga ang dumadayo. Most of them were French and Italian. Americans, well, not so much.
Maybe, that was the reason why I couldn't understand them at all — even if we were still in the parking lot.
I chose to ride with Lawrence this time, since Sean told me that he still had some business to do and would just try to join us later if he could finish up on time.
Pumayag naman ako dahil tungkol raw ito sa pamilya niya at kailangan niya lang ito ayusin para hindi na magkagulo gulo. Laws didn't argue with it either.
He probably knows Sean's family more than anyone.
Nang naghahanap na kami ng pupwedeng lugar para i-park ang sasakyan, nagtaka ako nang may lumapit na lalaki at kumatok sa bintana ng sasakyan.
He was wearing a white long sleeves and a black tie, a smile plastered right on his face. There is a black mole on his right upper lip and looked like he was in the 40's.
At dahil hindi naman ako sanay sa mga mamahaling restaurant, agad kong pinagsabihan si Lawrence na huwag niya ibaba ang bintana.
Hinawakan ko kaagad ang kanyang kamay bago pa niya ito mababa.
Nakataas ang isang kilay nito sa akin, nagtataka at halata sa kanyang mga mata na nag-aalala siya.
His brown eyes stared at me, blinking and even hinting how worried he was when I had grabbed him. Pagkatapos, agad siyang nagtanong.
“At ba't naman hindi ko ibaba ang bintana?”
The worry had soon left his eyes and was replaced by the amusement in his eyes, glinting as I pointed out the window — still looking at the guy who was still knocking at the side window.
“Baka kasi budol budol 'yan or something.”
Dahil doon, narinig ko ang malakas na tawa ni Lawrence — malalim at malinaw ang kanyang boses. This was probably the first time I've heard his actual laugh.
Hindi ito pilit. I could actually see the sudden happiness in his eyes, shining so brightly as if this was his first escape of reality.
Ito iyong itsura na parang wala siyang dinadalang problema, na tila unang beses lang siya nakatawa nang ganito.
Noong pinahiran niya ang kanyang mata gamit ang kanyang asul na panyo, agad niya akong nilingon.
The glee still never left his eyes as he spoke. “That really cracked me up. Hindi siya budol budol, Abby. He's a worker here.”
Nanlaki naman ang mata ko at nagtakip ng bibig dahil sa gulat. Akala ko talaga budol budol kasi matanda tanda na siya.
Not to mention, he doesn't really look like he was from here. Siguro may lahi lang kaya nasabi kong iba ang itsura.
Noong ibinaba na ni Lawrence ang kanyang binatana, agad naman nagsalita sa ibang lenggwahe ang lalaki kaya napakunot ang noo ko. Noticing the accent from the man, I then came to a conclusion that he really wasn't from here.
Kalmado lamang siyang tinitigan ni Laws at hinintay siyang makatapos. Nakalagay sa isa niyang kamay ang isang log book na puto listahan ng pangalan. And little did I know, Lawrence could understand him.
“Avez-zous une réserve, monsieur? (Do you have any reservation, sir?)” tanong ng lalaki sa kanya.
I expected Lawrence to ask what it means or just reply back in English. But, he didn't. A smile appeared on his face and the side of lips had went up.
Ipinatong na rin niya ang kanyang siko sa mismong side window at ngumiti.
“Lawrence Wayne. Ma réservation est réservée à 9 heures? (Lawrence Wayne, my reservation's booked at 9?)” sagot niya sa lalaki habang tumango tango ito bago nagsalita muli — nakaturo ang kanyang daliri sa loob mismo ng restaurant.
Itinaas lamang ni Lawrence ang kanyang kamay at tumango bago nagmaneho at itinigil ang kanyang sasakyan sa natitirang spot sa parking lot.
Sumunod naman ang dalawa kung kaya't magkakatabi silang tatlo.
Bumaba kaming dalawa ni Lawrence sa sasakyan. Ngunit, nang malakas lakas kong nabuksan ang pinto, nagulat ako nang palad ko nang mahataw ang ibaba ni Adrian kung hindi nga lang niya ito nasanggahan.
“What the fvck?” bungad kaagad nito nang malakas kaya agad akong humingi ng tawad noong dahan dahan ko na itong binuksan.
Naningkit ang mata ni Adrian sa akin habang binigyan ko lang siya ng ‘peace’ sign para 'di siya magalit nang husto.
“Sorry, 'di kasi kita napansin diyan,” sambit ko ngunit agad akong nagtaka kung bakit nga ba siya masyadong malapit sa pinto.
“Teka lang, bakit ka nga ba nandiyan? Alam mo naman na bubuksan ko 'yong pinto.”
Huminga lamang siya nang malalim. Pagkatapos, agad na nagreklamo ngunit pabulong. Hindi rin siya nakatingin sa akin pero pansin ko na namumula mula ang kanyang mukha.
Kahit nakakunot ang noo at hininaan niya ang kanyang boses, rinig ko pa rin ito. “Minsan na nga lang maging gentleman, napahamak pa nga naman.”
Hindi ko naman lubos naiwasang tumingin kay Dominic — na kanina pang tawa nang tawa. Nakahawak na ang isang niyang kamay sa kanyang tiyan at ang isa ay nasa tuktok ng kanyang kotse.
Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Adrian. Nakataas at nakakuyom ang kanyang isang kamay — na parang tinatakot si Dom at binabalaan pa.
“Ano ang tinatawa tawa mo diyan?”
Lumunok na lamang si Dominic at umiling iling, naging seryoso at nawala na rin ang pagtawa. Tumikhim lang siya pagkatapos at mukhang naging normal katulad ng dati.
“Grabe naman 'to, natawa lang dahil sa reaksyon ni honeybabes, nag-assume na kaagad na siya ang tinatawanan.”
Hindi naman nagdalawang-isip na sumingit si Lawrence sa kanilang usapan para matigil na ito.
Of course, the two became quiet when their leader had already spoke. Their eyes were both focused on Laws — not even blinking.
“We came here to celebrate. Hindi tayo pumunta dito para mandamay ng ibang tao sa kaingayan ninyo,” seryosong sambit ni Laws habang parehas na tumango ang dalawa.
“Sure, Laws. 'Di na mauulit, promise.” Itinaas pa ni Dominic ang kanyang kamay para magbigay ng ‘thumbs up’ na sign — isang simbolo na sumasang-ayon siya sa kanyang sinabi.
Hindi naman napigilan ni Adrian na ituro si Dominic at sinisi pa.
“Si Dominic kasi,” ani ni Adrian habang kumunot ang noo ni Dom.
“Aba, talagang sinisi mo pa ako — ” pinigilan ko naman silang parehas. Nilakasan ko na ang boses ko para marinig nilang dalawa.
Hindi naman galit ang tono pero iyong kalmado pero malakas at klaro.
“Doon na lang kayo sa penthouse mag-away, okay? Huwag dito. Anniversary pa naman ng L.A.D.”
Nagsitango naman silang dalawa at sumunod na lamang kay Laws — na kanina pa palang nakikipag-usap doon sa serbidor.
Malay ko bang nagtatrabaho 'yong lalaki sa restaurant. Hindi naman kasi mukhang Pilipino.
“Permettez-moi de vous conduire à votre table, monsieur. (Let me lead you to your table, sir)” Narinig namin si Lawrence nang nilapitan namin ito.
Nakita naman namin na tumuro ang serbidor sa loob at ngumiti bigla kay Laws.
“Je vous remercie. Veuillez ouvrir la voie. (Thank you. Please lead the way.)” Nang umalis silang dalawa, sumunod lang kami. Malayo layo sila habang nakatingin ako sa dalawa.
Mukhang hindi naman sila nagtataka na si Lawrence ang nakikipag-usap sa lakaki pero kitang kita pa rin ang kunot ng noo nila.
Hindi ko naman napilang magtanong. “Bakit? May problema ba?”
“Alam mo ba kung anong lenggwahe 'yon?” Hindi ako sumagot at umiwas lang tingin.
To be honest, nalilito ako kung Italian or French iyong lenggwahe. Ayaw ko naman mapahiya kaya nagkibit-balikat na lang ako.
Nakakunot ang noo ni Adrian, napahawak sa kanyang buhok bago nilingon si Dom.
“Ikaw, Dom, naintindihan mo pinagsasasabi nila?” Tumingin naman ako sa kanilang dalawa nang narinig kong nagtanong si Adrian kay Dominic.
Nakasimagot lang si Dom, nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa.
Nagkibit balikat lamang din sa kanya ito at agad na napakamot sa ulo habang nakakunot ang noo.
The confusion in his eyes was very evident when he had heard Adrian's question.
Kahit hindi sigurado, sumagot pa rin sa kanya si Dom. “Hindi, X, eh. Monseiur monseiur lang narinig ko.“
“Ikaw nga hindi mo naintindihan, paano pa kaya ako? Tapos, ako pa ang tinanong mo,” dagdag pa niya habang hindi napigilang mapangisi ni Adrian.
“Ano ba 'yong ibig sabihin no'n? Monsoon? As in bagyo?” Iba ang pagkakarinig ni Adrian kaya niya ito nasabi.
Napatawa naman akong bigla habang nilingon kaagad sila ni Lawrence nang sumagot si Dominic nang maloko.
At dahil nasa likod lang naman kami, rinig na rinig Laws ang boses ni Dom.
“Ewan ko kung ano ang ibig sabihin ng monsieur. Matandang panot ata ibig sabihin no'n.”
Sa galit ni Lawrence, nagulat ako noong ipinakita niya ang kanyang kamay, nakaturo sa taas ang kanyang hintuturo — at tilang nagbibilang.
Isang malamig na titig ang ibinigay niya, naniningkit ang mata. Tumango naman si Dom dahil sa banta na nakatago sa senyas ni Laws.
Nang binalik ni Lawrence ang atensyon niya sa unahan, narinig ko si Dom sa tabi ko. “Nakakairita naman, oh. Nagkaroon kaagad ng warning eh.”
“I'm not bald. And I'm not old,” pagkontra pa ni Lawrence habang umiling si Dom.
“Just take it as a joke. Malay ba namin kung anong lenggwahe ang ginamit mo.” Hindi naman umimik si Lawrence at patuloy na lang naglakad sa nireserba niyang lamesa para sa amin.
Napangiti naman ako sa reaksyon niya. I could already tell that Dom was just joking but Laws took it as an insult.
After all, Lawrence was far from what Dominic had describe earlier.
When we had entered the restaurant, my eyes got stuck at the gold chandelier that hung on the ceiling.
Kumikinang kinang ito at makikita na hugis kandila ang mga nakalagay rito.
Malaki ang espasyong nakuha nito sa itaas dahil makikita kaagad ang mga pinintang lugar sa france.
One of the paintings from above was the famous Eiffel tower located at Paris, France. Naalala ko tuloy ang isa sa mga paborito kong movie, I think it was Tomorrowland.
Sinabi kasi roon na hindi ito isang makasaysayan na lugar lamang para maging isa sa mga pinakamataas na istraktura.
Sinabi kasi doon na ginawa raw ito para maging isang malaking antenna para sa ibang dimensyon — or so I heard.
Nakita ko rin doon ang iba pang lugar katulad ng The Louvre, Gardens of the Château de Versailles, at Carnac Megalithic Standing Stones.
Naroon din ang Mont-Saint-Michel, Arc de Triomphe, Pantheon in Paris, Somme Battlefields, Pont Du Gard, at iba pa na hindi ko na maalala pa ang tawag.
Isang maliit na quotation lang din ang namasdan ko kaya kinuha ko ang cellphone ko para kuhanan ko ito ng litrato. Nang makuhanan ko ito, agad kong ini-zoom at binasa.
Il attrapa sa poche et y trouva, seule réalité.
“That means, ‘He reached for his pocket and found there, only reality’ in English.”
Nakita ko si Lawrence na ang katabi ko habang nauna nang umalis sina Adrian.
Nakatingin din siya sa taas, nakalagay ang kanyang kamay sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon.
“So, these places indicate bloody history?” tanong ko pabalik habang nakuha ko kaagad ang atensyon niya.
Pero, nakatitig pa rin siya sa itaas — pinagmamasdan nang mabuti ang mga ginawang disenyo sa loob restaurant. Every one of them had a tragic history but still, there are some that was made as a tourist spot.
“Not all of them.” His eyes glazed over the paintings as I stood there, wondering what he had meant.
I mean, I know that some of these places were involved during the war. Some were stated in the history books and documentaries. Kaya, paano niya masasabi na hindi?
“What do you mean? Halos lahat ng ito ay naapektuhan ng world war, 'di ba?” Napangiti naman siya rito.
Hindi naman niya napigilang huminga nang malalim bago sumagot. At sa oras na iyon, tiningnan niya na ako.
“Not all histories should be about war.”
“Look at the Notre Dame Cathedral.” Tiningnan ko namang mabuti kung saan siya nakaturo, nakita ang isang malaking simbahan sa gitna.
Sa unahan, akala mo lang na dalawang twin tower ang nakatayo na may malaking bilog sa gitna. Kaso, sa ibang litrato at anggulo, nagmukha itong isang kaharian.
“That's the same place indicated on Victor Hugo's book, ‘The Hunchback of Notre Dame.’ Nabasa mo na ba 'yon?” agad na tanong niya sa akin habang tumango ako.
It had been years since I read the book but I could still remember the plot of it.
“'Yong tungkol kay Quasimodo? What about it?” Nakakunot na ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya kaagad ito binanggit.
Anong relasyon ng libro sa Notre Dame? Dahil lang sa pamagat?
“Doon sa quotation sa itaas, galing 'yon sa libro niya." Tiningnan na ako ni Laws, nakangiti bago nilagay ang kamay sa bulsa.
"Pwede mo siyang ihalintulad sa buhay ng mga tao,” sinabi niya sa akin.
“People just come to our life to compare us, to set a perfect standard that all of us should abide,” dagdag pa niya habang nakita kong kami na lang dalawa ang nakatayo dahil malayo na ang narating ng dalawa naming kasama.
“I don't understand, Laws.” Huminga siya nang malalim at nagsimulang magpaliwanag muli.
“Gusto ng mga tao ng perpektong katuwang sa buhay. Sa itsura sila halos bumabase at hindi sa ugali,” kwento niya sa akin.
“Just like Quasimodo, people won't try to know you better if you're not good looking.”
“Still, there are some other cases that people won't really know the real you if you're famous, have good looks, and have tons riches since it becomes their first impression of you.” Napatungo na siya nang masabi ito. Hindi naman niya ipinakita sa akin ang kanyang ekspresyon kaya kinabahan ako.
“Minsan kasi, hindi nila alam na tao ka rin; nagkakamali at hindi perpekto. Every person have their own flaws and imperfections, as they all claim.”
“Are you...pertaining to the three of you? That people couldn't see who all of you really are from behind because of how famous you all became?” binigla ko siya ng tanong kaya nanlaki ang mata niya sa akin. I guess he wasn't ready for that one.
“I don't really want that to come from me. Hindi ko muna sasagutin 'yan,” tanggi niya sa akin habang tumango na lang ako, nirerespeto ang kanyang desisyon.
“Hoy, may manok!” sigaw ni Dominic kaya halos silang lahat nagsitinginan. Iyong iba, nagbubulungan at nakapokus kay Lawrence. Tumikhim lamang si Laws at nagsalita.
“Il n'y a rien à voir ici, tout le monde. Vous pouvez tous revenir à ce que vous faisiez. (There's nothing to see here, everyone. You may all go back to what you were doing.)" Nilakasan niya ang tono ng kanyang boses kaya narinig siya ng lahat.
Halos silang lahat naman ay sumunod sa sinabi ni Lawrence at nagkwentuhan muli sa loob ng restaurant. They all went back to what they were doing earlier, not bothering to look at us.
“O, ano, tatayo na lang ba kayo diyan? Tara na, order na tayo.” Narinig ko si Adrian na nagrereklamo. He was tapping his fingers and shoes in boredom as he looked at us.
Umiling iling na lang si Lawrence. “Well then, let's not keep them waiting.”
Nang makarating kami sa gitna, nagulat ako na nakareserba ang dalawang lamesa para sa amin.
Nakakunot ang noo ko nang normal lang na umupo iyong dalawa sa kabilang lamesa. Kaunti lang naman ang agwat sa isa't isa pero malaki pa rin ang espasyong paglalagyan ng pagkain.
“Teka, bakit dalawang lamesa? 'Di ba tayo kasya sa isang lamesa lang?” nagtatakang tanong ko sa kanila.
“Abby, para sa ibang cuisines 'yan. Kapag maraming pagkain, kailangan talaga ng isa pang lamesa para may paglalagyan,” Lawrence explained as he sat across me.
“Kulang pa sa amin ang isang lamesa.” Nang tiningnan ko si Dominic, nakangiti kaagad siya — na tila nakakaloko pa siya.
“Voici votre menu, monsieur. (Here is your menu, sir.)” Lumapit sa amin ang serbidor at binigyan kami ng menu. Kinuha ito ni Lawrence at binigay sa amin ang iba.
“Je vous remercie. (Thank you.)” Tumango naman ang serbidor kay Lawrence at agad na ring umalis. Nakita kong tumingin na ang tatlo sa kani-kanilang menu.
I could see the serious looks of the three as they chose their order. Tiningnan ko na rin iyong akin at halos mahimatay naman ako sa pagpipilian. Wala pa akong ni-isang natitikman dito kaya nakakatakot at baka ako'y magkamali tapos hindi ko magustuhan ang lasa.
“Laws, akin na lang iyong Chocolate Soufflé, Quiche Lorraine, at Chicken Marengo. Iyon naman ang dati kong order. Ayaw kong mag-order ng iba, baka hindi ko pa magustuhan,” sambit ni Adrian bago ibinaba ang kanyang menu.
“Maiba naman ako. Susubukan ko iyong ibang pagkain dito. Maybe I'll try Oeufs en meurette. Mukha namang masarap.” Tinuro naman ni Dominic iyong kanya at sumunod kay Adrian, ibinaba na rin ang kanyang menu.
“How about you, Abby?” tanong sa akin ni Lawrence habang napasimangot ako.
“Hindi pa ako sure. I haven't tried any of these,” sinabi ko habang nakita ko na ngumiti siya.
"Try Kig ha farz or Cassoulet. Masarap 'yon," Lawrence suggested as Dominic gave him a look. He then pointed to one of the cuisine in the menu.
"Honeybabes, 'wag kang makinig kay Laws. Mas masarap 'to, promise." Tiningnan ko kung ano naman ang pinili niya sa akin. Para siyang ham and cheese na pinaghalo halo. It even looked like it was a lasagna.
“Try ko itong Mille-feuille. I'm going to trust my instincts on this one. Oorderin ko na rin iyong kay Dom, iyong Tartiflette with Ham,” sagot ko habang tumango si Laws at pumalakpak si Dominic.
“Good choice. Masarap 'yan. Nasubukan ko na 'yan, eh.” Nginitian ko lang si Dom.
Tinawag na ni Laws ang isa sa mga serbidor para sabihin ang mga order namin habang nagkwentuhan kaagad kami. Nagulat nga lang sila nang tumalon ang paksa kay Sean.
Of course, I was the one who brought the topic, after all.
“So...kumusta naman si Sean sa inyo? I mean, matagal tagal na rin na kasama ninyo si Sean.”
Ang unang sumagot sa akin ay si Adrian habang nakita kong nilalaruan niya iyong tinidor sa kanyang kamay.
“Walang pakialaman, iyon ang sabi ko sa kanya. Okay lang, sumunod naman.” Nagkibit balikat si Adrian habang sinabi ito.
“Okay lang naman. May respeto sa privacy. Hindi naman kami nag-uusap masyado kaya 'di ko alam kung anong pwede ko pang sabihin,” sinundan naman ni Dominic si Adrian.
“He was...okay?” May halong alinlangan naman ang sagot ni Lawrence. I guess he wasn't quite used to him yet.
“That's good to hear. At least, there is a progress,” sinabi ko.
“Paano naman iyong tawag ng dad mo kanina? Accounts or something?” Tiningnan ko naman si Lawrence habang nilabas niya ang kanyang cellphone para tingnan ito.
“He can't do anything. I've already signed the papers that I'm going to be the CEO of the company once he resigns.” Ipinatong naman niya ang cellphone nang makita na wala naman tumatawag sa kanya.
“Nasunog ko na rin ang kontrata namin ni Cassandra kaya hindi na niya masasabi na nakatali ako sa kanya bilang boyfriend o asawa man niya,” dagdag pa niya.
“Sinunog mo?” Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.
“Oo naman. Hindi pupwedeng itapon ko na lang iyon bigla, baka may makakita o makapulot pa no'n.”
”Well, you do have a point.” Tumango na lang ako sa kanya.
Nagulat ako nang dumating ang ibang serbidor sa aming lamesa at ipinatong na ang pagkain sa harapan namin. Tuwang tuwa naman nakatingin ang dalawa nang makita ang order nila.
“Voici vos aliments, monsieur. (Here are your foods, sir.)” Kinuha naman ni Laws ang aking order at saka ito binigay sa akin. Pinasalamatan ko kaagad siya bago kinuha ang kutsara sa tabi.
“Thank you.” Umalis na rin ang mga serbidor pagkatapos ilagay ang pagkain sa amin.
♠ ♦ ♥ ♣
NOONG KAKAIN NA KAMI, AGAD NA NAGTANONG SI ADRIAN.
“May wipes kayo diyan?” Nagsitinginan kaming tatlo sa kanya habang nakangiwi siyang nakatitig sa lamesa. Ang sumagot sa kanya ay si Dom - tila nagtataka at nakakunot ang noo.
“Bakit? Sa'n mo gagamitin?” Adrian then gave a gesture like he was wiping the table with his hands. Ngunit, hindi naman ito naintindihan ni Dominic.
“Wait, 'wag mong sabihin na dito ka — ” Nairita naman kaagad si Adrian nang maintindihan ang gustong sabihin ni Dom.
“Hindi, Dom! The fvck. Nag-cr ako bago tayo umalis, 'di ba?” sambit ni Adrian habang nag-isip isip si Dominic bago tumawa.
“Ah, oo nga pala. E, sa'n mo gagamitin?” tanong ni Dom sa kanya.
“Lilinisin ko ang lamesa. Baka may — ” natigilan si Adrian sa pagsasalita nang nagsalita na rin si Lawrence.
“I've already addressed the issue, X. Everything had been sanitized before we came here,” sumabat kaagad si Lawrence kaya napakamot sa ulo si Adrian nang tingnan siya nito.
“Sinisigurado ko lang naman.”
Hindi na lang siya pinansin ni Lawrence at ngumiti sa amin. Kinuha ang kanyang baso, itinaas niya ito.
“Bon appétit.” Kinuha ko naman iyong akin at itinaas din. We both clashed our glasses together as the two remained still - confusion drawn on their faces.
“Ano raw? Bonang petite? Sino si Bona?” Adrian then questioned as we put both of our glasses back down on the table. Kumunot bigla ang noo ni Lawrence at naningkit at mata kay Adrian.
“Sabi ko, enjoy your food.”
Doon lamang tumango si Adrian at bumulong para hindi marinig ni Laws ang kanyang sinasabi. “Ah, sorry. Akala ko may babae kang hindi namin nakikilala, eh.”
“It's really delicious,” saad ko naman habang tumuro sa akin si Dominic na tila tuwang tuwa.
“Sabi ko sa'yo, eh. Ayaw mong maniwala." Nginitian ko lang siya pabalik at kumain ng husto. Nagustuhan ko iyong lasa ng Tartiflette with ham kasi para siyang lasagna. Lasap na lasap ko iyong cheese na inihalo nila roon.
“That's good to hear. Akala ko hindi ka nakain ng French cuisines kaya natakot ako,” ani naman ni Laws kaya tumingin ako sa kanya.
“Hindi lang ako mahilig sa seafoods.”
“Kahit isda?” tanong pa nito sa akin.
“Except those. O siguro kaya 'di ko gusto kasi hindi ko pa natitikman,” sinabi ko sa kanya.
“Sabagay, totoo naman 'yon. 'Di mo 'yon magugustuhan kung hindi mo talaga nalalaman kung ano talaga mayroon doon.” Nakisali naman si Adrian sa usapan kaso pabalang ang sagot niya. Naghinala si Dom kaya siya mismo ang sumagot kay Adrian.
“Ano 'yan? Patama ba 'yan doon sa isda o sa iba na? Parang nakakahalata ako, eh.”
Hindi naman siya pinansin ni Adrian kundi nagtanong lang siya sa inorder ni Dominic.
“Kumusta naman 'yang in-order mo, Dom?”
“Okay lang. Pero, dapat pala iyong dati na lang din ang in-order ko,” nakangusong sinabi ni Dominic.
“Ikaw ang namili niyan. Magsisi ka ngayon.” Dominic quickly got offended by his remark. Dahil doon, kinuha niya ang tinidor niya at kumuha ng piraso sa kinakain ni Adrian.
Nanlaki ang mata ni Adrian kaya agad niyang hinawi at hinataw ang kamay ni Dominic palayo sa kanyang pagkain.
“Hoy! Ano naman ang gagawin mo sa pagkain ko?” sigaw nito.
“Hihingi lang naman. Damot nito.” Sinubukan ulit ni Dominic na kumuha ng pagkain kaso hindi ulit siya pinayagan ni Adrian.
“Order ka na lang ng bago. 'Wag kang kumuha sa pagkain ko. Hindi ko alam kung may bacteria 'yang kamay mo,” nakangiwing saad nito na tila nandidiri pa.
“Bacteria talaga? Grabe naman 'to. Kung makasabi ng bacteria, akala mo kung sinong malinis,” reklamo ni Dominic pabalik.
Nagulat ako nang itinaas ni Lawrence ang kamay niya para tawagin ang serbidor.
Napatigil naman si Adrian sa pagkain ng kanyang --- at nilingon kaagad si Laws.
Kahit may pagkain pa ss bunganga, nagtanong pa rin siya — nanlaki ang kanyang mata at bakas ang takot sa mukha.
“Bakit magbabayad ka na kaagad, Laws? Take out na lang? Kung tungkol 'to doon sa away namin ni Dom, promise, bati na kami.”
Agad na tumawa si Dominic sa reaksyon ni Adrian. He then crossed his arms, raising his eyebrows at Adrian.
Napangisi naman si Dominic sa reaksyon niya, “Bati talaga ha? Laws, 'di talaga. Magkaaway pa rin kami.”
“Tumahimik na lang kayong dalawa. I'm just going to pay this in advance,” saad ni Lawrence habang tumango kaagad si Adrian.
“Ah, akala ko na aalis na tayo. Sige, hindi na ulit tayo bati, Dom,” dagdag pa ni Adrian kaya nakanguso kaagad si Dom pabalik.
“Sabi ko nga.”
Huminga nang malalim, agad nagsalita ulit si Dominic. “Grabe, dapat pala pinatatalsik muna 'to para humingi ng tawad.”
“Anong sabi mo?” Tumingin sa kanya si Adrian ngunit nagkibit balikat lang ang kanyang kaibigan.
“Ah, wala lang 'yon. Sabi ko, bon appétit.”
“Que pouvons-nous faire pour vous, monseiur? (What can we do for you, sir?)” Ito ang sinabi ng serbidor nang dumating na siya sa amin.
“Voici ma carte de crédit. Je voulais payer tout cela à l'avance. (Here's my credit card. I wanted to pay all of these in advance.)” Inabot naman ni Laws ang credit card niya sa serbidor. Tumango naman ito sa kanya.
“Ok, monsieur. Pas de problème. (Okay, sir. No problem.)” Umalis na rin siyang bigla pagkatapos ibigay ni Laws ang card.
Nagpatuloy naman ako sa pagkainng inorder ko, tiningnan na lang ang dalawang kasama namin - na hanggang ngayon, parehas nagrereklamo.
Inakala namin na magiging maayos ang lahat — na wala nang magiging problema.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain, hindi namamalayan ang nakakunot na ekspresyon ng mga serbidor sa kabilang dulo ng restaurant.
Noong lumingon ako sa aking kaliwa, saka ko lang sila nakitang nagkakagulo.
Kahit ako, nagtaka na rin.
Kinulbit ko kaagad si Dom na nasa kanan ko. Tumingin siyang bigla sa akin kaya tinuro ko 'yong mga serbidor. “Tingnan mo, Dom. Bakit kaya sila nagkakagulo?”
“Hindi ko rin alam, honeybabes, eh.”
Halos matakot kami ni Dominic nang lumapit sa amin ang isa sa mga serbidor. Ngunit, hindi na siya isang French na lalaki kundi isang American.
Kaysa magsalita rin ito ng ibang lenggwahe ay mas pinili niyang mag-Ingles para maintindihan din namin.
“Sir, your credit card cannot be used. It seems like it was on administrative-hold. You cannot pay with it anymore.”
“Pardon?” tanong pabalik ni Laws, tumigil sa pagkain at ipinatong ang kutsara't tinidor sa plato.
“You cannot transact with it anymore. It's on authorized-hold by the actual bank, sir,” inulit pa ng serbidor sa kanya — ngunit ngayon, halatang may takot ang kanyang ekspresyon.
I mean, I couldn't blame him. Lawrence wasn't looking away, as if he was glaring at him too.
“Wala naman akong late payments. Hindi rin naman lumagpas ang in-order natin sa credit limit ko...” bulong ni Lawrence bago nag-isip isip.
Agad niyang hinataw ang lamesa sa galit — na ikinagulat naming lahat kaya halos nagsitinginan sa kanya.
Everyone was almost muttering as they had witnessed Lawrence's anger. The young CEO showing his temper at a public place? That's not going to be good.
“Damn it,” bulong na lamang ni Lawrence nang makita niya na nakapokus sa kanyang atensyon ng lahat.
“Just stay here, okay? I'll just solve this problem,” sinabi niya sa amin bago siya tumayo. Tumungo na lang iyong serbidor habang umalis si Laws para tingnan ang problema.
He wasn't calm this time. I could literally see him fuming as he approached the restaurant's counter to ask about the problem. Nilingon ang dalawa, nakita ko na tumigil na si Adrian sa pagkain — may laman pa rin ang bibig.
Hindi siya nagalaw. Nakatitig lamang siya sa amin, nanlaki ang mata noong marinig ang sinabi ni Lawrence. Nanginginig ang kanyang kamay pero hindi niya ito ipinahalata dahil ibinaba kaagad niya ang kutsara sa kanyang plato.
Si Dominic naman, umiinom lang ng tubig bago kumunot ang noo. Hindi siya nakatingin sa akin kundi nakapokus din siya kung nasaan si Lawrence.
Siguro nagtataka rin siya kung anong nangyari.
“Oras na ba para tumakas talaga?” Nagtaka kami pareho nang marinig namin si Adrian. Nakataas ang kilay ko sa kanya habang nagkibit balikat lang siya.
“Ano bang pinagsasasabi mo diyan?” tanong naman ni Dominic kahit nakain din siya.
“Wala tayong pambayad sa pagkain. Paano tayo ngayon?” saad ni Adrian habang nairitang bigla si Dom sa sagot niya.
”Talagang iiwan mo ba si Laws dahil lang do'n?” Kahit hindi nakatingin si Adrian, umiling iling siya.
“Grabe, joke lang naman. Alam mo, para ka nang si Laws. Hindi na mabiro,” nakangising sinabi ni Adrian habang hindi kaagad nawala ang naniningkit na mata ni
“Alam mo, sa kakabiro mong 'yan, dapat mas malaki ang bayaran mo.” Nanlaki naman ang mata ni Adrian nang marinig niya iyon.
“Teka, walang ganyanan, Dom.”
“Akin na 'yong atm mo.” Gusto sanang kunin ni Dominic iyong wallet ni Adrian kaso tumayo bigla siya kaya hindi ito nakuha ni Dom sa bulsa.
“Hoy, 'wag iyong akin. Hati hati tayo sa bill pero 'wag mong lakihan iyong bawas ng sa akin,” reklamo ni Adrian.
Magsasalita pa sana si Dominic kaso bumalik si Lawrence sa amin, hindi naimik at mukhang naiirita. Umupo na lang siya at hindi nagsasalita. Sa takot, tinanong ni Dom kung ano ang nangyari.
“My credit card's really on administrative hold by the bank,” paliwanag ni Lawrence sa amin.
“Tinanong ko kung magkano iyong na-order natin,” dagdag pa niya.
“Naging ₱6000 daw ang bill natin dahil may nagpatake-out pa raw ng ibang pagkain.” Nakita ang reaksyon ni Dominic, nakita namin itong lumunok noong nagsitinginan kami sa kanya.
Halatang guilty siya kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
“Don't blame me. Mukhang masarap iyong ibang nasa menu. Lalo na iyong ratatouille.”
“Ah, kaya ang lakas ng loob mo na sabihin na dapat mas malaki ang babayaran ko,” sambit ni Adrian bago napatawa si Dominic at napakamot sa ulo.
“Sorry na, X.” Nagulat na lang ako nang batukan siya ni Adrian.
Napahawak naman si Dominic sa kanyang ulo at nanlaki ang mata. Hinataw naman niya si Adrian pabalik kaso mabilis na nakaiwas ito sa kanya.
Dahil hindi na rin naman nahataw ni Dominic si Adrian, hindi na lang niya ito pinansin at pinagtuunan na ng pansin si Lawrence.
“'Di bale, Laws. Hahati kami sa bill,” sinigurado ni Dom sa kanya.
“Ako rin. May ₱1000 pa naman ako na bigay ni kuya,” sinabi ko naman at ipinakita ang peso bill na nasa wallet ko. Hindi ko naman hahayaan na si Laws lang talaga ang magbayad.
“Are you sure? Kaya ko pa naman bayaran.” Umiling iling naman kaming tatlo sa kanya.
“Bakit? Magkano ba 'yang nasa wallet mo?”
“There's still ₱7000.” Tumikhim bigla si Adrian.
“Sayang 'yan, Laws. Kami na ang magbabayad. Kaunti lang din naman nakain mo. Halos kami na rin ang nag-order ng marami,” saad ni Adrian habang tumingin sa kanya si Dom.
“Here's my debit card, Laws. Ito na lang ang gamitin mo.” Nagulat kami nang naglabas si Dominic ng kanyang card at inabot kay Laws.
“Sure ka ba dito, Dom? I mean — ” Hindi na nakapaghintay si Dom kaya kinuha niya ang kamay ni Laws at inilagay rito.
“Oo na, 'yan na lang ibayad mo. Hindi naman pwede kay X kasi budget niya 'yon atsaka binibigyan niya rin naman 'yong tatay niya ng pera,” paliwanag niya.
“Hindi ko ginagamit ang akin pero halos ₱14,000 na iyong nandiyan.” Napangiti na lang si Laws ngunit kita ko iyong tuwa sa kanya.
“Thanks, Dom.”
Agad naman pumunta si Lawrence sa mga serbidor, hawak hawak ang debit card ni Dom. Natuwa naman si Dominic at umayos pa ng upo. Nang ma-realize ko naman na kailangan niyang sumama, agad akong nagsalita. Kaso, mas naunahan naman ako ni Adrian.
“Teka, 'di ba kailangan ng pin code doon? Bakit ka nakaupo pa dito?” nagtatakang tanong ni Adrian kaya tumayo kaagad si Dominic at sumunod kay Lawrence.
Rinig namin ang tunog ng kanyang sapatos na umalingawngaw nang ilang saglit bago ito nawala.
“So...tayo na lang dalawa ang natira rito,” narinig kong sinabi ni Adrian habang uminat siya. Naningkit ang mata ko sa kanya nang gawin niya ito.
Umiling iling, alam ko kaagad ang plano niya. Bago pa niya ito gawin, tumayo na lamang ako at sinundan si Dom.
“Dominic, kumusta 'yong transaction?” Noong nilingon ko nang isang saglit si Adrian, nakita ko na hindi siya nakangiti at parang dismayado na siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta kung nasaan ang dalawa.
Not this time, Xavier.
♠ ♦ ♥ ♣
NANG LUMABAS NA KAMI SA RESTAURANT, NAGULAT KAAGAD KAMI.
Lawrence's car was being towed and no one was stopping it. Maraming nag-uusap usap ngunit hindi man lang nila pinagsasabihan iyong mga taong kumuha sa sasakyan ni Laws.
Kitang kita ko sa mata ni Lawrence na parang iritang irita na siya. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit hindi ito dahil sa takot. Kahit naiirita sa kanyang nakikita, inayos lamang nkya ang kanyang salamin at huminga nang malalim.
Agad na nilapitan sila ni Lawrence kaya nagkatinginan kaming tatlo. Alam na kaagad namin na hindi magiging maganda ang kalalabasan ng usapan.
“What are you doing? You have no right to tow my car!” bulalas ni Lawrence kaya agad na tumingin ang isa sa mga humahatak ng kanyang sasakyan.
“Hindi niyo pwede 'yang i-tow dahil hindi naman illegal parking area ito at maayos ang sasakyan ko. There's no damages. Puno rin ang gas tank niyan, hindi flat ang gulong,” bungad ni Lawrence sa kanila.
“Kaya sinong may sabi na pupwede niyong i-tow ang aking kotse?”
“Utos po ni Sir Lorenzo sa amin.” Nang marinig ni Laws ang sagot nito, agad siyang napahawak sa kanyang buhok, halos sabunutan na ang kanyang sarili sa irita.
“Damn it, dad. This is too much,” sambit niya sa kanyang sarili bago sinagot ang lalaki.
“Magkano ba ang kailangan niyo para lang 'wag na mapapunta sa impound ang sasakyan ko?” Nagsitinginan ang mga lalaki sa isa't isa bago sila umiling.
“Hindi po talaga pupwede, Mr. Wayne. Utos po ni Sir Lorenzo. Mapapatay po kami no'n kapag hindi namin siya sinunod.”
Tumango na lang si Lawrence at napilitang panoorin ang pangyayari. I could almost see his eyes glaring at the people who were pulling his car from the parking lot, driving away while his car was in chains.
“Laws, paano ka ngayon?” Hindi napigilan ni Dominic na magtanong kaya nilingon siya ni Laws at nagkibit balikat.
“I'm not sure. Maybe, I could use your help?” Noong sinabi niya na kailangan niya ng tulong, nagulat kani nang biglang humina anv kanyang boses hanggang sa hindi na namin ito maintindihan.
Kahit nga si Dominic, lumapit na mismo kay Lawrence para lamang marinig niya at pilit pa siyang niloloko.
"Pakiulit nga, Laws. 'Di ko marinig dahil sa taas ng pride mo," sinabi ni Dominic bago tumawa nang malakas.
Sinamaan lang siya ni Laws ng tingin kaya tumango na lang si Dom. "Oo na, huwag magbiro at baka mapatalsik sa penthouse. Pangalawang warning ko na ata 'to, eh."
"Pwede ba akong makisakay sa inyo? Just this once?" tanong ni Lawrence sa dalawa habang ngumisi si Dom at agad na bumulong kay Adrian.
Oh, this can't be good.
Napangisi lang din si Adrian at tumango tango kay Dom nang naging sang-ayon sila sa suggestion nila sa isa't isa.
"We decided to give you a quick trip, Laws."
"Kung ano man trip 'yan, alam ko na kaagad na hindi ko magugustuhan," walang ganang sagot ni Lawrence sa kanila - naniningkit ang mata at halatang hindi niya gusto kung ano ang sasabihin ng dalawa.
Hinintay ko lamang silang dalawa na magsalita - nagkaroon din ng interes sa kanilang sasabihin. What kind of trip do they want to do, anyway?
"Masyado ka kasing buhay-mayaman. Tingnan natin kung anong reaksyon mo kapag lahat nang iyon, nawala."
"Welcome to the poor life, our sovereign!" nakangising sambit ni Dominic sa kanya habang kulang na lang hatawin ni Lawrence ang kanyang mukha dahil sa hiya.
It was going to be a hard life for Lawrence, indeed.
♠ ♦ ♥ ♣
This is going to be the only update for now. Saka ko ipupublish ang ibang chapters kapag natapos ko na rin iyong isa ko pang libro. Flood chapters~ For now, enjoy this chapter. Napahaba ng kaunti iyong word count. 😂
Yieee haba ng chapter natin ngayon~ Love you all! 😍😚
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro