Kabanata XLI: When Gold Turns to Stone
A B B Y
I COULD FEEL EVERYONE'S EYES STARING AT ME.
Hindi naman ako magtataka kung ito 'yong unang pasok pa lang namin dito sa unibersidad. Pero hindi na naman kami baguhan.
Matagal tagal na rin kami rito kaya nakakabahala ang mga tingin nila sa amin ngayon — na bawat kilos namin ay pinagmamasdan.
Umigting lamang ang panga ni kuya at isa isang sinamaan ng tingin ang mga estudyante rito.
Habang ako, kulang na lang tumakbo ako papunta sa silid-aralan namin para lamang maiwasan ko silang lahat.
Nang malayo layo na ang nalakad namin ni Kuya Ace, ang unang bumungad sa 'kin ay si Lance — na tila nagmamadali at nag-aalala sa akin.
Halata sa paglalakad niya na sinusubukan niyang bilisan, halos magmukha na rin siyang may hinahabol.
Tumigil na lang ako sa paglalakad at hinayaan na siya mismo ang lumapit sa akin. When he had stopped in his tracks and was right in front of me, he huffed.
Iniayos na rin niya ang kanyang salamin, bakas sa mukha niya ang halo halong emosyon, pero hindi rin nawawala ang kunot ng noo niya.
“I heard the news.” Ito ang sinabi niya sa 'kin habang nanlaki ang mata ko bago ito naningkit.
Teka, ano bang pinagsasasabi nito? Anong balita ba ang tinutukoy niya?
Dahil sa kanyang sinabi, hindi ko napigilang mag-isip. Wala naman masyadong nangyari. Ang mabigat lang na pupwedeng pag-usapan ay kung may nakakita sa amin na magkakasama sa penthouse. Pero, hindi rin naman 'yon posible.
Sa pagkakaalam ko, sinisigurado lagi ng tatlo kung may nasunod sa kanila, kaya hindi rin pupwedeng may makakita sa amin.
Nang mapansin na ni kuya Ace na abala ako sa pakikipag-usap kay Lance, umuna na siya sa akin at dinala na rin ang bag ko para ilagay sa silid-aralan namin.
Isinakbit niya ito sa kanan niyang balikat, hindi naabala sa mga tingin ng tao. Siguro iniisip ng iba kung bakit dalawa ang dala dala niya.
Hindi na rin naman ako tumutol dito. I mean, he was being a gentleman once again. Once in a lifetime na rin naman ito kaya sinulit ko na.
Atsaka, puwersahan din naman niyang kinuha kaya hinayaan ko na lang siya.
Ibinalik ko kaagad ang atensyon ko kay Lance — na kanina pang nakatitig sa akin at halos naghihintay ng reaksyon ko — agad akong nagtanong.
“Anong balita ba ang sinasabi mo?” he scrunched his nose and even looked away — not even trying to look back at me afterwards.
“Balita na sa buong campus na kayong dalawa raw ni Adrian simula nang sinagip ka niya sa party ni Nadine.” Everyone was still muttering the news but my ears had blocked it this time.
To be honest, my surroundings were all a blur once I heard those words coming out of Lance's mouth.
“A-Ano?” I suddenly trembled. My hands were shaking and I gripped my handkerchief tight on my right hand.
Lance's eyes had quickly turned to my hands and spoke once again.
“I don't really want to believe it — ” agad ko naman siyang sinundan. Hinawakan ang kanyang balikat, agad akong umiling iling.
“And you shouldn't, Lance. Look, hindi kami ni Adrian,” tanggi ko sa kanyang sinabi.
“He just saved me when Nadine was trying to kill me,” dagdag ko pa sa kanya habang napakurap akong bigla at agad na sinundan ng isa pang tanong.
“Teka, sino nga pala ang nagpakalat ng balitang 'yan?” Nagulat na lang ako nang hilahin akong bigla ni Lance sa may hagdanan, hinayaan din na lumagpas sa aming ang ibang mga estudyante sa pasilyo ng eskwelahan.
Nang makita na niya itong umalis, agad niya ako nilingon at sinagot. “Si Nadine mismo ang nagsabi sa kanyang vlog.”
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon sa akin. Nag-vlog si Nadine para lang makuha ang atensyon ng Cezanne High.
Kinuha na rin ni Lance ang kanyang cellphone at ipinakita ang video sa 'kin.
Sa simula pa lamang ng video ay nakita ko na kaagad si Nadine na umiiyak at basang basa. Naka-robe siya at halatang kumalat ang make up sa kanyang mukha nang ipakita niya ito sa camera.
Gamit gamit ang isang tissue, pinahiran niya ito at nagpatuloy sa paghagulhol. Noticing the date it was posted, it was the exact time when we were at the party.
“I'm terribly sorry if the party did not come out well, everyone," sinimulan niya.
"My relationship with my Xavi had been...ruined by a slithering snake," mariing sinabi ni Nadine ang salitang ahas sa mismong video.
“I posted a message in my Facebook and told them that the partywas for everyone. You guys saw my post, right?” She questioned right after and continued.
“But, it looks to me that the one Adrian had invited took it as her advantage. She even stole my man at the party, my god! Acting like a damsel? What the heck?” she exclaimed as my eyes widened. Lance just took a glance back at me.
Wait, dahil ba 'to sa nangyari noong nasa party kami? Bakit ako na naman ang biktima?
Aba, grabe naman ata ito. Alam naman ng lahat na siya iyong tumulak mismo sa akin sa pool. As if she had read my mind, her video continued.
“Like, girl, hindi ka ba marunong lumangoy? You provoked me first and told me that I'm not that good for Adrian. Calling me a gold digger? Darling, you should look at yourself, ” aniya habang ipinatong na ang tissue sa kanyang desk.
"So, I had the right to push you on that pool. You deserve that,” paliwanag niya at agad kong naramdaman na kumululo na ang dugo ko sa kanya. May papitik pitik pa siya ng kamay niya. Nakakairita talaga.
“Provoke? E, nananahimik nga lang ako sa isang tabi tapos pinagtulungan nila akong tatlo,” reklamo ko.
“And why is she angry at me? For what reason? Dahil lumalandi siya pero hindi pa rin siya pinapansin ni Adrian? What the hell?” pagmamaktol ko sa hangin habang nagpipindot si Lance sa phone niya.
Nagtaka naman ako nang iniabot niya ito sa akin bigla. Itinaas ko ang aking kilay at agad na nakita na nakalagay ang mga sinasabi ko sa comment box.
“Alam mo, uso naman magcomment — ” tinarayan ko siya kaya agad na lang siya napangiti.
“Burahin mo 'yan, Lance. Baka ma-send mo, humanda ka kay kuya Ace.” Lalong lumawak ang ngiti niya sa akin at agad na binura ito sa harapan ko.
“Not an option, huh? Sorry na,” malokong sambit nito habang nahataw ko bigla ang kanyang bakikat.
“Ikaw talaga. Saan mo natutunan 'yan, ha? Suplado mo noong first day pa lang tapos ngayon, ibang iba ka na,” nakangising sagot ko habang nagkibit-balikat kaagad siya bilang sagot.
Umiwas siya ng tingin pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang tuwa. “Takes time to know one, Abby. Atsaka, dahil sa trabaho ko sa restaurant, marami akong nakakasalimuha na customers.”
“Being a working student really has its perks. Dahil siguro do'n kaya mas naging open ako at friendly ngayon,” dagdag pa niya habang hindi ko napigilang tumawa ng ilang segundo.
“Oo nga, 'no? Isa lang ang tanong ko, dami mong naisagot,” sagot ko sa kanya, nakangiti at napawi kaagad ang galit sa aking puso.
Nang tumigil na kami sa pagtawa, hindi naman napigilan ni Lance na magtanong muli. “So, what now? How are you going to solve this? Your reputation's on the line.”
“Hindi ko rin alam, Lance. I'm going to confront her about it, I guess.”
Nagngitian lang kaming dalawa ni Lance ngunit bumalik ang pangamba ko nang marinig ko ang malakas na sigaw na umalingawngaw sa pasilyo ng unibersidad.
Halos tumalon ako sa gulat nang nagkagulo ang mga tao at hinayaan na dumaan ang L.A.D sa gitna.
Looking over to my left, I then saw Adrian furiously walking past every student, his ears almost turning red and blow smoke due to his anger - with Lawrence and Dominic following him, showing such worried expression painted on their faces.
"Nasaan ang pvtang babaeng 'yon? Nadine Castell!" Narinig kong sigaw ni Adrian habang bumaba na kami ni Lance sa hagdan at tiningnan kung saan sila pumunta.
Ang ikinagulat ko nang husto ay binabangga ni Adrian ang lahat ng nakakasalamuha niya at minsan itinutulak nang malakas - kaya kinakailangan pang tulungan nina Laws 'yong mga taong nadamay sa galit ni Adrian.
"Do you think he'll do something drastic?” tanong niya sa akin habang napalunok bigla ako at may plano silang sundan.
“I don't think he would. I know that he would." I then gulped, knowing what Adrian could do. After the incident, I know that he won't hold back now.
Bago ko pa man sila masundan, nag-ring kaagad ang bell kaya wala akong nagawa kundi pumunta sa aming silid-aralan.
And still hope that Adrian won't do something brutal to Nadine. I don't want him to do more damage than there is.
♠ ♦ ♥ ♣
I HEARD A LOUD COMMOTION IN THE CAFETERIA.
Hindi ako makagalaw nang marinig ko ang boses ni Adrian na tila sumisigaw at agad na umalingawngaw kahit malayo layo pa ito. Nang lumingon ako kay Lance, parehas kami ng ekspresyon - hindi makapagsalita, nanlaki ang mga mata, at napalunok.
We were both nervous. My hands shook and fingers twitched. Eyes couldn't seem to concentrate as I then heard Lawrence and Dominic trying to yell out Adrian to stop.
"Papasok pa ba tayo diyan?" Hindi napigilang tanong ni Lance sa akin. To be honest, I don't even know the answer to that one.
"We should...probably go in. Hindi natin alam kung ano na ang ginagawa ni Adrian," sagot ko habang nanginginig pa rin.
"Atsaka, nando'n naman si Lawrence at Dominic. Naghihintay rin si kuya Ace. What could go wrong?" paninigurado ko ngunit hindi rin ako sigurado kung kaya kong paniwalaan ang mga sinabi ko.
Tumango tango kami sa isa't isa, agad kaming naglakad papasok at nakita si Adrian na nakatayo sa isa sa mga lamesa ng cafeteria.
At wala man lang doon si kuya Ace.
Oh hell.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Nadine na umiiyak sa isang tabi habang dinuro duro siya ni Adrian. Nasa tabi niya ang isang pulang handkerchief kaya ito naman ang ginamit niya sa pagpunas ng kanyang luha.
Nakatayo na rin ang dalawa ni Lawrence at Dominic, hinihila ang kamay ni Adrian para bumaba ngunit pumipiglas pa rin ang kanilang kaibigan.
Napansin ko rin sina Cassandra at Natasha — na sinisigawan si Adrian na tumigil at hinahaplos haplos ang likod ni Nadine para tumigil na siya sa pag-iyak.
“Ang kapal ng mukha mo para isama ako sa vlog mo, 'no? Pilit mo bang dinadawit ang pangalan ko sa kagaguhan mo?” malakas na sambit ni Adrian. Nakakuyom ang kamay nito, umiigting ang panga habang lumakas lalo ang hagulhol ni Nadine.
“X-Xavi, please! Forgive me, I'm sorry!” Tumayo na si Nadine para humingi ng tawad kay Adrian. Her eyes were already glossy, here hands trembled in fear
Kulang na nga lang ay lumuhod na siya sa pagmakaawa.
Inakala ng lahat na papayag si Adrian gunit bumaba lang siya at lumapit kay Nadine. Knowing that he'd probably do something to Nadine, I quickly ran towards them and pulled Adrian's arm.
“Adrian, no!” malakas na sigaw ko para patigilin siya. Nakita niya na nakahawak ako sa kanyang braso kaya tinitigan niya akong pabalik.
Nagpumilit na tanggalin ang kamay ko, agad niya akong sinamaan ng tingin. “Let go of my arm, Abby. Alam mo kung gaano katagal ako nagtitimpi sa kanya.”
“You can still fix this. But, not this way!” aniya bago niya tuluyan natanggal ang kamay ko.
“Hindi ko hahayaan madungisan ang pangalan ko dahil lang sa kanya. I don't take these kind of things, lightly.”
Hindi naman siya nagdalawang isip na pumunta kay Nadine at agad na hinawakan ang baba nito — madiin at halos iyong tipong napasigaw na si Nadine sa sakit.
Gusto ko sanang pagsabihan muli si Adrian ngunit sina Laws at Dom na mismo ang humawak sa akin at pilit akong inilayo.
“X-Xavi? What are planning to do? Don't come near me!” agad na sigaw ni Nadine nang makita niya na palapit nang palapit sa kanya si Adrian.
Hindi nawala ang masama at malamig na titig ni Adrian kaya umatras na si Nadine at pilit na lumayo.
Most people screamed and widened their eyes when Adrian had finally grabbed Nadine by her arm and literally dragged her while walking.
“Nadine!” sigaw naman ng mga kaibigan niya nang makita nilang kinaladkad ito ni Adrian palabas ng cafeteria.
Pilit na nagpupumiglas si Nadine nang gawin sa kanya ito ngunit mahigpit ang hawak at halatang hindi pa bibitaw si Adrian.
Nang nakalabas na si Adrian, agad niya itong binitawan at pinagsabihan.
“Isa pa, Nadine. Isa pang paninira o paglapit mo sa kanya.” Sabay itinuro niya ako — na hanggang ngayo'y hawak hawak ng dalawa.
“Sisiguraduhin kong may kalalagyan ka sa'kin.”
Pagkatapos niyang sabihin ito, bumalik na siya at binitiwan na rin ako nina Lawrence. Sinimpat lamang ako ng tingin ng dalawa bago umalis at umupo muli sa kanilang pwesto bago pa nangyari ang lahat ng ito at kumain. Sumunod naman si Adrian pero hindi niya ako nilingon.
Napakurap kaagad ako at nagulat nang umiwas na ang lahat ng tao na tumingin muli sa L.A.D at nagkunwari na parang walang nangyari.
Ganito ba talaga ang epekto nila sa lahat?
Sumakto naman na pumasok si kuya Ace at nagtaka nang nakatayo pa rin ako sa gitna ng cafeteria. Napansin ko rin naman ito kaya agad na lamang ako ngumiti at naggawa ng isang dahilan.
"Kuya! Kanina ka pa namin hinihintay," nakangiting saad ko habang kumunot lang ang noo niya at nilagpasan lamang ako para um-order ng pagkain.
Ay, grabe siya.
Lumingon ako at tiningnan si kuya - na patuloy sa paglalakad hanggang sa may nakatabing babae sa linya at tiningnan ng ilang segundo bago ito inalis.
Darn it, kuya. Don't tell me you'll just leave me here.
Naniningkit ang mata ko habang naglakad si Lance sa harapan ko at nilingon ako para tanungin. "Kakain ka na ba? Order na tayo kung gutom ka na diyan."
"Ah, oo. Sorry, may iniisip lang kasi ako," nahihiyang sagot ko sa kanya bago ko sinabayan siya sa paglalakad at tinabihan si kuya.
Nagulat naman si kuya Ace sa 'kin nang itulak ko siya ng kaunti pakaliwa kaya halos ilang sentimetro ang lapit niya doon sa babae. Nagulat naman sa kanya iyong babae kaya agad na tumikhim si kuya Ace.
“Ay sorry, masikip lang kasi 'yong pila,” nakakalokong sambit ko habang tumango na lang ang katabi niya. Sumagot din siya ngunit hindi ako nilingon.
“Okay lang naman. Sorry rin,” sagot niya sa 'kin habang sinamaan ako ng tingin ni kuya.
Ay, mas pinili 'yong babae kaysa sa kapatid? Aba, matindi.
Noong sinulyap ko rin kung sino siya, mas lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Beatrice.
Her hair looked natural, brownish locks and even pinkish lips. She was wearing a black T-shirt that fits her curves so perfectly and blue denim jeans along with it.
Other than this, her favorite white Adidas rubber shoes had been there the whole time. And since she wasn't wearing heels, she looked much shorter than my brother.
Hanggang balikat lang siya ni kuya pero mas matangkad pa rin sa 'kin.
Nakailang tingin ako sa kanya kaya agad akong nagulat nang pinitik ni kuya ang noo ko kaya agad akong lumayo at napahawak dito. Nagitla rin si Lance kaya tiningnan kaagad kung saan ako pinitik ni kuya. Sinimangutan ko kaagad siya nang makita kong nakatitig siya sa akin.
“Hoy, Abby, ano bang tinitingin mo diyan, ha? Mag-order ka na at maghanap na tayo ng mauupuan,” nakakunot na wika niya habang inulit ko naman ito nang paloko.
“Ano bang tinitingin tingin mo diyan, ha? E, ikaw nga iyong panay ang tingin sa kaliwa mo dahil — ” Agad niyang tinakluban ang bibig ko nang lumingon si Beatrice sa amin. Hindi na ako nakaimik pa dahil mahigpit ang pagkakataklob ni kuya.
Nakataas ang kilay niya sa amin. I guess she was still figuring out what I was trying to say. Sadly, she didn't hear much since my brother just had the guts to cover my mouth — silencing me abruptly.
Binigyan lang siya ni kuya Ace ng matamis na ngiti habang mahinhin na napatawa na lang ng ilang segundo si Beatrice bago namin siya nakitang umalis at umupo kasama ng kanyang mga kaibigan.
Nang hindi na siya nalingon, agad inalis ni kuya ang pagkakawak niya kaya agad ko siyang hinataw sa kanyang balikat.
“Ano bang nasa isip mo kuya at nagawa mo 'yon?” wika ko habang naningkit ang mga mata niya sa akin.
Nang bigla kong makita ang reaksyon niya, napatawa ako. “Oh my gosh, kuya, don't tell me that you were checking her out!”
“Tumahimik ka na nga diyan. Ipapahiya mo na naman ako sa babaeng 'yon.” Nagulat ako ng kinurot kaagad niya ang pisngi ko at kinuha ang kanyang inorder na pork steak.
Lagot, 'di pa pala ako nakakaorder.
Nang lumingon ako, mas lalong nanlaki ang mata ko nang binigyan ako ni Lance ng isang trey kung saan nakalagay iyong inorder niyang shanghai rolls at may kasama na ring coke.
“Inisip ko na ganito ang oorderin mo,” saad niya bago ito inabot sa akin. I took it from his hands as he smiled — awkwardly rubbing the back of his neck.
“I mean, it's almost your regular. Iyan palagi ang order mo do'n sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.” Tumango naman ako at nagpasalamat.
Lance was that kind of boy best friend that really remembers every detail of you. And I'm thankful for that.
Naglakad naman kami at sinundan si kuya Ace, na ngayo'y may katabing isang lalaking nakasumbrero. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko kaagad nakilala ito. Ngunit nang umupo ako sa tabi niya, nilingon niya ako at agad kong nakita kung sino ito.
It was Sean.
Kaysa sa plain t-shirt ang suot niya, naka-itim na v-neck na siya at suot suot ang necklace na may ‘one-sided heart’ na pendant. That was the same necklace he showed me yesterday. Naka-cap rin siya — kulay puti at may disenyong Nike sa gitna.
“Nike Sportswear Heritage 86 Futura cap,” aniya kaya napataas ang kilay ko kay Sean.
“W-What?” Napangiti naman siya sa reaksyon ko at in-adjust pa ang cap na nasa ulo niya.
Nang maiayos niya ulit ito, saka niya ako sinagot, “You were staring at my cap for too long. Inisip ko na sinusubukan mong alalahanin kung anong tawag dito.”
“Um, no. Iniisip ko kung bakit ganyan ang porma mo ngayon,” napabiglang sambit ko kaya agad siyang tumikhim. Nagulat ako dahil agad na napangisi si kuya nang makita niyang namula ang pisngi ni Sean.
"Took you guys long enough to walk here.” Binago kaagad niya ang paksa habang napatawa naman ako.
Of course, knowing that he'll be embarrassed if I pushed the topic earlier, I just went along with the flow that he wanted.
Tinuro ko naman si kuya Ace kaya agad na kumunot ang noo ni kuya sa akin kahit sumubo siya ng kanyang ulam at kumain. “Si kuya kasi. Tagal tinitingnan si Beatrice kanina noong nag-oorder.”
At dahil katabi namin ang L.A.D, agad na tumingin si Adrian sa amin. Lubos na akong nagtaka nang nakakunot ang noo niya at tinitigan si kuya Ace - na parang nagulat sa sinabi ko at hindi makapaniwala.
Nakaramdam yata si kuya kasi tumingin siya sa kanyang kaliwa at napansin kaagad si Adrian.
“Anong tinitingin tingin mo, Avallante?”
“Ah wala naman,” tipid na sagot ni Adrian kay kuya.
“Are you sure about that? Bakit parang tumingin ka sa akin nang binanggit ng kapatid ko ang pangalan ni Beatrice?” aniya ni kuya sa kanya habang sinamaan ng tingin.
Umiling iling na lamang si Adrian sa kanya at ibinaling ang atensyon sa kanyang kaliwa, ipinatong ang baba sa kanyang kamay at iniiwas ang tingin kay kuya — kahit nakataas pa ang ulo nito at nagmukhang mayabang pa.
Kahit nakain si Dominic sa gitna ni Adrian at Lawrence, hindi niya napigilang tanungin si Adrian kung saan siya nakatitig.
“X, ba't parang may iniisip ka? Anong tinitingnan mo diyan?”
Hindi naman sumagot pabalik si Adrian. That became the reason why the whole scene was hilarious. Hindi ko napigilang tumawa nang sumunod si Dominic sa tingin ni Adrian — nakakunot pa ang noo nang mapansin niya na nakatingin lang si Adrian sa isang ceiling fan.
These dorks, I swear.
Napansin ni Laws kaagad ang mga ito.
Oh hell no. Please don't tell me he'd be like these two. Mas lalakas lang ang tawa ko kapag sumunod pa siya.
“Sa tingin mo, susunod kaya ang kuya mo do'n sa dalawa?” tanong ko kay Lance habang nagkibit-balikat siya.
“I'm not sure. He was never the curious type.” Tumango tango na lang ako at nakita na hindi nga tumingin si Lawrence sa direksyon kung saan nakatitig ang dalawa.
Instead, he just ate silently and let the two become so focused on the fan itself.
♠ ️♦ ️♥ ️♣️
PUMAYAG NA SI KUYA NA SUMAMA AKO KAY SEAN.
Sean told Ace that he'd be my protector from the three if something does happen. Pero alam naming dalawa na wala namang ginagawa ang tatlo na mali. To be honest, they were fun to be with.
Ngayon naman ay pumunta muli kami sa penthouse ngunit nakaabang lang ang tatlo sa labas.
Si Lawrence, nakasandal sa kanyang Mercedes-Benz Maybach Exelero — ang bago niyang sasakyan at hindi 'yong Ferrari na nakita ko dati noong bagong pasok ko pa lang sa unibersidad.
Adrian, on the other hand, had his Honda CBR600RR. Paborito at mas mabilis daw kasi kung motor ang gamit gamit niya.
Unlike cars, he was already satisfied with less controls yet still has extreme speed.
Katulad ni Laws, mas pinili na lang ni Dominic na gamitin ang kanyang kotse. Ngunit hindi ito Mercedes-Benz kundi isang Plymouth Cuda 440 Six Pack '71.
Burnished Red Mettalic ang kulay nito at nilagyan din ni Dominic na design ng apoy sa mismong tagiliran ng sasakyan.
Si Sean, bago rin ang kanyang sasakyan. Kaysa iyong Dodge ang sinakyan ko kanina, isang Callaway C12 '03 ito.
Silver ang kulay nito at halatang bagong linis lamang.
Napakurap naman ako nang makita kong pare parehong lumingon ang LAD sa amin at ngumiti. Bago ko pa mabuksan iyong pinto ng sasakyan, agad akong pinagbawalan ni Sean.
“I'll be opening that door for you,” sambit niya habang napatawa na lang ako.
I feel like Sean is just going to be like Dominic. Kunwari pagbubuksan ako ng pinto pero hindi naman gagawin.
“No thanks. I can handle myself.” Nagulat na lang ako nang agad na bumaba si Sean at umikot. Sa kalokohan ko, ni-lock ko iyong pinto kaya agad na nagulat si Sean noong hilahin niya ito.
Tumawa naman ang tatlo nang masaksihan ito. Sean then gave me a disappointed look as I then frowned before opening the door. Akala ko para siyang Dominic. Hindi pala.
“Sorry, akala ko kasi hindi mo tototohanin,” malungkot na sagot ko ngunit ngumiti lang siya pabalik at hinawakan ang ulo ko - hinaplos ang buhok ko bago inalis ang kamay.
He then answered back, “I'm not mad. Alam ko ang kalokohan ng tatlong 'to. I'm not going to wonder why you did that.”
Nang naglakad kami papunta sa tatlo, nagsalita kaagad si Lawrence sa amin.
“We thought of going to Les Cartes to celebrate L.A.D.S' anniversary. Now that you and Sean are here, maybe you can join us.”
“Talagang kasama ako do'n, Lawrence. I'm a part of the group,” nakakunot na sabi ni Sean habang tumikhim si Laws bigla.
“Alam ko.” Nakita ko bigla ang ngisi ng dalawa nang marinig nila si Laws.
Bago naman simulan ng LAD ang kani kanilang mga sasakyan, narinig kong tumunog ang phone ng isa sa kanila.
Nagsitinginan kami sa isa't isa habang kinuha ni Lawrence sa kanyang bulsa ang cellphone niya at sinagot ito — pinindot na rin ang speaker mode para marinig ito ng mga kasama niya.
“Kuya, bakit hindi mo raw sinasagot ang tawag ni dad? Kanina ka pa raw gustong kausapin.”
Narinig ko ang boses ni Lance sa kabilang linya habang napahawak si Lawrence sa kanyang noo — hindi nakangiti at mukhang naiirita pa. His foot kept on tapping the ground, almost as if he wanted us to know that he was agitated.
“Tell him I'm busy,” tipid na sagot niya sa kanyang kapatid.
Nakarinig naman kami ng malakas na boses ng lalaki sa kabilang linya ngunit halatang halata na hindi ito boses ni Lance. Mas malalim ito kaysa sa tono ng kanyang kapatid kaya agad na nanigas at hindi na nakagalaw si Lawrence sa kanyang puwesto.
Hindi na rin siya nakasandal sa kanyang sasakyan kundi naging maayos na ang kanyang tayo at mas naging malamig ang pagsagot nito.
“Dad,” tawag ni Laws habang sumagot naman ang kanyang tatay. Mariin at halata sa tono na galit na galit na ito dahil sa lakas ng boses na kanyang binigay.
“Lawrence Wayne, if you keep on being stubborn, so help me I will mess with your accounts and — ” agad na umimik pabalik si Laws.
Umigting bigla ang panga ni Laws pero huminga na lang siya nang malalim pagkatapos. Nakakuyom ang kamay at napapikit ng ilang saglit bago siya sumagot, “Dad, don't try to meddle with my transactions. I can handle those accounts myself.”
Dahil sa galit, hindi niya napigilang ibaba ang tawag bago pa makapagsalita ang kanyang tatay. Nang lumingon siya sa amin, nakita ko na parang normal lang ang ekspresyon ng dalawa — na parang sanay na sila sa ganitong pangyayari.
Tumikhim si Laws, pilit siyang ngumiti. “I apologize for that sudden call. At least it's over.”
“Alis na tayo. I reserved a table for us five. Baka ma-late pa tayo,” mabilis na aniya bago binuksan ang pinto ng kanysmang sasakyan.
And based on how he was reacting, I knew Lawrence was already tense. But, I didn't question him further — knowing that he couldn't enjoy the night if he woulf have more problems troubling him.
♠ ♦ ♥ ♣
Another update~ To be revised siya kapag completed na ito at tapos na rin ang ibang books ko. See you on the next update!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro