Kabanata XIX: Ignite
A B B Y
Nagising akong bigla sa isang malakas na katok sa pinto na halos masira ito sa lakas ng pwersang binigay nung nasa kabilang side. Rinig na rinig ko yung pagtawag ni Dominic sa labas habang mumukat mukat akong umupo sa kama ni Lawrence. Bakit ang aga-aga niyang nandidisturbo? I looked around his room and noticed that some of the things were re-arranged.
Yung mga books na nasa shelf niya'y ngayong nakapatong sa desk niya. His books were stacked in a pile and on his map was some red pins. Nakita ko naman na yung lamp na naka-on kahapon ay ngayo'y nakapatay na. Naisip ko naman na baka pumasok si Lawrence nang madaling araw at ini-arrange ito. Of course, he probably read some of his books before leaving again.
Nagulat naman ako noong kumatok ulit si Dominic at may halo pa siyang sigaw na siguradong rinig na rinig sa ibang mga rooms. Halos parang nagmamadali yung tunog nito. Palakas naman ito nang palakas kada ilang minuto habang antok na antok akong tumingin sa pinto.
"Laws, lumabas ka na diyan! Gutom na ako, pare! Tang*na naman." pagkatapos niyang sabihin iyon, napakunot kaagad yung noo ko. So wait, hindi niya nakita si Lawrence sa baba? Akala ko nandoon si Lawrence sa living room.
Tumayo kaagad ako, inayos yung T-shirt ko at sabay lumapit sa pinto. I looked at myself at the mirror before approaching the door. Dahan dahan ko itong binuksan at sumilip at biglang napatingin sa isang dibdib sa harapan ko. Tumingin ako pataas habang gulat naman tumingin sa akin si Dominic at napanganga.
"What the — Abby? Ba't ka nandiyan? Paano ka nakapasok sa room ni Laws?" noong tinanong niya 'yon, biglang nanlaki yung mata niya. Yung tipong nagitla siya sa sinabi niya. He stood there shocked while I widened my eyes. Oh no, iba yung iniisip niya. Akala niya na may nangyari sa amin.
Nagbago naman kaagad yung ekspresyon niya at napalitan ito ng isang nakakalokong ngiti. "Huwag mong sabihin na — "
"Wala dito si Lawrence! Sabi niya sa akin na matutulog siya sa baba," sinabi ko, namumula yung pisngi ko. Ramdam ko yung init sa mga pisngi ko habang gulat na gulat akong tumingin sa kanya. He didn't even hesitate to think about that.
Napatawa naman kaagad siya bago siya nag-wave na parang dinidismiss yung sinabi niya. Bigla naman niyang nilagay yung dalawang kamay niya'y sa tagiliran na tila pinipigilan niyang matumba sa kakatawa. He even looked like he was going to die laughing.
"You should've seen your face! Gulat na gulat ka!" patawang sinabi niya ito bago siya tumigil at pinigilan ang sarili para tumawa ulit. God, he could really be a teaser. He smiled at me afterwards before talking back again.
"Anyways, wala doon si Laws. Kanina pa akong pumunta doon." pagkatapos niyang sabihin iyon, biglang bumukas yung pinto sa dulo ng hallway. It creaked slowly and our attention quickly went towards it.
Tumingin kaming bigla sa direksyon na iyon at nakita kaagad namin si Lawrence. Nakatayo siya doon, halos hindi kami napansin habang mabagal siyang lumabas ng kwarto.
Gulo gulo yung buhok niya at naka-blue na T-shirt. Yung mukha niya'y nakasimangot at tila antok na antok siyang lumingon sa amin at saka lumapit. Kitang kita ko na parang napuyat siya at hindi masyadong nakatulog.
"Bakit ang ingay ninyo? Ang aga-aga pa," sambit ni Lawrence sa amin habang nginitian lang siya ni Dominic.
And me? Well, I was quite surprised. He had this morning voice that would really make you look at him in awe. Yung tipong gusto mong marinig palagi galing sa kanya. Hindi ko siya ma-explain pero ang smooth ng pagkakasabi niya.
"Look, Laws. Gutom ako at — " in-interrupt kaagad siya ni Lawrence. Rinig na rinig ko yung pagka-irita at pagka-bored na tono nito noong nagsalita siya.
"Edi magluto ka. 'Wag ka ngang asa nang asa sa akin." napanganga naman si Dominic sa kanya na tila nagulat sa sinabi niya. I fixed my gaze at Lawrence to see him glaring at Dom. If looks could kill, siguro kanina pang patay na si Dominic.
"Besides, marunong ka naman magluto, 'di ba?" tanong ni Lawrence habang mabagal na tumango naman si Dominic at umalis, iniwan ako para pumunta sa baba.
I then looked back to see Lawrence staring at me. Yung tingin niya'y parang binabasa kung ano yung iniisip ko at kung ano yung ekspresyon ko. I just awkwardly smiled before leaving and following wherever Dominic went.
Bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina. There stood a sight that I could never forget.
Nandoon si Dominic, naka-pink na apron at may hawak hawak na spatula. Lalong lumawak ang ngiti ko noong kumakanta siya ng Dahil Sayo ni Iñigo Pascual.
Kitang kita ko pa yung tuwa niya sa pagsayaw habang nakanta. Gusto ko lang din sabihin, dapat sumali siya ng The Voice. Ang ganda ng boses na pagkakanta niya. Yung tipong parang anghel yung kumakanta. Siyempre, lalaking anghel, hindi babae. Rinig na rinig ko din yung smooth na pagkakakanta niya ng lyrics.
"Dahil sa'yo, ako'y matapang. Dahil sa'yo ako'y lalaban. Para sa'yong pagmamahal na walang katapusan," kanta niya habang ngiting ngiting itinuloy yung pagkanta. Ako naman, ngumisi ako nang nakakaloko at sabay nag-lean sa kitchen counter, pinapanood pa rin siya.
Pagkatapos niya kinanta yung chorus, lumingon naman siya at nagulat noong pumalakpak ako. Namula bigla yung pisngi niya sa akin — halatang hiyang hiya dahil nakita ko yung buong pangyayari. Napatingin kaagad siya sa apron niya, sabay tinanggal ito at inihagis sa ibang direksyon.
"Abby! Hindi ko alam na nandiyan ka pala. Ahem," mahiya hiyang sinabi nito habang napasipol at nagpatuloy na nagluto. Napangiti ako at pinigilang tumawa noong nagkunwari siyang umuubo.
"Ang cute mo pala kapag naka-pink na apron." kitang kita ko pa rin yung pamumula ng kanyang pisngi habang hindi niya ako tinitingnan.
Lumingon naman siya ng ilang segundo bago nagsalita, "Hindi 'yan sa akin. Promise."
Tinaasan ko kaagad siya ng kilay habang huminga naman siya nang malalim bago nagpatuloy. "Okay, sorry. Sa kapatid iyan ni Adrian. Wala lang talaga akong mapiling suotin dahil nagutom na akong bigla."
Tumango naman ako habang inalis na ni Dominic yung atensyon niya sa pagkain at umikot para harapin ako. Nakangiti siya sa akin habang inayos niya yung buhok niya sa harap ko, halatang nagpapa-cute. Nag-roll na lang yung eyes ko noong kumindat siya sa akin.
"May tanong ako sa'yo, Abby." tinaasan ko naman siya ng kilay, sinesenyasan siya na nakikinig ako sa kanya. Napakunot kaagad yung noo niya sa akin bago siya nagtanong.
"Bakit ang gwapo ko?" napakurap akong bigla sa tanong niya. Anong sabi niya? Napatawa naman kaagad ako at bigla naman sumunod sa pagtawa si Dominic.
"In your dreams, Domi. Sa panaginip ka lang gwapo." napangiti naman kaagad siya sa akin at sabay kumindat ulit siya sa akin. Nag-flex siyang bigla sa aking harapan at sabay nagpa-cute ulit.
"So, ina-admit mo na talaga na gwapo ako sa panaginip mo?" napatawa ulit ako. God, this guy is a comeedian. Masyado talaga siyang maloko.
Bago pa ako makapagsalita, nakaamoy ako na parang usok. Tumingin ako sa niluluto ni Dominic at nakita itong umuusok at lumalakas yung apoy sa ilalim. Tinuro ko itong bigla at sumigaw.
"Dominic, yung niluluto mo!" napatingin kaagad si Dominic kung saan ako nakaturo at nanlaki bigla ang kanyang mga mata. Kitang kita ko yung takot at gulat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa frying pan. Kinuha kaagad niya yung fire extinguisher sa ilalim ng mga cabinets habang kumuha naman ako ng tubig sa gripo para ibuhos sa apoy.
At mga ilang segundo ang nakalipas, tumunog ang malakas na fire alarm sa kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro