Kabanata XIII: Tattoo
A B B Y
Pagkalabas ko ng room, tumingin ako sa kaliwa't kanan bago umalis. Nagpahuli kasi ako kay Lance dahil sure ako na madali akong mahahanap ni Adrian kapag kasama ko siya. Lalong lalo na kung kasabay ko siya sa hallway.
Tinanggal ko kaagad yung bun ko, hinayaan yung buhok ko na lumugay. For the first time in my life ko lang maglugay ng buhok unless talagang tinatamad akong magtali. But of course, hindi ko pa nagawang tanggalin yung tali ko sa school.
Hawak hawak yung mga libro ko sa kamay, lumabas ako ng classroom namin at naki-blend in sa mga estudyante.
But of course, that still didn't save me.
"Baby!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko habang kalmado akong naglalakad sa hallway, dala-dala ang mga books ko. Kung sino man yung nasigaw na lalaking 'yon, wala siyang katakot takot na mapagalitan ng principal. Siguro hinahanap yung girlfriend niya kanina pa.
"Nandiyan ka naman pala baby. Ba't hindi ka nagsasalita? Kanina pa kitang hinahanap!" nakaramdam ako ng isang balikat na nakaakbay sa akin kaya bigla akong napalingon.
Isang lalaking chinito na nakatirik ang buhok ang nakaakbay sa akin. Nakablack na shirt siya tapos blue na jeans. Nakangiti siya sa akin habang kitang kita ko naman yung mga tao sa paligid namin na nakatingin sa akin, nagtataka kung actual couple kami. Actually, pati ako nagtataka.
"Baby? Alam ko namang gwapo ako pero 'wag mo naman ako tingnan masyado," sinabi niya sa akin, ngayon ay nakangisi na.
Kilala niyo na siya. Siya lang naman yung tinatakbuhan ko.
Si Adrian Xavier.
"Abby, hindi 'Baby' Adrian Xavier. Get your facts right. Umayos kang lalaki ka. Hindi mo ako kilala, hindi kita kilala. Period," sinabi ko sa kanya sabay lakad palayo - tinanggal ko yung kamay niya na nakaakbay sa balikat ko.
Napatingin lang siya sa akin sa gulat sabay kinuha yung aking braso at iniharap sa kanya. Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin at saka nagsalita.
"Anong sabi mo sa akin? Umayos ako?" tanong niya, nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay - kitang kita ko yung galit sa kanyang mga mata. Nakatitig na siyang maigi sa akin ngunit binalewala ko ito.
Nginisihan ko na lang siya pabalik.
"You heard me." bigla naman niyang kinuha yung braso ko sabay itinulak sa mga lockers. Nagulat ako at napa-gasp bigla noong lumapit siya sa mukha ko at nag-smirk sa akin, yung isang side ng labi niya'y biglang tumaas.
"May gusto ka pang sabihin?" tanong niya habang nanahimik lang ako. Lalo lang lumaki yung smirk niya sabay lalong hinigpitan yung pagkakahawak sa braso ko.
Sa irita ko sa kanya, kinuha ko kaagad yung kamay niya at sabay tinary na tanggalin ito. Nagulat na lang ako nang biglang nag-move yung wristband niya at nakakita ako ng isang marked na red sa kanyang wrist.
Isang tattoo.
Nakita ko yung diamond shape na red sa kanyang wrist habang nagulat siya at bigla itong itinago. Whatever it symbolizes, baka mayroon din sina Lawrence.
Inilayo niya itong bigla sa akin sabay tiningnan ako.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" pagalit nitong sinabi sa akin habang tiningnan ako na parang makakapatay. For the first time in my life, natakot ako.
Noong bigla niyang nakita yung scared expression ko sa kanya, biglang nanlambot yung tingin niya sa akin. Tinanggal na niya yung kamay niya sa braso ko sabay nag-cross ng arms at tumingin sa ibang direksyon.
"Look, I'm just trying to apologize. Sorry sa lahat ng ginawa ko. It's just...you're the only - " bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Napatingin naman siya sa ibang direksyon, yung kamay niya'y nililikot yung wristband. Ako naman, tiningnan ko naman siya na parang may pagtataka sa mga mata ko.
"You're the only girl who had the guts to slap me," patuloy niyang sinabi habang nanlaki ang mata ko sa kanya.
Wait, seryoso ba siya?
Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago kumurap. So wait, ako lang yung naglakas-loob na sampalin siya? Wow, what a shocker.
Tumingin lang ako sa sapatos ko na parang naging interesado ako dito habang si Adrian, tumingin naman sa ibang direksyon, yung mukha niya'y biglang namula. Nakatingin pa rin sa amin yung mga estudyante at narinig ko yung boses nina Dominic na palapit nang palapit.
Noong nakita kong nilagay ni Adrian yung kanyang kamay sa kanyang batok, bigla kong napaisip.
Shy type din pala si Adrian. Who knew?
"So, okay na ba tayo? Am I forgiven?" tanong niya habang tumingin sa akin, hiyang hiya. Ngumiti naman ako at tumango.
"You're forgiven, Adrian. After all, kasalanan ko din naman yung mga nangyari. I deserved it." nanahimik naman kaming bigla noong narinig ko yung boses ni kuya Ace at ni Dominic na palapit nang palapit.
Bago pa ako makalingon, nagulat na lamang akong bigla noong hinawakan ni kuya yung collar ni Adrian at sinuntok ito nang malakas. Nagulat naman si Adrian kay kuya Ace at sinamaan ito ng tingin pagkatapos niyang tumayo mula sa lapag.
"Bakit mo itinulak yung kapatid ko, ha? May problema ka ba kay Abby?" pagalit na tinanong ni kuya habang tumingin naman ako kay Dominic saka binalik ito sa aking kapatid. Na-gets naman kaagad ni Dominic yung tingin ko dahil tinulungan niya ako, hinila si kuya palayo habang ako naman ang tumulong kay Adrian.
Tinulungan kong tumayo si Adrian at kitang kita ko yung dugo sa side ng bibig niya. Pinunasan kaagad niya ito gamit yung kanyang kamay at saka sumagot. "I was trying to apologize."
"Apologize? Apology ba yung pagtulak sa kapatid ko sa lockers? Apology ba 'yon!" iritang iritang sinabi ni kuya Ace habang tinatry siyang pigilan ni Dominic. Kitang kita ko yung pagpupumiglas ni kuya habang tumingin ako kay Adrian.
"Umalis ka na," sambit ko kay Adrian habang napakunot yung noo niya sa akin. Habang tinutulak ko siya palayo, tinatry niyang bumalik. God, this guy is so stubborn.
"What?" tanong niya sa akin habang tinulak ko siya papunta sa direksyon ng exit ng school. Yung paa niya'y biglang tumigil kaya ako'y palad nang matumba. "Wait, bakit mo ako tinutulak palayo? I can handle him."
"Ayaw ko nang gulo. Ayaw kong mapapa-away ka kay kuya Ace." napa-frown akong bigla sa kanya. Sasagot pa sana siya kaso bigla ko naman siyang in-interrupt.
"Adrian, please. Umuwi ka na lang." tumingin naman kaagad siya kay kuya Ace bago ibinalik yung tingin sa akin. Tumango naman siya at nag-agree sa sinabi ko.
"Alright, aalis na ako. But just remember," sinabi niya bago siya tumigil nang ilang segundo at napatuloy sa pagsasalita.
"I'm doing this for you." pagkatapos niya itong sabihin, umalis na siya at kumaripas ng takbo palabas ng school. Ngumiti na lang ako at sabay bumalik kina kuya.
I knew I still had to endure a lot of lectures coming from Kuya Ace.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro