Kabanata VIII: Unknown Caller
A B B Y
Finally, tapos na rin yung first day ko. Wala nang magugulong mga lalaki na mambubulabog sa akin. Makalipas nang ilang subjects, nakasurvive ako. Of course, hindi naman talaga siya nakakapagod. Okay lang yung mga lessons na diniscuss at yung mga teachers namin pero yung mga nangyari lang sa akin yung nakakapagod.
Parang na-drain lahat ng energy ko dahil sa tatlong lalaking nakilala kong bigla na siya namang naging reason kung bakit yung first day ko ay kakaiba.
Dala dala ko yung bag kong black na siya naman isinakbit ko sa balikat ko at sabay inayos yung glasses ko. Nakita ko naman si Lance na natapos sa pag-aayos ng kanyang gamit sabay lumakad palapit sa akin.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin habang inaayos ko yung tali ng bun ko. Napatingin lang ako sa kanya sabay tumango. Well, I guess ready na akong umalis. Nandito na lahat ng gamit ko sa bag kaya okay na. Ngumiti naman kaagad siya sabay lumakad palabas, ako kasunod niya.
Pagkalabas namin, nakita kong bigla si Kuya Ace na naka-lean sa isang pader — kausap si Lawrence. Wow, talk about friendship. Noong nakita nila kaming bigla, ngumiti silang parehas sa amin.
"Ready to go?" tanong ni kuya sa akin habang kinausap naman ni Lance yung kanyang kuya. Kitang kita ko silang dalawang nagkukulitan; si Lance natawa habang si Lawrence naman ay umiiling, siguro tinatry na huwag tumawa sa sinabi ng kanyang kapatid.
Napangiti naman ako sa scene sabay tumango sa tanong ni Kuya. I really can't wait to sleep in my comfortable bed with my cuddly teddy bear habang nagiging mabait bait na si Kuya.
Tumango naman kaagad si kuya at iniikot yung car keys niya sa kanyang daliri. Kitang kita ko naman si Lawrence na umuna na sa amin nang paglakad, si Lance sunod sunod sa kanya. Lumakad na rin kaming palabas at sabay hinanap yung Honda Civic namin. Nakita ko naman si Lawrence na binuksan yung sasakyan niyang...
Wait, is that a Ferrari?
Napanganga akong bigla noong binuksan ni Lawrence yung kanyang sasakyan at pumasok si Lance sa loob. Tinapik naman ako ni Kuya kaya biglang nawala yung tingin ko sa kanila at napatingin kay kuya. Kitang kita ko si kuya na tumingin kina Lawrence bago niya ibinalik yung tingin sa akin.
"Ferrari? Seriously? Kanya ba talaga 'yon or ninakaw ni Lawrence? I cannot believe that he, out of the three, ang meron Ferrari," sagot ko habang nakita kong bigla sina Dominic at Adrian na nag-approach kay Lawrence at nakipag-usap sa kanya. Hindi ko talaga rinig kung ano yung sinasabi nila pero parang tumango naman si Lawrence sa kanilang sinabi.
Napailing naman kaagad si kuya, "You better believe it. That guy's rich. Of course, rich din si Adrian pero Laws came from a multi-billionare man. Hindi mo lang talaga halata dahil hindi siya sociable at mayabang kagaya ng ibang bilyonaryo."
"He has a lot of different cars too, you know. Hindi na naman nakakagulat kung makikita mong iba yung sasakyan niya palagi," itinuloy ni kuya habang pumasok ako sa sasakyan namin pero gulat pa rin. Billionaire? Kung billionaire siya, bakit dito pa niya napiliang pumasok ng school?
Kitang kita ko sina Dominic na tuwang tuwa pumasok sa loob ng sasakyan; si Lawrence naman pumunta sa driver's seat. Hindi ko na sila nakita dahil hindi ko namalayan na nagdrive na pala si kuya at lumiko sa kaliwa.
♠ ♥ ♦ ♣
Napatingin ako kay kuya na nakatingin sa akin habang kinakain yung pagkain niya. Nandito naman ako, tapos nang kumain at napapahiya sa mga tanong ni kuya. Kung nandito kayo sa posisyon ko ngayon, hindi niyo talaga magugustuhan yung scenario ngayon.
"Kuya, wala akong gusto sa kanila. I promise. Of course, cute naman silang lahat pero I do not like them in a romantic way. Pero kung nagseselos ka, siyempre, lalayuan ko sila para sa'yo. Baka kasi may gusto ka sa kanila," sagot ko habang sinamaan naman ako nang tingin ni kuya bago niya tinapos yung kinakain niyang liempo.
"Abby, hindi ako bakla. Lalaki ako." iritang irita niyang sinabi.
"Also, sure ka ba na wala kang gusto sa kanila? I can see the way you look at Lawrence. Kitang kita ko na nagwa-gwapuhan ka sa kanya." napatingin na lang ako sa ibang direksyon. What? Hindi ko naman mapigilang magwapuhan kay Lawrence. Cute kaya siya.
"I can't blame the guy, he's literally handsome." sinamaan kaagad ako nang tingin ni kuya.
"Kahit gwapo siya at pwede kong maging crush —" naparoll kaagad ang eyes ni kuya sa akin sabay glare. Wow, protective much?
" — kahit hindi — sadyang suplado siya sa akin. He literally thinks of me as a stranger." patapos kong sinabi habang iritang iritang tumingin si kuya sa lanyang plato, yung tipong makakapatay siya.
"Buti nga sa'yo." napatingin kaagad ako kay kuya, gulat na gulat. Anong sabi niya? Mas mabuti pa 'yon sa akin? Wow, how dare he! Tumayo naman ako sabay kinuha yung phone ko at umalis, pumunta sa taas at sa nagsarado sa room ko.
Umupo kaagad ako sa kama ko, yung unan yakap yakap ko. Bago ko pa makuha ng isa pang unan, biglang tumunog sa phone ko. Wait, may natawag sa akin?
Kinuha ko kaagad yung phone ko sabay tiningnan yung Caller's ID.
0921******* is calling...
Wait, sino 'to? Hindi ko naman kilala kung sino yung natawag. Wala pa kasing name yung number. Hinayaan ko na lang ito sabay in-accept yung call — yung phone ko nilapit ko sa ear ko.
"Hello?" tanong ko habang rinig na rinig ko yung dagundong mula sa mga speakers sa bahay nila na pahina nang pahina. Hinintay kong magsalita yung kausap ko habang rinig na rinig ko siyang naglalakad palayo sa bahay nila.
"Abby?" tanong nung lalaki sa kabilang linya habang napa-gasp ako at palad nang mabitawan ang cellphone sa kamay ko. Nagulat akong bigla sa pagka-deep at pagka-familiar na boses niya. One of the L.A.D was calling me.
And guess who.
"Lawrence?" tanong ko habang napatayo. Paano niya nakuha yung number ko? Tinanong niya kay kuya? Most importantly, bakit niya ako tinawagan?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro