Kabanata LX: The Diamond Finale
🎶 Chasing Cars - Are You Human OST
A B B Y
WE'RE BACK IN THE PENTHOUSE.
Unang tingin pa lang namin ni Adrian ay nakita na kaagad namin si Dominic na masama ang mukha at nakasimangot na nakaupo sa bean bag.
His arms were crossed and he looked like he wasn't in the mood to talk. Nakabukas ang tv pero hindi siya nanonood.
Si Pochi lang iyong nakaupo sa harapan nito, tila tuwang tuwa pa na nakatitig dito.
I'm guessing that Dominic's mad because of Adrian's mischief when we had watched the meteor showers a few days earlier.
Pagkapasok pa lang namin, mabilis lumipat ang atensyon niya.
Kaysa kay Pochi siya nakatingin, nasa amin na ang tingin niya. Inayos pa niya ang upo niya at naghalumbaba pa. "Saan kayo galing?"
Adrian noticed that Dominic was suspicious. Hindi naman ganito bumati si Dominic tuwing babalik kami kaya siya na mismo ang sumagot sa kanya. "Bumili lang kami ng damit para kay Pochi."
Hindi naman inalis ni Dominic ang tingin niya sa kanya. Instead, he even scoffed. "Maloko ka rin, eh."
"Bakit naman?" Nakita ko na mas pinili ni Adrian na pumunta na lang sa kusina para ibaba iyong bag niya at kunin naman ang mga pagkaing inorder niya sa Mcdo.
Sumunod lang naman ako at nakita ko na tumayo na rin si Dom para puntahan si Adrian at doon na magreklamo.
Nang inaalis at inaayos na ni Adrian ang mga pagkain, tinapik siyang bigla ni Dominic para tumingin siya sa kanya. "Ako kaya ang napagalitan ni Laws tungkol do'n sa kurtina. Ayusin mo 'yon."
"Ikaw ang magaling diyan. Bakit ako ang mag-aayos?"
"Ikaw ang nakasira."
"Hayaan mo na."
Dominic then frowned at this, Kitang kita ko siyang naghalukipkip nang pilit siyang iniiwasan ni Adrian. "Gusto mo lang makasama si Abby kaya siguro ginawa mo 'yon."
"We just watched the meteor showers," sumingit naman ako sa usapan. Mas sumama ang tingin ni Dom kay Adrian at tinuro pa siya.
"Ayon, tama nga ako!" Isang malalim na boses naman ang nakakuha ng atensyon namin kaya agad kaming tumahimik.
"Tama saan?" Looking back, we all saw Lawrence walking towards us, a questioning look etched on his features, with both hands inside his pockets. This is probably how serious Lawrence could be.
Noong makita naman siya ni Dominic, wala naman siyang nagawa kundi maging parang istatwa. "Laws."
Bago pa man niya maipaliwanag ang nangyari, agad siyang pinagsabihan ni Lawrence. "Ayusin mo ang remote at iyong kurtina, Dominic. Hindi iyong pababayaan mo lang iyan."
Binigyan lang kami ni Dom ng isang huling tingin bago bumulong sa sarili. "Nakakairita."
Kaming dalawa na lang ang nandito sa kusina. To be honest, it was still awkward between us. Minsan, iniisip ko na baka ito iyong magandang oras para sabihin sa kanya ang nakita ko kanina sa mall.
Gaining enough courage, I started the conversation, "Adrian."
His chocolate eyes then went to gaze back at me. Humarap naman siya sa akin para makausap ko siya nang maayos habang bumilis bigla ang tibok ng puso ko. I was nervous. Hindi ko alam kung okay bang pag-usapan ito.
"Bakit?" he then asked me as he puts away the food and laid it on the table. "May problema ba?"
"Tungkol sa nangyari kanina..." Hindi ko matuloy. Bigla akong nawalan ng mga salita.
Nagtaka naman si Adrian kung bakit ako biglang tumigil kaya inabot na lang niya sa akin iyong paper bag ko habang kinuha ko ito sa kanyang kamay. I don't know if he can understand what I'm trying to say right now.
Mga ilang segundo ang lumipas, natapos na rin siya at agad niya akong tinanong. And I was right."Alin ba? Tungkol do'n sa babae kanina sa mall?"
Tumango naman ako sa kanya. "Oo. It's just...parang kilala ko siya."
Nanahimik siyang bigla, Kinuha niya iyong nuggets niya at agad kumain. Pagkatapos niyang kainin iyong isa, saka niya ako sinagot. "Baka nakita mo lang nang ilang beses?"
Umiling naman ako. Hindi rin. Hindi imposible na makikita ko na lang siya palagi sa loob ng mall na 'yon.
Kung nakabangga man namin nang ilang beses, hindi ko naman ito mapapansin."Hindi talaga. She really looks familiar."
"Maybe...she's your mom?" I even nodded as he almost choked at that. Tumayo kaagad siya, kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. Uminom naman siya para lang mawala iyong nerbyos.
Noong tiningnan na niya ako, nakita ko na hindi na siya nakangiti. Seryoso ang tono niya sa akin kaya inisip ko na hindi siya naging masaya sa sinabi ko. "Impossible. Matagal nang wala si mama."
"At saka, masaya na siguro iyon ngayon. Wala ako, eh." I frowned at that, Akala ko magiging masaya siya sa balita na pupwedeng nanay niya iyon. Makakausap na niya at magkakaayos silang dalawa. But, maybe today was not the right time.
"Walang nanay na hindi mahal ang kanilang anak." He then scoffed once I told him this.
"Maliban sa kanya."
"Adrian, please."
Umiling naman siya at agad akong pinatigil. Ibinaba niya ang baso niya sa lamesa at agad na lumakad palayo sa akin at dumiretso sa sala.
"Don't. Just...let me take you home. Huwag na natin siyang pag-usapan."
And I had no time to even argue. Wala akong nagawa kundi sumunod na lamang.
♠ ♥ ♦ ♣
Nang hinatid na ako ni Adrian pauwi sa amin, ang una kong tiningnan ay kung gising pa si kuya.
Tahimik at wala man lang ingay akong naririnig kaya inisip ko na baka naka-headset lang si Kuya at nag-aaral o hindi kaya nagluluto sa kusina.
Pumayag naman siya na sumama ako kay Adrian pero alam ko na may kaunting pagdududa pa rin siya.
He still probably thinks that Adrian would be just like our dad or he just think that Adrian still had crimes at Cezanne High. But, I'm pretty sure that it's both.
Nakita ko na nagtataka rin si Adrian, nakakunot ang noo, tinitingnan kung nakabantay si Kuya sa labas. Agad naman siyang nagtanong noong wala siyang taong nakita sa garahe. "Nandiyan kaya siya?"
"Baka busy lang. Marami rin kasi siyang gawain kaya baka nagpapatugtog lang iyon," sinabi ko sa kanya bago bumaba ng motor.
Noong magpapaalam na sana ako at maglalakad na papunta sa gate, nagulat na lang ako nang hinawakan ni Adrian ang kamay ko at hinila ako pabalik.
"Wait," aniya sa akin habang napatigil lang ako --- hinihintay ang kanyang sasabihin. Nakita kong umiiwas siya ng tingin sa akin, pisngi niya'y mamula mula.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What was Adrian going to say?
"I think this is the better time to do it."
"Do what?" I asked him, my eyes staring intently at him.
He then carressed my hands before putting it up to his lips to kiss it. My cheeks turned hot once he did this. Adrian, bakit ba ganito ka kumilos kapag tayong dalawa lang?
"Gusto ko lang sabihin na pinasaya mo ako. Sobra," wika niya sa akin habang kita ko ang ngiti niya sa akin.
Kaunti lang ang tao sa labas kaya ramdam ko ang katahimikan na bumabalot sa paligid namin. "Unang kilala ko pa lang sa'yo, alam ko na kaagad na hindi ka katulad ng ibang babae."
"Alam ko na hindi naging maganda ang first meeting natin, baby. And I badly want to change that." Nakita ko naman siyang tumungo, tila nahihiyang bigla sa akin.
He then raised my hand, putting it towards his chest. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya na sumasabay rin sa akin.
"I want to protect you. I want to be your savior."
"I'm willing to break the rules for you. The Group Act? I don't care about it anymore."
Doon ako nagulat sa kanyang sinabi. Nanlaki ang mata ko noong kaunti na lamang ang agwat namin sa isa't isa."Adrian, what are you trying to say?"
"Nahulog na ako sa'yo, baby," he told me as he then hugged me tightly. Hindi ako pumiglas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Walang salitang lumabas sa labi ko. I was too speechless.
"I'm in love with you, Abby Guevarra."
At biglang tumigil ang mundo. Bumagal ang ikot at ramdam ko lang ang tibok ng puso naming dalawa.
Hindi pa ako ready sa ganito. Parang kuya lang ang tingin ko sa kanya. Tinuring ko lang siya na parang kapatid.
Halos mawalan rin ako ng hininga nang marinig ito. Ano na ang sasabihin ko sa kanya? Ayaw ko naman na masaktan siya. Iniwan na siya ng nanay niya tapos ito pa iyong mangyayari.
"I-I don't know what to say," I stuttered as I pulled back from the hug. Nagkalayo kami sa isa't isa pero, hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. Tiningnan niya ako nang matagal bago ulit siya nagsalita.
"Kahit iyong apat na salita lang."
"Say that you love me back."
Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko na mahalin ang isang taong tinuring ko lamang na parang kuya. Please, don't force me like this. Napakurap akong bigla. Please, I don't want to feel pressured.
"I...I am sorry, Adrian. This...this feels so rushed."
Nagulat naman siya sa sinabi ko. Parehas kaming lumayo sa isa't isa. Kitang kita ko na nasaktan siya sa aking sinabi.
Kaysa sa apat na salita na 'I love you too' ang sinabi ko ay isang patawad lang ang nakaya kong sabihin.
"A-Ano?" he stuttered as he then looked at me. Tears almost welled up on his eyes if he hadn't rubbed it off with this hands and pretending that my words didn't affect him at all.
"Hindi pa ako ready."
Ito na lang ang nasabi ko sa kanya. "I don't think I can accept your confession."
"I'm still young for commitment and I don't think you're ready either. B-Baka mali lang ang nararamdaman mo sa akin..."
Pinatigil niya akong bigla sa pagsasalita. Nasaktan akong bigla noong iniwas na niya ang tingin niya sa akin. "Sabihin mo na lang kasi na may gusto kang iba."
"Hindi iyong paasahin mo ako nang ganito."
"Adrian, that's not---" He still won't let me talk. Instead, he continued as he then puts on his helmet and tightened it.
"Hulaan ko...isa sa kanila iyon, tama ba ako?" tanong pa niya sa akin habang nanatili na lang akong walang kibo at imik.
"Sino? Sino sa mga kaibigan ko?"
"Si Lawrence? Dominic?"
"O baka naman si Sean?"
Ramdam ko ang sakit sa tono pa lamang niya. Sinusubukan niyang huwag magalit o sumigaw pero halata sa ekspresyon niya ang lahat.
Wala na akong nasabi pa kaya agad niyang hinataw ang motor niya at napahaplos na lang sa buhok. "I fvcking knew it."
"Bakit pa nga ba ako nag-try, ano? Ang t*nga ko para isipin na magkakatotoo ang hiniling ko," he angrily muttered.
"I wish that she'll like me back. Pvta, naniwala pa akong matutupad iyon." Nagulat ako nang sumakay na siya sa motor niya at agad akong hinarap.
"Ngayon alam ko na. Pinasasaya mo ang taong kasama mo bago mo iiwan."
I frowned at that. Ayaw ko na magkakaaway kami dahil dito. He's my friend. Hindi ko naman alam na magkakagusto siya sa akin. "Adrian, alam mo naman na hindi ko ginusto ito."
He laughed sarcastically at that.
He laughed.
Pinilit niya ang sarili niya na tumawa na lang sa sinabi ko. At bigla kong narinig ang mga salitang hindi ko inaasahan na sasabihin niya.
"Wala kang pinagkaiba sa nanay ko. Makasarili kayong dalawa."
He then started his engine and drove away, leaving me there frozen as I just slowly sat there with hands hiding my face in shame. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Alam ko na hindi na kami magiging katulad ng dati. Alam ko na hindi na siya magiging masaya kasama ako.
He hates me now.
Just because of that damn confession.
"I'm sorry. I don't want to hurt you like this." Wala akong nagawa kundi mapaupo at umiyak. Hinayaan kong bumuhos ang mga luha ko, hinayaan ko ang sarili kong masaktan.
Alam ko sa sarili ko na nasasaktan din ako dahil ginawa ko ang lahat pero nawalan ako ng isang kaibigan dahil lang nahulog ang kalooban niya sa akin.
I want us to be happy. I want him to be happy. I want to cure his OCD as a friend.
Pero ngayon, baka lumala lang ang sitwasyon niya. At dahil iyon sa akin.
Sana matupad man lang ang hiling ko. Kung hindi nangyari ang kanya, kahit sa akin man lang.
I wish that L.A.D would be happy --- that they'll be complete in the end, no more suffering, no more pain, just pure love.
Please, let this happen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro