Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata LVII: I'm Here, Baby

A B B Y

"There's a lot of meteors tonight. Are you going to watch later at home?"

Ito kaagad ang bungad sa akin ni Lance nang pumasok ako sa classroom namin. Hindi ko muna siya pinansin hangga't hindi pa ako nakakaupo. It was normal for him since he knew that I was not a morning person.

Nagulat din kasi ako sa kanyang tanong. I'm not even sure if he likes astronomical events like these. At saka, tinanong pa niya ito kung kailan kakatapos lang ng nangyari kahapon sa bahay.

Does he know about it?

Pagkatanggal ko ng bag ko at inilagay ito sa aking desk, niyakap ko ito nang mahigpit bago sumagot. Pero, hindi ako nakangiti sa kanya. I was more likely giving him a raised eyebrow.

"Actually, I am. But...not at home."

Kinuha naman niya ang kanyang upuan at agad na umupo sa tabi ko. "Saan naman? Kasama ka ni Ace?"

"Better not go there," I warned him. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Sinubukan pa niya akong kulitin kaso hindi ko pa rin sinasabi sa kanya. Alam ko kaagad na sasabihin na naman nito sa kapatid niya.

Knowing that he won't get any information from me, he smirked. "Kaibigan mo ako."

"Pwede mo naman sabihin sa akin ang lahat," dagdag pa niya sa akin pero nakangisi pa rin. Nakasimangot naman ako bago ko siya sinagot.

"Alam ko rin na sasabihin mo kay Lawrence." After hearing that, he managed to give out a loud laugh that caught everyone's attention. They looked at him weirdly as Lance just wiped his imaginary tear away.

Noong makita niya ang mga reaksyon ng mga kaklase namin, nagkunwaring umubo na lang siya para mawala ang tensyon at hinarap ako pagkatapos.

"Totoo naman ang sinabi mo. I'm his younger brother after all," he stated before shrugging afterwards.

"Halos lahat ng sikreto nabubunyag."

Umiling iling naman ako. Hindi niya pupwedeng malaman na kasama ko mamaya si Adrian. Kapag napagusapan pa ng dalawa, baka marinig pa nina Nadine. Mas lalo akong mahihirapan.

"Hulaan ko, isa 'yan sa mga kaibigan ni kuya. Is it Dominic?" Nanlaki ang mata ko nang sinusubukan na niyang manghula. Casting my eyes away from him, I huffed.

"Not going to tell you."

Isang tawa lang ulit ang ginawa niya bago tumango at hinayaan na lang ako. "Sayang."

"Sa tingin mo, natutupad ang mga hinihiling mo sa isang shooting star?" nagtatakang tanong niya. Pansin ko na nakakunot na ang noo niya pero pinaglalaruan na niya ang ballpen na nasa desk niya.

"Hmm? Oo naman," masiglang sagot ko sa kanya habang kinuha na niya ang kwaderno niya at agad na nagsulat. Kahit hindi siya nakatingin, alam ko na nakikinig pa rin siya sa akin.

"How could you tell?"

"Nangyari na sa akin dati ang hiniling ko."

"At ano naman 'yon?" He gave me a sideward glance afterwards, clicking his pen a few times before setting it back down. Tumungo naman ako, tinitigan ang aking mga kamay.

"Na maging masaya naman ako."

"Dati sa school ko, walang masyadong nangyayari," paliwanag ko kay Lance. Totoo naman iyon. Back then, it was just the typical "study at school and go home" routine. Wala nang ibang nangyari sa buhay kundi mag-aral at umuwi.

"Para lang akong robot," dagdag ko pa habang tiningnan lang ako nang maigi ni Lance pero hindi siya umiimik. Nakahalumbaba na siya at nakakunot ang noo.

"Natupad naman ang wish ko. Nakilala ko kayo nina Laws, Dom, atsaka si Adrian."

"Kahit unusual iyong unang meeting nating lahat, naging isang nakakatuwa at nakakagulat pa rin na experience sa akin 'yon."

Pagkatapos kong magpaliwanag, sinundan ko kaagad ito ng isang tanong para sa kanya. "Ikaw ba?"

Napansin ko na nagdadalawang isip siya pero mga ilang minuto ay sinabi na rin niya ito sa akin, "Dati, ang wish ko ay magkabati na ang magulang namin at si kuya."

"Pero hanggang ngayon, may galit pa rin ang magulang ko sa kanya." Hindi man binabago ni Lance ang ekspresyon niya, nahalata ko kaagad sa tono niya na hindi siya masaya.

I already knew that Lawrence had some problems. But, he never really talked much about it. Hindi niya pinaaalam sa akin. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. I mean, it's his private life after all.

Lance then sighed again, but this time with worry. "It was something about academics."

"Mas maganda siguro kung hindi natin pag-uusapan iyon. Ayaw ko rin naman sirain ang privacy ni kuya. Hihintayin ko na lang na siya ang magsabi sa'yo," aniya bago nanahimik nang ilang segundo.

"Pero ito lang ang masasabi ko..." he then added before he gave me a frown --- finally looking at me. "He wants freedom."

"Freedom?" binigkas ko muli bago dinagsa ng maraming estudyante ang silid namin. Inayos lang niya ang upo niya at nagkunwaring walang nangyari.

Freedom. Such an odd word.

The leader of L.A.D wants freedom.

♠  ♥  ♦  ♣

Nothing really happened much. Nagklase, kumain sa cafeteria, pumunta sa ibang rooms, nagpasa ng article kay Lawrence. Still the normal routine except with L.A.D on it.

Hindi naman sila masyadong makulit ngayon kasi nagkaroon kaagad sila ng warning noong tumawa sila nang malakas. Except kay Lawrence, as always.

Though, the only thing interesting that happened today was that the trio were still giving me looks and glares once they saw me.

Si Nadine nga lang ang mas malala. Akala niya siguro na ako iyong may ideya na sirain ang career niya.

Nandoon pa rin naman ang L.A.D sa parking lot ng school, sabay sabay silang umalis. Dahil wala ng sasakyan Lawrence, nakikisakay na lang siya rito habang si Adrian ay nasa motor niya.

I was surprised when he caught my gaze and smiled, waving his hand to say hello before starting the engine.

Habang naglalakad ako papunta sa kanya, nginitian niya ako. "Buti naman na pinayagan ka ni Ace na sumabay sa akin."

"Baka may tiwala na siya sa'yo," I mused as he just chuckled. Binigay sa akin ang isang helmet, agad siyang lumapit sa akin para tulungan akong ayusin ito.

"I don't think so. May kaunting galit pa yata siya sa akin." Nang nilagay na niya ang helmet sa ulo ko, agad akong ninerbyos. Teka, kung helmet ang suot ko, ang ibig sabihin noon ay siya ang kasama ko?

Nanlaki bigla ang mata ko sa kanya, "Wait, I'm not going to ride with Dominic and Laws?"

"Hindi. Dito ka sa akin. Sasakay ka sa motor," sagot niya sa akin at agad akong napaatras sa kanya. Inalis niyang bigla ang kamay niya at nagulat din sa naging reaksyon ko.

"Teka, hindi ako marunong---" Dinugtungan kaagad niya ang sasabihin ko.

"Umangkas?" His eyes seemed amused as I looked down and felt my cheeks being hot. Dahil kotse lang ang sinasakyan palagi ni Kuya, hindi kami marunong sa motor.

Kahit nga bike kasi unang bili pa lang ni mama ay kotse niya. Pinatest drive iyon kay kuya tapos sa akin.

Tumango naman ako. "I haven't even rode a motorcycle before. Nor a bike for that matter."

When realization hits him, he almost facepalmed. "Nga pala, kotse iyong inyo."

"Saan mo ba gusto? Dito sa harap o sa likod?" Agad niya akong dinala malapit sa motor niya habang nakita ko naman na mahimbing natutulog si Lawrence sa loob ng sasakyan ni Dominic.

"Saan ba mas safe?" Ito lang ang unang tanong ko kay Adrian. Kaso, nagkibitbalikat lang siya sa akin.

"Depende sa'yo kung kakapit ka nang maigi," he then teased me as I widened my eyes. Maloko ko lang siyang sinuntok habang nagkunwari pa siyang nasaktan bago tumawa nang malakas.

"Adrian!" Sinimangutan ko kaagad siya habang hinaplos lang niya ang buhok ko. Napaatras akong bigla at nagulat nang hawakan naman niya ang aking mga kamay para hindi ako kabahan.

"Don't worry. Hindi naman kita hahayaan mahulog," sinabi niya pero kita ko pa rin ang malokong ngiti niya.

"Mahulog sa iba."

My frown just got bigger and I had the urge to pout at him. "Sige, lokohin mo ako."

"Ngayon, iniisip ko kung hayaan na lang kita na sumakay sa kotse ni Dominic. Natakot akong bigla sa'yo." Biglang kumunot ang noo niya sa akin.

"I don't drive slow. I like it fast," he even mentioned this as I countered it back with a laugh.

"Sure ka ba na hindi mo ako hahayaang mahulog? Kasi kung mapropromise mo sa 'kin iyon, diyan ako sa likod." Nginitian lang niya ako noong marinig iyon.

"Basta kumapit ka lang sa akin. Pwede rin naman yakap."

Napanganga naman ako sa narinig ko. "Adrian---"

Agad nawala ang ngiti niya kaya tumahimik akong bigla. "Seryoso ako. Kumapit ka nang maigi sa akin. You can even hug me if you're not feeling okay."

"Okay," sagot ko bago tumango.

Noong inayos na niya ang upo niya sa kanyang motor, umangkas ako sa likod at narinig siyang nagsalita nang mahinahon.

"Don't worry, I'm not going to let you fall. I'm right here, baby."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro