Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata LIV: Alone with Him

A B B Y

HINDI NA SIYA BUMALIK.

Pagkarating namin sa penthouse, hindi ko na hinintay pa na makababa muna ang dalawa. Kailangan kong malaman kung okay lang si Adrian. Alam ko na dahil sa OCD niya, may tendency na may gawin siyang masama habang wala kami.

I researched OCD a few days back and saw that they could have anxiety or unusual behaviors at times so I got worried all of the sudden. Ayaw kong malaman na may mangyari sa kanyang masama habang wala kami.

Noong tumigil na ang sasakyan ni Dominic, agad akong bumaba kaya nagtaka ang dalawa. To be honest, my top priority right now was to see him.

Nang sumunod sila, nagtanong kaagad ako, "Okay lang ba na mauna na ako? I have to talk to Adrian."

Isang tango lang naman ang ibinigay niya sa akin. "Go. We'll be right here. Alam kong galit pa siya sa akin kaya mas mabuti na ikaw na lang muna ang kumausap sa kanya."

Agad akong tumakbo papasok para makita ko kung okay pa rin ba si Adrian. Once I went inside, I saw him sitting on the couch. Fortunately, there were no broken vases or plates around. Though, it looked like someone had cleaned the penthouse numerous of times.

One, people with OCD are typically clean. They sometimes do this to reassure themselves that there are no dirt and germs or they do this to release stress.

"Adrian?" tawag ko sa kanya. Hindi naman siya tumingin kaya inisip ko na tumayo na lang at manatiling malayo sa kanya. Personal space, I thought. Mas mabuti na hindi ko siya biglain.

"Akala ko babalik ka kanina," dagdag ko pa habang tumayo lang siya at binuksan ang tv. Even if he wasn't looking at me, he still answered.

Flicking through the channels, he paused it to a movie and sighed. "Pinili kong umalis na lang kaysa bumalik pa ako ro'n at magtalo ulit kami ni Laws."

"Kumusta nga pala siya?" Nang itanong niya iyon, saka lang siya humarap sa akin. I could see the mixed emotions in his eyes as I took a step forward before sitting beside him on the couch.

"He's calm on the way home. But, he's worried about you too." Kumunot ang noo niya sa akin bago umiling. Ramdam ko na hindi siya naniniwala sa akin kaya inisip ko na dapat mapaniwala ko siya.

Two, they would be hard to reassure. They need assurance from their family or friends. So, I should try harder.

"Hindi 'yan," I then heard his reply. Kitang kita ko na parang pagod na pagod na siya at wala sa mood na makipagusap.

"Tutulog na ako." Pinilit niya ang sarili niyang ngumiti sa akin. Agad akong naawa nang marinig ko ang kasunod nito.

"Usap na lang tayo bukas."

Nang tumayo na siya, uminat, at agad na naglakad paalis at paakyat ng hagdan. Doon na ako nagsalita muli at hinabol siya. Alam ko na hindi pa siya okay dahil sa nangyari kanina. Adrian."

"Hindi ka pa nakain," sambit ko habang tumigil siya. Lumingon siya sa akin at bakas sa kanyang mukha na pinipilit lang niya na huwag ipakita sa akin na apektado siya. He didn't move. Jus stood frozen as I stared at him.

After a few seconds, he then waved me off --- trying to force me to believe that he didn't mind it at all. "Okay lang ako."

"Kumain ka. Kahit kaunti lang, Adrian." Talagang pinupwersa ko na siya ngayon. Ayaw kong tutulog na lang siyang bigla, gutom dahil hindi pa kumakain.

"Okay lang ako," inulit niya kaya alam ko na kaagad na inaatake na siya ng OCD niya.

Three, they tend to repeats words or phrases over and over again. Calm them down in every possible way. Be gentle.

"Please," mahinahon kong sinabi sa kanya. I almost smiled when he finally faced me, just standing there with no intention of going up those stairs. At least makakausap ko na siya at may chance na mabago ko pa ang desisyon niya.

"Binalot ko iyong hindi ko nakain kanina. Nasa akin din iyong pagkain mo na iniwan mo lang kanina..." Agad kong kinuha iyong paper bag sa loob ng bag ko at ipinakita sa kanya. Tinitigan lang niya ito nang ilang segundo. Siguro pinagiisipan niang mabuti kung kakain siya.

"Sabay tayo kumain," bigla niyang sinagot sa akin. Natulala ako, hindi makapaniwala sa narinig ko.

Stuttering, I asked him with a curious gaze, "G-Gusto mo akong---"

Pinutol naman niya kaagad ang sinasabi ko, "Oo. Akin na iyong pagkain ko. Sabayan mo ako."

And after that he smiled. Dahil doon, alam ko na maayos ayos na ulit siya. Kaso, hindi niya kinuha ito kaagad. Mas inuna pa niyang kunin iyong panyo niya bago iyong paper bag saka dumiretso sa kusina.

Four, they won't clearly take things directly in their hands. They don't typically distinguish them as clean and sometimes will have second thoughts on it.

Sumunod na lang ako hanggang sa ipinatong niya ito sa kanilang lamesa. Noong binuksan na niya ito, kinuha niya ang pagkain niya na nakabalot at agad na binilang ang mga fries na naiwan niya.

Five, they tend to count things repeatedly to reassure themselves that something is complete. Just let them.

Pagkatapos niya iyong bilangin ng dalawang beses, 'di pa rin niya napigilang magtanong. "Sa tingin mo...tama ba iyong sinabi ni Lawrence kanina?"

"Iyong tungkol kay Nadine?" tanong ko sa kanya nang makita ko siyang umupo. Dahil mukhang hinihintay na niya ako, kinuha ko na rin iyong pagkain ko at umupo katabi niya.

With pursed lips, I answered, "Hindi ako sigurado."

"I mean...she did work hard for that channel," dagdag ko pa habang nagkibit-balikat lang naman siya sa akin at kinain ulit iyong steak niya.

Knowing that he won't answer while chewing, I decided to take a bite on one of the meals Lawrence prepared.

"Pero mali rin naman ang ginawa niya sa iyo."

Narinig ko kaagad siyang nagsalita pagkatapos niyang kumain. Ipinatong muli ang kanyang kutsara't tinidor sa kanyang plato, naghalumbaba siya.

Judging the look on his face, he was thinking what to say next.

"Socal media influencer. Tapos sisiraan ka sa lahat, maling impormasyon pa ang ginamit."

He sighed loudly after that. "Iyon ang gusto kong ipunto kay Laws. Pero hindi naman nakikinig sa akin 'yon."

"You don't deserve all of this," he concluded, his eyes looking at me with pure sympathy. Agad naman siyang tumungo, nahihiya siyang bigla sa akin.

"Iniisip ko nga na kung hindi mo kami nakilala, siguro tahimik ang buhay mo ngayon," mahina niyang sinabi pero narinig ko pa rin ito nang maayos.

"Siguro hindi ka mahihirapan nang ganito."

"Siguro mas masaya ka dahil walang gulong nangyayari. Hindi ka rin papansinin ng tatlong 'yon." Doon ako umiling.

No, I'm not going to be happy. They're like my second family.

Hindi ko masasabi na hindi sila naging importante sa buhay ko. Oo, hindi naging maganda ang pagkakakilala ko sa kanila.

Maaaring tingin ng iba ay parang mga cliché badboys o CEO lang sila katulad ng mga tauhan sa mga librong nababasa ko.

Pero hindi. Para sa akin, tao pa rin sila.

Inakala silang perpekto dahil sa mga katangian nila. That perfect facade hid their true identities.

That badboy of Cezanne High? He has OCD.

The "Gold Medalist Flirt" of the school? He's suffering from Hyperthymesia.

That CEO of Lexus Co? I still haven't found out but according to the two, he's an insomniac.

Pero kahit ganoon, nagagawa pa rin nilang itago ito sa lahat. Nagagawa nilang maging masaya. They are healing each other. Helping each other at every possible way they can.

And they helped me. They showed me that the boring world I've been trapped in can change. They taught me how to have fun.

Ngumiti ako sa kanya at tumanggi sa sinasabi niya, "No. I'm still thankful."

"You guys made me very happy. Akala ko noong una na magiging normal lang ang school year ko. I was wrong. You guys are the actual definition of fun," pinaliwanag ko habang nakita ko siyang umupo nang maayos --- hindi na siya nakasandal at nakahalumbaba.

"To be honest, boring talaga ang mga nagdaang taon. Mag-aaral, uuwi, papasok ulit sa unibersidad." I then took this chance to look into his eyes.

"Pero noong dumating kayo, natuto akong makihalubilo sa iba. I learned how to run---" Napatawa naman kaming bigla roon at agad siyang humingi ng tawad. Hinayaan ko lang siya at tumango.

"Learned how friendship works in groups, learned how to stand for myself, be confident, how to actually visit places I've never even been to."

Hindi naman niya napigilan ang sarili niyang ngumiti sa akin. Kitang kita ko na hindi na siya umuulit ng salita at mas komportable na rin siya hindi katulad nang kanina.

Of course, I smiled back. "Thank you."

"We're L.A.D. That's what we ought to do. We help each other and the people who needed saving," agad na saad niya.

"Leaders at Democracy?" tanong ko pabalik bago napataas ang isang kilay. Tumango naman siya.

"Yeah. It also stands for Loyal. Aberrant. Democratic."

"Pero pwede rin na D as in Dominic o Drollery." Teka, ano raw? Siguro si Lawrence ang nagturo nito. O baka nakita rin niya minsan sa mga dictionary.

"Drollery?" I made sure to question him. Gusto ko lang makasigurado kung tama nga ba ang narinig ko. He then grinned before flashing a mischievous look.

"Sa tagalog, kalokohan. Si Dominic ang hari ng kalokohan." Okay, I was right. He was indeed teasing him behind his back.

Hindi ko naman napigilang tumawa. And he really looked amused to see me like this.

"Tumawa ka lang nang tumawa."

"Ngumiti ka lang palagi."

"Mas lalo kang gumaganda."

These were the compliments I heard from him. Nang makatapos na akong tumawa, tiningnan ko lang siya. Kaso, hindi ko inaasahan na kakabahan siya roon. Agad siyang nagkunwaring umubo at umiwas ng tingin.

"I mean, maganda ka na naman dati pa. Pero---" Not knowing what to say anymore, he gave up.

"Ah, basta. Maganda ka. Iyon lang ang gusto kong sabihin."

Namula naman ang pisngi ko dahil doon. Maybe because it was a rare time to get complimented by Adrian.

Not even hesitating, I nodded --- accepting his remark. "Thank you, Adrian."

Kaso, mas lalo akong namula sa sunod niyang sinabi sa akin. Ramdam ko na halos tumigil ang mundo ko noong narinig ko ulit ang nickname na ibinigay niya sa akin noong nakilala ko siya.

"You're welcome, baby."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro