Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata LII: Trying Step by Step

A B B Y

HINDI INAALIS NI LAWRENCE ANG KANYANG TINGIN.

He was shocked and his eyes said it all. Alam ko na hindi niya inaasahan na pupunta si Adrian at Dominic sa restaurant.

Siguro nagtaka siya dahil kakasabi lang ng dalawa na hindi sila makakapunta tapos magpapakita na lang bigla sa harapan niya.

Pagkaalis niya, doon pa lamang napagdesisyunan ng dalawa na pumasok sa loob.

Nang pinagbuksan sila, hindi napigilang tumakbo ni Dominic papunta sa akin habang kalmadong naglakad at sumunod lamang si Adrian sa likuran niya.

"Doon tayo," malakas na sambit sa akin ni Adrian bago itinuro iyong bakanteng lamesa sa gitna.

Natakot naman ako dahil mas magiging malapit kami sa babaeng tingin nang tingin sa akin kanina.

Pero dahil doon na rin pumayag si Dominic, nagpasya ako na sumunod.

Nang kukunin ko sana ang tray ko, nagulat naman ako nang kunin ito ni Adrian. "Ako na, pumunta ka na lang doon."

Nang tingnan ko siya, nagulat ako nang ngumiti siya sa akin. That's weird.

Unang pagkakakilala ko sa kanya ay isang bad boy na halos awayin ako palagi. What made him change so suddenly?

Siguro napansin niya iyong reaksyon ko kaya agad niya 'kong tinanong, "Bakit ka nakatingin sa mukha ko? Mayroon bang dumi?"

Umiling iling na lang ako at sumunod na lang kay Dom. Umupo sa isang upuan, ipinatong kaagad ni Adrian ang mga pagkain ko sa lamesa, binalikan pa ang isa dahil naiwan ito.

"Sorry kung ngayon lang kami. Tinext kasi kami ni Lawrence na hindi raw tuloy," paliwanag sa akin ni Dominic bago umupo sa tabi, kinuha pa iyong bakanteng upuan at ibinigay kay Adrian.

Hindi naman nagdalawang isip si Adrian na kunin ito bago umupo katabi ko.

So right now, Adrian was at my left side and Dominic was on my left side.

"Hindi tuloy? Sinabi niya 'yon?" Nakataas ang kilay ko sa kanya nang marinig iyon.

Pero kakasabi lang niya kanina na sina Dom mismo ang nagsabi na busy sila at hindi makakarating.

Inisip ko naman na sabihin ito sa kanila dahil may posibilidad naman na hindi lang sila nagkaintindihan.

Maybe Dom sent that message and Lawrence just cancelled it for them.

Maybe they were actually busy, felt guilty once they saw Lawrence's text, and decided to actually go in the last second.

But Adrian's reaction told me otherwise.

"Hindi kami busy," tanggi niya bago kumunot ang noo. "Hinihintay lang namin sabihin niya kung pupwede na kami pumunta."

"Mas busy siya kaya inisip namin na baka kailangan pa niya ng oras dahil sa dami ng customers. Pero, hindi kami busy ngayon."

Nanatiling walang imik si Dominic at agad na tumingin sa direksyon ng kusina kung saan pumunta si Lawrence.

Siguro nakaramdam kaagad siya na parang may mali.

"Baka gusto ka lang niya makausap? Kayong dalawa lang?" Narinig ko kaagad si Dominic habang naghalukipkip naman si Adrian nang marinig iyon.

"Or, he probably wants to date her," Adrian didn't hesitate answering as Dominic gave him a glare afterwards.

Nakasimangot naman si Adrian na tila nagtatampo. "Kilala na natin si Lawrence. Huwag ka nang magkunwari diyan. He wants Abby all for himself."

"Hindi iyon pupwede. Nakasaad sa G.A natin---" Hinataw bigla ni Adrian ang lamesa kaya halos nagtinginan sa kanya ang mga tao.

Kahit iyong mga waiter sa loob, nagulat sa biglaang aksyon na ginawa niya.

"Siya ang sovereign, 'di ba? He made the rules, he could bend them. Kaya niyang tanggalin iyon," sambit ni Adrian kay Dom. Hindi naman napigilan ni Dom na umiwas ng tingin.

To be honest, he had a point there. Dahil leader si Lawrence, may kakayahan siyang baguhin iyong mga patakaran nila.

Ang pinagtataka ko nga lang ay kung bakit pati ako nadamay. Wala naman akong ginagawang mali.

Mga ilang segundo naman ay nakaisip si Dom ng pupwedeng isagot kaya hinarap niya ulit ito.

"Teka, bakit ka ba nagagalit? Hindi naman sa'yo si Abby. Kaibigan ka lang rin naman."

Namula bigla ang pisngi ni Adrian, pansin ko na hindi na siya tumitingin sa akin o kay Dominic man lang.

"Nagagalit lang ako dahil nagawa niyang magsinungaling sa atin para lang magkaroon sila ng private moment ni Abby," he then replied before mumbling.

"Dapat sinabi na lang niya sa atin."

Pagkatapos noon, agad kaming nanahimik. Walang ni isa sa amin ang gumawa ng ingay at halos usapan ng iba ang naririnig namin.

Some of them were even clashing their glasses toward each other and some were just chatting it out as they took some spoonful after and stopping for a moment.

Tiningnan ko si Adrian, nagdadalawang isip pa ako kung tatanungin ko pa siya tungkol kay Nadine.

Alam kong sinabi na ni Dominic na siya nga iyon pero hindi lang talaga ako makapaniwala na siya pa iyong mag uutos.

Kilala ko si Adrian na pupwede niyang kausapin o gantihan si Nadine nang pisikal. Pero, hindi katulad ng ganito na halos masira ang status ni Nadine sa lahat.

"A-Adrian...ikaw nga ba iyong nag-utos kay Dominic na i-hack iyong mga phones at i-delete iyong videos?"

Ramdam ko talaga iyong kaba nang binigyan niya ako nang seryosong tingin, hindi na siya ngumingiti at halatang ayaw na itong pag-usapan pa. Pero, sumagot pa rin siya sa akin.

"Oo, bakit?"

"I just want to say thank you."

Doon biglang nag-react si Dominic. He widened his eyes and even had his mouth open --- not believing what I said. Nagulat na lang ako nang hinawakan niya ako sa balikat at sumimangot.

"Teka, ba't sa kanya? Dapat sa akin."

"Wala naman 'tong ginawa kundi umupo at utusan ako," dagdag pa niya bago itinuro si Adrian, na ngayo'y mukhang naiinip na dahil natagalan si Lawrence sa kanilang mga pagkain.

"Ako na nga iyong nag-hack, ako pa iyong---" I then cut him off by smiling.

Alam ko na hindi siya titigil kaya agad ko siyang sinundan, tinapik pa ang balikat para mapapunta sa akin ang atensyon niya habang nagrereklamo.

"Thank you rin, Dom."

He then nodded it off, looked away as he rubbed the back of his head. "You're welcome."

"Pero...iniisip ko rin na parang nakasama pa ata 'yon." He then rested his chin on his hands as Adrian's gaze went back to question him.

"Bakit naman? Mas mabuti nga na ginawa ko 'yon."

"Dahil sa ginawa mo, Adrian. Baka lalo lang magalit si Nadine sa kanya."

"Gusto mo bang masira ang pangalan ni Abby sa Cezanne High? Alam mong kilala si Nadine."

Halos mapatayo na si Adrian sa kanyang kinauupuan. Mabuti na lang ay hinila ko iyong kanyang kamay kaya nakita niya iyong reaksyon ko. Umiling iling ako.

Please don't make a commotion. That's what I tried to tell him.

Nakinig naman siya.

Inayos lang niya ang upo niya at lumingon lingon para tingnan kung may mga nakakita sa kanya. Thankfully, most of them were too busy.

Making sure that his voice wasn't too loud, he debated with Dominic. "Look, we're here for her. Nandito ako. Diamond. The actual protector."

"Anong silbi ko kung hindi ko siya proprotektahan?" saad niya bago dinuro duro si Dominic. Hindi naman nakaimik si Dom habang nagsasalita siya.

"Ikaw. Hindi mo rin ba gagawin iyon para sa kanya?"

Ilang segundo ang lumipas, huminga nang malalim si Dominic. Alam kong nahihirapan siya ngayong makipagtalo kay Adrian dahil lahat ng sinasabi niya, may sagot si Adrian na hindi niya kaagad nalulusutan.

Hesitating a bit, he then asked, "Bakit hindi na lang natin kinausap si Nadine?"

"At magmukha tayong t-nga dahil magmamakaawa tayo sa kanya na huwag idamay si Abby?" Tumawang bigla si Adrian bago nagseryoso at kumunot ang noo.

"Mas maganda na hayaan mo na lang siya magdusa."

"Kapag siniraan niya si Abby, isa isa kong sisirain ang mga pìnaghirapan niya," paliwanag niya habang narinig ko iyong boses ni Lawrence na malapit nang bumalik.

"Make up tutorials. Vlogs. Anything that includes social media." Adrian then crossed his arms as he scoffed at Dominic --- who was now looking at the table with no comment at all.

"Maghirap siya nang walang tinatapakang iba."

And finally, Lawrence came back. Thewaiter behind him was holding two trays and he then helped him set the plates on the table --- along with the meals that Dominic and Adrian probably liked.

Noong makita niyang tahimik ang dalawa, hindi siya nagdalawang isip na magtanong, "Anong pinag-uusapan ninyo?"

Unang nagsalita sa kanya si Dominic pero hindi niya sinagot ang tanong nito. "Laws, kanina pa akong gutom. Grabe. Tapos, itetext mo ako na hindi tuloy."

Lawrence rolled his eyes before pushing one of the plates towards him. Knowing that Adrian was too furious to answer, I was the one who replied back to Laws.

"Pinag uusapan lang namin iyong tungkol kay Nadine."

Agad na kumunot ang noo niya sa akin. "Tapos?"

"Well, I think it's fair," sumingit naman si Adrian sa usapan. Pansin ko na alam na kaagad ni Lawrence kung ano ang binanggit ni Adrian na 'fair' kaya inilagay na niyang lahat ang pagkain sa lamesa at hinarap siya.

"It's uncalled for."

The tension in the air grew. Biglang lumamig at halos hindi na naging maganda ang tingin ng dalawa sa isa't isa.

Kitang kita ko na ikinuyom na ni Adrian ang kanyang mga kamay habang sinamaan lang siya ni Lawrence ng tingin nang umupo siya sa bakanteng upuan --- sa harapan ko.

"Huwag mong sabihin na makikipagtalo ka rin sa akin," malamig na tugon ni Adrian sa kanya. I could hear Lawrence clicking his tongue before answering.

"Mali ang ginawa mo. Kayang kaya kong patunayan 'yon. Even if it means correcting you in every possible way until you give up."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro