Kabanata LI: Dinner Date: Part Two
A B B Y
HIS EYES WERE STARING INTENTLY AT ME.
Kitang kita ko na interesado siya na makita ang reaksyon ko sa loob ng kusina nila. To be honest, I didn't expect to see a lot of people looking at me with wide eyes --- some were confused and some were just surprised to see me there.
Maybe it was all part of Lawrence's plan. Pero, bakit naman niya ako papupuntahin dito?
Mayroon ba siyang gustong sabihin sa akin sa harap ng mga kasama niya o gusto lang niya ako mailayo sa mga tao sa labas?
Kahit alinman sa mga ito ang pakay niya, hindi pa rin ako pabor dahil bumibilis ang tibok ng puso ko at mas lalo lang ako nanlalambot.
Hindi ko alam kung paano magsasalita sa oras na iyon. Ramdam ko ang kaba noong mayroon lumapit sa akin na babae, nakangiti sa akin bago niya hinarap si Lawrence.
"Is this your girlfriend, chef?" Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. Teka, hindi ba niya alam na kaibigan lang ako ni Lawrence? Hindi naman siguro ako girlfriend material para masabihan din ng ganoon.
"Kaibigang babae? Oo," sagot naman niya bago nagtaka nang ilang segundo, biglaang naghalukipkip.
"Anyway, shouldn't you be preparing for table 24's orders? I heard there were complaining about the---"
"I'm on it, chef. You can count on me," aniya bago tumingin sa akin saka umalis. Grabe naman ata iyon.
Unang pasok ko pa lang dito tapos iyon kaagad ang unang sasabihin niya tungkol sa akin.
Bakit? May gusto kaya siya kay Lawrence kaya iyon kaagad ang tanong niya?
Lawrence probably noticed that I was very uncomfortable about the question so he puts his hand on my shoulder to calm me down. "Don't worry too much. She was just curious. She never saw me with a girl before."
"Ah, gano'n ba? Akala ko may gusto siya sa'yo," punto ko sa kanya habang tinaasan lang niya ako ng kilay.
Umiling iling, agad siyang naglakad palayo sa akin at dali daling nag utos sa mga kasama.
Ramdam ko iyong init sa loob ng kusina. Halos lahat sila'y abalang abala sa pagluluto --- may mga naghihiwa ng mga gulay, nakahawak sa kawali at ang iba naman sa kanila ay nag-aayos ng mga order ng mga customer na nakasulat sa isang malilit na pads na ibinigay ng waiter.
When Lawrence had finally faced the kitchen counter, he rolled up his sleeves and then took hold of the frying pan --- looking at me afterwards. He then made sure to heat it up before asking me a question.
"Tell me what you want to eat."
Napaisip akong bigla. Five star restaurant ito kaya ano nga ba ang pupwede kong kunin? Siyempre, dapat aangkop sa kanilang menu.
Nahihiya kong sinabi ito kay Lawrence kaya nanatili siyang walang imik nang ilang segundo.
"Then, how about you let me decide? This restaurant mostly provide seafood so I'll try to look for some other cuisine to serve you," paliwanag ni Laws sa akin bago ngumiti.
"I know that you're not a fan of it much. So just...pick a table outside and I'll be right with you."
Tumango na lang ako at agad na lumabas. Natuwa naman ako na natandaan pa rin iyon ni Lawrence. He really remembers small details on people that he
Inakala ko na hihintayin ako ng mga tao sa labas at handa na sila na ipahiya ulit ako.
Luckily, they're not looking at me anymore. Instead, most of them were now drinking their wine, eating their food, and too busy chatting.
Nakahinga na ako nang malalim noon.
Buti na lang na hindi ko na proproblemahin iyong mga tingin nila sa akin. I really felt so little earlier when they had tried to pull me down with that certain comment.
Noong tiningnan ko iyong nagsabi sa akin no'n kanina, nagulat ako nang nakatitig pa rin siya sa akin.
Don't tell me that she's still going to judge me.
Inakala ko na aalisin na niya ito kapag nakaupo na ako roon malapit sa bintana para malayo layo sa kanya pero hindi talaga niya ako tinantanan.
Sinunod pa rin niya ang kanyang mga mata sa akin kahit umiwas na ako ng tingin.
Ano ba kasing kailangan niya?
Ilang minuto ang lumipas, naisipan kong itext si Dominic at balewalain iyong babae. Nakasave na rin naman iyong number niya sa akin dahil sa daming kalokohan na ginagawa niya noong sinubukan niyang malaman ito noong unang pagkakakilala ko sa kanya.
Kaso, noong sinubukan ko itong isend, agad akong nagulat nang dumating si Lawrence at ipinatong kaagad ang pagkain naming dalawa sa lamesa.
Itinago ko na lang bigla ang cellphone ko nang sinubukan niyang silipin kung sino ang kausap ko.
Aba, tsismoso.
Kitang kita ko na gusto talaga niya malaman kaya agad akong nagpasalamat sa kanya para mawala lang iyony atensyon niya rito. "Salamat nga pala. I really appreciate everything that you do."
"No, thank you. For coming here, actually."
Ito ang sinabi niya sa akin habang inikot ko ang mga mata ko sa paligid. I hope the other two would come at this second.
Actually, Lawrence prepared two dishes for me --- chicken fried steak with milk gravy and of course, grilled strip steak with compound butter and french fries on side.
Siguro inisip niya na mas mabuti kung may iba pang pamimilian kasi isang spaghetti naman ang kasama rito. He spoiled me with food, that's what happened.
At dahil hindi na rin ako makapaghintay sa dalawa, naisip ko na magtanong mismo kay Lawrence. Mas maganda siguro kung nandito rin sila, 'di ba?
"Nga pala, nasaan sina Dominic?" tanong ko kaagad habang natigilan naman siya. Hawak na niya ang kanyang tinidor ngunit ibinaba lang niya ito sa harapan niya.
"They're not coming."
"Ha? A-Anong ibig sabihin mo?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Instead of actually answering me with a straight face, I got confused when he gave me a smirk. Something's going on and I really want to know what it is.
"I told them that I need a private moment with you. I want to ask you some things."
Nakasimangot, hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong sa kanya, "You're not thinking this is a date, right? You know, just a friend thing."
My eyes squinted at him as he gave me a playful shrug but still had that mischievous look in his eyes and smile.
"Maybe. Maybe not."
"What?" Nagtaka ako nang uminom kaagad siya ng alak sa kanyang baso at agad itong tiningnan. Now, he became actually serious, his lips curling into a straight line.
"What would your reaction be if I told you that I consider this a date?"
Agad akong natulala. Si Lawrence pa ba ang kinakausap ko? Napakurap ako at nag-isip isip.
Alam ko naman sa sarili ko na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko rin naman siya nakakausap masyado.
"Well for starters, I'd think that you're joking---" he then cuts me off by putting the wine glass back on th table and rest his chin on his hand, looking straight to my eyes with an interested look.
"Paano kung hindi ako nagloloko? Paano kung sabihin ko sa'yo na date ito para sa'kin?" mabagal pero madiin niyang tinanong sa akin kaya napalunok akong bigla.
Teka, totoo ba ito?
Bago pa man ako makapagsalita, agad siyang tumawa. "Kidding. I know that you're not that kind of girl."
"Anong ibig mong sabihin?" Nakataas na ang kilay ko sa kanya. Lawrence Wayne, the new CEO of the Lexus Corporation, now knows how to crack a joke right in front of me.
Nakakagulat lang.
"You're hard to get. And I'm happy that you are," pinaliwanag niya sa akin bago hinayaan na niya ako kumain.
Kinuha ang tinidor, mas inuna ko pa iyong spaghetti kaysa sa steak. Save the best for last, I guess.
"Dominic and Adrian told me they wouldn't be coming because of some unexpected schedules," aniya bago nagpatuloy.
"Inisip namin na kumain dito kasi kahapon ay binigay na sa akin ang restaurant na 'to. Ako na ang may-ari nito."
Ah, kaya pala. Dahil din sa nangyari sa kanilang dalawa ng ama niya, magandang pangyayari ito para sa kanya kasi magkakaroon pa rin siya ng kita.
"Is that why---" He finally nods, not even letting me complete my sentence.
"Yes. And you actually thought it was a date," he then teased me as my cheeks flushed red. Bakit ko pa kasi nasabi sabi iyon? Ayan tuloy, napahiya ako.
"Now I'm embarrassed."
"Don't be. Ako lang 'to."
Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. "Congratulations by the way. That's great news."
"Thanks." Noticing that I had started without him, he chuckled. "O siya, kakain na rin ako---"
Nagulat na lang ako nang may kumatok sa labas ng salamin. Sabay kaming tumingin ni Lawrence at agad nanlaki ang mata ko nang makita iyong dalawa. It was Adrian and Dominic.
Kitang kita ko si Adrian na masama ang tingin kay Lawrence --- halos patayin na niya habang nakatayo sa labas. Hindi siya nakangiti kaya alam ko na kaagad na wala siya sa mood.
Si Dominic naman, nakatingin sa pagkain namin habang nakahawak sa tiyan at tila pinakikita na gutom na rin siya. Agad naman niya ito tinanggal at kinawayan ako nang makita niya akong nakain.
Hearing a sigh coming from Lawrence, he then stood from his chair. "Looks like this date would have to finish early than I thought it would."
"Huwag mo na akong lokohin, please," sinabi ko sa kanya habang tumawa lang siya nang saglit. Halata sa kanyang mga mata na hindi niya ito palalampasin.
Pero pagkatalikod pa lang niya, narinig ko ulit siyang nagsalita.
"Actually, I don't really mind you calling it a date. I quite like this. You and me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro