Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata II: Mr.Wayne?

A B B Y

"Mr.Wayne, you're late," sinabi ni sir habang nakatingin sa lalaki. Si Wayne naman, nakaseryoso lang ang mukha, hindi man lang natatakot sa professor namin. He just looked directly at him before looking a bit over on our direction, not moving an inch. His hands were still on his pockets as he moves his glance around before stopping at my spot.

Who does he think he is? Sino ba siya para hindi matakot kay sir? I mean, first day pa lang ng school, hindi na kaagad siya natakot na pagalitan ni sir. And wait, bakit siya nakatingin sa akin? Kilala kaya ako nito? Hindi ko naman siya kilala.

"Sorry Sir Fern. It won't happen again," seryosong sagot ng lalaki habang inalis niya 'yong tingin niya sa akin at inayos 'yong strap ng bag niya. Si sir naman, kumunot lang ang noo bago napailing sa kanya.

"Be happy that it's just the first day, Mr. Wayne. I'm not so forgiving for the following days that comes after. Kilala mo ako," sinabi ni Sir Fern sabay turo sa empty seat sa aking kanan. Tumango na lang si Lance sabay pumunta sa kanyang upuan.

Noong palapit siya nang palapit, kitang kita ko yung features niya. Sure ako na natalo kaagad niya 'yong porma at kagwapuhan ng kuya ko. Brownish ng konti 'yong buhok niya tapos naka-salamin. No, hindi siya yung nerdish type na panget ang itsura. Siya 'yong tipong lalaking magugustuhan mo kaagad sa unang tingin pa lang.

Unfortunately, hindi ko siya type. Kaklase ko kasi. Hindi ako nagkakagusto sa mga kaklase ko o taga ibang section man.

At may isa pang problema. Para siyang si kuya. Kahit anong tingin mo or basa mo sa mga expressions niya, hindi mo talaga malalaman kung anong iniisip niya. One more thing, nakaseryosong mukha siya. Kahit kausapin mo siya or i-try na patawanin, sure akong hindi siya tatawa.

Just like my brother, indeed.

"Tapos ka na?" tanong sa akin ng lalaki habang nakatitig sa akin pabalik. Nakataas ang kilay niya sa akin na tila nagtataka. Nagulat akong bigla sabay tumingin sa harapan at nakinig kay sir. Pero of course, I still had the feeling that I was being watched.

"What's your name?" malamig na tanong niya sa akin habang napakurap ako. Waig, is he asking me? He just sat there, waiting for my answer. Noong nalaman ko na ako talaga yung kinakausap niya, namula 'yong pisngi ko.

"I'm sorry?" tanong ko sabay tingin sa kanya. Kitang kita ko 'yong pag-roll ng eyes niya sa akin kaso sinubukan na itago ito sa pag-aayos niya ng salamin niya.

"Sabi ko, anong pangalan mo?" tanong niya ulit. This time, may pagmaamo ang tono ng kanyang boses sa akin.

Napangiti na lamang ako bago sumagot, "I'm Abby Guevarra. Ikaw?"

"Lance Wayne," tugon niya sabay tingin ulit kay sir. Bumalik ulit 'yong tingin ko sa lecture para at least hindi ako mapagalitan ni sir kapag nakita niya akong nakikipagdaldalan.

Wait, parang familiar sa akin yung pangalan niya. Kaso, hindi ko na tanda kung saan ko narinig yung name niya. Probably someone famous or something.

Pagkatapos mag-lecture ni sir for about one hour and thirty minutes, nag-ring 'yong bell. Rinig ko na kaagad 'yong mga tuwa ng mga classmates ko noong umalis. Tumayo kaagad ako sabay kuha ng bag ko, sinakbit kaagad sa likod ko.

Bago pa ako makaalis, isang kamay ang humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita si Lance na nasa kanan ko. Kitang kita ko na curious siya kung saan ako pupunta kaya hindi na muna ako umalis.

Nakalipas ang ilang minuto, tinanong ko siya. "Um, may kailangan ka ba?"

"Anong sunod mong class?" tiningnan ko kaagad yung schedule ko sabay sumagot.

"Algebra," sagot ko sabay ngiti. Hindi naman siya ngumiti kundi tumango lang. Kahit serious siya palagi, hindi ko talaga magawang magalit sa kanya or mairita dahil tango lang yung sinagot niya sa akin.

Sabay kaming umalis tapos naglakad sa hallway. Sakbit sakbit pa rin yung bag ko, nakita ko na kaagad si kuya na nakikipag-usap sa dalawang lalaki.

Bago ko pa sila malapitan, hinila kaagad ako ni Lance sabay pinatungo ako sa pamamagitan ng pag-akbay niya sa akin. Noong nakalampas na kami kina kuya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong nangyari? Kakausapin ko pa naman si Kuya Ace tapos bigla mo akong pinatungo. Anong natripan mo at inakbayan mo pa ako, ha?" tanong ko sa kanya, galit na galit dahil hindi niya ako hinayaan na makipag-usap kay kuya.

"Ayaw ko lang makita ka nung mga lalaking kausap nung kuya mo. Kilala ko sila. Just be thankful na hindi ka nila nakita," sagot ni Lance sabay hila hila ako sa next class namin.

Be thankful? Bakit naman?

Hindi ko na lang pinansin yung remark niya tapos sinundan ko siya pagpasok. Bago pa ako pumasok ng room, nakakita ako ng poster sa bulletin.

Nilapitan ko ito tapos tiningnan.

Journalism (2:00 pm - 6:00 pm)

How to enter:

1.) Pass your entry to Ms. Jade accordingly. (News Writing, Feature Writing, Sports, Photojournalism, etc.)

2.) Wait for your confirmation.

3.) If accepted, you are welcome to attend the club at 2:00 pm - 6:00 pm.

Wait, mayroon journalism dito? Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Bumalik naman sa aking tabi si Lance sabay tiningnan din sa poster. Siguro napansin niya na hindi pa ako napasok ng room.

"Sasali ka?" tanong niya sa akin habang nakataas yung kanyang kilay. Tumango naman ako sabay sunod sa kanya sa loob ng room. Kitang kita ko yung mga tingin nila sa akin ng ilang segundo bago sila bumalik sa pagku-kwentuhan.

"Ikaw? Sasali ka sa Journalism?" tanong ko kay Lance habang nilagay ko yung bag ko sa isang empty seat. Nakita ko naman siyang umiling sabay upo sa tabi ko.

"Ayaw ko. Nando'n kasi si kuya," sagot niya sa akin sabay tungo nang magaling. Tatanungin ko sana yung pangalan nung kuya niya kaso nagulat ako noong bumukas ang pinto.

Isang lalaking naka-blue na shirt ang nasa may pintuan, nakatingin sa loob ng classroom namin. Hindi man lang nawala yung malamig niyang tingin na tila nananakot sa mga estudyante. Kahit hindi ito palangiti, malakas pa rin ang dating nito sa mga babae. 

Dark brown ang buhok nito at halatang maayos na sinuklay. Malamig ang titig at halatang hindi siya mahilig makipagbiruan. Nakasalamin ngunit halata na wala itong grado. Iniikot niya yung tingin niya sa ibang mga estudyante bago siya nagtanong. Malalim ng kaunti ang kanyang boses at malamig na malamig ang pagkakasalita nito.

"Nasaan ang kapatid ko?" tanong nung lalaki habang itinuro nung mga tao si Lance. Yung pagkakasabay sabay nila ay tila parang praktisado na nila ito. Tiningnan kong maigi yung lalaki at napansin na may hawig siya kay Lance pero mas suplado pa ang dating.

Nakita ko kaagad si Lance sa tabi ko na parang nagdadalawang isip kung lalapitan niya yung lalaki pero sa huli, tumayo siya at pumunta doon. May ibinigay naman na notebook yung lalaki sabay isang pitik ang ibinigay niya kay Lance sa noo.

Bumalik kaagad si Lance, iritang irita dahil nasaktan siya doon sa ginawa nung nag-excuse sa kanya.

"Kapatid mo 'yon?" tanong ko sa kanya habang tawang tawa doon sa masamang tingin na kanyang ibinigay nang umalis yung lalaki. Tumango naman siya bago niya ako sinagot.

"Oo. Siya rin yung makakasama mo sa journalism kung 'yon ang itinatanong mo sa sarili mo." napakurap naman ako nang marinig ko iyon. Kakayanin ko kayang makisama sa isang supladong, malamig na sumagot na lalaki? I'm not really sure if I should talk to him.

"Mukhang suplado," iminungkahi ko sa kanya habang tumango ulit si Lance at nag-agree. Hindi na siya nagdalawang isip na sumang-ayon sa akin. "Parang mas suplado pa sa'yo."

"Sadyang suplado naman siya. Mas mahirap din maging kaibigan. The guy's a total robot." nag-sigh naman siya habang napangiti na lang ako sa sinabi niya. If only he knew. Tumingin naman sa akin si Lance at nagtaka sa ekspresyon ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya habang napailing na lamang ako bago ko siya sinagot.

"Do'n ka din naman nagmana."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro