Kabanata I: Cezanne High
A B B Y
Nakakatakot pa lang mag-wish sa isang taong hindi mo sure kung totoo. Isang matchmaker known for his capability to set people's destiny for love. That one descendant who fulfill his goals by pairing people. To be precise, si Cupid.
Of course, inakala ko na isa akong ordinaryong tao na mapa-pair up sa iisang lalaki. 'Yong tipong tamaan ka lang ng isang pana ni kupido ay mahahanap mo na kaagad 'yong iyong ka-match. But of course, something felt wrong. Parang feeling ko hindi ako pinapansin ni Cupid.
Nandito ako ngayon, nakaupo sa loob ng sasakyan habang ipinark ni Kuya yung Honda Civic niya sa parking space sa labas ng school. Masyadong maraming kotse ang nakaparada sa unahan ng school kaya umikot pa kami para makahanap lang ng magandang spot. Tumingin sa labas ng kotse niya, nakita ko 'yong malaking university na papasukan ko ngayon.
Cezanne High.
You know, fun fact sa place na ito, hindi siya yung ordinaryong university na parang normal aral aral lang o gimik gimik. Ito 'yong bukod tanging school na napakalawak at open sa mga foreign languages. 'Yong tipong school na ikaw mismo ang pipili ng languages na gusto mong kunin at ipagpalit sa mga classes mo.
Sa masyado kong pagkahanga sa school, hindi ko namalayan na hindi ko pa nabubuksan 'yong pinto. Noong tumingin akong pabalik kay kuya, kitang kita ko yung pagkainip niya noong hindi pa ako nababa sa kotse niya.
Halata naman sa kanyang mukha na kanina pa siyang naghihintay.
"Ano? Tutunganga ka na lang ba diyan? Abby, get your head out of the clouds! Nandito na tayo," sinabi niya sabay bukas ng pinto niya. Tiningnan ko siya sabay ngumuso. Why so suplado kuya? Hindi ka naman ganyan kanina.
Yes, kuya ko lang naman 'yong nagpa-snap ng aking daydreaming session at pagkahanga sa school. Ito naman kasi si kuya, hindi naniniwala kay Kupido. Everytime na nag-iimagine ako ng isang scenario na totoo si kupido, he leaves! Ang iniisip lang talaga niya ay 'yong mga theories na wala talagang Cupid sa mundo. Para siyang anti-cupid robot dito sa mundo.
Nang mapansin niya ang ekspresyon ko, binigyan niya ako ng masamang tingin. Nakita ko naman ito kaya bumaba na ako at sinarado naman ni kuya 'yong pinto bago lumakad sa likod. Kinuha niya 'yong bag naming dalawa bago niya ini-lock 'yong mga pinto.
"Kuya Ace naman, madami akong iniisip. Alam mo naman na totoo si kupido. Kaya nga maraming couple sa mundo," sinabi ko habang hindi niya ako pinansin, dala dala niya yung bag namin sa iisang balikat lamang. Malakas din pala ang kuya ko. Napangiti na lang ako nang hindi siya umiimik at hindi man lang nagreklamo sa pagdadala ng bag ko.
"Wow, gentleman siya. For the first time. Sana naman magtagal." Nginitian ko kaagad siya habang napangisi siya sa sagot ko. Ngunit kitang kita ko naman 'yong pagkainip sa mga mata niya bago siya nagsalita. I could hear the unfazed tone as he spoke.
"Ayaw ko lang sadya ng babaeng mabagal maglakad dahil sa kaka-daydream niya kay Kupido. Nakakairitang hintayin," sinabi niya sabay inunahan ako papunta sa loob. Ako naman, napatigil lang sa kinatatayuan ko.
Excuse me? Totoo kaya si Cupid. I just rolled my eyes before following him, my footsteps making a click sound as I walk on the hard tiles.
"Wow, napaka-optimistic mo talaga ngayong araw na ito kuya. Good vibes ka talaga ngayong umaga," sagot ko sa kanya sabay roll ng eyes ko ulit. Akala ko sweet na. Iyon naman pala, sadyang sarcastic. Ngumiti naman ito nang nakakaloko sa akin bago sumagot. Rinig na rinig ko 'yong pagngisi niya sa akin.
"Thanks." Pagkatapos no'n, iniwan na lang niya ulit ako sa ere. Napatigil akong bigla nang makita ko siyang pumasok sa loob ng school, tinulak niya 'yong malaking pinto gamit ang isa niyang kamay. Are you kidding me?
Napasimangot kaagad ako sabay tumakbo paloob, hindi ko pinapansin ang tingin nila sa akin noong hinahabol ko si kuya. Inunahan naman kaagad niya ako papunta sa principal's office habang ako naman, nagulat. Hindi man lang niya pinagbuksan ako ng pinto. Let alone ship's captain, kumbaga.
Tumakbo na nga ako tapos ako pa yung nahuli? Siguro ito rin yung reason kung bakit walang mahanap si Cupid na mai-pair sa kanya. Mahilig kasi siya mang-iwan.
What nerve he has to ditch me! Grabe siya. Iniwan niya lang ako dito sa hallway. Kapatid niya ako kaso hindi niya ako tinatrato ng ganoon. Well, I was matured enough anyway. Since matanda na naman ako, hindi ko na lang ito pinansin at sumunod na lang ako, kumatok agad sa principal's office. Nakarinig naman ako ng 'Come in' kaya binuksan ko kaagad ito.
Isang lalaking nasa 30's ang ngumiti sa akin habang kitang kita ko si kuya na nagsusulat sa isang printed paper na puno ng sulat na hindi ko agad nabasa. Nakasuot siya ng long sleeves at mukhang hindi pa matanda. Nginitian ko lang pabalik yung principal at tumingin kay kuya.
"Ms. Guevarra, good to see you. Your brother was just finishing up some details so you both shall be good to go," sinabi ng principal habang kitang kita ko na natapos na rin si kuya na magsulat. Ibinigay na niya 'yong paper sa principal habang hinintay niyang matapos itong basahin kung tama ang ginawa niya. Nakita ko bigla 'yong name nung principal sa kanyang I.D. na nakapin sa kanyang polo.
Gregorio Reyes
"Well, here are your schedules. Welcome to Cezanne High, both of you," bati niya sa amin sabay ngiti. Binigyan naman namin siya ng isang genuine smile at tango bago umalis. Parehas kaming naglakad sa hallway habang kitang kita namin yung mga estudyante na nakatingin sa amin. Well, mostly kay kuya nakatingin.
I'm going to be honest, cute ang kuya ko. Kahit anong balak kong i-deny 'yon, alam ko pa rin sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako kapag sinabi kong hindi siya gwapo. Kahit anong sarcastic niya or pagka-snob niya sa babae, I'm not going to deny that he's absolutely a charmer.
Ako naman, total opposite niya. Naka-glasses ako tapos palaging naka-bun yung buhok ko. Highlight the word, mostly. 'Yong aura ko, hindi masyadong friendly. Seryoso and sarcastic ako pero outgoing sa mga tunay na kaibigan ko. Para akong naka-format na computer, if you know what I mean.
Si kuya naman, nakatirik 'yong buhok niya tapos naka-gel din. 'Yong jawline perpektong perpekto tapos kapag nagsmirk siya, sigurado akong mahihimatay yung mga babae sa kanya. But himala naman nilang makita 'yon. Palagi kasi siyang nakaseryoso na parang may killer side kumbaga.
'Yong akala mo perpektong lalaki na mabait at charmer siya pagdating sa mga babae pero ang totoo, hindi pala. Kapag may nalapit sa kanyang babae, he said and I quote, "Lumayo layo ka sa akin. Stay the hell away from my sight."
Ganyan si Kuya Ace.
"Ano nanaman ang pinag-iisip mo diyan Abby? Kupido ba nanaman?" tanong niya sa akin, naka-poker face along the way. m Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay umiling. Hindi naman puro kupido ang nasa utak ko 'no? Marami pa naman itong laman bukod sa Cupid stuff.
"Grabe naman 'to. Iniisip ko lang naman kung bakit ka masyadong distant sa mga babae. I mean, magaganda naman sila. Why not be like the other guys na naghahanap ng girlfriend?" sagot ko habang umakyat kami sa hagdan at hinanap ni kuya 'yong kanyang first class. Noong nakita niya kaagad ito, pumasok na si kuya at tumigil sa may pintuan. Lumingon naman kaagad sa akin si kuya sabay binigyan ako ng seryosong tingin.
"Alam mo naman kung bakit ako nagiging distant. 'Wag mo nang ulit ulitin yung tanong na 'yon, Abby. Alam mong ayaw kong maging kagaya ni Dad." sinabi niya, binigay 'yong schedule ko sabay upo niya sa mga empty seats. Inayos ko naman 'yong strap ng bag ko bago ako nagpaalam. Lumakad naman kaagad ako pabalik at bumaba sa hagdan.
Oh right, si dad.
Let's just say na hindi sadyang maganda 'yong ginawa ni dad. Sabihin na lang natin na ayaw talaga ni Ace na makagaya niya si dad sa ginawa niyang pagkakamali. 'Yong tipong pagkakamali na ayaw na ayaw tularan ni kuya dahil masyado itong nakaapekto sa buhay namin.
Naglakad ako sa malawak na hallway, kitang kita ko na may mga babaeng nagtipon tipon sa kaliwa ko. Bakit, may namatay ba? May famous ba na nahimatay? Hindi ko na lang ito pinansin at tiningnan ko 'yong schedule ko. Nakita ko naman kaagad 'yong first subject ko sa unahan at bigla akong nag-cheer sa utak.
Literature, my favorite subject of all time.
Nakailang lakad ako, tinitingnan 'yong bawat classroom para makita ko yung aking first na klase. Noong nakita ko na ito, binuksan ko 'yong pinto sabay nakita ko kaagad yung mga soon-to-be classmates ko na nakatingin kaagad sa akin. Yung teacher naman, nakasmile sa akin.
"Welcome. I assume that you're Ms. Guevarra, right? You're just in time," sinabi ni sir habang tumango naman ako. Ang formal naman nilang magsalita. Grabe, para akong matutunaw dito.
Nakita kong bigla 'yong suot ng teacher ko habang nakangiti siya sa akin. Nasa mga 30 to 40 yung age niya based doon sa pananamit niya. Hindi naman siya pandak pero katamtaman lang 'yong height. Mas matangkad pa nga siya. Suot suot niya'y blue na long sleeves na teacher's uniform habang nakapantalon siya na black. Iyong buhok niya'y gulo gulo nang kaunti pero hindi naman 'yong gulo na nakakairita.
"Everyone, this is Miss Abby Guevarra. I expect you all to be in your best behavior and welcome her." Kita ko yung mga ngiti nila sa akin. Iyong iba naman, nakatingin lang sa akin ng seryoso. Wow, napakaganda naman ng greetings nila sa akin. Wala man lang 'hi' or 'hello' mula sa kanila.
What a warm welcome, indeed.
"All I want to say is that, I'm Abby Guevarra and I'm not your typical nerd in school. I don't want anyone of you to think that I'm that cliché girl in books. No, I fight back," sinabi ko, nakangiti. Actually, hindi ko sure kung totoo o peke 'yong ngiti ko sa kanila. Kinakabahan kasi ako every first day of school.
Nagulat naman ako nang may nagsalita bigla, "We know you're not, Abby. Judging by your speech, I think you'll cope well here in Cezanne."
Ngumiti naman 'yong ibang mga classmates ko habang 'yong iba, hindi na nawala iyong ekspresyon. So ano, magtitinginan lang tayo ng ganyan?
Tumango naman si sir sabay tumuro sa isang empty seat katabi ng isang babae. Noong tiningnan ko siya, nakita ko siyang nag-iisketch sa kanyang sketchpad. Naka-ponytail siya tapos yung buhok niya, kulot.
Ngumiti naman ako sa professor namin at pumunta naman ako sa upuan ko at sabay upo dito. Kitang kita ko na nakatingin sa akin yung babae kaya tumingin ako pabalik sa kanya.
"Hi?" sabi ko sa kanya, patanong nga lang. Nagsmile siya sa akin sabay nag-wave ng hello bago tumingin ulit kay sir.
Bago pa makapagstart si sir sa first lecture, biglang bumukas yung pinto. Isang lalaking naka-blue na bag ang pumasok, nakatingin kay sir sabay sa amin. 'Yong buhok niya'y gulo gulo ng konti pero hindi pa rin ito naging sagabal para mawala yung style niya. Noong nakita niya ako at nakipag-eye contact siya sa akin, binalik ulit niya yung tingin kay sir. Napahinga na lang si sir ng malalim sabay napatungo.
"Mr. Wayne, you're late."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro