Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

"Saan mo dadalhin iyang gitara mo, anak?" tanong sa akin ni Nanay.

Nililinis ko ang gitara kong ilang taon na sa akin. Hindi ko ito pinapalitan dahil ako mismo ang bumili nito noong nanalo ako sa singing contest, bata pa lang ako noon.

Pero ngayon, tatlong taon na itong nakaupo na lang rito sa kwarto ko. Hindi na nahawakan. Puno na ng alikabok.

"Isasama ko po sa pa-raffle doon sa Sagittarion, Nay," sagot ko kay Nanay.

"Aba'y bakit naman, anak? Iyan lang ang nag-iisa mong gitara. Bakit mo naman e-do-donate sa pa-raffle?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako habang tinitigan ang puting gitara.

"Ayoko po kasi na masira na lang ito at tumanda nang hindi nagagamit, Nay. Kaya mas mabuti na iyong e-donate ko siya, para kahit papaano, makuha ng iba at magamit nila," sagot ko.

"Eh, paano kung hindi nila alagaan iyan?" tanong ni Nanay.

Pinapakonsensiya niya talaga ako, eh.

"Ibebenta naman nila ito kapag hindi nila gusto, Nay, eh. Sure ako," wika ko.

"Eh, bakit hindi mo na lang ibenta?" tanong niya.

Umiling ako. Hinaplos ko ang gitara na ngayon ay sobrang linis na. Parang bago pa rin.

"Ayokong ako ang magbenta, Nay. Ayokong pagkakitaan ko siya. Parang... pinagpalit ko lang siya sa pera kung ganoon. Kaya bahala na iyong iba kung sila ang magbenta, basta ako, ayoko," wika ko.

Bumuntong-hininga si Nanay. "Oh siya. Ikaw ang bahala. Basta ako, sinubukan kitang pigilan. Dahil alam ko kung gaano kahalaga sayo niyang gitara mo."

Ngumiti ako sa kanya. "Opo, Nay. Salamat po."

"Siya, siya, sa kusina lang ako," wika ni Nanay saka lumabas na ng kwarto ko.

Bumuntong-hininga ako saka tinitigan ang gitara ko. Ma-mi-miss ko ito pero mas mabuti na iyong nagagamit siya ng maayos. Ayokong masira lang siya rito sa kwarto ko buong buhay niya gayong pwede pa naman siyang gamitin. Lalo pa at parang nawalan na ako ng ganang gamitin ito.

"Savi? Savino?" rinig kong tawag sa akin ni Kuya Santi.

"Oh?" sagot ko habang pinupunasan ang gitara.

"Andito na ang pinagawa mong chocolates kay Ree," wika niya.

Pumasok siya sa kwarto ko. May bitbit siyang tatlong box ng chocolate.

Tumingin siya sa gitara ko na hawak ko. "Oh, anong gagawin mo diyan?" tanong niya.

"E-do-donate ko," sagot ko. "Magkano ba iyang tatlong box, Kuya?" tanong ko.

Tumayo ako saka lumapit sa desk ko para kunin ang wallet ko.

"900 ang isang box," sagot ni Kuya.

Kumuha ako ng 900 pesos sa wallet ko. Tapos ay inabot ko sa kanya.

"Pakisabi kay Ree na thank you. Baka umulit pa ako dahil bibigyan ko rin ang mga empleyado ko," wika ko saka tinanggap ang tatlong box.

Tumango siya. "Oo. Sasabihan ko lang siya. Alis na ako, punta pa ako sa trabaho."

Tumango ako. "Sige. Ingat, Kuya."

Tumango siya saka lumabas na ng kwarto.

Nilapag ko ang puting box ng mga chocolate sa kama ko. Katabi nito ang gitara ko.

Napatingin ako rito. Iyong isang box para kina Saki at Six. Iyong isa, akin. Iyong isa...

Napaisip ako. "E-donate ko na lang din. Tutal fiesta naman iyon," bulong ko.

Kaya matapos kong ihanda ang mga e-do-donate ko sa raffle, agad na akong nagpaalam kay Nanay. Sumakay ako sa itim kong raptor saka bumiyahe patungo sa Sagittarion.

"Ang ganda pa nitong gitara na ito, ah? Sigurado kang e-do-donate mo ito, Sir Savino?" tanong ni Kapitana sa akin.

Tumango ako saka ngumiti. "Yes po, Kap. Hindi na rin kasi nagagamit iyan sa bahay kaya, e-donate ko na lang po para bukas."

Tumango siya. "Oh siya. Salamat rito."

Kinabukasan ay nagsimula na nga na mag-ingay ang mga taga-Sagittarion. Fiesta na. Simula na ng kaguluhan.

I love it when there are fiestas or festivals. I am a photographer so I go out a lot whenever there are fiestas to take photos. Marami akong na-f-feature sa social media pages ko kapag ganitong okasyon.

Samu't saring mga laruan at pagkain ang binebenta sa tabi ng kalsada. Puno ang Sagittarion ng mga tao, lalo pa't kahit maliit lang ito, maganda naman ang lugar. Maraming pasyalan.

Lahat ng nadadaanan ko, kinukuhanan ko ng larawan.

Nang mapagod ako ay napatigil ako sa isang munting cafe. Matagal ko na itong nadadaanan pero hindi pa ako nakakapasok. Hindi ko alam kung bakit wala rin akong planong pumasok.

Siguro dahil kapag ganitong klaseng tindahan, tiyak akong mahal ang bilihin.

Pero dahil fiesta naman, gusto kong maiba naman.

I took some photos of the outside of the cafe. Tapos ay pumasok na ako. Rinig ko pa ang pagtunog ng chime sa pinto.

Napatingin ako sa paligid ko pagpasok. Ang daming tao. Kahit sa labas may mga tao rin. Hindi ko alam na dinudumog pala ang cafe na ito.

Maganda ang paligid. Pinaghalong vintage at modern. Parang bahay lang namin.

Napangiti ako saka agad na kinuhanan ng larawan bawat nagugustuhan ng mata ko.

Tapos ay nakuha ng pansin ko ang mini-karaoke sa gilid. Nakabukas ito pero walang kumakanta. Kaya lumapit ako agad doon.

Matagal-tagal na rin simula nang kumanta ako. Since may okasyon naman ngayon, bakit hindi ko subukan ulit?

Kinuha ko ang karaoke book, tsaka binuksan ito. Agad akong naghanap ng kanta tapos pinindot doon.

Tapos agad na nagsimula ang musika.

"You know I want you
It's not a secret I try to hide..."

Tuwang-tuwa naman ako. Nakaka-miss pala na kumanta.

Ramdam kong habang kumakanta ako, may mga flashes ng camera sa likod ko. Sigurado akong maraming nanonood sa akin.

Well, I can not blame them.

Ako na ito, eh.

Nang matapos akong kumanta ay agad na akong tumayo para umalis. Napangiti ako nang makitang may kumukuha pa rin ng video sa akin. Siguro iyong iba kilala ako na kumakanta dati.

Pero agad na rin akong lumabas ng cafe. Hindi man lang ako bumili dahil mukhang mahal ang mga bilihin nila.

Kalaunan, naka-receive ako ng text galing sa secretary kong si Zamara.

Zamara

Sir, magsisimula na po ang raffle. Punta ka na po rito para makanood ka po.

Agad naman akong nagmamadaling sumakay sa raptor ko. Pumunta ako sa gymnasium saka nakipagsiksikan sa mga tao doon.

"Here's our third raffle draw for today," wika ng MC. "There will still be second and 1st raffle draws, so watch out!"

Humalukipkip ako saka nanood. Ang ibibigay na prize sa third raffle draw ay ang gitara ko, pati na ang tsokolate.

Lumapit ang MC sa kay kapitana. May bitbit siyang puting box na naglalaman ng mga pangalan.

"Si Kapitana ang bubunot para sure na wagi kayo sa puso niya," biro ng MC na kinatawa naman ng lahat. "Okay, Kapitana, let's start the raffle draw!"

Agad na bumunot si Kapitana. Tapos ay binigay sa MC.

"Alright, so here's our winner for the third raffle draw!" sabi ng MC. "Our winner is..."

I could hear the sound of the drums rumbling inside the gymnasium.

"Miss Inniah Feej Teatreko! Congratulations!" wika ng MC.

And there goes the new owner of my guitar.

Tipid akong ngumiti. Hindi ko na hinintay pa na umakyat ang nanalo, agad ko nang naisipang lumabas.

"Sir Savino? Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang raffle, ah. Baka manalo ka," wika ni Zamara sa akin.

Nginitian ko siya. "If I win, just take my prize. I have something else to do."

Nagliwanag ang mga mata niya. "Talaga po, Sir?! Okay dokey!"

Agad na akong lumabas ng gym. Muli akong naglakad-lakad sa kalye para manguha ng litrato.

Nang dumating ang hapon, naisipan kong pumunta sa botanical garden. Maganda doon kapag gabi dahil sa mga mumunting street lights.

Ipinarada ko ang raptor ko sa tabi ng daan. Bumaba ako ng sasakyan.

Agad akong naglakad sa daan paakyat nang may biglang bumangga sa akin.

Napasinghap ako. Rinig ko rin ang pagsinghap niya.

"Aray!" tili niya nang bumagsak siya.

Nanlaki ang mga mata ko sa taranta.

"Hala, ang gitara!" tili niya saka mabilis na tumayo.

Agad na sinuri niya ang gitara. Wala man lang planong lingunin ako na binangga niya.

"Miss? Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Saka lang siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin.

Napatigil ako habang nakatitig sa mga mata niya at sa maamo niyang mukha. Para akong nalulunod sa klase ng tingin niya. Sobrang inosente.

Nang hindi pa rin siya magsalita, kumaway ako sa harap ng mukha niya. "Miss, are you okay?" tanong ko.

Kumurap siya ng ilang beses. "Yes, thank you. And sorry."

At ang lambing ng boses niya.

"May masakit ba--"

Hindi na natapos ang itatanong ko sa kanya nang agad siyang tumayo at nagtatakbo paalis. Bitbit niya ang gitara-- teka, gitara?

Napakurap ako nang makilala ang gitarang bitbit niya.

"Gitara ko iyon, ah," sabi ko. Napailing na lang ako. "Alagaan niya sana iyong gitara ko," bulong ko.

Akmang magpapatuloy na ako paakyat sa botanical garden nang may naapakan ako. Agad akong nagbaba ng tingin dito. Kuminang ito nang mailawan.

Pinulot ko ito at na-realize na isa itong kwentas.

Agad akong napalingon. Sigurado akong sa binibini ito.

Mabilis akong tumakbo ulit pababa para hanapin siya. Pero ilang metro na ang tinakbo ko, hindi ko na siya naabutan.

Ilang araw ang lumipas ay hindi ko na nga nahanap iyong babaeng nakaiwan ng kwentas niya. Gusto ko siyang mahanap para maisauli ko na itong kwentas niya. Baka mawala ko pa.

Isang araw ay napadaan akong muli sa cafe kung saan ako last na kumanta. Hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin na pumasok at bumili ng kape kahit gabing-gabi na. Pakiramdam ko ay wala na nga sigurong customer rito.

Binuksan ko ang pinto para pumasok. Tumunog ang chime sa pagpasok ko.

Natagpuan ko ang dalawang binibining nasa loob ng counter. Ang isa na kulot ang buhok ay nakatingin na sa akin, samantalang ang isa ay nakayuko pa rin.

Tumingin ako sa paligid. Tama nga ako, wala nang customers. Ano ba naman ang pumasok sa isip ko kasi?

Lumapit ako sa counter. "Can I order a macha cake and a dark coffee, Miss?"

Nakatingin lang sa akin ang babaeng kulot ang buhok. Samantalang ang isang babaeng mestiza ay saka lang nag-angat ng tingin sa akin.

Nang mag-angat siya ng tingin ay napatigil ako.

She is the owner of the necklace. And the new owner of my guitar.

Gaya ko ay mukha rin siyang gulat. Nakatitig lang ang magaganda niyang mga mata sa akin.

"Uh... Miss?" Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya.

Napakurap siya ng ilang beses. Tipid akong napangiti.

Ang cute niya.

"Uh... I-I'm sorry, we're closing," sagot niya sa akin.

Ayan na naman ang malambing niyang boses.

"Ah, ganoon ba? Open pa iyong nakalagay doon sa pinto, ah," sagot ko sabay turo sa pinto.

Pero mali naman talaga na nandito ako. Gabing-gabi na.

Kumurap siya sabay sulyap sa pinto na tinuro ko. "Uh... magsasara na kami ngayon lang," sabi niya.

Dahan-dahan akong tumango saka ngumiti.

"Uh... Pwede ka nang umalis," sabi niya na bahagya kong kinagulat.

H-Ha?

"Ha?" sabad naman ng kasama niya.

"H-Ha? A-Ang ibig kong sabihin, s-sarado na talaga kami. Hindi na kami tumatanggap ng customers! Sorry po!" sabi niya sa akin. Mukhang nagulat rin siya sa sinabi niya.

I can see how her cheeks reddened, making her look cuter.

Mahina akong natawa saka tumango. "Okay. Balik na lang ako bukas. Thank you, Miss."

At babalik talaga ako bukas.

Mabilis siyang tumango. "Y-Yes, Sir."

Natatawa at naiiling na lumabas na ako ng cafe. Nakapasok na lang ako sa loob ng raptor ko, nakarating na lang sa condo ko, hindi pa rin nawala ang ngiti ko.

Months passed and life has been busy. There are a lot of schedules coming after me, so I did not get the chance to go back to that cafe again. I was not able to give her back her necklace as well.

But unexpectedly, in a businessman's birthday celebration, we met again.

"And I just witnessed a crime," wika ko.

I am holding my camera in front of me. I just took a photo of the woman who was working at the cafe. Hindi ko alam kung bakit niya sinusubukang tumakas.

May ninakaw ba siya? Wait, magnanakaw siya?

Sabagay, sa inosente ba naman ng mukha niya, hindi siya mapagkakamalang magnanakaw. Kung ako ang pulis, palalabasin ko pa rin siya sa kulungan kahit may ebidensiya.

"S-Sino ka?" tanong niya sa akin.

Nanlalaki na naman ang inosente niyang mga mata.

Binaba ko ang camera. Ngumiti ako sa kanya. She narrowed her eyes to check my face.

"S-Sino ka sabi ko?" she asked again.

"Why are you trying to escape the party, Miss? May ninakaw ka, 'no?" tanong ko sa kanya.

"M-Me? No, ha! Hindi ako magnanakaw!" saad niya.

Her voice is in high pitch, but it sounds like a lullaby to me. Nalilito ako kung tinatakot niya ba ako, kasi kung tinatakot niya ako, palitan niya muna ang boses niya.

Napangisi ako habang pinakikinggan siya at pinapanood.

"Kung ganoon, sumama ka sa akin. Isasama kita sa birthday celebrant at nang mapatunayan mong hindi ka nagnakaw," sabi ko na lang.

Even though she is cute, I won't tolerate her stealing.

Mabilis siyang umiling sa akin. "Ayoko! I'm leaving the party." Sabay talikod sa akin. Inakma na naman niyang umakyat sa bakod.

Aba, ang tapang.

"Ipapakita ko ito sa birthday celebrant. Let's see if you're really not guilty of stealing something," sabi ko sa kanya.

I pursed my lips jokingly and turned my back at her.

"Hindi na kailangan! Anak niya ako! I am his daughter!" sabi niya sabay sunod sa akin.

Napangisi ako. Wala pala, eh.

I stopped walking and looked at her. I was not able to stop myself from looking at her eyes, to her pointed nose, and her pink lips.

She is really cute, innocent, and sweet.

"You look nothing like him," wika ko. "Nagsisinungaling ka, 'no? Para makatakas ka."

Eh, ikaw, Savino? Inaasar mo, 'no? Para humaba ang usapan?

Bulong ng kabilang banda ng isip ko.

"No, ha! Hindi. Totoong anak niya ako!" giit niya pa.

"Hindi totoong anak ka niya?" Ngisi ko.

"I don't care kung ayaw mong maniwala, just don't tell dad," sabi niya.

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. "Ayoko. Sasabihin ko sa kanya."

Ngumisi ako saka tumalikod para asarin siya.

After so many years, I can't believe a woman is making me smile again. I just love it when her brows cross when annoyed. Especially when her cheeks reddened.

Pinapaganda niya ang araw ko.

Anong karapatan niya? Close ba kami? Bakit niya pinapaganda ang araw ko?

"Sinong hinahanap mo diyan?" bulong ko.

Sinusubukan na namang tumakas ni ganda. Saan na naman kaya ito pupunta? Palagi na lang niyang tinatakasan ang daddy niya.

Suminghap siya. Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ako. Sabay tulak sa mukha ko ng malakas.

"Aray!" singhap ko.

"B-Ba't ang lapit mo?" asik niya sa akin.

Bakit ang bango mo?

Napahawak ako sa mukha ko. "Ba't ka nandito? Tatakas ka na naman, 'no?" tanong ko sa kanya.

Mabilis siyang umiling. "No! M-May tinitingnan lang ako."

Sinong niloloko mo, Inniah Feej Teatreko?

"Sinong tinitingnan mo diyan?" tanong ko na lang saka humalukipkip.

Umiling siya sa akin. "Wala! M-May ano..."

"Ano?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Bahagya siyang ngumuso.

Kaunti na lang, pipisilin ko na iyang pisngi niya.

"W-Wala! I'm going," sabi niya sabay akmang aalis.

Ngumisi ako saka hinawakan ang camera ko. I immediately took a photo of her and I even made sure there is a flash to annoy her.

Humarap siya sa akin. Muli ko siyang kinuhanan.

Ano ka ngayon, Ms. Teatreko?

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.

Ngumisi ako sa kanya. "May maipapakita na naman ako sa Daddy mo nito. Sinusubukan mo na namang tumakas."

I do not know what is going on, all I know is that wherever I go, Inniah is there. Pinaglalaruan yata kaming dalawa. Hindi kami tinitigilan, eh. Nababaliw na ako. Kasi kapag nakikita ko siya, natutuwa ako.

Gaya ngayon, nandito ako sa botanical garden para manguha ng larawan. Pero ang naabutan ko ay si Inniah na nakikipag-usap sa hangin.

"Nababaliw na ba siya?" bulong ko habang nakapamaywang at pinapanood siya mula sa kinaroroonan ko.

Tumitingala pa siya sa langit. Tapos tumitingin ulit sa baba.

"Ayos lang ba siya? Parang hindi na yata maganda ang kalagayan niya," bulong ko.

Alagaan ko na ba?

"Bye, Inniah!" wika ko sa kanya nang tumakbo siya paalis.

Nakangising namulsa ako. Tumingin ako sa inuupuan niya. Napatigil ako nang mapansing may notebook na puti doon.

"Tingnan mo itong babaeng ito. Ang daming talent. From talking to the air to forgetfulness. Tsk," wika ko.

Agad akong naglakad doon saka pinulot. Binuksan ko ito. May mga nakasulat dito. Nang basahin ko, to-do-list ang nakalagay.

"She's got a lotta things to do," bulong ko.

Days later, I gave back her necklace together with the bucket list. And since I am curious as to why she needs a bucket list, I decided to help her with it.

But also with a reason that I want to stay a bit-- just a bit closer to her. I want to spend some time with her and to know her better.

That was the initial plan.

Help her with her bucket list. Take a lot of photos of her. Print all of the photos taken, and put it in an album so I could give it to her once she is done with her bucket list.

And I don't know why I love seeing her photos. She radiates happiness on me.

But as day passes, things went crazy.

Or am I the one who went crazy for her?

Yes, I did.

Habang patagal nang patagal, palalim nang palalim rin ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing nakakatapos siya ng isang list sa listahan niya, ako ang pinakamasaya. Because whenever she looks happier, I am the happiest.

Sobrang saya palagi ng araw ko kapag kasama ko siya. To the point na hindi ko na napipigilan ang bibig kong banggitin siya sa pamilya ko.

"Dadalhin ko siya rito. Makikita niyo," hamon ko sa kanila.

Nasa hapag-kainan kami ngayon, kumakain ng hapunan. Ang magaling kong Kuya, ayaw maniwala na may girlfriend ako. Kaya patutunayan sa kanya.

Ngumisi siya sa akin. "Ay sus! Ano ba ang pangalan niyan, ha? Bakit ang confident mo naman yata?" tanong ni Kuya.

"Kasi totoo naman talagang may girlfriend ako!" asik ko.

"Oh sige nga, ano ang pangalan, Kuya?" tanong ni Saki sa akin.

"Inniah. Inniah Feej Teatreko," sagot ko sabay subo sa pagkain.

Namilog ang bibig ni Saki at ni Kuya. Nagtinginan pa silang dalawa. Samantalang walang reaksiyon ang bunso naming si Six at si Nanay.

Kami na lang kasing tatlo ang matino sa pamilyang ito.

"Whoa! Pangalan pa lang sweet na. Pangalan pa lang halatang hindi ka na papatulan, Savino," wika ni Kuya sabay hagalpak ng tawa.

Inirapan ko siya. "Hindi ko nga rin alam kung bakit ka pinatulan ni Ree, eh. Mukhang nagkamali lang siya ng pili."

Nawala ang ngisi niya saka sinamaan ako ng tingin. "Sasabihin ko sa asawa ko na huwag nang mag-bake ng chocolate para sayo, ha? Tarantado ka, eh."

Ngumisi ako pabalik. "Edi go. Tingnan natin kung hindi ka mababatukan no'n."

"Pero seryoso, Kuya Savi? May girlfriend ka na talaga? Magdadala ka na ng babae rito sa bahay? For the first time?!" bulalas ni Saki. "Nay, oh! Si Kuya Savi makakapagdala na ng girlfriend rito sa bahay!"

"Shh! Ang ingay-ingay, Saki. Kumain ka ng maayos," kalmadong sabi ni Nanay.

Hindi lang doon tumigil ang lahat. Dahil paulit-ulit ko na talaga siyang binabanggit sa pamilya ko. Minsan pa ay tinitingnan nila ang mga larawan ni Inniah sa camera ko.

"Whoa! Ang inosente naman nito, Savino! Bakit ka pinatulan nito?" tanong ni Kuya Santi sa akin.

Hawak niya ang camera ko. Magkatabi silang dalawa ni Saki. Pati si Nanay ay nakikisilip na rin.

Ngumisi ako. "Inosente rin naman ako, ah."

"Ha?!" bulalas ni Saki sabay tawa. Nagtawanan silang dalawa ni Kuya sabay high-five.

"Feeling ko imagination mo lang ito lahat, Savino. Feeling ko nababaliw ka lang," wika ni Kuya Santi habang nakatingin sa camera.

"Manahimik ka na nga, Santino. Akin na nga ang camera at nang matingnan ko ng maayos," wika ni Nanay saka inagaw mula kay Kuya ang camera.

Noong una, hindi ko alam kung bakit sobrang saya niya sa tuwing nakakatapos ng isang list. Hindi ko alam kung bakit palagi siyang tumatakas sa daddy niya, kung bakit ayaw niyang sabihin. Gusto ko siyang tanungin, pero pakiramdam ko, wala akong karapatan na alamin ang tungkol doon.

Pero noong unang nakita ko siyang sumisigaw at umiiyak sa sakit ng ulo niya. Nabaliw ako.

"Sweet lily? What's wrong?" tanong ko sa kanya.

Nagtataka ako. Kinakabahan rin.

Suminghap siya. Sapo-sapo niya ang ulo niya. Nakapikit siya.

"A-Aray ko! A-Ang ulo ko!" tili niya.

I could feel my heart racing. Nag-aalala ako. Agad ko siyang hinawakan sa kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok niya kaya agad kong pinigilan ang kamay niya.

"Inniah, stop it. What's wrong? Tell me? What hurts?" tanong ko.

Nanginginig ang mga kamay ko at ang katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang problema. Ang alam ko lang, masakit ang ulo niya.

"S-Savi, ang ulo ko! S-Si daddy, t-tawagan mo, S-Savi--ah! Aray ko!" she cried.

I don't know what to do. Mabilis ko na lang siya na niyakap ng mahigpit. Sinapo ko ang ulo niya saka paulit-ulit na hinalikan ang ulo niya.

"Inniah, ano ba ang nangyayari? Anong nangyayari sa ulo mo? Nasaan ang masakit?" tanong ko.

Pumiyok pa ang boses dahil sa pag-aalala. Nanlalabo ang paningin ko at sumasakit ang lalamunan ko.

"A-Ang ulo ko..."

Pero mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko nang bigla siyang nawalan ng malay sa braso ko.

"S-Sweet lily?" bulong ko sa pangalan niya.

Hindi na siya kumikibo.

"I-Inniah?" tawag ko ulit sa kanya.

Hindi pa rin siya kumibo.

Dahan-dahan kong tiningnan ang mukha niya. Wala na siyang malay sa mga braso ko. Namumutla siya. Puno ng luha ang mga pisngi niya.

Mabilis kong hinanap ang cellphone niya. Mabuti na lang at dala niya pala ito.

Nanginginig ang mga kamay na hinanap ko sa contacts niya ang pangalan ng Ate o ng Daddy niya. Mabuti na lang at walang password ang cellphone niya kaya mabilis kong natawagan ang Daddy niya.

"Hello, anak?" sagot ni Sir Isaac sa kabilang linya.

Nanlalamig ang buong katawan ko. "H-Hello, Sir?"

Agad kong sinugod sa hospital si Inniah kung saan sinabi ng Daddy niya. Pagdating sa hospital ay agad siyang dinala sa emergency room. Halos ayokong bitawan ang kamay niya pero kailangan.

Napasapo ako sa buhok ko saka napasabunot. "Oh God..."

"Where's my daughter?!"

Napalingon ako nang dumadundong ang boses ni Sir Isaac. Nakasunod sa kanya ang panganay niyang anak, si Ms. Renee.

"S-Sir--"

Mabilis niya akong kwinelyuhan. "Where is my daughter, Savino?! What the hell happened to my daughter?! And what did you do to her?!"

"Dad! Dad, stop!" Pinigilan ni Ms. Renee ang Daddy niya.

"Tell me what did you do to my daughter, asshole?!" asik niya sa akin.

Umiling ako. "I-I'll explain, Sir--"

"Ako ang magpapaliwanag, Dad! Bitawan mo si Savino. Alam ko lahat. Please?" wika ni Ms. Renee.

Nilingon niya si Ms. Renee pero hindi niya pa rin ako binibitawan. "What do you mean, Vevica Renee?"

Naluluhang nagpaliwanag si Ms. Renee sa Daddy niya. And thankfully, her Dad let me go. But he told me to go away and leave.

Nasaktan ako kasi ayokong umalis. Gusto kong malaman ang nangyayari kay Inniah. Gusto kong manatili sa tabi niya.

"I'm sorry, Savino," wika ni Ms. Renee sa akin.

Nasa labas kami ngayon ng hospital. Nasa garahe kami. Hinatid niya ako rito matapos niyang magpaliwanag sa Daddy niya.

Parehas kaming walang lakas ngayon dahil sa nangyari.

"What is going on, Ms. Renee? At least tell me what's going on before I leave. Please," wika ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Malungkot ang mga mata niya. Bahagya pang namumula ang mga mata niya dahil sa pag-iyak niya kanina.

"First, I want to apologize for keeping this to you. Akala ko sinabi na Niah sayo ang tungkol rito. Ngayon ko lang din nalaman na hindi mo pala alam. So, I want to apologize," wika niya. "But I understand my sister. Sigurado akong may rason siya kung bakit hindi niya sinabi."

"Ang alin?" tanong ko.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "She has a brain tumor. Grade III. Kaya sumasakit ang ulo niya dahil symptom ito ng tumor. She has it since she was a kid. Hindi nawala hanggang ngayon. Pabalik-balik lang."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Brain tumor?

No wonder Inniah made a whole damn bucket list!

Siguro iniisip niya na... malapit na siyang mawala. Kaya siya gumawa ng bucket list.

Nanlalanta na umuwi ako ng bahay matapos ang gabi na iyon. Dumeretso ako sa bahay namin sa El de Hera.

Pagdating ko sa bahay, pinagbuksan ako ni Nanay ng pinto.

"Anak? May problema ba?" tanong niya agad sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong yumakap sa kanya kasabay ang pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"N-Nay..." bulong ko.

"Anong nangyayari? Bakit?" tanong ni Nanay sa akin. Hinahaplos niya ang likod ko.

"S-Si Inniah, Nay..." bulong ko habang humihikbi.

"Oh, bakit? May nangyari ba? Naghiwalay ba kayo? Nag-away? Anong nangyari?" tanong niya.

Umiling ako. "M-May sakit siya, Nay, eh. M-May brain tumor siya. H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Nay. Hindi niya sinabi sa akin. Pero wala rin naman akong karapatan magtanong."

Hindi nakapagsalita si Nanay. Hinaplos nang hinaplos niya lang ang likod ko.

Hindi natapos lahat doon. Oo nga at alam ko nang may tumor sa utak si Inniah, pero pakiramdam ko parang mas maganda na hindi ko alam. Kasi ngayong alam ko na, pakiramdam ko bawat segundo na hindi ko siya kasama ay malaking na oras na nasayang.

Wala akong oras na dapat sinasayang.

Halos ayoko nang magtrabaho. Gusto ko kasama ko lang siya palagi.

"Uhm... Sir Savino, hindi ka na naman papasok?" tanong sa akin ni Zamara.

Nag-aayos na ako ng desk ko. Maagang-maaga pa. May kinuha lang ako rito sa studio ko saglit tapos aalis rin agad.

"Ah, oo. Hindi ako papasok," sabi ko sabay ngiti kay Zamara.

Akmang lalabas na ako nang pigilan niya ako. "Bakit po, Sir? Ang dami nating kliyente ngayon, Sir. Alam mo po ba?"

Bumuntong-hininga ako saka tumango. "Oo, alam ko, Zam. Is it alright if you take care of all of them for now? I just really have something important to do. I'm really sorry."

"Pero, Sir--"

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil mabilis na akong tumakbo palabas ng studio. Sumakay ako agad sa raptor ko at pumunta kay Niah sa bahay nila.

Mag-z-zipline siya ngayon. Alam ko dahil iyon ang nakasulat sa bucket list niya.

Noong una, masaya kaming dalawa patungo sa El de Hera. Pero nang makarating na kami doon, biglang gumuho na naman ang mundo ko.

Lalo na noong sinabi niya sa akin na...

"Noong two years old ako, saka pa lang naging ready ang katawan ni Mommy para sa operasyon. Kaya nagpa-opera siya kahit pa grade IV na ang tumor niya. She was so courageous and strong, but her body wasn't strong enough. After sa operasyon, she was found brain dead," sabi niya.

Natahimik ako.

Brain dead.

As I look at my sweet lily, I can't help but feel sad for her. She has gone through so much. From losing her mother when she was still a baby, and now suffering a brain tumor since she was a child.

How could this be worse?

"And you know what's funny, Savi? Parehas ng location ang tumor namin ni Mommy. Parehas ng symptoms," sabi niya.

Hindi ako makagalaw.

Pinaglalaruan ba kami ng mundo? Pinaglalaruan ba siya? Pinaglalaruan ba ako?

Inniah is such a sweet and kind woman. Bakit niya nararanasan ito?

And I have never tried taking risk again for years not until Inniah came. I am willing to do everything for her and give anything for her. And yet, this is happening to her.

May ilalala pa ba ito?

"Tulungan mo akong tapusin agad ang bucket list ko, Savi. Para kapag nagpa-opera na ako, I will have no regrets at all. Kahit ano man ang mangyari sa akin," she said, smiling widely at me.

How could she smile that wide towards me, while I feel like dying?

"Savi, it's time to go," bulong niya sa akin.

Hawak-hawak ko ang kamay niya. Nakahiga siya sa hospital bed. Nakasuot ng hospital gown.

Suot niya ay isang matamis na ngiti.

I can't speak. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya. Nanginginig ang buong katawan ko.

Ayokong tumayo. Ayoko siyang bitawan.

B-Baka kapag binitawan ko siya, hindi ko na siya mahahawakan pang muli.

"Hijo, you have to let her go," bulong sa akin ng Daddy niya. Hinawakan niya ang balikat niya.

Nag-aalinlangan man pero marahan kong binitawan ang kamay niya. Pinatayo ang Daddy niya.

Matamis na ngumiti sa akin si Inniah. Pero hindi ko siya magawang ngitian pabalik.

Nananakit ang lalamunan ko. Nanlalabo ang paningin. Nanghihina.

Nakasunod lang kaming tatlo ng Daddy niya at Ate niya habang pinapasok siya sa operating room. Hanggang sa isinara na nga ang pinto doon.

Kasabay ang pagbagsak ko sa sahig at ang paghagulhol ko.

Tinatawag ang Diyos. Nagmamakaawa sa kanya.

"You can't fix anything if you will just keep on staying silent, Nov. I'm not into relationships but based on what I noticed, you should approach her and talk to her," wika ng anak kong so Tovin.

Kausap niya ang kambal niya. Nasa backyard kami ng cafe ng Mommy nila. Tumatambay lang.

Nakaharap ako sa laptop ko at tinitingnan ang mga larawang kuha ko doon. I am also trying to edit some photos.

Samantalang itong dalawa ay iba ang problema.

"Paano ko nga siya kakausapin, Tov, eh, nangangagat nga!" sagot naman ni Novem.

"Edi, kawawa ka naman. If you're not man enough and can't handle her attitude, just break up with her. Easy," kalmadong saad ni Tovin.

They are already nineteen. Ang bilis nga naman talaga ng panahon.

"Who's gonna break up who?" biglang sabad ng asawa ko.

May hawak siyang walis at dustpan. Nagwawalis siya sa garden niya rito sa cafe. Inaayos na naman niya ang mga halaman niya.

"Talk to Novem, Mom. Ayaw na lang kasi makipaghiwalay. That's the easiest solution to your problem," sabi ni Tovin.

"And does that make you a man, Tovin Pascual?" tanong ng asawa ko gamit ang malambing niyang boses.

Marahas na bumuntong-hininga si Tovin. "Mom, this isn't about me. This is about your other son."

"Yes, I know, anak. But whatever comes out of your mouth defines who you are. And to tell you right now, I don't want you to be what is coming out of your mouth, anak," malambot ang boses na sabi ng asawa ko.

My lips lifted into a soft smile.

Noon pa man, bilib na ako sa klase ng parenting ng asawa ko. She has the softest voice in the world. Hindi ko siya narinig na sinigawan ang mga anak namin sa tuwing dinidisiplina niya.

She is a good example that in disciplining a child, there is no need to shout.

Bumuntong-hininga si Tovin. "Sorry, Mom. I just voiced out."

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ng anak namin. "Of course, you should be sorry. Your mother is a woman too. We are very hard to understand. But just because we are difficult, doesn't mean the only solution is to break up with us, or hurt us. Pwede naman na mag-usap, diba? You can talk it out."

"Iyan ang sinabi ko kanina kay Novem, Mom. Ayaw makinig, eh," bawi naman agad ni Tovin.

My wife chuckled. "Of course, you did. You are a smart boy." Nilingon niya ang isa pang anak na malalim ang iniisip. "And you, Novem. If you have a problem with your girlfriend, talk to her in person."

Napatingin si Novem sa kanya. "Mommy, nangangagat nga kasi siya. Maldita." Magkasalubong ang kilay niya.

My sweet lily chuckled. "Well, not to discourage you but that is your problem, anak. You chose her in the very first place. So, you better know how to soften her. Find that soft spot of hers. And then talk."

"Soft spot," bulong ni Novem. "Tigasin iyon, eh."

I chuckled. Pinulot ko ang camera kong nakalapag sa tabi ng laptop ko.

Binuksan ko ito. Tumayo ako saka sumunod sa asawa kong busy sa pagwawalis.

Ngumiti ako. Tinutok ko ang camera sa kanya. Binuksan ang flash, tapos ay kinuhanan siya ng larawan.

Mabilis siyang lumingon sa akin saka malawak na ngumiti.

"Cause' all of the small things that you do
Are what remind me why I fell for you..." mahina kong kanta sa kanya.

She chuckled. "Savi, nagwawalis ako. Huwag mo akong pini-picture-ran habang nagwawalis. Baka haggard ako tingnan."

"And when we're apart and I'm missing you
I close my eyes and all I see is you..." kanta saka binaba ang camera at lumapit sa kanya.

Nakabukas ang mga braso ko. Nginitian ko siya.

Ngumiti siya sa akin. She then walked towards me and hugged my waist as I hugged her tight in my arms.

"And the small things you do..." kanta ko.

She chuckled. "Anong nangyayari sayo?" tanong niya saka tiningala ako.

I smiled and gave her a peck on her lips.

"Nothing, sweet lily. I just realized how lucky I am to have you," sabi ko. "And today is the anniversary of the day you had your surgery, sweet lily. Don't you remember?"

Suminghap siya. Namilog ang mga mata saka tumango. "Oo nga, 'no? I almost forgot. Ang dami kasing laman ng isip ko."

I smiled. I held her head softly and kissed her forehead. "Well, as long as you're fine now. I love you, my sweet lily."

She smiled back. "I love you too, Savi."

And who would have thought?

The unexpected love that happened because of a white guitar, a chocolate, a necklace, and a whole damn bucket list, would actually last longer than the printed pictures on a frame.

Everything was captured in a photograph.

THE END

...

Hello! Hello!

This is Thorned_heartu again. Once again, thank you for being here from the start up until the end. Your reads made me keep on writing this book. So, thank you for motivating me.

I hope all of us will keep on believing God no matter how hard life will be just like what Niah did. Nothing is impossible when it comes to him.

May all of us have a good and better 2025! Love lots<3.

...

Next up! Sakivino and MNSCP <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro