30 | Escape the City
Happiness looks good on everyone. The smiles, the laughter, the giggles-- these are something all of us deserve. No matter how tough life is or no matter how heavy the problems are, one smile and it will take all of it away.
Happiness is not about the things you are able to purchase, or the countries you are able to go. It is about the person you are with as you purchase a thing, and as you visit a place.
Tama sila, ang kasiyahan, hindi iyan nabibili. Isang simpleng yakap lang, hindi na iyan mababayaran.
Pero paano pa magkakaroon ng kasiyahan, kung ang natatanging taong nagbibigay ligaya sayo ay hindi mo na mayayakap?
"Good morning, sweet lily!"
Malawak ang ngiting tumingin ako sa kakabukas lang na pinto ng cafe. Pumasok doon si Savi, gaya ng dati, may dala na naman siyang bouquet ng lilies. At may isang puting bilog na tingin ko ay pagkain ang laman.
Kinawayan ko siya. "Good morning, Savi! Ang aga mo naman!" sabi ko.
He chuckled.
It has been two days since I told my whole family that I am going to have a surgery. Matapos ang araw na iyon, bantay sarado ako nina Daddy at Ate. Pati si Ate ay hindi na muna bumalik sa trabaho. Gusto niyang naroroon siya kapag magpapa-opera na ako.
At bukas na ang operasyon.
Pero dahil matigas ang ulo ko, imbes na magpahinga at manatili na sa loob ng hospital, kinausap ko si Dr. Yssa na gusto ko munang lumabas. Pumayag naman siya.
Nang makalapit siya sa harap ng counter ay agad niyang nilapag ang bouquet sa harap ko.
"Pretty lilies for my sweet lily," wika niya. "And some chocolates for you." Sabay lapag ng bilugang lagayan.
Ngumiti ako. "Wow! Thank you, Savi! Bakit maypa-tsokolate ka na ngayon? Hindi ka naman ganyan dati?"
"Para bago naman," sagot niya sabay ngisi. "I always gave you bouquets of lily. Puno na nga ang cafe mo at ang bahay niyo. Kaya naisipan kong bilhan ka na rin ng chocolate."
Ngumuso ako. "Para ma-diabetes ako?" biro ko.
Nawala ang ngisi niya saka sinamaan ako ng tingin. "Ngayon lang naman iyan. Hindi ko naman aaraw-arawin. Tsk."
Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. "Thank you, Savi!"
Kinuha ko ang bilog na naglalaman ng chocolate. Malawak ang ngiting binuksan ko ito.
Bahagyang nag-freeze ang ngiti ko nang may maalala sa chocolate na nasa loob.
Tumingin ako kay Savi. "Saan mo nabili itong mga chocolate, Savi?" tanong ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Gawa iyan ng asawa ni Kuya. Exclusive iyan. She made that because I asked her to. I even told her what ingredient to put since I love eating chocolates. Why, sweet lily?"
Ilang beses akong napakurap. "You mean... wala ito sa ibang tindahan?"
Tumango siya. "Oo. Bakit?"
Napatigil ako.
The chocolates are the same with what I received when I won the raffle, together with the white guitar.
"Why, sweet lily? Is there something wrong with the chocolates?" tanong niya ng marahan sa akin.
Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. "Nothing, Savi. May naaalala lang ako. Thank you for this!"
Ngumiti siya pabalik sa akin. "So, are you ready for today?" tanong niya sa akin.
"Saan?" tanong ko.
"I already told you, right? We're going to El de Hera. I am going to introduce you to my family," sabi niya.
Napakurap ako saka napanguso.
Sinabi na nga niya sa akin ito. Pero kinakabahan pa ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi naman kami ni Savi.
Pero akala ng ibang tao, kami.
Hays! Bakit ba kasi hindi na lang sabihin ni Savi ang totoo sa kanila?
"What's with the pout, hm?" tanong niya na natatawa saka pinisil ang kaliwang pisngi ko.
"Kinakabahan ako, eh. Bakit ba kailangan mo pa akong ipakilala sa kanila?" wika ko.
Tumaas ang kilay niya. "We've already talked about this. You already agreed. Tsaka mabait ang Nanay ko. Tsaka nakilala mo na rin ang Kuya ko. I don't think there's gonna be a problem. Tsaka, kilala na ako ng pamilya mo kaya gusto kong makilala mo rin ang pamilya ko."
Napanguso ako saka marahang bumuntong-hininga. "Pero hindi ko mapigilang kabahan. Paano kung ayaw nila sa akin?"
Mahina siyang natawa. Muli niyang pinisil ang pisngi ko. "Ano naman ang hindi nila magugustuhan sayo? As far as I can remember, you are the sweetest and kindest person in the whole world, sweet lily. How would they not like you?"
Agad naman na nagkagulo ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ang dugo ko ay umakyat sa mga pisngi ko dahilan ng pamumula nito.
"Inuuto mo lang ako, eh. Para sumama ako," wika ko sa kanya.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Hindi, ah. I am being honest here, sweet lily. And I just really want you to come with me. I want you to finally meet my family. They are all waiting for you to come, sweet lily."
Napakurap ako. "Talaga? Naghihintay sila? Bakit? Sinabi mo ba sa kanila ang tungkol sa akin? Bakit mo naman sinabi?" sunod-sunod kong tanong.
He chuckled. Bahagya siyang naiiling sa dami ng tanong ko sa kanya.
"Marami, Inniah. Marami akong sinabi. Kaya naghihintay na sila sayo na pumunta sa bahay. Kaya punta na tayo ngayon. Please?" sabi niya sabay lapat pa ng dalawang palad niya sa harap niya.
Saglit ko siyang tinitigan. Tapos ay nakangusong nag-iwas ako ng tingin. Tapos ay muli ko siyang tiningnan.
He raised his brows at me. Lumawak lalo ang ngiti niya habang naghihintay ng sagot ko.
Marahas akong napabuntong-hininga. "Pero hindi pa ako nakapagbihis ng maayos," sabi ko.
"Yes!" he exclaimed and even punched the air.
Napangiti ako.
"Savi, tingnan mo ang suot ko! Ayos ba ito?" tanong ko sa kanya.
He smiled cheekily and did not even bother looking at my clothes.
"You are the prettiest with whatever you wear, sweet lily. Kaya halika na? Alis na tayo?" sabi niya.
Mahina akong natawa. "Sige na nga. Tara."
"Alrighty, sweet lily!" wika niya.
Agad kaming umalis ng cafe matapos kong magpaalam kay Yelena. Kabado ako habang nasa biyahe patungo sa El de Hera. Hindi ako mapakali.
Si Savino ay panay pakikipag-usap sa akin para libangin ako habang nasa biyahe. Sinasabi ko kasi sa kanya na kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin. Kaya siya naman ay kinakausap ako ng marahan, sinasabihan ako na huwag akong kabahan dahil magiging maayos lang ang lahat.
Kaya matapos ang ilang oras na biyahe, dumating na kami sa El de Hera. Specifically, in front of their house.
Namangha ako pagdating namin at pagtingin ko sa bahay nila. Their house is not as huge as ours but it looks really pretty. May halo itong vintage at modern. Ang bahay ay hindi maliit, hindi rin malaki, sakto lang para sa isang pamilya.
Ito ang klase ng bahay na gusto ko.
Pansin ko rin ang isang treehouse sa tabi ng bahay. May pahabang mesa rin sa baba ng kahoy. Pansin ko rin ang mga LED lights na nakasabit sa kahoy na tiyak kong maganda kapag dumidilim na.
Pansin ko rin ang isang itim na Ducati big bike sa garahe, katabi ang isang puti na kotse. Ipinarke rin ni Savi ang kanyang itim na raptor katabi ng mga ito.
"Let's go?" marahang tanong sa akin ni Savi nang patayin na niya ang engine niya.
Napasagap ako ng hangin tapos ay bumuga ng hangin. "Okay. Tara."
He chuckled. Inabot niya ang kamay ko saka pinisil ito ng marahan. "I am telling you, sweet lily. There is nothing to be scared of or nervous of. Mababait sila."
Marahan akong tumango kahit pa kabado ako. "Okay. Susubukan kong kumalma."
"Alright, let's go," aniya.
Sabay kaming lumabas ng sasakyan. Paglabas ko ay agad niya akong nilapitan. Hinawakan niya ang palad ko. He then intertwined our hands.
Naglakad kami papasok sa bahay nila. Nakabukas ang pinto kaya deretso lang kaming pumasok.
Pero pagpasok namin, unang bumungad sa amin ang isang chubby na baby girl. Nakaupo siya sa carpetted floor, naglalaro ng lego. Kaharap niya ay isang batang lalaki na tingin ko ay magbibinata na dahil matangkad na ito. May suot itong eyeglasses.
Sa mahabang pulang sofa naman, nakahiga ang isang walang pang-itaas na lalaki. Hindi ko masasabing bata siya, pero alam kong binata na ito. May hawak itong remote, nakataas ang isang braso na siyang ginawa niyang unan, at nakatingin sa TV.
Tapos ay nakarinig kami ng iyak ng isang bata.
"Shh... tahan na, anak ko. Andito na si Daddy. Andito si Daddy. Shh..." wika ng isang lalaki.
Tapos ay agad namang nasagot ang tanong ko sa isip ko, kung sino ang mga ito, nang lumabas mula sa kusina ang isang lalaki. Ang kuya ni Savi.
May bitbit siyang bata na chubby rin. Mukhang nakababatang kapatid ng batang nasa sahig.
Napatigil siya nang makita kaming dalawa ni Savi na nakatayo sa bungad ng pinto.
"Si Nanay nasaan?" tanong ni Savi.
Sabay-sabay na napatingin ang dalawang binata sa amin. Samantalang ang baby girl nila ay walang pakialam.
Napabangon ang binatang nasa sofa. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa amin.
Tapos ay unti-unti siyang ngumisi. "Nay! Nay! Si Kuya Savi nandito!" tawag niya sa Nanay niya gamit ang baritono niyang boses.
"Shh! Tumahimik ka nga, Saki! Kitang umiiyak itong pamangkin mo!" asik naman ni Kuya Santi rito.
Lumakas ang iyak ng anak niya. Kaya mabilis niya itong sinayaw-sayaw para patahanin.
"Oo, shh... shh... anak ko... tahan na..." kanta pa ni Kuya Santi.
"Nasa kusina si Nanay, Kuya," wika naman ng binatang naka-glasses, tapos ay muli siyang bumalik sa pakikipaglaro ng lego.
"Sixto, kunin mo nga muna ang baby bottle ni Thania doon sa kusina," utos ni Kuya Santi rito.
"Okay po," sagot nito. "Baby Phoemi, dito ka muna, ah. Huwag mong sirain, ah?" aniya tapos tumayo at pumasok sa kusina.
"Asan ba si Nanay, Kuya? Sabihin mo andito si Kuya Savi, may kasama," wika ni Saki.
"Andoon nga sa kusina! Puntahan mo," sagot ni Santi na magkasalubong ang kilay.
"Bakit ako? Masakit pa ang ulo ko," wika ni Saki saka mabilis na humiga ulit sa sofa.
Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Santi. "Tarantado ka talaga kahit kailan." Tumingin siya sa bungad ng kusina. "Nay! Nay! May mamamanhikan po rito!"
Napakurap ako.
M-Mamamanhikan?
"I'm sorry about them," bulong ni Savi sa akin. "Maingay talaga kami palagi."
Napakurap ako saka mabilis na tumango. "A-Ayos lang."
"Shh... anak, tulog na, tulog na," kanta ulit ni Kuya Santi sa anak niya.
Lumabas naman si Sixto galing sa kusina. May bitbit na siyang baby bottle. Binigay niya ito kay Kuya Santi na agad naman nitong tinanggap.
"Ito na, ito na," wika ni Kuya Santi sa anak sakapinadede ito. Agad naman na tumahan ang bata.
Si Sixto naman ay muling bumalik palapit sa kay baby Phoemi.
Samantalang si Saki ay nakangising nakatingin sa amin ni Savi.
"Hindi mo ba ipapakilala sa amin iyang kasama mo, Kuya? Mukhang kanina pa kayo nakatayo diyan, ah? Wala ka bang planong umupo? Hindi ka ba nahihiya sa kasama mo?" sunod-sunod niyang tanong.
Umani ito ng ngisi galing kay Kuya Santi. "Oo nga, Savino. Bakit walang-hiya ka? Wala kang galang? Ganyan ba tinatrato ang mga babae, ha? Bakit hindi mo iyan pinapaupo?"
"Nasaan nga kasi si Nanay?" tanong ni Savi sa mga ito.
"Kakasabi ko lang na nasa kusina, diba? Six, puntahan mo nga si Nanay," wika ni Kuya Santi.
Bumuntong-hininga si Sixto pero walang salitang tumayo naman. Agad siyang pumasok sa kusina.
"Pasensya ka na, hija, sa inaasal nitong pamilyang ito, ha? Mga wala kasi silang asal," wika ni Kuya Santi sa akin sabay ngiti ng sobrang tamis.
Napakurap ako. "A-Ah, ayos lang po."
"Kilala mo na ako, kaya ipapakilala ko na lang sayo ang mga kapatid ko. Ako na lang ang magpapakilala dahil mukhang walang plano iyang katabi mo," saad niya. "Itong ugok na ito na nakahiga, si Sakivino iyan. Itong baby na hawak ko, bunso ko, si Thania. Iyang baby naman na nasa sahig, panganay ko, si Phoemi. Tapos--"
"Ako po si Sixto Basaltta. Nice to meet you po, Ate," pagpuputol sa kanya ng kakalabas lang na si Sixto.
Tapos ay deretso siyang naglakad patungo kay Phoemi at muling nakipaglaro.
"Kita mo iyon?" wika ni Kuya Santi. "Pinutol ako. Hindi naman ako ganyan dati. Mabuti naman akong bata. Hindi ko alam kung saan nagmana silang lahat."
"Nagsisinungaling ka na naman, Kuya. Lagi na lang," wika ni Saki na nakangisi.
"Manahimik ka, ampon ka lang," wika naman ni Kuya Santi.
Rinig ko ang marahang buntong-hininga ni Savi. "Let's go to the kitchen, sweet lily. Walang matino rito," bulong niya sa akin.
Tapos ay hinila niya ako patungo sa pinto, papasok sa kusina.
"Anong walang matino, Savino? Narinig ko iyon, ah. Akala mo, ah," wika ni Kuya Santi.
"Hindi ako iyon," sagot naman ni Savi.
Agad kaming nakapasok sa kusina. Naabutan namin doon ang isang ginang na nagluluto ng tanghalian.
"Nay?" marahang tawag ni Savi sa kanya.
Agad itong lumingon sa amin. Ngumiti siya nang makita ang anak niya, tapos nang tumigil sa akin ang mata niya, napatigil siya. May mangha sa mga mata.
Lumapit si Savi saka nagmano sa kanya.
"Aba, sino itong binibining kasama mo, anak?" tanong niya saka matamis na ngumiti sa akin.
Ngumiti ako pabalik sa kabila ng kabado kong dibdib. Kinawayan ako ni Savi na lumapit kaya lumapit ako.
"Si Inniah Feej Teatreko po, Nay," sagot ni Savi saka malawak na ngumiti.
"Mano po," wika ko saka nagmano sa kanya.
"Aba'y, kaawaan ka ng Diyos," wika niya. "Ang ganda-ganda mo naman pala talaga, hija. Kaya pala bukambibig ka ng pangalawa ko."
Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. "T-Thank you po."
"Hindi lang bukambibig, pinagmamayabang pa," sabat naman bigla ni Kuya Santi na nakapasok na rin pala sa kusina.
Hindi lang siya nag-iisa. Kasama niya rin si Saki. Parehas silang nakangisi.
Bumuntong-hininga si Savi. "Nay, palabasin niyo nga po iyan sila."
Mahinang natawa si Nanay. "Hayaan mo na sila," wika niya tapos ay tumingin sa akin. "Laureen nga pala ang pangalan ko, hija. Nanay Laureen na lang."
"Nice to meet you po, Nay," wika ko.
"Ay ako rin. Masaya akong makilala ka, hija," sabi niya. "Uuwi ka ba ngayon sa inyo?" tanong niya.
"Ah..." Tumingin ako kay Savi saglit. "Uuwi po ako mamaya. Kasi baka hanapin po ako ng daddy ko."
Marahan siyang tumango saka ngumiti sa akin. "Ayos lang. Maganda sana kung hindi ka muna uuwi. Pero balik ka na lang ulit sa susunod, ha?"
Tumango ako. "Opo, Nay."
"Maiba naman ako. Ano ba ang nagustuhan mo sa kapatid ko, hija?" tanong naman ni Kuya Santi.
Parehas na silang nakaupo ni Saki sa upuan sa hapag. Nakatingin sa amin.
Inalalayan naman ako ni Savi paupo. Tapos ay naupo siya sa tabi ko.
"Patulugin mo nga lang iyan si Thania, Kuya. Ang dami mong sinasabi," reklamo ni Savi.
"Tulog na si Thania. Pwede niyo nang sagutin ang tanong ko," sabi niya sabay ngisi. Pati si Saki ay natatawang nakikinig.
Habang nakatingin ako sa kanila, hindi ko mapigilang mamangha.
Grabe naman. Ang popogi nilang apat.
"Nay, ano po ba iyang niluluto mo? Nagugutom na ako, eh," sa halip ay tanong ni Savi kay Nanay.
"Sakto at tinolang manok itong niluluto ko. Malapit na itong maluto," sagot ni Nanay.
"Okay, next question!" wika naman ni Saki.
Tumango si Kuya Santi. "Okay. Ano ang nagustuhan mo sa kapatid ko at bakit gusto mong hingin ang kamay niya, hija?"
Napakurap ako.
Hingin ang kamay?
"Kuya, tumigil ka nga," masama ang tingin na asik ni Savi.
Samantalang si Saki ay natatawang pinapanood ang Kuya Savi niya.
"Bakit ako titigil? Itatanong ko lang sa kanya kung bakit sa dinami-daming lalaki, ikaw ang nagustuhan niya? Average ka lang naman. Hindi ka nga makalahati sa kapogian ko. Hindi talaga kita maintindihan, hija," wika ni Kuya Santi, magkasalubong pa ang kilay na parang sobrang stress niya.
"Bakit ka ba nandito, Kuya? May bahay ka naman?" sagot naman ni Savi sa kanya.
"Walang ulam sa amin, eh. Kaya pumunta ako dito para kumain. Diba, Nay?" sagot ni Kuya Santi.
"Next question!" wika na naman ni Saki.
"Okay, next question--"
"Tama na nga iyan, Santino," wika ni Nanay Laureen. "Patulugin mo ng maayos iyang apo ko. Pumunta ka na doon sa kwarto. Inaasar mo pa talaga itong kapatid mo. Doon na. Alis."
Napatigil siya. Napatitig siya kay Nanay.
"Ang sakit, ah?" aniya. "Kung makataboy ka naman, Nay, parang hindi mo ako anak."
Napailing na lang si Nanay. Tapos ay tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Pasensya ka na sa kay Kuya Santino mo, hija. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng dumi ang nakain niyang batang iyan noong nasa tiyan ko pa siya."
Napatigil ako. Napakagat-labi ako para pigilan ang tawa ko.
Samantalang si Savi at Saki at humagalpak ng tawa. At si Kuya Santi ay hindi natutuwa.
"Sige lang. Ayos lang ako. Hindi naman masakit," wika ni Kuya Santi saka tumayo. "Halika, anak. Sa kwarto tayo. Tulog tayo doon. Huwag tayong kumain."
Natatawang pinanood ko na lang siyang lumabas ng kusina. Tapos ay sumalubong sa kanya si Sixto.
"Kuya Santi, si baby Phoemi tumae," sumbong nito kay Kuya Santi.
"Hays! Tanginang buhay ito," asik niya.
Naging maayos ang pagpapakilala ni Savi sa akin sa pamilya niya. Hindi ko inakalang mabait pala talaga sila. Mapang-asar nga lang sina Saki at Kuya Santi. Pero ayos lang dahil nakakatawa rin naman.
Matapos akong ipakilala ni Savi sa pamilya niya ay hinatid niya na ulit ako sa bahay. Agad ko siyang sinabihan tungkol sa operasyon na magaganap kinabukasan.
Kinabukasan, kasama ko sina Daddy, Ate, at Savi. Kahit bawal na pumasok ang maraming tao sa loob ng hospital room, pinayagan na lang ni Doc. Yssa na pumasok silang lahat.
Pinapalibutan nila ako, habang ako ay nakahiga sa hospital bed at suot ang hospital gown.
Hawak ni Daddy ang palad ko. "Stay strong, anak. I will pray for you, okay? I love you, anak. Whatever happens, tandaan mong mahal na mahal kita, okay?"
He is looking emotional.
Ngumiti ako sa kanya. "Mahal na mahal rin po kita, Daddy. Thank you so much for everything. And don't be emotional yet. Stay positive, okay? Ang isipin natin, mangyayari na ang inaantay natin na operasyon ko. Okay ba, Dad?"
Marahan siyang tumango. "Yes, anak."
Tumingin ako kay Ate. May pag-aalala sa mukha niya. Kaya malawak ko siyang nginitian.
"Ate, don't worry. Magiging maayos lang ang lahat," wika ko sa kanya.
Bumuga siya ng hangin saka tumango. "Yes. Naniniwala akong magiging maayos lang ang lahat. Ipagdadasal ko iyon ng paulit-ulit."
"Opo, Ate," wika ko saka nginitian siya.
"Hihintayin ka namin na lumabas mula sa OR, Niah, ah?" wika ni Ate. "Hindi kami matutulog. Hindi kami kakain. Hihintayin ka namin. Kaya dapat bilisan mo doon."
Ngumiti ako saka tumango sa kanya. "Yes po, Ate."
"Daddy, ah? Don't worry about me too much, okay?" wika ko ulit kay Daddy. "Hintayin mo akong lumabas ng OR."
Tumango siya sa kabila ng pag-aalala sa mukha niya. "Yes, anak. I will."
Tumingin ako kay Savi. Tahimik lang siyang pinapanood kami.
Nginitian ko siya. "I'll be fine," wika ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya saka marahang tumango. "Yes, you'll be." Tumingin siya kay Daddy. "Pwede ko po bang makausap si Inniah, Sir?"
Dad nodded without hesitation. Tumayo siya. "Sa labas lang ako. Renee, sa labas muna tayo."
Agad silang lumabas na dalawa. Kaya nang kami na lang ni Savi ang naiwan, naupo siya sa upuan na kanina ay inuupuan ni Daddy.
Inabot niya ang kamay ko saka hinawakan ito.
Nginitian ko siya. "Savi, whatever happens, you finish the scrapbook album that I told you, okay? Ibigay mo lahat ng larawan kina Daddy at Ate. And watch them for me, okay?"
Malungkot ang mga matang ngumiti siya. "Yes, sweet lily. But please don't tell me to look after them. You have to be the one to do so. So, you have to go out of that operating room alive. Okay?"
Marahan akong ngumiti. "I'll try, Savi. Thank you."
Ilang beses niyang pinisil ang kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kanya niya. At ramdam kong hindi siya mapakali.
Humapdi ang puso ko na pinapanood siyang ganito. Nasaan na ang ngiti ng Savi ko?
"Savi?" tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "Hmm?"
Ngumiti ako sa kanya. "Can you sing me a song?"
Saglit siyang tumitig sa akin. Tapos ay marahang tumango.
"When we're out in a crowd laughing loud and nobody knows why..." he started singing, almost in a whisper.
Sumikip ang dibdib ko.
"When we're lost at a club getting drunk and you give me that smile..."
I smiled at him.
"Going home in the back of a car and your hand touches mine..."
His eyes look sad.
"When we're done making love and you look up and give me those eyes..."
Pumikit ako.
"Cause' all of the small things that you do
Are what remind me why I fell for you..."
Gusto kong namnamin ang boses niya habang pwede pa.
"And when we're apart and I'm missing you
I close my eyes and all I see is you..."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"And the small things you do..."
Bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Doc. Yssa.
"It's time to go, Inniah," wika niya.
Ngumiti ako saka tumango. Tumingin ako kay Savi na humigpit ang hawak sa palad ko.
"Savi, it's time to go," bulong ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ako. Pansin ko ang unti-unting pamumula ng mga mata niya. At ang ilong niya.
Nilapitan siya ni Daddy saka hinawakan sa balikat. Saka lang niya dahan-dahang binitawan ang kamay ko.
Kita ko ang malulungkot na mga mata nilang tatlo. Pero pilit kong iwinawaksi iyon. Ayokong isadibdib.
At sa isang iglap lang, nasa loob na ako ng madilim na kwarto. Ang nagbibigay ng liwanag lang ay ang lamp na siyang nagbibigay ilaw sa mga doktor para sa operasyon. Kita ko ang iba't ibang klase ng mga operating tools.
Ramdam kong may itinurok sa akin. Kasabay ang panlalabo at pangingitim ng paningin ko.
As my eyes closed, I thought I would see darkness, but I was wrong.
Because I found myself escaping the city. Running towards the green mountain. Around me is a wide grass field with tranquil wind blowing, and the beautiful blue skies with clouds like cotton.
Bucket list done.
...
Hello! Hello!
This is the last chapter for Savino. Thank you for those who stayed and for those who just came by. I appreciate you a lot.
I hope all of us will learn how to take risks just like Niah did. Nothing will happen unless you try. Don't let giving up be a choice. And above all, trust God. He knows what your heart screams for.
Thank you, guys. Love lots.
Epilogue is next <3.
- Thorned_heartu
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro