27 | Surfing
"Good morning, El de Hera!" sigaw bigla ni Ate.
Nakaharap siya sa magandang view ng bundok at sa mga kahoy. Kitang-kita namin ang mga hamog na nakapalibot sa buong camp.
Nakadipa ang dalawang braso ni Ate. Magulo pa ang buhok niya dahil kakagising niya pa lang.
"You should drink your coffee first, Vevica Renee," wika ni Daddy na humihigop na sa kape niya habang nakaharap rin sa magandang view.
Ako man din ay humihigop ng gatas. Kakagising ko lang rin at una kong ginawa ay ang pagtingin sa paligid ko.
Gaya namin, ang iba rin na mga campers ay nasa labas rin ng kani-kanilang mga camp house. Gaya namin, ang iba ay humihigop rin ng kape at pinapanood ang magandang pagsidlak ng araw.
Samantalang si Savi ay nasa kabilang camp house. Sinadya ni Daddy na sa ibang camp house si Savi dahil ayaw niyang matutulog kami ni Savi sa iisang bahay. Iyon na nga dahil ang pagkakaalam niya ay boyfriend ko si Savi.
"Saan tayo after nito, anak?" tanong ni Daddy sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Mag-surfing tayo, Dad. Maganda ang karagatan sa baba!"
Nasa bundok kami kaya kailangan pa naming bumaba para lang makapunta sa beach. Pero hindi naman iyon kalayuan.
Dad nodded. "Alright, as you wish. I love surfing too. It's been awhile since I surfed."
Napanguso ako. Naintriga sa sinabi niya. "Nag-s-surfing ka dati, Dad?" tanong ko sa kanya.
He nodded. "Yes. It was my hobby when I was a bit younger. I and your Mom love surfing. We used to date on beaches just to surf."
Namilog ang mga mata ko. "Whoa! Magaling din po si Mommy na mag-surfing, Dad?"
He chuckled and nodded. "Yes. She learned surfing because she asked me to teach her. So, when I did, she suddenly became good at it. Kaya palagi na kaming pumupunta sa dagat para mag-surfing."
Napangiti ako.
Maraming mga litrato si Mommy at Daddy sa bahay. Pero wala akong nakitang nag-surf sila. Mga picture lang na magkasama sa beach. Kaya hindi ko alam na marunong pala silang mag-surf na dalawa.
"Excited na tuloy akong mag-surfing!" sabi ko. "Gusto kong matuto sa hobby ninyo ni Mommy."
Dad chuckled. "I'll teach you how later. You'll love it, anak."
"Ang alin, Dad? Ano po ang ituturo mo kay Niah?" tanong ni Ate.
Kakaupo niya lang sa sofa na nasa tabi ko. May bitbit na siyang mug ng kape. Humihigop na siya roon.
Ngumiti ako. "Tuturuan niya akong mag-surfing, Ate! Sabi niya hobby nilang dalawa ni Mommy iyon. Kaya gusto kong subukan at matutunan iyong hobby nilang dalawa. I want to know what it feels like and how fun it is."
Namilog ang mga mata ni Ate. "Wow! Sure, Dad?! Surfing?"
Dad chuckled and nodded. "Yes, anak. I and your Mom go surfing most of the time back then."
"Wow naman! Gusto ko bigla mag-surfing rin!" wika ni Ate.
"Marunong ka, Ate?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya saka nag-flip ng buhok niya. "Oo naman. Iyan ang madalas kong ginagawa kapag hindi ako busy sa business."
"Really? Bakit hindi ko alam iyan?" tanong ko sa kanya.
Humagikhik siya. "Syempre dahil ayaw kong mapagod ka. Kaya hindi ko sinasabi sayo ang tungkol doon. Pero ngayon, since part ito ng bucket list mo, tuturuan kita. Tuturuan ka namin ni Daddy."
"But before that, let's cook breakfast. Para kumain muna tayo bago tayo bumaba. Okay ba?" wika ni Daddy sa amin.
Mabilis akong tumango. "Alright, Dad! Pero pwede ko bang tawagin si Savi? Para sabay tayong kumain na apat?"
Dad cleared his throat. Then he sighed and slowly nodded. "Alright. Puntahan natin siya ngayon sa camp house niya."
"Ah, sasama ka sa pagtawag kay Savino, Dad?" tanong ni Ate.
Mabilis na tumango si Daddy. "Oo. Sasama ako. Bakit? May problema ba doon?"
Napakurap kami ni Ate tapos ay sabay na umiling.
"Wala, Dad. Naitanong ko lang po," wika ni Ate sabay higop sa kape niya.
Ako naman ay tipid lang na ngumiti kay Daddy saka humigop rin sa gatas kong malapit nang lumamig.
Kaya naman nang matapos nga kaming magkape, agad kaming naglakad na dalawa ni Daddy patungo sa camp house ni Savi. Dadaan muna kami sa tatlong camp house bago makarating sa kanya. Hindi na sumama si Ate dahil maliligo pa raw siya.
Pagdating namin sa balkonahe ng camp house ni Savi, agad akong lumapit sa pinto niya. Kinatok ko ang pinto niya.
"Savi?" tawag ko sa kanya.
Walang sumagot.
Saglit kong nilingon si Daddy saka nginitian siya.
Muli akong kumatok. "Savi? It's Inniah. Tulog ka pa ba?"
Wala pa ring sumagot.
"Should I knock?" tanong ni Daddy na nakahalukipkip sa likod ko.
Ngumiti ako saka umiling. "Ako na po, Dad. Baka tulog pa po siya. Sobrang aga pa po ba ng pagpunta natin dito?"
He checked the time on his wrist watch. "It's still 6:30. Kaya siguro hindi pa sumasagot."
Marahan akong tumango saka ngumuso. "Bumalik na lang kaya tayo mamaya, Dad?"
He looked at the door and slowly nodded. "I think we should. Let's go--"
Biglang bumukas ang pinto ng camp house ni Savi. Bumulaga sa amin ang walang pang-itaas na si Savino. Magulo ang buhok at bahagya pang nakapikit ang isang mata. Buti na lang at may maayos siyang suot sa ibaba.
Hindi ko mapigilang suriin siya. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko nang mapansing sinusuri ko ang mabato niyang tiyan.
Nakakakita naman ako ng ganito sa mga magazines at sa TV. Pero bakit kakaiba sa pakiramdam kung si Savi ang nasa harap ko?
"A-Ah, g-good morning, S-Savi," halos walang boses na bati ko sa kanya.
Para siyang nagising nang marinig ang boses ko. Bumukas ng maayos ang dalawa niyang mga mata. Nanlaki bahagya ang singkit niyang mga mata. Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig sa akin.
Nag-iinit ang mga pisnging tipid akong ngumiti sa kanya. "H-Hi."
Napakurap siya ulit. "I-Inniah?" Utal niyang banggit sa pangalan ko. "G-Good morning, m-my sweet lily."
Pansin ko ang pamumula ng magkabilang tenga niya. Ngumiti siya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit gwapong-gwapo ako sa kanya ngayon. Mas gwapo pala siya kapag bagong gising at... at... walang suot.
"G-Good morning," sagot ko ulit sa kanya.
"Ah, g-gusto mong pumasok muna--"
Biglang tumikhim si Daddy.
Mabilis siyang napatingin kay Daddy. Namilog ang mga mata niya saka mabilis na yumukod kay Daddy.
"Good morning po, Sir! Good morning po!" bati niya saka dalawang beses yumukod.
"Yes. Good morning. Get dressed," wika ni Daddy sa malalim na boses.
"A-Ah, yes po," sagot niya. Tumingin siya sa akin. "Ah, I'll get dress, sweet lily."
Mabilis siyang pumasok sa camp house. Sinarado niya ang pinto. Pero bigla niyang binuksan itong muli saka isinilip ang mukha niya.
"A-Ah, you look pretty in the morning," sabi niya, tapos isinara ulit ang pinto.
Nakaawang lang ang labi ko.
Tapos muli na namang bumukas ang pinto. Sumilip ulit siya. Nakatingin siya ngayon kay Daddy.
"Ah, p-pasok po muna kayo, Sir," wika niya saka ngumiti kay Daddy. Ngiti niya pa lang, alam kong kabado na siya.
"No need. Sumunod ka na lang sa amin sa camp house namin. We'll eat breakfast there," wika ni Daddy. "Hurry up."
Tumango siya. "Yes po." Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Tapos ay muli siyang pumasok at sinara ang pinto.
Naiwan akong nakatitig lang sa nakasarang pinto. Tapos ay dahan-dahan kong nilingon si Daddy.
Tumango lang siya sa akin. "Come on, anak. Let's get back to the camp house and start cooking for breakfast."
Tumango ako. "Alright, Dad. Let's go."
Agad kaming naglakad pabalik sa camp house namin. Pagdating namin doon, si Ate ay busy sa kaka-selfie. Kaya nakisali na rin ako tsaka hinila si Daddy.
"Smile, smile," saad ni Ate.
Sumunod naman kami agad ni Daddy at ngumiti.
"Kiss naman, kiss," saad naman ni Ate.
I puckered my lips like what Ate said. Habang si Daddy ay nanatiling nakatingin lang sa camera.
Ate then captured the moment.
"Okay. Wacky naman, wacky," wika ni Ate.
Nag-wacky kaming dalawa ni Ate. Pero si Daddy ay nanatili lang na nakatingin sa camera.
"Okay--"
"Alright, alright. That's enough," wika ni Daddy. "Let's get to the kitchen and start cooking."
Napanguso si Ate. "Alright. Let's go."
Mabilis kaming pumunta sa likod ng camp house kung saan naroroon ang kusina. Agad kaming inutusan ni Dad sa kung ano ang gagawin namin. Mabilis naman kaming sumunod ni Ate.
Ako ang tumulong sa paghihiwa. Samantalang si Daddy at Ate ang magluluto.
Ilang minuto pa lang kaming nagluluto, dumating na agad si Savi.
Nakasuot na siya ng isang itim na t-shirt at gray cargo pants. Pinaresan niya ito ng isang puting sapatos. Medyo basa pa ang buhok niya.
Hindi ko mapigilang mamula. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina sa camp house niya. Hindi yata maalis sa isipan ko iyong part na wala siyang pang-itaas.
"Ah, good morning po, Sir. Good morning, Ms. Renee," bati niya. Tapos ay tumingin siya sa akin at nagtagpo ang mga mata niya. "Good morning, sweet lily."
"G-Good morning," sagot ko sa kanya saka siya nginitian.
"Late na ba ako?" tanong niya sa amin.
"No, you're not. So, come on and help us out," si Daddy ang sumagot sa kanya.
"Oh, alright, Sir," ani Savi saka mabilis na lumapit sa amin.
Kaya nang matapos ang pagkain namin ng breakfast, agad kaming bumaba ng bundok para tumungo sa black sand beach ng El de Hera.
Unang bumungad sa amin ang napakagandang alon. The water is glistening. It sparkles as the sun's rays hit it. While the black sand glitters as light reaches it.
Walang paawat naman si Ate. Agad siyang nagpakuha ng litrato kay Savi. Kaya pati ako at si Daddy ay nagpakuha na rin.
Agad kaming nagpalit ng susuotin para mag-surfing. Nagrenta rin kami ng surfing board. Kaming apat ay nakasuot ng bodysuit.
Habang pinapanood ko si Daddy, hindi ko mapigilang mapangiti. His eyes are sparkling as he watches the waves hit the shore. Pinapanood niya rin ang ibang mga dayo na nakasakay sa surfing board.
Dad looks excited... and happy.
"Hindi pa ba kayo lulusong?" tanong ni Ate sa amin. "Ako, lulusong na. Bye, guys!"
Agad siyang tumakbo patungo sa tubig. Mabilis siyang sumakay sa surfing board nang nakadapa. Lumalapit siya sa naglalakihang mga alon. Tapos dahan-dahan siyang tumayo at napangiti ako nang tuluyan niyang nabalanse ang sarili niya habang sumasayaw sa alon.
Napapalakpak ako habang pinapanood ang Ate Renee ko.
"Ang galing, Ate!" sabi ko sa kanya.
Dad chuckled beside me. "You should try it, anak."
Malawak akong ngumiti saka nilingon siya. "Gusto kong subukan, Dad. Kaya turuan mo po ako."
Ngumiti si Daddy sa akin. "Alright, let's go to the water. I'll teach you how."
"Let's go!" tili ko saka naunang tumakbo patungo sa tubig, bitbit ko ang surfing board ko.
Nang lumingon ako sa dalampasigan, kita ko si Savi na nakangiting kinukuhanan kami ng larawan ni Daddy. Si Daddy ay nakasunod agad sa akin, bitbit rin ang surfing board niya.
"Alright, anak. First thing you have to do is to go to try balancing yourself first here, where the wave isn't that wild yet," sabi ni Daddy sa akin. "Sumunod ka sa gagawin ko."
Tumango ako. "Alright, Dad."
Nilapag niya ang surfing board na hawak niya sa kalmadong tubig. Tapos ay dumapa siya doon, tapos ay dahan-dahan siyang tumayo at bumalanse.
Napapalakpak ako saka malawak na napangiti. "Ang galing mo, Dad!"
He smiled at me. "You should try it yourself, anak. Come on. Para matuto ka."
"Alright, Dad! I'll try it now!" sabi ko.
Agad kong nilapag sa tubig ang dala kong surfing board. Tapos ay marahan akong sumakay sa surfing board nang nakadapa.
"Alright. Try to stand up and balance yourself, anak," wika ni Daddy sa akin.
Tumango ako. Marahan akong bumangon at tumayo. Pero napatili ako nang hindi ko magawang e-balanse ang katawan ko at bumagsak sa tubig.
"Ah! Ang hirap!" tili ko nang natatawa.
Napahilamos ako sa mukha saka natawa. Dad was also chuckling. Bumaba siya sa surfing board niya tapos ay lumapit sa akin.
"I'll help you up, anak," wika ni Daddy. "Let's try again, shall we?"
Tumango ako sa ngumiti. "Yes, Dad!"
Hinawakan niya ng marahan ang magkabilang braso ko. Tinulungan niya akong makaakyat ulit sa surfing board.
"Alright, slowly go up," wika ni Daddy. "Tapos upo ka muna sa surfing board."
I nodded. "Okay po."
Marahan naman akong bumangon. Tapos naupo sa surfing board.
"Tapos, put both of your palms on the board," malumanay na sabi ni Daddy.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. "And then?"
"Then, slowly lift up your legs, anak. Itukod mo ang dalawang tuhod mo sa board," sabi ni Daddy.
Sinunod ko agad. "Okay po. Tapos, Dad?"
"Then slowly push yourself up. Tapos ayusin mo ang pagkakaapak mo sa board. Don't stand up yet," wika ni Daddy.
Marahan ko naman tinulak ang sarili ko. Inapak ko ang mga paa sa board. Pero nakayukod pa lang ako sa board ay napatili ako nang muli akong mawalan ng balanse.
"Ayy!" tili ko.
Bumagsak akong muli sa tubig. Natawa ako saka muling napahilamos.
Dad is shaking his head and is also chuckling. "Come on, anak. I know you can do better than that."
Humagikhik ako. "I'll practice more, Dad."
"Alright, go on," sabi niya.
Ilang beses akong paulit-ulit na sumampa sa board. Ilang beses rin akong paulit-ulit na bumagsak sa tubig. But Dad remained patient with me. He was just chuckling as he guided me softly to learn surfing.
Hanggang sa dahil nga sa pagsumikap kong matuto, unti-unti kong natutunan mag-balanse. So, Dad immediately helped me towards the waves to try out.
Gaya ng dati, ilang beses rin akong bumagsak. Pero hindi napagod si Daddy na turuan ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nagawa ko na nga ang mumunting pagbalanse sa sarili ko habang nasa naglalakihang alon.
"Dad! Tingnan mo!" tawag ko sa kanya.
I can balance now on the waves but I am still struggling.
Si Daddy ay nasa malapit sa dalampasigan. Nakaupo siya sa surfing board niya at pinapanood ako.
Agad siyang kumaway sa akin nang makita ang ginagawa ko. He even clapped his hands for me.
"Good job, anak! Good job!" wika niya sa akin.
I smiled wide and kept going. Pero napatili ako nang muli na naman akong bumagsak.
But I did not give up. Nagpatuloy pa rin ako kahit pa sobrang hirap. Kahit pa ilang beses akong bumagsak, paulit-ulit pa rin akong sumubok.
And while I was busy surfing and trying again and again, napagtanto ko kung bakit hindi ko magawang e-apply ang ganitong sikap sa totoong buhay?
Nang mapagod ako sa paulit-ulit na pagbagsak sa alon, naisipan kong bumalik sa dalampasigan. Si Daddy naman ang siyang naroroon sa alon, silang dalawa ni Ate.
Kaya lumapit ako kay Savino na tahimik na nakaupo sa dalampasigan. May hawak siyang camera. At panay niya kaming kinakuhanan.
Kahit nga ngayong palapit na ako sa kanya, kinukuhanan niya pa rin ako ng litrato.
Ngumiti ako sa kanya nang makalapit ako. "Ayaw mo bang sumubok mag-surfing?"
He smiled at me. Tinatangay ng hangin ang buhok niyang magulo. Mamula-mula ang kutis niya dahil sa init ng araw. Naniningkit ang mga maliliit niyang mga mata.
He tapped the space beside him.
I immediately sat beside him.
"Did you have fun?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Sobra, Savi! This is my first time surfing! Sobrang saya! At mas masaya dahil kasama ko sina Ate at Dad. Tsaka..." I paused. "... tsaka ikaw."
"I'm honored, sweet lily," aniya. "Masaya rin akong makita kang ganiyan kasaya. Sobrang sarap mong panoorin na masaya, Inniah. Hindi nakakapagod. Hindi nakakasawa."
Ngumiti ako. "Eh, ikaw? Bakit hindi ka mag-surfing rin doon?"
He chuckled. "I've been surfing here my whole life, sweet lily. Yes, I would love to surf with you, but I want to be your photographer for today. Gusto kong wala akong maiwang moment mo habang nag-s-surf ka."
"Thank you, Savi. Thank you so much," I replied.
"There's nothing to be thankful for, sweet lily. I am doing this because I love watching you happy and gleaming. I love to see you smiling so wide and spending your bucket list with your family. I am doing this because I want to see more happiness from you," saad niya. "So, don't mind me, okay? Ayos lang ako. Kahit sa tingin mo wala akong ginagawa, busy ako niyan sa kakapanood sayo."
Bahagya akong namula saka tipid na tumawa. "Okay."
Saglit kaming natahimik. Ilang beses na tinatangay ng hangin ang aming mga buhok. Ramdam ko ang mainit na sinag ng araw sa katawan ko kahit pa naka-bodysuit ako.
"Savi, hindi ba taga-rito ka?" tanong ko sa kanya.
"Yes, why?" aniya.
Umiling ako. "Wala lang." Ngumiti ako. "Ang ganda ng lugar na kinalakihan mo. No wonder you are so adventurous and so blooming. Kasi maganda ang lugar kung saan ka pinanganak at pinalaki. Your home is filled with wonders and beauty."
He chortled. "Iyong tirahan mo rin naman, ah? I wouldn't live there if it wasn't. It is my second home now. And it is one of the prettiest places I've ever seen."
"Thank you. Pero sobrang ganda pa rin talaga ng El de Hera. I love the natural black sand! Sobrang ganda! At sobrang unique!" I told him.
He chuckled. "You love it here?" tanong niya.
Ngumuso ako. Tapos ay marahan akong tumango.
"Yes. I love it here! The place is filled with adventures and wonders! Ang sarap paulit-ulit na sumakay ng hot air balloon at ng zip line at ng parachute! Ang sarap magpagulong-gulong rito sa black sand. Ang sarap sumakay ng paulit-ulit sa surfing board! It is so nice tuwing gabi! I've never seen such heaven like this!" wika ko sa kanya.
"So, you love it here," aniya saka marahang natawa. "I love Sagittarion now as I found my dream there, but I think I would love to be in El de Hera again."
"Bakit?" tanong ko.
He chuckled. "Because you love it here."
...
Have a merry merry christmas and a happy new year, everyone <3.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro