Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

25 | Borrowed Time

Pagkatapos ng ilang araw na kasama ko si Savi para sa bucket list ko, naisipan kong bisitahin si Mommy sa sementeryo. Oo at palagi ko siyang kinakausap sa hangin, oo at palagi ko siyang iniisip, pero minsan ko lang siyang pinupuntahan sa libingan niya.

Even though I only spent two years with my Mom because she died when I was two years old, I can not seem to prevent myself from missing her every single day. At isa pa, natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o ang mararamdaman ko kapag naroroon na ako sa harap ng puntod niya. Lalo pa at alam kong ang rason ng pagkawala niya ay ang sakit na gaya ng sa akin.

Kaya ngayong araw, naisipan kong puntahan siya.

"Magandang umaga po, Nanay! Magkano po ang bulaklak po ninyo?" tanong ko kay Nanay.

Nagtitinda siya ng mga bulaklak para sa nga yumao. Ang kanyang munting tindahan ay nasa bungad ng gate ng sementeryo. May mga binibenta rin siya na mga kandila.

"300 pesos ang isang bouquet, hija," sagot niya ng may ngiti.

"Okay po. Pabili po ng isa," sabi ko saka nilahad ang 300 pesos sa kanya.

Agad naman niyang binigay sa akin ang bulaklak at tinanggap ang pera.

"Salamat po," wika ko.

Pumasok ako agad sa gate. Agad na bumungad sa akin ang napakaraming puntod. Isa itong pribadong sementeryo kaya lahat ng mga puntod ay nasa ilalim ng lupa. Malinis rin dito dahil nakapalibot rito ang bermuda grass. Sadyang mga krus lang ang nakatayo sa uluhan ng bawat puntod.

Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang puntod ni Mommy. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mamangha.

Ang tagal ko na pala na hindi nakakapunta rito. Ang tagal na pala simula nang bumisita ako rito.

Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Lalo pa at ito ang unang beses na mag-isa lang akong bibisita sa kanya.

Pero habang naglalakad, may nakita akong dating kakilala. Isang babaeng nakaupo sa harap ng isang puntod.

Marahan akong naglakad para hindi siya maistorbo. Pero nag-angat siya ng tingin sa akin.

Mabilis siyang ngumiti. "Inniah, hija!" bati niya sa akin.

Mabilis akong ngumiti pabalik sa kanya. Bahagya akong yumukod. "Magandang araw po, Tita Lota. Ano po ang ginagawa mo rito sa sementeryo? May binibisita po kayo na kamag-anak?"

Bahagya siyang ngumiti saka hinaplos ang puntod na nasa harap niya.

"Ah, oo, hija. Binibisita ko ang anak ko," sagot niya.

Napakurap ako. "Anak?"

Sa pagkakaalala ko isa lang ang anak niya. Dati namin siyang kapit-bahay. Minsan kong nakakausap at nakakalaro ang anak niya kapag may occasions dahil pumupunta sila sa bahay namin.

Nang mag-ten years old na ako, lumipat sila ng ibang lugar dahil mas malapit doon ang pinagta-trabahuan ni Tita Lota.

"A-Anak?" tanong kong muli. "S-Si... Jam po?"

Hindi ako makapaniwala. Kaparehas ko lang ng edad si Jam. Kaya paanong siya ang binibisita ng Nanay niya rito?

Malungkot na ngumiti si Tita Lota sa akin saka marahang tumango. "Oo, hija. Si Jam nga. Ang tagal na pala simula no'ng lumipat kami ng bahay. Tingnan mo ngayon, ang laki mo na."

Ramdam kong pilit niya lang pinapasigla ang sarili niya. Pansin ko rin na maga ang mga mata niya. Siguro ay sa kakaiyak.

Bahagya akong natahimik at hindi nakapagsalita. Tumingin ako sa pangalan na nakaukit doon.

Jamella Marie Quizon
Born: September 11, 1999
Died: December 21, 2024

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko.

"Kung hindi niyo po mamasamain, Tita, ano po ba ang nangyari kay Jam? Bakit po parang biglaan naman itong mga nangyari sa kanya? Bakit po... hindi ko po nalaman na may ganito po pala na nangyari?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Malungkot siyang ngumiti.

"Noong isang buwan lang ito nangyari sa kanya, hija. Kaya presko pa rin sa akin ang pagkawala ng nag-iisa kong anak. Nadisgrasya siya habang patungo sana sa trabaho niya. May nakita kasi siyang aso sa daan, akmang tatawid sa kalsada. Maraming mga sasakyan kaya unang naisip niya ang iligtas ang aso. Kaya..." Bumuntong-hininga siya. "Siya ang napuruhan."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Sobrang bigat ng dibdib ko.

Nawala lang ng ganoon si Jam. Dahil pinili niyang iligtas ang aso.

Malungkot akong bumuntong-hininga. "Nawala po si Jam physically, pero mentally, spiritually, and emotionally, mananatili po siya kasama niyo, Tita. Tsaka, sigurado akong walang pinagsisihan ni isang bagay si Jam. Dahil nawala po siya nang may tapang. She has a good heart po, Tita."

Marahan siyang tumango sa akin. Tipid siyang ngumiti. "Tama ka, hija. Kaya kahit pa nami-miss ko siya. Kahit pa masakit ang pagkawala niya, naiintindihan ko. At proud ako sa anak ko. Dahil nawala siya nang dahil sa pagkaroon niya ng mabuting puso." Bumuntong-hininga siya saka tumingala sa akin. "Eh, ikaw? Bibisita ka ba sa Mommy mo?"

Tumango ako saka ngumiti sa kanya. "Opo, Tita."

Tumango siya. "Oh, siya. Sige na at baka naghihintay na ang Mommy mo sayo. Puntahan mo na siya. Hayaan mo na ako rito, ayos lang ako."

Ngumiti ako saka tumango sa kanya. "Sige po, Tita. Magpakatatag ka po."

Tipid siyang tumango sa akin.

Agad na akong tumalikod saka naglakad papunta sa puntod ni Mommy. Pero habang naglalakad, hindi pa rin mawala sa isip ko si Jam. Ang bata-bata niya pa.

Mabigat ang loob na nakarating agad ako sa puntod ni Mommy. Dahil nga sa lungkot na naramdaman, hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako.

Tumayo ako sa harap ng puntod niya. Binasa ang pangalan niya. Tapos ay marahan kong nilapag ang bulaklak at naupo ako.

"Mommy..." bulong ko. "Narinig mo siguro ang usapan namin ni Tita Lota, diba? Wala na si Jam. Noong isang buwan lang. Nabangga siya ng sasakyan dahil niligtas niya ang isang asong tatawid sana." Bumuntong-hininga ako. "Hindi mo talaga alam ang takbo ng panahon, 'no, Mommy? Parang kailan lang ay naglalaro pa kami no'n ni Jam. Ngayon... mas nauna pa siya sa akin imbes na ako ang may sakit."

Mahina akong natawa sa lungkot.

"Talagang hiram lang ang lahat, 'no, Mommy? At the end of the day, everything will just disappear," bulong ko. "Kapag kapapanganak pa lang sayo, una mong gagawin ay pagmulat sa mga mata. At kapag mamamatay ka na, huli mong gagawin ay ang pagpikit. It's like opening your eyes to do your mission and close it again once it's accomplished. But what about those who haven't accomplished theirs? I guess they will remain as ghosts, roaming around... unseen."

Malungkot kong tiningnan ang puntod ni Mommy. Marahan ko itong hinaplos.

"Sorry, Mom. Ngayon lang ako bumisita ulit matapos ang ilang taon. I am sure alam mo kung bakit ayaw kong bumalik dito." I paused. "Kapag kasi bumabalik ako, at nakikita ko ang puntod mo, nakikita ko kung ano ang mangyayari sa akin."

Tumingala ako sa kalangitan. Naghahalo-halo ang nararamdaman. To the point na hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Gusto kong umiyak pero wala namang luhang lumalabas. Mabigat lang talaga ang pakiramdam ko. Iyon lang.

"Mommy, kung kasama mo na diyan si Lord, ibulong mo naman sa kanya na siya na ang bahala sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin, Mom. Wala na rin akong pakialam. Pero ang inaalala ko po kasi ay sina Dad at Ate. At si... Savi. Anong mararamdaman nila kapag wala na ako?" tanong ko. "Lalong-lalo na si Daddy. Alam kong may trauma na siya sa nangyari sayo. Ayokong dumagdag sa trauma niya, Mom. Pero ano ang laban ko sa tumor na ito, diba? Kahit nga ikaw na sobrang tapang, natalo ng tumor, eh. Paano na ako na duwag?"

Tipid akong ngumiti sa puntod niya. "I have always believed that spirits are everywhere. Kaya kahit pa hindi ako pumupunta rito sa puntod mo, kinakausap pa rin kita. Kasi naniniwala akong maririnig mo pa rin ako. Kayo ni Lord. Pero ngayon... kaya ako nandito kasi... handa na ako."

Bumuntong-hininga ako. "Dati takot akong magpa-opera. Ngayon, handa na ako. Handa na rin ako sa pwedeng mangyari, Mom. Ang hindi ko lang kaya pang makita ay ang reaction ni Daddy at Ate." Mahina akong natawa. "Paano ko pa nga pala makikita ang reaction nilang dalawa kung wala na ako no'n?"

Natahimik ako sa sarili kong sinabi.

"Pero handa na ako. Kaya kahit ano man ang mangyari sa akin, Mom, salubungin mo na lang ako, ah? Kahit saang banda man iyan, kahit saang hospital, salubungin mo po ako." Tipid akong ngumiti.

Muli akong tumingala sa kalangitan.

"Tsaka, Lord, alam kong nandiyan ka at naririnig mo ako. Alam kong naririnig mo ako palagi." Mahina akong natawa. "Alam kong nandiyan ka kasi ang dami kong hiniling sayo at lahat iyon pinakinggan mo. Ang bait mo sa akin. Kahit iyong mga bagay na hinihingi ng puso ko na hindi ko naman sinasabi sayo, binibigay mo. At sa dami ng hiningi ko sayo, sa dami ng tinupad mong mga kahilingan ko... itong tumor ko lang ang hindi mo dininig."

Ngumiti ako.

"Siguro may rason ka kaya hindi mo ito tinatanggal. Hindi mo naman ibibigay ito sa akin kung wala kang rason, diba? Kaya ikaw na po ang bahala sa akin. Ikaw na po ang bahala sa tumor ko. Ikaw na ang bahala sa mga mahal ko sa buhay. Alam kong ramdam mong handa na ako. Kaya gaya ng palagi kong hinihiling, iaalay ko na ang buhay ko sayo," sabi ko.

Muli kong tiningnan ang puntod ni Mommy. Muli ko itong hinaplos. This time, a genuine smile is pasted on my face.

"Ito ang pinunta ko rito, Mom. Gusto kitang puntahan ng personal para sabihin sayo lahat... sa harap ng puntod mo. Gusto kong dito ko mismo sabihin sayo, kung saan ka natutulog at namamahinga," wika ko. "I know this will be hard for Dad and Ate, Mom. Pero susubukan kong ipaiintindi sa kanila na magiging maayos lang ang lahat."

Nanatili ako ng ilang minuto doon habang dinaramdam ang malamig na ihip ng hangin. Noong papunta pa lang ako, mabigat ang pakiramdam ko. Pero hindi ko lubos akalaing sa pagdating ko rito, gagaan na ang pakiramdam ko.

Matapos nga ang ilang minutong pananatili ko, agad na akong nagpaalam kay Mommy. Agad na akong umalis sa puntod niya.

Pero napatigil ako sa harap ng puntod ni Jam.

Marahan akong yumukod para haplusin ang puntod niya. Bagong-bago. Presko pa lang ang lahat.

Sinulyapan ko ang bulaklak na nasa puntod niya. May chuckie rin na nakalagay doon, ang paborito niya. Tiyak akong si Tita Lota ang nag-iwan nito.

"Jam, naaalala mo pa siguro ako?" pakikipag-usap ko sa kanya. "Ang bilis ng panahon. Hindi ko lubos akalain na mauuna ka kaysa sa akin. Pero bilib na bilib ako sa katapangan mo. Madalang na lang ang taong gaya mo. Mga taong may mabuting puso. It may not make sense to other people as to why you sacrificed your life for a dog, but to people like me and you... it matters a lot."

Ngumiti ako habang nakatingin sa pangalan niyang nakaukit. "Thanks, Jam. Thank you for being a friend, a neighbor, and a playmate when I never had one."

And by just looking at her name now, I realized so many things. Jam is gone but she will forever be imprinted in the hearts of the people who love her. She will be gone forever but her good heart will forever remain gold. She might be gone, but she will remain in her parent's memories.

At kung ako man mawawala, ganoon din ang mangyayari. I will disappear physically, but not in the mind and heart of Dad and Ate. Mananatili ako sa puso nila habang-buhay.

This world is filled with things being borrowed. We are too lucky to even have the chance to live. Now, I understand why people kept on saying 'life is short so live it to the fullest'.

Nang umalis ako, agad akong dumeretso sa cafe. Naroroon si Ate. Hindi siya umalis kaya naisipan niyang tulungan si Yelena sa cafe habang ako ay busy sa pagtapos ng bucket list ko.

Dahil sa nangyari kay Jam, natanto ko na ang bucket list ko, hindi lang dapat para sa akin. I should finish the bucket list with my family. I should stay with them. Be with them. Laugh with them.

"Ate!" tawag ko agad kay Ate nang makarating ako sa loob ng cafe.

Naroroon siya sa loob ng counter. Kasama niya si Yelena at nag-uusap lang silang dalawa.

Mabilis silang napalingon sa akin.

"Oh? Ang aga mong nakabalik?" tanong ni Ate.

Ngumiti ako. "Oo! Kasi may pupuntahan tayo ngayon!"

Tumaas ang kilay niya. "Saan naman tayo pupunta?" tanong niya.

"Kay Daddy!" sagot ko.

"Ano naman ang gagawin natin doon? For sure busy si Daddy," aniya.

Ngumisi ako. "Kaya nga. Gambalain natin ang work niya. Minsan lang naman tayo maglambing. Kaya tara na!"

Natatawang sumang-ayon naman si Yelena sa sinabi ko. "Sumama ka na lang, 'te. Hindi ko alam kung ano na naman ang kalokohang pumapasok diyan sa isip ng kapatid mo, pero sure ako kailangan niya ng kakampi. Kaya samahan mo na, 'te."

Natatawang umiling na lang si Ate. "Sige na nga. Kailan ba tayo aalis?" tanong niya.

"Ngayon na agad!" Mabilis kong sagot.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya saka itinaas ang kilay niya. "Oo sige na."

Hinubad niya ang suot niyang apron. Tapos ay naiiling na lumabas ng counter. "Pasensya ka na, Yels. Ikaw na naman ang mag-iisa rito sa cafe. Iwan muna kita rito."

"Sige! Ingat kayong dalawa, ah! Sa kung ano man iyang kalokohang napasok sa isipan niyo!" Tumatawang sabi ni Yelena.

"Thanks, Yels!" sabi ko sa kanya.

Agad kaming lumabas ni Ate sa cafe. Pumasok kami sa kotse niya. Siya sa driver seat at ako sa passenger seat.

"Ano ba ang naisip mo at bakit bigla mong gustong puntahan si Daddy?" tanong ni Ate sa akin habang natatawa.

Ngumiti ako ng malawak sa kanya. "Gusto ko lang. Gusto ko siyang gambalain. Tapos sabay tayong mag-lunch ngayon. Tapos sabay rin tayong mag-dinner mamaya. Okay ba?"

Natatawang tumango siya. "Oo naman. Gusto ko iyan! Pero nakakabigla talaga iyang desisyon mo sa buhay, Niah."

Natawa na rin ako sa sinabi niya. "Kasi may good news ako after nito. Hindi ko muna sasabihin ngayon pero sasabihin ko after. Kaya dapat talaga na makinig kayo sa gusto ko."

"Wow naman! Blackmail ba iyan?" Tumawa siya. "Yes, Ma'am!"

Mabilis kaming dumating sa opisina ni Daddy. Dahan-dahan pa namin na binuksan ang pinto niya. Ang secretary niya ay nakangiting pinapanood kaming dahan-dahang kumatok at pinihit ang doorknob.

"Come in," wika ni Daddy mula sa loob.

Nagkatinginan kami ni Ate saka sabay na napangisi.

Agad namin na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Sabay kaming pumasok ni Ate saka sabay na sumigaw ng...

"Surprise, Dad!"

Mabilis na natanggal ni Daddy ang salamin niya. Tumayo siya saka napakurap habang nakatingin sa amin.

"Inniah Feej? Vevica Renee? What are you doing here?" tanong niya sa amin.

Mabilis kaming lumapit ni Ate sa mesa niya. Agad kaming sabay na yumakap ni Ate sa bewang niya.

"Good day to you too, Daddy!" ani Ate na natatawa.

"Na-surprise ka ba, Dad? Sabay tayong mag-lunch tayo ngayon. Mag-dinner rin tayo sa labas. Okay ba, Dad?" sabi ko sa kanya.

Nahihiwagaang tumingin siya sa akin tapos kay Ate. "What's going on?" tanong niya.

"Wala, Daddy. Hindi ba pwedeng gusto ka lang namin istorbohin ni Niah? Tsaka, gusto ko sana kumain tayo mamaya sa isang chinese restaurant, Dad," wika ni Ate.

"Agree! Tapos sa dinner, kain tayo sa isang Korean restaurant!" wika ko naman.

"Oo ba! Tsaka sa hapon, bili tayo ng street foods sa bay walk!" wika ni Ate sabay tili pa.

Napatili rin ako. "Yes! Sakto at nag-k-crave ako ng kwek-kwek, Ate!"

"Ako rin!" saad ni Ate.

Sabay kaming tumingin kay Daddy. Nahihiwagaang tumingin si Daddy sa amin tapos ay marahan siyang natawa.

"Alright, alright. Whatever. Kung gusto ng dalawang anak ko na kumain ng street foods, kumain sa isang Chinese restaurant, at sa isang Korean restaurant, then let's go," wika ni Daddy. "But I have a lot of things to do for now, mga anak. Can you sit down for a bit?"

"Ganoon po ba, Dad?" tanong ni Ate sabay tingin sa mesa niya. "Then Niah and I will help you. Diba, Niah?"

Mabilis akong tumango. "Yes, Dad! We can help you! Just tell us what to do."

Umiling siya. "No, no. I want the both of you to rest and take a seat. I can finish all of this."

"No, no, Dad! Hindi ka namin papayagan. Dahil tutulong pa rin kami ni Niah kahit hindi mo sabihan," wika ni Ate. "I'll tell Niah what to do since I know a lot of things about Dad's work."

Agad na pinulot ni Ate ang mga papeles na nasa desk ni Daddy. Binuksan niya ang mga ito at binasa.

"Okay, Niah. Ikaw nito. You check if the papers are being signed by Dad. If wala, you put it on the desk and Dad will sign it," wika ni Ate.

Agad naman akong tumango. Mabilis akong naupo sa upuan na nasa harap ng desk ni Dad. Tapos ay sinimulang buksan ang mga folders at papeles. Tiningnan ko agad kung may mga signature na ba ni Daddy.

"Ito, Ate, wala pang signature," sabi ko saka nilapag sa isang side ng desk.

Si Daddy ay natahimik at walang nagawang tumayo na lang siya doon. Nakapamaywang siya at nahihiwagaang pinanood kami ni Ate na pinagbubuksan na ang mga papeles at folders. Si Ate na rin ang nag-type sa laptop ni Daddy. Tapos may binibigay siyang mga papeles na babasahin ko raw, kaya binasa ko na rin.

Ilang minuto lang ay walang nagawang naupo na lang si Daddy sa upuang nasa harap ko. Pinanood niya na lang kami ni Ate.

Napangiti ako habang pinapanood siyang tumutulong na lang rin sa pagbabasa ng mga papeles at folders. Tapos ay dahan-dahan niyang nilagyan ng signature ang mga papeles na wala po.

I smiled as I watched my loved ones. Watching then now made me realize that I am now ready.

I am ready to leave.

...

Merry Christmas, everyone <3.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro