Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24 | Zip Line

I have never felt so pressured my whole life not until these days came. Holding on to the words of the people I love is something I never thought would be one of the hardest thing. Making a step forward is something I did not know matters hugely.

My family and Savino wants me to have a surgery already. Gusto nila na magpa-opera na ako para gumaling na ako. I want it too.

Pero ang kaso, wala kasing kasiguruhan kung talaga bang hindi na babalik ang tumor matapos ang operasyon o kung... magigising pa ba ako.

Hindi ko makalimutan iyong asawa ng may-ari ng mural painting ilang buwan na ang nakararaan. Hindi ko mawala sa isip ang tungkol sa asawa niyang sumakabilang-buhay dahil sa tumor sa utak. At hindi lang iyon, ang Mommy ko... dahil rin sa tumor sa utak kaya siya nawala.

So, I do not know what to do anymore. I am scared. I am not courageous enough to take that surgery yet. Hindi pa ngayon.

"Inniah, hija! It's good to see you again after how many months!" bati sa akin ni Doc. Yssa.

Malawak ang ngiti niyang salubungin ako. Kakabukas niya pa lang sa pinto ng clinic niya pero masigla na agad ang bati niya sa akin.

Looking at her now, I realized how much close we have become because of my tumor. Lumaki akong nasa loob ng hospital at pabalik-balik kami sa kanya. Kaya napanood niya kung paano ako lumaki.

"Good morning, Doktora. May pasalubong po akong dala para sa inyo," may ngiting sabi ko sa kanya.

Dinalhan ko siya ng prutas. Alam kong mahilig siya sa iba't ibang klase ng prutas maliban sa strawberry.

"Oh, wow! Thank you so much, hija," aniya saka tinanggap ang inilahad kong basket ng prutas. "Halika, pasok ka."

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Agad naman akong pumasok.

Pagpasok ko pa lang, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Ilang beses na ba akong nagpabalik-balik rito sa clinic na ito? Parang naisaulo ko na bawat anggulo ng lugar na ito.

Naupo siya sa swivel chair niya. Ang prutas ay nilagay niya sa itaas ng desk niya. May ngiting tumingin siya sa akin.

"You wouldn't be here if not because of your tumor. So, I am sure you're here for a check-up," saad niya sa akin.

Tipid akong ngumiti.

"Take a seat, hija," aniya saka tinuro ang upuan sa harap ng desk niya.

Agad naman akong naupo. Tipid ang ngiting tumingin ako sa kanya.

"Uhm... doc, hindi nga po pala ako nandito para magpa-check-up. Alam ko naman po na surgery na lang po talaga ang solusyon sa sakit kong ito. Iba po ang dahilan kaya po ako nandito ngayon," sabi ko sa kanya.

"Oh really? Ano iyon?" tanong niya.

"It's about my Mom. Nasabi mo sa akin noon na kilala mo ang Mommy ko. Naging pasyente mo rin siya ng tatlong taon bago siya yumao. Hindi po ba?" saad ko.

Tumango siya. "Yes. That's right."

Marahan akong bumuntong-hininga. "So, gusto ko po sanang malaman kung saan po nagsimula iyong lahat. Iyong tungkol po sa sakit niya. At kung bakit hindi talaga siya gumaling."

Nanatili siyang tahimik ng ilang segundo bago siya bumuntong-hininga.

"Actually, hija, hindi ko dapat ito sinasabi sayo. It is her privacy and your Dad's. Sinabi na sa akin ng Daddy mo na huwag ipaalam kahit kanino ang tungkol sa data na nakuha ko galing sa sakit ng Mommy mo," sabi niya.

Lumungkot ako. Bumigat ang dibdib ko.

"Ganoon po ba? Pero gusto ko po talagang malaman, Doc. Kahit si Daddy kaunti lang ang sinasabi sa amin. Gusto ko po na malaman dahil parehas po kami ng sakit ng Mommy ko," wika ko sa kanya.

Marahan siyang tumango saka bumuntong-hininga. "Naiintindihan ko kung saan nanggaling, hija. Naiintindihan ko kung bakit gustong-gusto mong malaman ang tungkol sa sakit ng Mommy mo at kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay niya. Pero hindi mo man lang ba natanong muna sa Daddy mo ang tungkol dito?"

Ngumuso ako. "Tinatanong ko naman po, doc. Pero minsan kasi alam kong nahihirapan si Daddy na ipaliwanag sa akin ang lahat, ang mga nangyari kay Mommy. Alam ko kasing nasasaktan pa rin siya kaya ako na mismo ang tumitigil sa kakatanong. Kaya po ako lumapit sa inyo dahil alam kong pwedeng-pwede mong sabihin sa akin ang lahat, doc."

She sighed. "I know I shouldn't be telling you this but okay. I think you still deserve to know since you're their daughter. Pero sinasabi ko sayo, wala namang twists ang nangyari sa Mommy mo. She was sick and that's it."

Marahan akong tumango. "Gusto ko pa rin po na malaman, doc."

She nodded. "Alright. Your Mom was my patient for three years. During the first year, she consulted me about her head. Sinabi niya sa akin ang mga symptoms na nararamdaman niya. Akala niya noong una migraine lang. Nahihilo, nasusuka, malilimutin, nahihimatay bigla, sumasakit ang ulo... Lahat ng symptoms na nararamdaman mo, naramdaman ng Mommy mo."

Marahan akong tumango. Unti-unting bumigat ang dibdib ko sa pagkakaalam na iyong mga symptoms pala na nararanasan ko ngayon, naranasan rin pala ni Mommy noon.

And imagine the trauma my Dad has because of this. Tapos ngayon ay bumabalik na naman. I can already imagine the pain my Dad is feeling because of the symptom I am suffering that is the same symptoms as my Mom's.

"Just like your tumor, hers is found on the frontal and temporal lobe. Which again, results to symptoms like memory loss, headaches, vomiting, black outs, and so many more. She experienced all of it first before you even did, hija," aniya. Bumuntong-hininga siya.

"And what happened?" Halos pabulong ko na lang na tanong sa kanya.

"Noong unang pumunta siya rito sa clinic ko, she was already experiencing severe symptoms of the tumor, hija. Malala na. Kaya noong na-check ko siya, it was already too late. It was already under grade IV. Not even a surgery can take it away," aniya.

Mas lalong bumigat ang kalooban ko. Ang alam ko lang kasi namatay si Mommy nang dahil sa tumor niya, pero walang sinabi si Daddy sa kung anong grade na ang tumor niya.

"Tapos po, doc?" Kahit pa nalulungkot at kinakabahan, nagawa ko pa rin na itanong sa kanya.

"Of course, she wants to be treated," aniya. "But at that time, she was about to give birth to you. No matter how bad she want to have a surgery, hindi pwede. Baka kasi may masamang mangyari sayo noon kapag nagpa-surgery siya habang pinagbubuntis ka niya. So, I told her that she can only have the surgery once she have given birth to you. So, she did."

She paused. I remained silent. Listening to her.

"Kaya matapos ka niyang ipanganak, she immediately told me na handa na siya sa surgery. Pero when I checked her to see if she is already suitable and ready for the surgery, I found out na hindi pa. She needs rest. Kakapanganak niya pa lang sayo noon kaya kailangan niyang magpahinga muna bago pa magpa-surgery. Baka may mangyaring masama sa kanya kapag ganoon," sabi niya.

Bumuntong-hininga siya.

She continued. "Of course, she listened. She badly wanted to get better. For you and your Dad and sister. Nakinig siya sa akin. And so when you became two, that's when she decided to do it. At that time, pwede na rin. Handa na ang katawan niya para doon."

Saglit siyang tumigil.

"She was actually in good condition at that time. Maayos lahat. And she looks healthy. So different from those other people who are suffering the same illness as her," aniya. "Sobrang saya niya tingnan noon. She was so positive. She kept on telling your Dad that she'll be okay and that she will make it."

Bumuntong-hininga siya. Isang malungkot na buntong-hininga.

"But she's wrong. Because after the surgery, she was found brain dead," aniya.

Sumakit ang puso ko. Sumikip ang dibdib ko sa narinig.

"She suffered so much," bulong ko.

She nodded. "Yes. She tried to be strong for her family and for herself. She listened to everything that was told to her. But at the end, it was brain dead. The location of her tumor is very delicate and hard to operate. Kaya sa huli, wala pa rin."

Napatingin ako sa mga kamay kong nasa mga hita ko. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"S-So... it might also happen to me, right, doc? Kasi same ng location ang tumor namin ni Mommy. Ibig sabihin, mahirap ang operasyon na mangyayari sa akin. At pwede akong mamatay," wika ko, halos pabulong.

She sighed. "I don't want to say anything about it, hija. Miracles happen and I believe in it. Oo nga at magkaparehas ng location ang tumor niyo ng Mommy mo, pero yours is not yet too late. Yours is still under grade III. May tsansa ka pa na gumaling."

Pero kahit pa magaan ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Doc. Yssa, sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Kasi bakit pakiramdam ko hindi kakayanin ng katawan ko ang operasyon?

My mother was a strong woman. And yet no matter how strong she was, she still died. Paano na lang ako? I am not as strong as her. How could I ever defeat this tumor.

Marahan akong ngumiti sa kanya. "Thanks, doc. So far, ang dami kong natutunan at nalaman sa mga sinabi mo sa akin. Thank you for being considerate at sinabi mo sa akin ang case ni Mommy. Iyon lang po ang pinunta ko rito."

She sighed and slowly nodded. "If you need another check up, don't hesitate to come here, okay? My clinic will always be open for you, hija. And if you have more questions, just ask away. I will try to answer all of it for you."

Sa kabila ng mabigat na pakiramdam, sinubukan ko pa rin na ngumiti sa kanya.

"Thank you po, doc," sabi ko.

Tipid siyang tumango at ngumiti sa akin. "You're welcome, hija."

Marahan akong tumayo saka lumabas na ng clinic niya. Pagkalabas ko pa lang sa pinto ay ramdam ko na agad ang panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Ramdam ko ang panlalabo ng mga mata ko at ang pagsakit ng ilong ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Kahit ilang beses kong pagaanin ang dibdib ko, kung iyong katotohanang malabo naman talaga akong gagaling ang pilit sumisiksik sa isipan ko, wala na talaga akong laban doon.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Unti-unting lumabas ang mga hikbi sa bibig ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng hallway ng clinic.

Dahil wala naman akong sinakyan nang patungo rito, naglakad na lang ako ng walang direksiyon paalis. At dinala ako ng mga paa ko sa bangin sa botanical garden.

Malungkot akong naupo sa kahoy na madalas kong inuupuan. Wala sa sarili na tumingin ako sa view na nasa harap ko.

Isn't it funny how contradicting my emotions right now to the beautiful scenery in front of me?

"Mommy?" bulong ko sa hangin habang nakatitig sa kawalan. "Did it hurt?"

Nandito na naman ako at kausap na naman si Mommy. Wala na kasi akong ibang malapitan at mapuntahan. Oo, at gusto kong kausapin sina Dad at Ate tungkol dito pero... alam ko rin kasi na masasaktan lang sila kapag sinabi ko sa kanila.

Hinding-hindi nila tatanggapin iyong katotohanan tungkol sa sakit ko. Ang mga pwedeng mangyari...

"Hindi ko na naman alam ang gagawin ko, Mommy. Ang dami ko na namang nalaman ngayon at hindi ko na naman alam kong sino ang lalapitan ko. Kaya nandito na naman ako para kausapin ka. Kasi ikaw lang naman ang nakakaalam sa nararamdaman ko. At ikaw lang din ang makakaintindi sa mga posibilidad sa mga sakit ko," bulong ko.

Saglit akong tumigil. Marahas akong bumuntong-hininga saka tumingala sa kalangitan.

"Naiintindihan ko kung bakit ayaw sabihin sa akin ni Daddy ang tungkol sa sakit mo, Mom. Now, I understood it better," bulong ko. "Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi magawang tanggapin ni Daddy ang possibilities na mangyayari sa akin dahil sa sakit na ito? Because he is traumatized by what happened to you?"

Malungkot akong bumuntong-hininga. "Paano ako, Mommy? I am traumatized too. Sa lahat ng nangyari sa akin. Sa lahat ng naranasan ko. Kaya ngayon, sayo na naman ako nakikipag-usap."

Sumakit ang ilong ko sa emosyon. "Mom, sa tingin ko ang iksi na lang ng panahon ko rito.  Paano ko ipapaintindi kay Dad at Ate, Mom?"

Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanila ang tungkol sa sakit na ito. Nakakapagod.

Marahas akong bumuntong-hininga saka tumingala sa kalangitan. "Lord, hindi ko na po alam ang gagawin. Ang gusto ko lang ay ang magawa muna lahat ng gusto ko bago ako pumanaw. Please, Lord. Kahit ito na lang po. Ito na lang ang huli kong hiling."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin na kinahulat ko nang bahagya. Bigla rin akong nakaramdam ng ginhawa sa dibdib.

Bakit pakiramdam ko sinasagot ng panginoon ang mga panalangin ko?

Unti-unting sumilay ang mga ngiti ko sa kabila ng lahat. "Thank you, Lord. Thanks, Mom."

Agad kong kinuha ang cellphone na dala ko. Mabilis kong tinext si Savino.

I am determined to finish my bucket list now. I will finish it. And death will not be able to stop me.

Paglipas ng ilang minuto, agad kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Agad ko itong binuksan saka nakitang message ito galing kay Savino. At sabi niya ay papunta na siya rito sa botanical garden.

Hindi naman niya ako binigo. Matapos ang ilang minuto ay dumating nga siya.

Suot niya ay light pink hoodie at dark blue denim jeans. Tapos puting sapatos. At gaya ng dati, may bitbit ulit siyang bulaklak.

Tumayo ako saka ngumiti para salubungin siya. Winagayway ko pa ang kamay ko habang pinapanood siyang naglalakad palapit.

"Savi!" tawag ko sa kanya.

Ngumiti siya. He jogged towards me. "Hey there, Ms. Teatreko. You look really pretty everyday. And for that, here's your flowers."

Malawak ang ngiting tinanggap ko ito agad. "Thank you, Savi."

"So? Saan na naman tayo pupunta ngayon, hm?" he asked. "And you look excited by the way."

Ngumiti ako. "Today, we're going to ride a zip line! Mag-zip line tayo, Savi! Gusto kong sumakay! Dapat matapos natin agad itong bucket list ko, ah? Saka na ako magpapa-surgery kapag natapos na natin ito lahat."

"Alright, then! Let's do that. Let's finish it as soon as possible and let's get you operated after. Deal?" aniya sabay lahad ng palad niya sa harap ko.

Agad akong tumango saka tinanggap ang palad niya. "Deal!"

"Alright!" he shook our hands. "Ano pang hinihintay natin? Let's go. May alam akong lugar para mag-zip line!"

"Okay! Tara!"

Agad niyang kinuha ang kamay ko. He intertwined his hand on mine. Then we started walking away of the garden.

We drove his car towards El de Hera. Sabi niya doon maganda ang mga pasyalan pati na ang mga zip line. Doon ang punta namin.

Matapos ang ilang oras na biyahe, agad kaming dumating doon sa El de Hera at kung saan naroroon ang zip line.

"Are you ready, sweet lily?" tanong niya sa akin nang nandoon na kami sa itaas.

May suot kaming safety gears habang naghihintay na matapos iyong mga naunang sumasakay sa zip line. Malawak ang ngiting naghihintay lang ako doon.

"Sobrang excited na ako!" tili ko habang napapalakpak.

Pinapanood ko ang mga nauna sa amin. Mukha silang masaya. Nagtatawanan sila habang sumasakay. May iba rin na kahit pa takot na takot sila, nagagawa pa rin nilang sumakay.

Ngumiti ako kay Savi na panay kuha ng litrato sa akin at sa paligid namin. Naisipan kong sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina. Kung hindi magawang sabihin kina Daddy at Ate, bakit hindi na lang sa kanya? Siguro ay maiintindihan ako ni Savino.

"Savi, I have something to tell you," panimula ko.

"Hmn?" tanong niya. "Ano iyon?"

"Kanina, pumunta ako sa clinic ng doktor ko. Tinanong ko sa kanya kung ano ang nangyari kay Mommy noon dahil siya rin ang doctor ni Mommy," sabi ko.

"And?" he asked while looking straight to my eyes.

This is what I love about him. Kapag nakikipag-usap ako sa kanya, talagang nakikinig siya sa akin. He would stop whatever he is doing just to listen to me.

Bahagya akong ngumuso. Kahit pa medyo mabigat, ngumiti pa rin ako sa kanya.

"Sinabi sa akin ni Doc. Yssa na grade IV pala ang tumor ni Mommy. Buntis si Mommy noon sa akin kaya kahit pa need na niyang magpa-opera, hindi pwede. Baka daw kasi may mangyaring hindi maganda sa akin," sabi ko. "Kaya nagawa ang operasyon noong two years old na ako. The time when my Mom died."

"Are you sure you want to tell me this, sweet lily?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako saka tumango. Tumingin ako sa paligid ko.

Nasa itaas kami at naghihintay pa rin na matapos na iyong iba sa pagsakay. Sobrang ganda ng view mula sa kinaroroonan ko. Kitang-kita ko bawat tuktok ng punong-kahoy mula rito. Pati na ang berdeng ilog sa ibaba.

"I thought of it well awhile ago, Savi. At naisipan kong sabihin sayo para naman gumaan ang kalooban ko," sabi sabay ngiti. "So, pwede ko na ba na ituloy?"

"Of course. If you really want to tell me this, then I'm willing to listen to you," sabi niya.

Ngumiti ako. Sa paligid pa rin nakatingin.

"So, iyon nga. Kapag si Daddy ang kausap namin ni Ate, ang sinasabi niya lang sa amin ay nawala si Mommy dahil sa tumor niya. Pero hindi niya sinabi sa amin ang totoong nangyari," wika ko habang may malungkot na ngiti. "Noong two years old ako, saka pa lang naging ready ang katawan ni Mommy para sa operasyon. Kaya nagpa-opera siya kahit pa grade IV na ang tumor niya. She was so courageous and strong, but her body wasn't strong enough. After sa operasyon, she was found brain dead."

Natahimik si Savino. Wala siyang sinabing iba. Kaya nagpatuloy ako.

"And you know what's funny, Savi? Parehas ng location ang tumor namin ni Mommy. Parehas ng symptoms. Ang kaibahan lang, si Mommy matapang, ako hindi. Kaya natagalan ang operasyon ko dahil hindi ako handa," sabi ko. "Pero nang marinig ko ang tungkol sa nangyari sa kaniya kanina. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpa-opera. Pero gaya nga ng sabi ko, saka na ako magpapa-opera kapag natapos ko na ang bucket list ko."

Nilingon ko siya saka malawak na nginitian. Pero humapdi ang puso ko nang makitang wala nang kangiti-ngiti sa labi niya. At kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Tulungan mo akong tapusin agad ang bucket list ko, Savi. Para kapag nagpa-opera na ako, I will have no regrets at all. Kahit ano man ang mangyari sa akin," sabi ko sa kanya.

He bit his lower lip then licked it. Tapos ay nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa paligid namin.

"Sir, Ma'am. Kayo na po ang susunod. Hali na po kayo," tawag sa amin ni Kuya na nag-a-assist sa mga sumasakay.

Malawak ang ngiting agad kong hinawakan ang braso ni Savi. "Halika na, Savi! It's our turn!"

Kahit hindi siya nagsasalita ay hinila ko pa rin siya. Lumapit kami kay Kuya saka tinulungan kami sa pagsuot.

"Ready na po kayo, Ma'am?" tanong sa akin ni Kuya habang may ngiti.

"Yes na yes po, Kuya! Ready na ready na po!" sagot ko.

Mahina siyang natawa saka tumango. "Sige po, Ma'am. Kapit ka po rito. Upo ka ng kaunti. Tapos ready ka na ba, Ma'am? Itutulak na po kita."

Tumango ako. "Yes na yes po, Kuya! Ready na ready na po!"

Natawa siya sa sagot ko. "Okay, Ma'am."

Tapos ay mabilis niya akong tinulak.

Malakas akong napatili. Pero ramdam ko ang ginhawa sa dibdib ko.

I want to pat myself for being strong enough to tell Savino about my illness.

This might be my first and last to ride a zip line. But this will be the most memorable one.

...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro