Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23 | Amusement Park

"Ilan nga ulit kayong magkakapatid, hijo?" tanong ni Daddy.

Kakababa ko pa lang sa hagdan at papasok pa ako sa kusina. Kakatapos ko lang maligo at mag-blower. It is still six in the morning. Pero nasa bungad pa lang ako ng pinto sa kusina, kita ko na agad si Daddy at Savino na nasa counter, nakaupo. Samantalang si Ate ay nasa loob, may hinihiwa.

"Apat po, Sir. Pangalawa ako. Iyong Kuya ko ay si Kuya Santi, siguro nakilala mo na rin siya dahil minsan sumasama po siya sa akin. Tapos iyong pangatlo si Saki, nasa highschool na. Tsaka iyong bunso namin si Six, elementary pa lang," sagot ni Savi sa sagot ni Daddy.

"Mukhang masaya kayong magkakapatid. Apat ba namang lalaki. Sigurado akong nagkakaintindihan kayo ng maayos," sabi naman ni Ate.

"Hindi rin. Madalas nga kaming nagkakabangayan, eh. Nagkakaayos nga lang pagkatapos dahil takot kay Nanay," natatawang sagot ni Savi kay Ate.

Tumango-tango si Ate. "Hm... ang Nanay talaga ang kahinaan ng lahat."

"Oo nga, eh. Siya din ang kinakatakutan," natatawang sabi ni Savi.

Marahang ngumiti si Daddy. "Well, if my wife is alive, I am sure na ako lang ang matatakot sa kanya. Because she will help our kids gang up on me. That's for sure."

Agad na ngumuso si Ate. "Kasi si Mommy, chill lang iyon kasi, Dad. Pero hindi ka naman ma-s-stress siguro kung nandito pa siya. Kasi ibig sabihin, safe kami palagi ni Niah. Kasi hindi kami hihiwalay sa kanya kahit saan siya pupunta."

Bahagya akong nalungkot. Hanggang ngayon, wala kaming ibang ninanais kundi ang makasama si Mommy. Oo, at kailangan namin na tanggapin na wala na nga siya, pero hindi namin maiwasang ma-miss siya.

Kaya madalas, kapag na-mi-miss namin siya, iniisip na lang namin na kasama pa rin namin siya. Na pinapanood niya bawat ginagawa namin. Na nakikitawa siya sa amin kapag tumatawa kami.

Bumuntong-hininga si Daddy. Marahan siyang tumango. May munting ngiti sa labi niya.

"Tama naman. If she's here, I wouldn't worry about you and your sister. Because for sure you'll be with her the whole time and she'll take good care of the both of you," sabi ni Daddy. Tapos ay tumingin siya kay Savino. "Kayo, hijo, maswerte kayo at kasama niyo pa rin ang Nanay niyo. Kaya huwag masyadong matigas ang ulo ninyo. Huwag niyong pasakitin ang ulo ng Nanay ninyo. Sa halip ay alagaan niyo siyang mabuti."

Tumango si Savi sa sinabi ni Daddy. "Oo naman po, Sir. Kahit nga minsan matigas rin ang ulo ko noon, eh, bumabawi naman ako ngayon. Ginagawa ko ang lahat para lang lumabas-labas naman ng El de Hera si Nanay. Minsan rin, um-a-absent ako sa trabaho para lang sumama sa kanya na mamasyal."

Lumambot ang puso ko.

Hindi ko pa man kilala ang Nanay ni Savino ng personal, pero ramdam kong mabait siya. Dahil nakikita ko kay Savino ang kung anong klase siyang ina, o kung paano niya pinalaki si Savino.

Tumango-tango si Daddy kay Savi bilang pagsang-ayon. "Sang-ayon ako diyan sa sinasabi mo. Hangga't may pera ka, gastusin mo para sa Nanay mo. Maiksi lang ang buhay. Ang pera hindi iyan nadadala hanggang sa hukay. Kaya hangga't nabubuhay ka, pati ang mga kapatid mo at ang Nanay mo, huwag na huwag kang mag-atubili na ibili sa kanila ang mga bagay na gusto nila. O kaya ipasyal mo sila kahit saan nila gusto."

Napangiti ako sa sinabi ni Daddy.

Ganyan talaga siya. Gusto niya na lumalabas kami palagi nina Ate. Kaya madalas sa labas kami kumakain nang magkasama. Ngayon nga lang medyo natigil dahil sa bucket list ko.

"Tama mo po, Sir. Kaya nga po nagsusumikap ako na mapalawak ang studio ko, eh. Para palagi kong mailalabas sina Nanay at ang mga kapatid ko," wika naman ni Savi.

Ngumiti si Daddy.

Masaya akong makitang maayos na silang nag-uusap ngayon ni Savi. Siguro ay talagang matagal na silang magkakilala na dalawa. Kita ko kasi na panatag ang loob ni Daddy kay Savino.

"You're such a good man, hijo. Your behavior reflects how your mother raised you. Isang mabait at mabuting ina ang Nanay mo dahil tingnan mo naman ang sarili mo, lumaki kang maayos at mabait at magalang," wika ni Daddy. "You know sometimes, I wished I have a son."

"Bakit, Dad? Hindi ka na nakuntento sa amin ni Niah, gusto mo pa talagang magkaroon ng anak na lalaki. Kaya ko namang gawin ang gawain ng isang lalaki, ah!" Nakangusong sabad ni Ate saka bahagyang nakasimangot.

Napangiti ako. Hindi pa rin ako pumapasok at pinakikinggan pa rin silang tatlo.

Agad na tumingin si Daddy kay Ate. Si Savi naman ay natawa.

"It's not what I meant, anak. What I am trying to say is that, I want a son para naman may makaintindihan ako. Syempre, kayo lang naman kasi ni Inniah ang nagkakaintindihan dahil parehas kayong babae. Kailangan ko rin ng kakampi paminsan-minsan," paliwanag ni Daddy.

Hindi ko mapigilang matawa habang pinakikinggan ang paliwanag niya. He looks guilty.

"At bakit? Kakampi mo rin naman kami ni Niah, ah. Naghahanap ka pa talaga ng iba, ah," saad ni Ate. "Oh sige, andiyan naman si Savino, siya na lang ang gawin mong anak. Tutal bilib na bilib ka naman po sa kanya. Isusumbong kita kay Niah mamaya pagbaba niya."

Humagikhik ako saka agad na pumasok na sa kusina. "Ano ang isusumbong mo sa akin, Ate?"

Agad na napatingin silang tatlo sa akin. Savino immediately stood up. Again, he is holding a bouquet of lilies. A huge smile is pasted on his face.

"Good morning, sweet lily!" bati niya sa akin. He looks radiant like the sun. "Lilies for my sweetest lily." Saka inabot niya sa akin ang bulaklak na agad ko namang tinanggap.

"Thank you, Savi!" saad ko.

"Good morning, Niah. Si Daddy hindi kontento sa ating dalawa. Gusto niya ng isang anak na lalaki para daw may kakampi siya," wika na Ate saka agad na nagsumbong sa akin.

Tumawa ako saka tumingin kay Daddy na naiiling na lang.

"Totoo ba, Dad?" tanong ko sabay nguso sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Tapos ay tumayo saka lumapit sa akin. Mabilis siyang umakbay sa akin.

"Good morning to my youngest daughter too," sabi niya na may tipid na ngiti sa labi.

Humagikhik ako. "Gusto mo pa rin ba ng anak na lalaki, Daddy?"

Umiling siya ng marahan. "Hindi na. You and your Ate will gang up on me again if I would."

Tumawa ako sa sinabi niya saka niyakap ang bewang niya. "Your dream son will never love you like the way Ate and I do, Dad. Sinasabi ko sayo."

Tumango-tango siya saka ngumiti sa akin habang haplos ang buhok ko. "Well, thank you so much, anak." Tumingin siya kay Savino. "So, do you have plans on going out with Savino again?"

Tumingin ako kay Savi na nakangiting naghihintay sa sagot ko. Ngumiti rin ako sa kanya sabay tingin kay Daddy.

"Yes po, Dad. Lalabas ulit kami ngayon. Pupunta kami ng amusement park," sagot ko.

"Alright, then. You both should eat breakfast first before going," sabi niya.

Malawak akong ngumiti saka tumango. "Yes, Dad!"

"Thank you, Sir," wika naman ni Savi.

Tumango si Daddy. "Alright. So, I think we should help cook so you can eat already."

Agad naman kaming tumulong sa pagluluto ng agahan. Nang matapos ay agad na kaming kumain. Tapos ay nagpaalam na kami kay Daddy na aalis na.

Dad even sent us outside the house and bid goodbye.

Sobrang sayang makitang pumapayag si Daddy sa lahat ng ginagawa ko. Sobrang gaan sa pakiramdam na hindi ko kailangang magtago sa kanya. Na alam niya lahat ng ginagawa ko.

"You look so happy," puna ni Savi sa akin.

Nasa loob na kami ng sasakyan niya. At mukhang napansin niya na kanina pa maganda ang mood ko.

Nginitian ko siya. "Yes, so much. Masaya lang ako na hindi na natin kailangang magtago kay Daddy. Masaya ako na alam na niya lahat ng bagay na ginagawa ko. Tsaka sobrang saya ko na friends na ulit kayong dalawa. Hindi ka na niya sinusungitan."

He chuckled. His eyes are on the road. "Well, I am as happy as you are, sweet lily. Masaya ako na kahit papaano ay nagtitiwala na ang Dad mo sa akin. That is already a huge thing for me. And it matters so much."

Mabilis naman agad kaming nakarating ni Savino sa amusement park. Unang pumasok sa isip ko ay ang sumakay ng roller coaster. Kaya halos hilahin si Savino upang pumila para makabili agad ng ticket, para sumalang na agad kami sa roller coaster.

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa pila. Nang makabili na at nakapagbayad, agad na kaming sumakay na dalawa.

Maraming sinabi ang lalaking nagbabantay doon sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nakasakay. Kaya maigi akong nakinig sa kanya.

Nang umikot na ang roller coaster ay malawak ang ngiting kumapit ako ng maigi sa hawakan.

"Oh my gosh!" Impit kong tili nang unti-unti kaming tumataas.

Natatawa si Savino sa tabi ko. "Hold on tight, sweet lily. Paakyat na tayo sa langit!"

Tumawa ako sa sinabi niya. "Here we go!" Excited kong tili.

Nang nasa itaas na kami ay hindi ko mapigilang mapatili. Nakikita ko lahat ng nasa baba sa kinaroroonan ko ngayon.

"Ang ganda!" tili ko.

Savino is just chuckling beside me. He is taking photos of me in every angle.

"Are you happy?" tanong niya sa akin.

"Sobrang saya ko, Savi! This is my first time riding a roller coaster! Ang saya-saya pala!" sabi ko.

"I'm glad you're happy, sweet lily. Your happiness is well-documented. And I am looking forward to seeing you the happiest in the future," saad niya.

Ngumiti ako sa kanya. He is smiling softly as he watches me.

"Thank you, Savi!" tili ko nang unti-unti nang bumaba ang roller coaster.

Hindi pa kami nakuntento sa isang beses namin na pagsakay. Tatlong beses kaming paulit-ulit na sumakay sa roller coaster. Walang kapaguran akong tili nang tili kahit pa pangatlong beses ko na.

Tapos nang mapagod kami, bumili kami ng pagkain. Street foods ang naisipan namin na bilhin dahil maraming nagtitinda sa loob ng amusement park.

Habang kumakain ay naupo kami sa isang bench. Hindi ko maiwasang panoorin ang mga taong masayang namamasyal sa paligid. May mga batang namimili ng mga balloon na iba't iba ang hugis. May iba na nag-b-bike. May iba na kumakain kasama ang pamilya nila. At may iba na kakarating pa lang.

"Ang saya nila, 'no?" wika ko kay Savi habang kumakain ng dynamite.

"They are. It must be fun to be a kid," wika ni Savi.

Ngumiti ako. "Sana ay patuloy silang ipasyal ng mga magulang nila kahit saan. Minsan lang iyan sila maging bata. Darating ang araw na hindi na sila makakapaglaro. At maiintindihan na nila kung gaano kahirap ang mundo. Kaya sana, habang bata pa sila, hayaan muna sila ng magulang nila na e-enjoy ang buhay."

Savino nodded. "That's correct, sweet lily. But don't you think it's better if those kids would immediately know what the world is like in a young age? Kasi kapag ganoon, ibig sabihin hindi na sila magugulat pa kapag malaki na sila sa kakagisnang mundo."

Ngumuso ako saka bumuntong-hininga. Sumubo ako ulit ng dynamite.

"May point ka naman. But they are kids for a reason, Savi. They are bound to play and have fun. They are meant to cry when they want a toy but can't be theirs, in that way, they will understand that some things in the world can't be theirs. Pero sa huli, bata lang sila, Savi. They have to play. Because one day, they won't be able to do so anymore," sabi ko.

"I agree with that," wika niya. "You're so smart, sweet lily. No wonder your Dad is a little bit scared when you start talking." He chuckled.

Tipid akong natawa. "Hindi naman. Masyado lang akong mahal at iniingatan ni Daddy kaya ganoon."

Muli akong tumingin sa mga tao sa paligid ko. Iyong mga batang masayang naglalaro. Iyong mga batang masayang kumakain. Walang sawang namimili ng mga laruan na gusto nila.

Eh, paano iyong mga batang wala rito sa amusement park? Maybe, they are not capable of being here. Maybe, their parents do not have enough money to send them here. Or maybe, their parents just don't want to.

But I hope, those kids who were not able to come here, are playing inside their bedrooms, and be a superhero themselves.

"Anong gusto mong gawin pagkatapos nito, sweet lily?" tanong sa akin ni Savi.

Ngumiti ako. "Hm... mamasyal na lang sa paligid ng amusement park. Nakapunta na ako rito pero matagal na. Tsaka no'ng nakapunta kami rito hindi ko nagawang sumakay ng roller coaster dahil ayaw ni Daddy. Natatakot kasi siya na baka ma-trigger bigla ang utak ko." Ngumuso ako. "Kaya this time, susuyurin ko ang buong amusement park at susubukan ko lahat ng hindi ko pa nasusubukan dati."

He nodded and smiled wide, matching the energy that I have. "And I'm willing to follow you wherever you go, sweet lily."

Kaya nang matapos kami kumain, agad kaming naglakad para libutin ang buong amusement park. Bawat bagay na nadadaanan namin ay sinusubukan namin. Kaya ngayon, may bitbit na akong dalawang maliliit na stuff stoys na napanalunan sa nilaro namin na archery kanina.

"Ang cute ng stuff toys na nakuha natin, Savi!" saad ko sa kanya habang hawak-hawak ang dalawang stuff toys.

Ngumiti siya. "Oo nga, eh. Tayo ka diyan. I'll take photos of you."

Agad naman akong tumigil saka humarap sa kanya. Malawak akong ngumiti sa harap ng camera. Tapos ay itinaas ko ang dalawang stuff toys na hawak ko.

"Ayan. Very pretty," sabi niya.

Ngumiti ako kasabay ang pamumula ng mga pisngi ko. "Thank you, Savi."

He nodded. "Maglaro pa tayo para mas maraming stuff toys ang mapanalunan natin. Dapat iyong kagaya niyang kulay green na robot dahil cute."

"Oh, this one? I know him," sabi ko sa kanya.

"Talaga? May pangalan iyan? Hindi ba iyan random na stuff toy lang?" tanong niya sa akin.

"May pangalan ito. Si Hikun. Ito namang yellow, si Podong," sabi ko sa kanya. "Maglaro pa tayo pero iba naman ang kunin nating prize. Iyong ibang kasama nila ang kunin natin."

"May mga kasama pa ang mga iyan?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo, marami pa ito sila. Buong tropa."

"Alright, then. Let's go and play more," saad niya.

Kaya lumapit kami sa mga game stools at naglaro doon. Si Savino ang panay naglalaro para sa akin para makakuha ng prize. Ako ay naglalaro lang para magsaya.

Kaya habang naglalaro siya at hawak ko ang camera ay panaka ko siyang kinuhanan ng litrato.

Habang pinapanood siyang naglalaro, biglang may kumudlit sa tagailiran ko. Agad akong napalingon rito.

Isang batang lalaking malawak ang ngiti ang natagpuan ko. Sumisingkit ang mga mata niya. At ang chubby niya.

"Hello? How can I help you?" tanong ko sa kanya saka malawak siyang nginitian.

"I like that toy," sabi niya sabay turo kay Podong. "Can I have a bargain with you? I can give you this flower and you can give me that toy."

Halos bulol pa siya. Hindi pa maayos ang pagkakabigkas niya sa letrang 'r'.

Malawak akong napangiti saka natawa. Napatingin ako sa hawak kong si Podong. Ngumuso ako.

"But I like this toy too," sabi ko sa kanya ng pabiro.

Ngumuso siya sa akin. Bigla ko tuloy na gustong pisilin ang pisngi niyang matambok.

"That's sad. I really want that toy but my Dad didn't won it. It's okay, you can have it if you like it too much," sabi niya.

Ngumiti ako. "But I can bargain."

Tumigil siya. Nagtaas siya ng tingin sa akin. Nagliwanag ang mga mata niya.

"Really?"

Tumango ako. "Yes. I can have that flower and you can have little Podong."

"Podong? That's his name?" tanong niya.

Tumango ako. "Yes. So, do you wanna bargain?"

"Yes!" Mabilis siyang tumango saka nilahad sa akin ang bulaklak.

Agad ko itong tinanggap. Tapos ay binigay ko sa kanya si Podong. Mabilis niya itong tinanggap saka niyakap.

"Thank you so much, Ate!" sabi niya sa akin, yakap-yakap ang laruan.

Natatawang ginulo ko ang buhok niya. Tinanguan ko siya. "You're welcome. Go on and go back to your Dad."

Mabilis siyang tumalikod at tumakbo. Tumigil siya sa harap ng isang lalaking nakaupo sa bench. Nakangiti rin ito at ginugulo ang buhok ng anak niya.

"Anong nangyari?" tanong ni Savi sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "A businessman asked for a bargain so I did. He gave me a flower." Sabay pakita sa kanya ng bulaklak.

"He?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Yes, 'he'. He's a kid. Gusto niya si Podong kaya binigay ko agad. At least he won't forget that once in his life, he bargained his flower with a stranger here in this amusement park someday."

Savi chuckled. "He'll be a good businessman in the future for sure."

I nodded. "Yes, he'll definitely be."

"Paano iyan? Maglaro na ulit tayo para makakuha ka ulit ng laruan na ganoon?" tanong niya.

Ngumiti ako saka tumango. "Yes, we should! Tara na!"

Kaya sa kagustuhang mabawi ang laruan, walang tigil kaming dalawa sa paglalaro. This time, imbes na gusto ko lang mag-enjoy, nagpursige na lang din akong manalo ng isang baby Podong.

But I did not regret a single thing for giving that baby Podong to that boy. Kasi kung may maibibigay ako, bakit ko ipagdadamot?

He is just a kid. Imagine the joy he felt the moment he was able to hug baby Podong on his arms. 'Ika nga nila, hindi mapapalitan ang saya ng isang bata.

Pero nasa katuwaan na ako ng paglalaro nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Agad akong napatigil at napapikit ng mariin.

Oh my God.

Hindi ko mapigilang ibulong na lang sa isipan. Ayaw kong pag-alalahanin si Savino.

Dahan-dahan kong minulat ulit ang mga mata matapos ang ilang segundo. Napabuga ako ng malakas na hangin nang mawala naman agad ang pagkahilo ko.

"Sweet lily, I won! I won!" wika ni Savino sa akin.

Agad ko siyang nginitian at napatingin sa hawak niya. Napanalunan niya ulit si baby Podong.

"Wow! Thank you, Savi! Ang galing mo talaga! Ang talino!" saad ko sa kanya.

Akmang kukunin ko na sa kanya ang laruan nang ilayo niya bigla. May ngisi na sa mukha niya.

"Ops! May bayad ito, ah," sabi niya.

Ngumuso ako. "Ano naman?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Oo mo," sabi sabay tawa at bigay sa akin ng stuff toy.

...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro