22 | Mural Painting
"Hindi ko alam na dalawa lang pala ang gulong ng skateboard, Savi? Ang hirap naman nito." Nakasimangot kong sabi kay Savi habang nakatingin sa yellow na skateboard na nasa harap ko.
Kasalukuyan kami ngayong nasa grass field ulit. Siya ang nagrenta ng dalawang skateboard para sa aming dalawa. Sobrang excited ko pa dahil sa wakas masusubukan ko na ang mag-skateboarding. Pero nadismaya ako nang makitang dalawa lang ang gulong.
Mahinang natawa si Savi. "Bakit? Talaga namang dalawa lang iyong gulong ng skateboard na ginagamit ng mga nakikita mo sa TV, ah?"
Ngumuso ako saka humalukipkip. Nakasuot ako ngayon ng gray na hoodie at loose baby blue denim pants.
"Paano ako matututo niyan, eh, dalawa lang ang gulong? Akala ko apat? Mas madali iyon, eh," sabi ko sa kanya.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Dapat sinabi mo na apat na gulong ang gusto mo. Edi sana, nagdala na lang ako ng kariton."
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Pero magkasalubong pa rin ang kilay ko.
"Ang sama mo talaga sa akin!" saad ko. Pinulot ko ang yellow na skateboard. "Sige na nga. Subukan ko na lang ito."
Marahan akong pumatong sa skateboard. Mabilis naman akong inalalayan ni Savino. Nang makapatong ako ay bahagya akong napatili nang hindi ko magawang e-balanse ang skateboard.
Sabay kaming natawa ni Savino nang manginig ako dahil sa hirap sa pagbalanse.
"Dapat talaga nag-tricycle ka na lang, Ms. Teatreko," sabi niya sa akin sabay tawa.
Natatawang mahina kong hinampas ang braso niya. "Ang sama mo!"
Humagalpak siya ng tawa. Maypa-tingala pa siya sa kakatawa niya. Tuwang-tuwa na hirap na hirap ako rito.
"Na-i-imagine ko tuloy na nag-d-drive ka ng tricycle," sabi niya sabay tawa.
Muli kong hinampas ang braso niya. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko para suportahan ako sa kalokohan ko.
"Tumigil ka na nga, Savi. Tulungan mo na lang ako rito!" Natatawa ko rin na sabi sa kanya.
Halos maluha-luha pa siya sa pagtawa. Tapos ay tumango-tango siya.
"Ito na nga, hinahawakan ka na nga, eh. Mukhang buong araw kitang hawak-hawak habang nakasakay ka diyan sa skateboard mo, ah," sabi niya na tumatawa pa rin.
Inis ko siyang tiningnan pero natatawa na rin ako sa pinagsasabi niya. Dahil mukhang totoo naman.
"Don't underestimate me, Savino. Makikita mo, maya-maya lang, matutunan ko nang e-balanse itong kahoy na ito," sabi ko sa kanya.
Tumango-tango siya pero natatawa pa rin. "Oo na, oo na. Tiwala lang."
"Oo. Kaya hawakan mo ako ng maigi," sabi ko na tumatawa na rin.
"Ano pa ba itong ginagawa ko, Ms. Teatreko?" tanong niya saka pabirong bibitawan sana ako.
Napatili ako saka tiningnan siya ng masama. "Kapag nadapa ako, Savi, lagot ka!"
Humagalpak siya ng tawa. "Ms. Teatreko, minsan sa buhay kailangan nating madapa. Teka, bibitawan kita--"
"Savino! Huwag mo akong bibitawan! Baka mahulog ako!" tili ko saka kumapit ng mahigpit sa kamay niya.
Tuwang-tuwa naman siya na inaasar ako. Sobrang saya niya talaga.
Panay tawa siya habang tinuturuan at inaalalayan niya akong matuto sa skateboard. Halos umabot kami ng tatlong oras sa pag-p-practice hanggang sa paunti-unti ay nagagawa ko na nga na e-balanse ang skateboard. At patagal nang patagal, nagawa ko nang patakbuhin ito sa grass field.
Si Savino naman ay sinasabayan ako sa ginagawa ko. Sa leeg niya ay nakasabit ang camera niya. At dahil marunong na siyang mag-skateboarding, pinagsasabay niya ang pagkuha ng litrato sa akin at ang pag-aalalay sa akin.
Nang mapagod kami sa pag-ikot sa buong grass field gamit ang skateboard, nakaramdam ako ng gutom.
"Savi, bili muna tayo ng pagkain. Nagugutom na ako," sabi ko sa kanya.
Siya ay panay pakita sa akin ng tricks na alam niya sa skateboard. Napapanguso na lang ako dahil hindi naman ako marunong. Pagpapatakbo at pagbalanse lang ang kaya ko.
Tumingin agad siya sa akin. "Alright, let's go, sweet lily. Come on and race with me."
Tapos ay mabilis siyang umalis gamit ang skateboard. Napasinghap ako saka mabilis na sumampa sa skateboard at sumunod sa kanya.
"Hintayin mo ako!" tawag ko sa kanya. "Maabutan kita, makikita mo!"
"Catch me if you can, sweet lily. I bet you can't!" sagot niya habang natatawa.
Hindi ko naman talaga siya mahahabol. Sa bilis ba naman niyang magpatakbo ng skateboard. Malayo sa kaya ko na kakasimula pa lang. Pero masaya ako na sinusubukan niya pa rin akong pakisamahan kahit pa alam niyang hindi ko naman talaga siya matatalo.
"You bet!" sagot ko sa kanya habang nakasunod sa kanya.
"Ang tapang." Tumawa siya.
Napatawa na rin ako sa sinabi niya.
Nang makarating kami sa shop na malapit lang din sa grass field, agad naming nilagay sa gilid ang skateboard. Tapos ay sabay kaming pumasok at namili ng pagkain.
"Cornetto," basa niya habang nakadungaw sa ice cream spot. "Ms. Teatreko, saan aabot ang bente pesos mo?" biglang tanong niya sa akin.
Napakurap ako saka tumingin sa kanya. Tumingin ako sa ice cream, tapos sa kanya ulit.
"Ha?" tanong ko nang maguluhan.
Ngumisi siya bigla saka natawa. "Ma-s-stress si James Reid sayo."
Napakurap ako. Tapos ay unti-unting nag-sink-in ang ibig niyang sabihin. Saka ako natawa saka hinampas ng mahina ang braso niya.
"Ewan ko sayo!" sabi ko na lang. "Kung gusto mo bumili ng cornetto, bumili ka na lang, Savi. Huwag ka nang bumanat."
Tumawa siya. "Yes, Ma'am. Pero ayoko niyan, hindi ako mabubusog, eh."
"Okay. Edi, anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya nang muli kaming maglakad para maghanap ng iba pang pwedeng kainin.
"Rebisco na lang," sabi niya habag naglalakad kami.
"Dahil?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa.
"Dahil may pa-sobra dahil special ka," sagot niya sabay tawa.
Humagalpak ako ng tawa saka inis siyang hinampas. "Ewan ko sayo talaga!"
"Nahiya pa sila. Dinagdagan nga ng isa hindi naman nakakabusog," sabi niya. "Makapag-Fita na nga lang. Para may magbagsakang sports car."
Napailing na lang ako habang tinatawanan siya. "Tama na, Savi. Pagod na pagod ka na. Ako na lang ang pipili ng pagkain para sayo."
"Ay hindi. Hindi pa ako pagod. Naka-Alaxan ito, Ms. Teatreko," sabi niya sabay hampas ng dalawang beses sa dibdib niya.
Humagalpak ako ng tawa. "Ang dami mong kalokohan. Ang dami mong alam."
"Alam ko. Dahil lamang ang may alam." Tumatawa niyang sabi.
Napapadyak ako habang tumatawa. Naiinis na ako dahil tawa na lang ako nang tawa sa mga pinagsasabi niya.
"Tama na, Savi. Gutom ka na talaga. Hindi na matigil ang bunganga mo," sabi ko sa kanya.
"Oo na, oo na. Tuwang-tuwa ka naman sa akin. Napaghahalataang ako ang kaligayahan mo," sabi niya na nakangisi.
Naniningkit ang mga mata niya sa bawat tawa niya.
"Ang OA!" saad ko na lang dahil ayaw niya talagang tumigil pero panay naman ang tawa ko sa kanya.
Nang mapagdesisyunan niyang magseryoso sa pagkaing bibilhin niya, mabilis agad kaming nagbayad sa counter. Tapos ay muli kaming lumabas at sumampa ulit sa kani-kaniyang skateboard at bumalik sa pwesto namin kanina.
Naupo muna kami sa bench at pinanood ang mga batang naglalaro sa field. May mga pamilyang nag-p-picnic na naman dahil maaliwalas ang araw. Panaka-naka ko silang kinukuhanan ng picture dahil nakakatuwa silang panoorin.
"Where do you wanna go after this?" tanong ni Savi sa akin habang nginunguya ang burger na hawak niya.
Pinapanood ko pa rin ang mga bata. "Hindi ko alam. Kahit saan. Gusto ko lang munang ubusin ang araw ko habang sakay itong skateboard. Pag-iisipan ko rin kung bibili ba ako o hindi."
"Ng skateboard?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo."
"Bakit kailangan mo pang pag-isipan? Kung gusto mong mas matuto ka pa, edi bumili ka," sabi niya sa akin.
Napanguso ako. Nginuya ko ang kinakain na fries. "Ang dami ko nang mga gamit doon sa kwarto ko na hindi ko naman nagagamit. Inaalikabok na ang mga iyon doon."
"Gaya ng?" tanong niya.
"Gaya ng gitara," sagot ko sabay ngiti. "Napanalunan ko iyon sa raffle dito sa barangay."
"Raffle?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo."
"Kailan?" tanong niya.
"Hmn... matagal na. Hindi pa tayo magkakilala no'n," sagot ko. "Napalunan ko siya. May itim na box din iyon na kasama na puno ng chocolates. Namigay pa ako sa mga batang nakakasalubong ko no'ng araw na iyon."
"Hmn... Puti ba iyong kulay ng gitara?" tanong niya.
Nilingon ko siya saka mabilis na tumango. "Oo! Puti! Paano mo nahulaan?"
Ngumiti siya saka umiling. "Wala. Hinulaan ko lang. Alam mo na, mahilig din ako sa gitara dahil madalas akong kumakanta dati. Palagi akong may bitbit na gitara."
Tumango-tango ako. "Hm..."
Muli akong tumingin sa mga bata sa grass field. Tapos ay kumain ng fries.
"Wala ka na ba talagang planong bumalik sa pagkanta?" tanong ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. "Singing in gigs was the best thing that has ever happened to me way back then. Doon ako kumikita para makatulong kay Kuya Santi, lalo pa't may sakit si Nanay noon. Naging malapit din sa puso ko ang mga kasama ko sa banda. Iyong dating ako, sigurado akong matutuwa siyang bumalik ulit doon. Pero iyong ako ngayon... matutuwa pa rin sa pagkanta pero hindi na babalik doon. I'm happier this way. Gusto kong iyong pagkanta ko, hobby na lang at hindi pagkakitaan."
Marahan akong tumango. "Sabagay, may business ka na rin naman ngayon. Kaya siguro ayaw mo nang bumalik."
"Oo. Tsaka nakakapagod rin iyon, eh. Kaya dito na ako sa totoo kong pangarap," sabi niya. "Photography."
Ngumiti ako. "I'll support you with that."
"Eh, ikaw? What is your dream?" tanong niya sa akin na kinatigil ko.
Ano nga ba ang pangarap ko?
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Wala naman iyon sa isip ko, eh. Ah, siguro iyong gumaling na lang sa tumor ko. Iyon lang naman ang hinihiling ko mula noon, eh."
"If you did not have that illness, what would your dream be? Think of it like you don't have a tumor. Imagine that you're still that little Inniah and you're able to go to school, you're able to chase your dreams. What would your dream be?" aniya.
Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko lubos akalaing may isang taong magtatanong sa akin ng ganitong bagay. Wala pang sinuman ang nakapagtanong sa akin tungkol rito, eh.
Napanguso ako saka isinaisip at isinapuso ang sinabi ni Savino. Kung wala akong sakit, ano nga ba ang pangarap ko?
"Uhm..." Nag-isip ako. "I want to be a surgeon."
"Really?" tanong niya. "Why?"
Ngumiti ako. "Dahil gusto kong tulungan iyong mga batang dinaranas ang mga nararanasan ko. I want to be a friendly surgeon who will help them get through their illnesses."
"I love that dream," sagot niya sa akin.
Tumango ako saka malawak na ngumiti. "I hope some kid is going to be a surgeon. Siya na lang ang tumupad sa pangarap ko."
"She will be a good surgeon like you, sweet lily. That's for sure," aniya. "So, do you want to race around the town after this snack?"
Mabilis akong tumango. "Yes! I will win against you this time!"
He chuckled. "We'll see, sweet lily. We'll see."
Kaya nang matapos kaming kumain, agad kaming sumampa ulit sa skateboard. Sabay namin na nilibot ang buong Sagittarion gamit lang ang skateboard. Syempre, hindi pa rin ako nananalo sa kanya. Pero hinahayaan niya akong makasabay.
Habang naglilibot kami ay napatingin ako sa mga nagkukumpulang tao sa gilid ng pader. May mga paint sa gilid nila. At sabay-sabay silang nag-pi-pinta sa pader.
Hindi ko mapigilang mamangha habang pinapanood sila. Hindi sila gaano karami, pero pansin kong halos lahat sila ay natutuwa sa ginagawa nila.
"Ang galing nila, 'no?" tanong ko kay Savi.
Tumigil na rin siya dahil sa pagtigil ko. Parehas na kaming nanonood sa mga nagpipinta.
"Oo nga, eh. I love artists. They know how to express their emotions well through their arts," sabi niya.
"Magandang araw, hijo, hija! Gusto niyo bang sumali?" Biglang lumapit ang isang lalaking tingin ko ay nasa edad sixty na.
Malawak ang ngiti niya sa amin ni Savino. Maayos siya manamit, mukhang mayaman.
"Pwede po kaming sumali?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Oo naman. Taon-taon akong nagpapapinta rito sa pader na ito. Lahat pwedeng sumali. Walang rules, walang criteria. Kung ano ang gusto mong i-pinta, pwedeng i-pinta."
"Whoah! Bakit po? Ano pong meron?" tanong ko ulit sa kanya.
Ngumiti siya. "Itong lupang kinatatayuan ng mga pader ay pagmamay-ari ko. Pati itong pader. Kaya dahil walang mga kabahayang nakatira rito, para naman hindi masyadong malungkot tingnan, pinapapintahan ko taon-taon. Bilang pagdiriwang na rin sa kaarawan ng asawa kong yumao na. Libreng pagkain rin ang mga nagpipinta rito. Pati ang mga kagamitan ay libre."
Namangha ako. "Ang yaman niyo po pala! Lahat libre!"
Mahina siyang natawa. "Hindi naman. Biniyayaan lang ng panginoon. So, gusto niyo bang sumali?"
Nilingon ko si Savi na nakangiti lang sa tabi ko. "Sali tayo, Savi!"
Walang alinlangan siyang tumango. "Oo ba. Let's go."
Tumingin ako kay Sir. "Sasali po kami, Sir."
Tumango siya saka ngumiti. "Oh siya. Kumuha lang kayo ng mga kagamitan doon." Sabay turo sa isang pahabang mesa na punong-puno ng mga kagamitang pangpinta.
"Okay po! Thank you!" saad ko.
Mabilis kaming tumungo ni Savino sa mesa. Sabay kaming nanguha ng mga iba't ibang kulay ng pintura. Tapos ay patakbo akong naghanap ng pwesto ko.
Hindi ako marunong magpinta, pero gusto kong subukan ngayon.
There is no harm in trying.
Walang paligoy-ligoy na agad kaming nagsimula sa pagpipinta. Panay pa ang tawanan namin ni Savino dahil iyong amin lang siguro ang hindi kaaya-aya sa paningin. Iyong mga pininta kasi ng iba, maganda, at magaling.
Napasinghap ako nang may biglang tumulong pintura sa sapatos ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako doon.
Kulay blue na pintura ang tumulo sa sapatos kong puti. Pero hindi naman blue ang pintura na dala ko.
Mabilis akong tumingin kay Savino na siyang may bitbit ng blue na pintura.
"Savi! Iyong pintura mo tumulo sa sapatos ko!" saad ko sa kanya sabay turo sa sapatos ko.
Mabilis siyang napatingin sa akin. Tapos bumaba ang tingin sa sapatos ko.
"Hala!" Singhap niya. "I'm sorry, sweet lily. I didn't see your foot."
"Matatanggal pa ba ito?" tanong ko sa kanya.
He nodded. "Yep, don't worry. Tatanggalin natin iyan mamaya."
Tumango ako sa kanya. "Okay."
Muli akong bumalik sa pagpipintura. Hindi ko alam kung ano ang ipipinta ko basta ang alam ko, gusto ko lang iyong amoy ng pintura.
Pero napasinghap akong muli nang matuluan naman ang hoodie ko ng pintura. Iyong pinturang galing kay Savino pa rin.
Tiningnan ko siya. Seryoso lang siyang nagpipinta doon. Tapos ay may kalokohang pumasok sa isip ko.
Pinasok ko ang kamay ko sa lata ng pinturang dilaw na hawak ko. Tapos ay mabilis na pinunas ang kamay kong may pintura sa pisngi ni Savino.
Napasinghap siya saka mabilis na napatingin sa akin. Bumaling ang tingin niya sa kamay kong nasa ere at puno ng pintura.
"Tell me you didn't wipe that on my face, sweet lily," wika niya sa akin habang kumurap-kurap.
Ngumisi ako sa kanya. "I won't tell you."
He chuckled and a smirk flashed on his face. He poured the blue paint on his hand and was about to attack me but I was faster. I quickly ran away from him.
"Sorry na, Savi!" Tumatawang sabi ko habang tumatakbo palayo sa kanya.
"Talagang sinisimulan mo ako, ah?" sabi niya. "I won't back down, sweet lily."
Halos magpaikot-ikot kami sa mesang puno ng mga gamit pangpintura para lang makaiwas ako sa kanya. Pero naabutan niya pa rin ako at pinunas sa pisngi ko ang pintura sa kamay niya.
Natatawang napasimangot na lang ako.
"'Kala mo, ah? 'Kala mo tatantanan kita, ah?" sabi niya sabay ngisi.
"Ang sama mo talaga!" Napapadyak na lang ako.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo, ah? Masaya ba magpinta?"
Sabay kaming napalingon ni Savino sa nagsalita. Si Tatay na may-ari lang pala. Nakangiti siya habang pinapanood kami ni Savino.
"Oo nga po, eh! Masaya po pala magpinta," wika ko sa kanya. "Buti po naisipan ninyong magpapintura tuwing taon rito. Ang gagaling pa po ng mga nagpipintura, oh."
Ngumiti siya saka tumango. "Tama. Magaling silang lahat. Pero walang mas hihigit pa sa galing ng yumao kong asawa na magpinta."
Napangiti ako. Habang tinitingnan ko siya, mukhang naghahalo ang pagka-miss at pagmamahal sa mga mata niya.
"Magaling rin po siya magpintura?" tanong ni Savino sa kanya.
Tumango siya. "Oo. Kaya nga binili ko itong lupang ito dahil kinahiligan niyang magpinta sa mga pader. Nakaka-miss nga siyang panoorin na magpinta, eh." May munting ngiti sa labi niya.
"Uhm... kung hindi niyo po mamasamain, ano po ba ang nangyari sa asawa niyo?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya saka namaywang na tumingin sa mga taong nasa pader. "Namatay siya dahil sa tumor niya sa utak."
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Narinig ko pa lang ang salitang 'tumor', para na akong tinarak ng kutsilyo ng ilang beses.
Nilingon ako ni Savino. Pansin ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Malungkot na tumingin ako kay Tatay. "Ganoon po ba?"
Tumango siya saka tipid na ngumiti. "Oo. Oh siya, siya. Maiwan ko na kayo at nang matapos na kayo sa pagpipinta. May pagkain rin diyan, kumain na lang kayo kapag nagutom kayo."
"Sige po. Salamat," si Savino ang sumagot.
Ngumiti siya saka agad na tumalikod. Samantalang ako ay naiwang nakatayo doon na mabigat ang loob.
I felt Savino's hand on my shoulder. "Do you want to leave?" tanong niya.
Umiling ako saka tipid na ngumiti. "No, I want to stay."
"Are you sure?" tanong niya sa akin.
Tipid akong tumango saka ngumiti sa kanya. "Hindi naman na nakakagulat iyon. Medyo, nalungkot lang ako sa part na... parehas kami ng sakit."
Bumuntong-hininga siya. "You'll be fine, sweet lily. Once you perform the surgery, you'll be fine."
Tipid akong ngumiti. Lumungkot ang dibdib ko. "Yes. I'll be fine, Savi. But... I'm not yet ready for a surgery. Natatakot pa kasi ako."
Saglit siyang natahimik pero pagkaraan ang ilang minuto ay marahan siyang tumango. He even gave me a reassuring smile.
"I understand, sweet lily. Whatever your decision will be, I will always support you," sabi niya.
Kahit papaano, gumaan ang kalooban ko sa sinabi niya. Pero hindi talaga maipagkakaila na dumagdag siya sa mga taong umaasang magpa-surgery na ako.
And the pressure is higher.
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro