Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

20 | Granted

Nagising akong may mumunting hikbing naririnig. Marahan kong minulat ang mga mata para alamin kung sino ang umiiyak malapit sa akin.

Dumapo ang mga mata ko sa isang babaeng may kuluting buhok. Magkalapat ang mga palad niya at nakayuko siya. Panay ang hikbi niya, gumagalaw ang balikat niya sa pag-iyak niya.

Amoy na amoy ko ang gamot sa paligid ko. Bahagyang umikot ang paningin ko sa paligid.

Wala akong maalala. Nasaan ako? Sino ang babaeng nasa harap ko?

Akmang magsasalita na ako nang sumakit ang lalamunan ko. Tumikhim ako.

"T-Tubig..." bulong ko.

Agad na mabilis na napatingin sa akin ang babae. Mapupungay ang mga mata niyang maga dahil sa kakaiyak. Namumula ang matangos niyang ilong. Basa ang makinis at mamula-mula niyang mga pisngi.

Walang salitang mabilis siyang tumayo mula sa plastic na upuan. Tapos ay tumungo siya sa mesa at kumuha ng tubig. Tapos ay muli siyang naglakad pabalik sa akin.

Inalalayan muna niya ako sa pag-upo at nilagay ang baso sa mesa sa tabi ng kama. Tapos nang makaupo ako, saka niya ako tinulungan sa pag-inom.

Nang makainom ako ng tubig ay nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa.

"Ayos ka lang ba, Niah? May masakit ba sayo? Tatawag ako ng doctor," sabi niya sa malumanay na boses sabay lagay ng baso sa mesa.

Kita ko ang magkahalong lungkot at saya sa mukha niya.

Umiling ako. "Wala namang masakit. Sino ka ba? Wala akong maalala. Hindi kita maalala."

Ngayon ay gumuhit ang lungkot sa mukha niya. Pero tipid siyang ngumiti sa akin.

"Ako si Vevica Renee Teatreko. Ako ang Ate mo. Ikaw naman si Inniah Feej Teatreko," sabi niya.

Marahan akong tumango. Kaya pala kahit hindi ko siya maalala, parang pamilyar ang mukha niya sa akin. Dahil pala kapatid ko siya.

"Ano po ba ang nangyayari, Ate? Bakit wala akong maalala?" tanong ko sa kanya.

"Ang doctor ang magpapaliwanag sayo mamaya, Niah. Tsaka huwag kang mag-alala, babalik rin naman agad ang alaala mo," sabi niya.

Tumango ako. "Okay po."

Biglang bumukas ng marahan ang pinto. Sabay kaming napatingin doon. Bumungad mula doon ang isang may katandaang lalaking kamukha ni Ate. Sa tindig pa lang at itsura niya, sigurado akong siya ang Tatay ko.

Marahan siyang pumasok sa loob habang nakatingin sa akin. Mugto rin ang mga mata niya gaya ng sa Ate ko.

Habang pinapanood siya, hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit at lungkot.

Nagkakaganito ba sila dahil sa akin? Dahil sa sitwasyon ko?

Bumuntong-hininga siya at tumigil sa tabi ni Ate. Tapos ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"Wala bang masakit sayo, anak? Or should I call the doctor?" tanong niya.

Tipid akong ngumiti sa kanya. Kahit pa wala akong maalala tungkol sa kanya, ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.

"Wala naman po. Wala lang po akong maalala," sabi ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya saka tumango. "Huwag kang mag-alala. Babalik din agad ang alaala mo." Binigyan niya ako ng isang ngiti na nagpalambot sa puso ko.

Ganoon talaga ang tao, 'no? Kahit pa hirap na, kahit pa masakit na, dinadaan pa rin sa ngiti ang lahat.

Tumango ako at ngumiti rin pabalik sa kanya. "Okay po."

Tumingin siya kay Ate. "Renee, can we talk outside?" aniya sa malambot na boses.

Tumingin si Ate sa kanya saka tumango. Tapos ay tumingin siya sa akin. "Mabilis lang kami sa labas, Niah. Babalik din kami agad."

Tumango ako. "Okay po, Ate."

Agad na tumayo si Ate saka naglakad palabas. Tinanguan ako ni Daddy saka binigyan ng isang munting ngiti bago sumunod kay Ate.

Nang sumara ang pinto ay nakaramdam ako ng lungkot. Bakit parang ang sakit sa pakiramdam na makitang ako lang ang mag-isa rito sa loob ng puting kwartong ito?

Wala na nga akong maalala, mag-isa pa ako.

"Is there something you want to tell me, Vevica Renee?"

Napalingon ako nang marinig ang munting boses na nanggagaling sa labas. At sigurado akong sa kay Daddy iyon.

Agad kong narinig ang munting hikbi ni Ate. Humapdi naman agad ang puso ko sa naririnig.

"S-Sorry, Dad. Gusto ko lang din maging masaya si Niah, Dad. H-Hinayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya sa pag-aakalang magiging maayos lang ang lahat. H-Hindi ko naman alam na mangyayari na naman ang ganito. S-Sorry po," rinig kong sabi ni Ate.

Base sa naririnig ko, mukhang hinayaan pala ako ni Ate na gawin lahat ng gusto ko tapos ay tinago niya kay Daddy. O baka pinatago ko sa kanya kay Daddy. Kung ganoon, baka kasalanan ko ang lahat ng ito.

"You could've told me, Vevica Renee. Gusto ko rin naman na maging masaya ang kapatid mo. We both want what's best for her, what makes her happy. Why do you have to keep it from me? You could've told me," rinig kong sabi ni Daddy.

Pero kahit pa ramdam ko na dismayado siya, malambot pa rin ang boses niya sa pakikipag-usap niya kay Ate. At base pa lang sa naririnig ko, mukhang isang mabuting ama siya sa aming magkapatid.

Kung ganoon, bakit ko siya binigo?

Rinig ko ang hikbi ni Ate. "I know. I know you want what's best for her, Dad, but it doesn't make her happy. Alam ko dahil sinasabi niya sa akin. K-Kaya tinago namin sayo na palihim siyang lumalabas, na palihim siyang tumatakbo dahil alam kong pipigilan mo siya kapag nalaman mo. S-Sorry, Daddy. P-Pero iyon lang ang alam naming paraan na magpapasaya sa kanya, para maranasan niya ang mga bagay na hindi niya pa nararanasan dati."

Isang munting katahimikan ang bumalot sa kanila. Napakagat-labi ako at mahigpit na napahawak sa kumot.

Sumisikip ang dibdib ko.

"Since when?" rinig kong malumanay na tanong ni Daddy.

"Since she knew Savino Basaltta, Dad. Siya ang palaging kasama ni Niah sa tuwing lumalabas siya. Hinahayaan ko siya dahil alam kong mapagkakatiwalaan si Savino--"

"I know that he is a good man, Vevica Renee. But not to the point that I will let him go out with your sister," wika ni Daddy.

Savino? Pamilyar ang pangalan na iyon.

"I'm sorry, Dad. I know that I don't have the right to say this to you but they are already together. At nakikita kong masaya si Niah sa kanya, Dad. Nakikita kong responsable si Savino, Dad. Nakikita kong inaalagaan niya ang kapatid ko. That's why I trust him for her," wika ni Ate.

"Well, I don't," wika ni Daddy. "Call him. Message him. I want to talk to him in person."

Ngayon ay mas buo na ang boses ni Daddy. Naririnig kong tila may namumuo nang galit sa boses niya.

At hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba ngayon.

"Are we clear, Vevica Renee?" rinig kong tanong ni Daddy.

"Yes, Dad," sagot ni Ate.

Tapos ay kasabay ang pagpasok ni Ate sa kwarto. Sumunod rin si Daddy. May ngiti na sa mga labi nila na para bang hindi man lang sila nagkasagutan.

"Are you hungry, Niah? Should I peel an apple for you?" tanong ni Ate nang makalapit siya.

Maga pa rin ang mga mata at bahagya pa rin na basa ang mga pisngi. Pero dinadaan niya lang ako sa ngiti.

Tipid akong tumango. "Yes, please."

Kaya mabilis siyang naupo sa upuan sa tabi ko at kumuha ng apple. Kumuha siya ng kutsilyo at sinimulang balatan ang mansanas.

"Later, I'll call the doctor. For now, eat and rest, alright, anak?" wika ni Daddy.

Tumango ako saka ngumiti sa kanya. "Okay po."

Matapos ko nga na kumain, muli nila akong tinanong kung pwede na ba nilang papasukin ang doctor. Agad naman akong tumango sa kanila. Kaya pumasok agad ang doctor at pinaliwanag sa akin ang nangyayari.

Pinaliwanag niya sa akin kung bakit wala akong maalala. Marami siyang sinabi na sabi niya dapat hindi ko kinaalala.

Nang matapos siya ay agad akong umidlip. Nakaramdam na rin kasi ng matinding pagod ang buong katawan ko.

Nang muli akong nagising, unang bumungad sa mga mata ko si Ate Renee na nakaidlip na rin. Ang ulo niya ay nakapatong sa kamang hinihigaan ko.

Napakurap ako nang biglang maalala ang nangyari.

"S-Si Savino..." bulong ko.

Huli kong naalala ay yakap-yakap niya ako habang hawak-hawak ko naman ang ulo ko sa sakit. Tapos ay nawalan na ako ng malay.

Napatingin ako kay Ate. Pansin kong maga pa rin ang mga mata niya. Naaalala ko na ang nangyari.

At alam na ni Daddy.

Ano ang gagawin ko?

Nasapo ko ang ulo ko. Bumangon ang matinding kaba sa puso ko.

"Niah? Gising ka na pala."

Napatingin ako kay Ate. Maga pa rin ang mga mata. Humikab siya saka tipid na ngumiti sa akin.

"Maayos ba ang pakiramdam mo? Kailangan ko bang tumawag ng doctor?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nasa tiyan ko.

"N-Naaalala ko na ang lahat, Ate. S-Sorry kung dahil sa akin napagalitan ka ni Daddy. Kung umamin lang ako agad at kung hindi ko iyon tinago, baka hindi mangyayari ito," sabi ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ate Renee. Tapos ay kinuha niya ang kamay ko saka hinawakan gamit ang dalawa niyang mga palad.

"Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, Niah. Hindi ako nagsisi na sinuportahan kita sa mga bagay na gusto mo at alam kong ikasasaya mo. Kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin," sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. May tipid na ngiti sa labi niya. Kita ko ang determinasyon sa mga mata niya. Wala siyang pagsisisi.

Napanguso ako. "Eh, bakit ka umiiyak kanina?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso rin siya. Tapos ay ngumiti. "Dahil nagsinungaling ako kay Daddy. Kung mayroon man akong pinagsisihan, iyon ay ang pagsisinungaling kay Daddy. Dapat hindi na tayo nagsinungaling sa kanya. Kasi kung nagpaliwanag lang tayo ng maayos, maiintindihan naman niya, eh. Kaso inunahan tayo ng takot kaya tinago natin sa kanya."

Marahan akong napangiti. "Pero hindi ka nagsisisi na dahil sa kagustuhan ko, nagsinungaling ka?" tanong ko.

Tumango siya saka malawak na ngumiti. "Oo naman, 'no. Masaya ako na masaya ka, Niah. Wala nang ibang magpapasaya sa akin kundi ang malamang nagagawa mo ang mga gusto mo. Kaya kahit pa nakapagsinungaling ako kay Daddy, hindi ko pa rin pagsisisihan na sinuportahan kita sa gusto mo. Pero this time... dapat sabihin na natin ang totoo kay Daddy, okay? Wala nang secrets?"

Ngumiti ako sa kanya pabalik saka tumango. "Okay po, Ate Renee. Promise, wala nang secrets. Sasabihin ko na lahat kay Daddy."

Tumango siya.

Tumingin ako sa paligid. "Si Daddy? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya.

"Lumabas siya saglit. Bibili siya ng pagkain naming dalawa. Babalik din siya agad," sagot niya.

Tumango ako. "Si... Savino, Ate? Pumunta na ba siya rito? Nagkita na ba sila ni Daddy?"

Umiling siya. "Hindi pa siya pumunta rito. Sinabihan ko siya noong hinatid ka niya rito na saka na siya bumalik kapag gising ka na at naaalala mo na ang lahat. Sasabihan ko pa siya mamaya."

Marahan akong tumango. "So, hindi pa nga sila nagkita ni Daddy?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Wala pa."

Bigla akong kinabahan. Ngumuso ako. "Paano kung magagalit si Daddy, Ate?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Sabay tayong magpapaliwanag kay Daddy. Wala na siyang magagawa kung tayong dalawa ang makikipag-usap sa kanya."

Marahan akong tumango. "Okay po."

"Tsaka huwag kang mag-alala, I messaged Savino through your phone, telling him na pwede lang siyang pumunta rito kapag sinabi mo na. Kapag ready ka na. Naiintindihan naman niya," sabi niya. "Plano rin na bumisita ni Yelena sayo. Pero sinabihan ko rin siya na saka na kapag nakakaalala ka na. Mamaya sasabihin ko sa kanya."

Ngumiti ako. "Thank you, Ate... for everything."

Her eyes softened. "You're my only sister, Niah. I will risk everything for you. You are my everything. So, you don't have to thank me for doing all these things, okay?" She gave me a reassuring smile.

Lumambot ang puso ko. I am so lucky to have a sister like her. If multiverse exists, I hope my other self have her as an older sister.

Ilang minuto lang ay dumating agad si Daddy. May bitbit siyang pagkain nila ni Ate. Pero nang makitang gising na rin ako, panaka-naka na rin nila akong pinapakain sa pagkaing para sana sa kanila.

"The next time you want to go out, anak, please tell me, okay?" wika ni Daddy.

Kakatapos niya lang kumain. Siya na ngayon ang nakaupo sa stool na inuupuan kanina ni Ate. Si Ate ay saglit na lumabas.

I slowly nodded. "Opo, Dad. Galit ka po ba sa akin? Kasi hindi ako nagpaalam at nagsinungaling si Ate para sa akin?"

Bumuntong-hininga siya. Marahan niyang hinawakan ang palad ko.

"I would be lying if I'd say 'no', anak. Syempre nagalit ako. I was disappointed. Because who wouldn't, right? All along my two daughters were lying to me. Syempre, nasaktan ako at nadismaya," he said in the softest tone. "I also want to make you happy, anak. I am your father, of course that's what I want to for you. Kaya hindi mo kailangang magtago sa akin kung gusto mong lumabas."

Ngumuso ako. "Kahit pa... alam mong delikado ang mga ginagawa ko?" tanong ko.

"Like?" tanong naman niya.

"Gaya ng... pagsakay sa roller coaster? O kaya magpaulan? O magpagulong-gulong sa damuhan? O sumakay ng parachute," sagot ko.

Tumigil siya saglit sa tinitigan ako. Tapos ay bumuntong-hininga siya. "And you're with Savino?" tanong niya.

Napatigil ako. Hindi ko mabasa ang mukha niya habang sinasabi iyon. Pero marahan akong tumango bilang pagsagot.

"Opo, Dad," sagot ko.

Bumuntong-hininga siya. "Why do you trust him so much, anak? Kakakilala niyo pa lang na dalawa, diba? Since my birthday, right? Bakit mo siya pinagkakatiwalaan ng ganito? You even go out at night with him? Why? Please enlighten your old man."

Tipid akong ngumiti. "Hindi ko rin alam, Daddy. I don't know why I trust him this much. Ang alam ko lang, kapag kasama ko siya, nagagawa ko lahat ng gusto ko. Hinahayaan niya akong gawin lahat ng gusto ko. He keeps on taking a lot of pictures of me and in all those... I looked so happy. Kaya gusto ko pa siyang makasama. Kasi gusto ko pang mas maging masaya. I want to document every single day I have here in this world, Dad. Ang mga araw na masaya ako."

Tumitig siya sa akin. May gumuhit na lungkot sa mga mata niya. Pero marahan siyang tumango-tango sa akin.

"Are you happier with him than with me and your Ate?" tanong niya.

Umiling ako. "No, Dad. That's not what I meant with being happy. I am not happier with him than with you and Ate, but I am happier with him than when I'm with myself." I sighed. "Kapag mag-isa lang ako, Dad... nakakalimutan kong piliin ang gusto ko. Nakakalimutan ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung totoo ba talaga akong masaya. Hindi ko alam ang patutunguhan ko, Dad. Pero... nang makilala ko si Savino... I found myself so happy. Whenever I am with him, I felt like being alone is not really that bad."

Marahang tumango si Daddy. "Bakit masaya ka sa kanya, anak? What does he usually do to make you that happy, hmm?"

Napangiti ako sa tanong niya. "The smallest things, Dad!" sagot ko. "He makes me happy with the smallest things he do."

He nodded lightly. "I'm sure he does. I can see by the way you smile."

Malawak ko siyang nginitian. "Kaya huwag mo siyang sasaktan, okay, Dad? Wala siyang kasalanan, Daddy. Lahat ng nangyari sa akin, kagustuhan ko at kasalanan ko. Sumusunod lang siya sa gusto ko, Dad."

Bumuntong-hininga si Daddy. "I can't promise you anything, anak. But I will try."

Bumukas ang pinto ng kwarto. Marahang pumasok si Ate pero hindi agad siyang lumapit. Tumigil siya sa harap ng pinto habang nakatingin sa amin ni Daddy.

Parehas kaming nakatingin ni Dad sa kanya. Nagtataka kung bakit hindi pa siya lumalapit.

"Yes, anak? Is there any problem?" tanong ni Daddy sa kanya.

"Ah... Dad, may bisita si Niah," wika ni Ate. She looks hesitant.

"Who's that? Yelena?" Dad asked.

Marahang umiling si Ate. "Hindi po. It's... It's Savino, Dad."

Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nanlaki bahagya ang mga mata ko.

S-Si Savino?

Tumingin ako kay Daddy. Bumuntong-hininga siya. Tapos ay tumayo at tumango kay Ate.

"Let him in," sabi ni Daddy.

Tumango si Ate. Binuksan niya ang pinto. Tapos ay pumasok si Savino.

Hindi ko mapigilang suriin ang itsura niya. Ang dating malinis niyang buhok ay magulo. Ang dating masigla niyang mukha ay napalitan ng lungkot at pag-aalala. Isang simpleng puting t-shirt at itim na pants lang ang suot niya. At wala siyang bitbit na kahit na ano.

Kahit camera.

Agad na tumama ang mga mata niya sa akin. Kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya ngayong alam na niya ang tungkol sa kondisyon ko.

Tapos ay bumaling siya kay Daddy at marahang tumango. "Magandang hapon po, Sir Teatreko."

"Magandang hapon. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Savino. Hindi ako masayang makitang nandito ka ngayon," wika ni Daddy.

Napasinghap ako saka napatingin kay Daddy. Pati si Ate na katabi ni Savino ay bumalatay ang gulat sa mukha.

Naramdaman ko agad ang pagkirot ng dibdib ko sa narinig.

Kita ko ang pagbalatay ng sakit at bigo sa mukha ni Savino. Marahan siyang yumuko at tumango.

"Naiintindihan ko po, Sir," sagot niya sa mahinang boses. "Gusto ko po sanang humingi ng tawad sa nangyari. Alam kong huli na ang lahat dahil nangyari na ito, nandito na si Inniah sa hospital pero gusto ko pa rin na humingi ng paumanhin. Kung galit man po kayo sa akin, hindi ko po kayo masisisi. Naiintindihan ko po ang pinanggagalingan ng galit ninyo. Pero nandito lang po ako para ipaalam sa inyo na hindi na po mauulit ang lahat ng ito."

Napakurap ako. Kung ganoon... hindi na ulit siya sasama sa akin?

Agad na bumigat ang kalooban ko sa narinig.

"Please elaborate," wika ni Daddy.

Ramdam ko ang pandidilim ng tono niya pero nanatili pa rin siyang mahinahon. I think that is what I love about my Dad. Kahit pa galit na siya, hinding-hindi siya sisigaw.

"I don't regret a single thing when I was with your daughter, Sir. I love spending all my time with her. She is the sweetest, kindest, and nicest woman I have ever known. And I would love to spend more time with her if you would allow me," wika niya.

Kumabog ang dibdib ko. Ngayon ay napalitan na ang kirot ng tuwa.

What is he trying to say?

"Alam kong mali na tinago namin ang bawat pag-alis pero doon po kasi siya masaya. Masaya po akong makitang palagi siyang masaya sa tuwing lumalabas at nagagawa ang lahat ng gusto niya. At first, I did not know why she wants to capture every moment she does. But now..." Sumulyap siya sa akin. "I finally understood why. And I am more willing to be with her."

Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at muling sumulyap sa akin. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Humihingi po ako ng tawad, Sir. Pero hindi ibig sabihin ay titigil na ako. I am here for forgiveness and for another chance, Sir," wika niya. "I want to spend more time with your daughter and capture every happy and sad moments she will have. Please allow me, Sir."

Saglit na tumahimik si Dad. Tapos ay marahan siyang bumuntong-hininga. Tumalikod siya at humarap sa akin saka naupong muli sa stool.

Tumingin sa akin si Daddy. Hindi ko mapaliwanag ang klase ng tingin niya. Basta ang alam ko, nakinig siya sa sinabi ni Savino. Ramdam niya ang sinabi ni Savino.

Muli siyang bumuntong-hininga saka inabot ang kamay ko. Hinawakan niya ang palad ko saka marahang pinisil.

"I had always been taking good care of my daughters since they were little, hijo," panimula ni Daddy. "I am their only family after their Mom passed. Kaya sinisigurado kong masaya sila palagi, nakukuha ang gusto nila palagi, kontento sila palagi. Sinisigurado kong walang sinuman ang makakapanakit sa kanila. I want nothing but the best for them."

Hinaplos ni Daddy ang likod ng palad ko.

"I was too occupied of giving them the best that I thought, without knowing that it was no longer the best for them," bulong niya. "Hindi na pala sila masaya. Hindi na pala tama."

"Dad..." bulong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. His eyes are soft and tears are building. Ang matangos niyang ilong ay namumula.

Muli niyang pinisil ang palad ko. "I want you to be happy, anak. You and your Ate," bulong niya. "Tell me what you want and I'll let you be. I'll free you. And if you ever want to be with this guy behind me... then I'll let you be."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "Really, Dad?" bulong ko.

Tumango siya saka ngumiti. "I want to watch you happier this time, anak. Not just through photos but through my own eyes. Ayos ba?"

Mabilis akong tumango. "Thank you, Dad! You don't know how much this means to me."

He smiled. Muli siyang tumayo saka binitawan ang kamay ko. Humarap siya kay Savino.

"Vevica Renee, come here," tawag niya kay Ate.

Agad naman na naglakad si Ate palapit sa amin. He then put his arms on Ate's shoulder.

"And tell me what makes you happier, my first princess. Papanoorin rin kitang maging masaya, anak. Kayong dalawa ng kapatid mo," wika niya kay Ate.

My smile widened.

Niyakap ni Ate ang bewang ni Daddy. "Thank you, Daddy! Pero iisipin ko pa! Sa ngayon, I just want Niah to heal and then I will be fine."

"That's good to hear," wika ni Daddy.

Tumingin si Daddy kay Savino. "Now, where were we?"

Tipid na ngumiti si Savino. This time, he looks loose up. The pain is no longer on his eyes. He looks better.

Better that way. Happy.

"I need your permission po, Sir, to be with your daughter in her every happiest moments in life," wika ni Savino.

Head held high.

Dad nodded. "Make her happy, hijo. But I'll watch you still."

Laughter echoes around the four corners of the white walls of the hospital bedroom. I did not know that one can still be happy inside the white walls of the hospital bed. I did not know I would feel happy inside the most hated place I knew.

My seven years old self would not believe this.

...

I want to apologize for taking so long to update. It was three weeks, I guess? School was really hectic I have to pause from writing.

But I'm back now hihi. Thank you for those who are still here <3.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro