Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19 | Black Out

There are always things in life that will come by without a short notice. Things that you less expect to happen, happens. Some are sent to make you question the world, but some makes you feel your worth.

And Savino is that thing.

He is like a northern star that suddenly lights up my world. He just showed up and then changed my decisions. Ginawa niya iyon ng isang bagsakan lang.

And I will forever be thankful for that.

Tahimik na binaba niya ako sa harap ng cafe ko. Pansin kong naroroon pa rin ang kotse ni Ate Renee. Sigurado akong sabay kaming mamimili ng ingredients para sa lulutuin namin mamaya.

Tumigil ang big bike niya. Hinubad niya ang helmet niya at naunang bumaba. Tapos ay tinulungan niya akong bumaba mula sa sasakyan.

Alinlangang tumingin ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi pa rin ako maka-move-on sa confession niya kanina. Para pa rin akong nakalutang sa ere. Hindi alam kung ano ang gagawin.

"Smile at me, sweet lily," he told me while chuckling. "Nakakapanibago na tahimik ka."

Marahan akong ngumiti saka nagbaba ng tingin sa mga paa ko. "Naninibago lang ako. I still can't believe what happened awhile ago."

He smiled wide and chuckled. "You should try to adjust yourself from now on, because I will make sure that I will court you in ways I know. Baka maninibago ka, pero dapat maging handa ka kahit papaano. And to remind you, I am serious about you, sweet lily. No joking."

Agad na naglaro ang mga paru-paro sa tiyan ko. Tiwalang-tiwala na nga ako, eh.

"I-I'll try," mahina ang boses na sabi ko.

Tumango siya. Nakangiti pa rin. "Alright! I'm glad you understand me really well. Don't worry, I'll try to never cross the line as well while I'm courting you. Kung manliligaw lang, manliligaw lang. Pero hindi pa rin talaga ako papayag na may magustuhan kang iba."

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Napakagat-labi ako saka napayuko. Tapos ay muli akong tumingin sa kanya.

"Akala ko ba kung manliligaw lang, manliligaw lang? Bakit ayaw mong pumayag na may ibang manligaw sa akin?" tanong ko.

"Ayoko." Umiling siya, bahagyang nakanguso at magkasalubong ang mga kilay. "Baka magustuhan mo, tapos mahalin mo, edi, magpapaubaya na naman ako? Tsk. Lagi na lang akong nagpapaubaya."

I chuckled. "Okay, okay. And... thank you, Savi."

Tumaas ang kilay niya. "For what, sweet lily?"

"For helping me with my bucket list. Maybe, I haven't told you as to how much you've helped me, but you really do. Sobrang laking tulong mo sa akin kahit... hindi pa gaanong katagal simula nang nagkakilala tayo. Hindi mo alam kung gaano kahalaga para sa akin ang bucket list na ito. So, thank you," sabi ko sa kanya.

He smiled and nodded. He waved his hand in front. "Wala iyon. I am happy helping you out, sweet lily. Marami rin akong nakukuhanan ng picture dahil sayo. Plus, I am happy with you even though the stuff you do are kinda weird. Good thing is I love weird things."

I chuckled. "Weird ba talaga?"

Tumango siya. "Yep."

Napanguso ako. "Sorry. Hindi ko pa kasi... nagagawa ang mga bagay na iyon. Kaya gusto kong subukan at gawin ngayon."

He nodded. "And I would love to help you still. And no, I'm not saying this because I'm courting you, but because I want to see you happier. You look happier each time you finish a list and that's what I'm after."

Marahan akong tumango kasabay ang paglambot ng puso ko. "Thank you, Savi."

Winagay niya ulit ang kamay sa harap niya. "Sus, wala iyon. Maliit na bagay. Basta para sa sweet lily ko."

Agad naman na namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Baliw na baliw rin, eh.

"Ah... by the way... wala ka bang gagawin ngayong gabi?" tanong ko sa kanya.

Mabilis siyang umiling. "Wala naman. Free ako ngayong gabi kasi wala akong kliyente. Magpapahinga lang ako--"

His phone suddenly rang. Napakurap siya tapos ay mabilis na kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Agad niya itong sinagot.

Tumikhim siya saka na-iwas ng tingin sa akin. Ang isang kamay niya ay nasa bewang niya.

"Hello, Zamara? Bakit?" tanong niya, mahina ang boses na para bang ayaw iparinig sa akin.

Pero rinig na rinig ko naman.

"Sir Savino, remind lang po kita sa bar party mamaya. Doon ang punta natin. By five pm dapat nandoon na tayo," sabi nito.

Napakurap siya ng ilang beses. Napasulyap siya sa akin pero mabilis siyang nag-iwas.

"Ah... okay. Thank you, Zam," wika niya.

"Okay po, Sir."

Tapos agad niyang pinatay ang tawag. Marahas siyang bumuga ng hangin tapos ay tumikhim at tumingin sa akin.

He looks like he was about to explain but I immediately chuckled.

"Ayos lang. Punta ka na doon, trabaho iyon," sabi ko. "Don't worry, it's just dinner with my Dad and my sister. Pero dahil busy ka, pwede naman na next time na lang."

He sighed. "I would love to eat dinner with your family, sweet lily. And it's not just a dinner, don't say that. But I really have to go. Sana ayos lang sayo."

Ngumiti ako saka tumango. "Oo, ayos lang talaga. Don't worry. Tsaka mag-ingat ka doon, ah. Bar kasi iyon, eh. Who knows kung ano ang mangyayari?"

He smiled and nodded. "Alright, sweet lily. I will behave."

Bigla siyang lumapit sa akin saka marahang hinaplos ang buhok ko. "And you have fun with your dad and sister, okay?"

I nodded. "Yes po, Sir Savi."

He chuckled. Napakagat-labi siya saka bahagyang napailing. He pinched my cheeks.

"Alam mo talaga kung paano ako kunin, Ms. Teatreko." Agad siyang sumakay muli sa big bike niya. "I'll get going now, sweet lily."

I nodded. "Okay. Ingat ka!"

Sinuot niya ang helmet niya saka mabilis na minaneho paalis ang motor niya. At naiwan akong malawak ang ngiti kahit pa hindi ko na siya nakikita.

"Nababaliw na yata ako," bulong ko sa sarili.

"Niah? Buti at nandito ka na. Nasaan ang boyfriend mo?" tanong ni Ate sa akin na kakabukas lang ng pinto.

"Ah... Hindi siya makakasama sa dinner kasi may lakad siya. Next time na lang, Ate," sabi ko. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Ah, mamimili na sana ako. Sasama ka?" tanong niya.

Agad akong tumango. "Okay! Tara, let's go!"

Agad kaming pumasok ni Ate sa sasakyan niya. Minaneho niya agad paalis ang sasakyan at tumungo kami sa market. Tapos ay bumaba kami ng kotse saka sabay na naglakad papasok sa market para mamili ng ingredients.

"Anong unang bibilhin natin, Ate?" tanong ko sa kanya.

"Steak muna. Karne," sagot niya. "Maghanap muna tayo. Actually may listahan ako rito sa phone. Dito na lang tayo mag-base."

Binuksan niya ang cellphone niya saka mabilis na inabot sa akin. Agad ko naman itong tinanggap saka binasa ito at napatango. Mabilis akong naghanap agad sa mga nakasulat doon.

"So, kumusta naman ang date niyong dalawa ng boyfriend mo?" tanong ni Ate. May munting ngisi sa mukha niya.

Mahina akong natawa. "Okay lang. Kumain lang kami doon sa grass field. Tapos nangunguha ng pictures sa isa't isa."

Tumango-tango siya. "You look really happy with him, Niah. Sana lang talaga at wala siyang gagawing hindi maganda sayo kundi ako talaga ang makakaharap niya. Makikita niya talaga."

Mahina akong natawa. "Ang protective mo talaga sa akin. Parehas lang kayo ni Daddy. Huwag kang mag-alala, Ate, if ever man na may gawing hindi maganda si Savi, ako na mismo ang lalayo sa kanya."

At sigurado naman akong wala siyang gagawing hindi maganda. Mabait si Savi. Even though, hindi pa gaanong katagal simula nang magkakilala kami pero ang laki agad ng tiwala ko sa kanya.

"Sus... ang protective mo naman sa boyfie mo. That reflects the way he treats you. How you defend your man reflects how he treats you. Kaya mukhang mabait nga si Savino at mapagkakatiwalaan," sabi niya saka marahang tumango-tango.

Ngumiti ako. "Oo, Ate. Kaya you have to trust me."

"I will not approve of him if I don't trust you, Niah. Dahil sa pagtitiwala ko sayo, hinahayaan ko siyang pumasok sa buhay mo even without the assurance of what the future might be," sabi niya.

Napangiti ako. Ang laki pala talaga ng tiwala sa akin ni Ate.

Kaya mabilis kaming namili ng ingredients. Nang matapos ay muli kaming bumalik sa cafe. Naabutan namin si Niah doon na nag-aasikaso pa rin sa mga customers. Kaya tumabi naman ako agad sa kanya para tulungan siya.

When the night came and the cafe closed, the three of us went to the garden. Nag-set up si Ate ng griller doon. Si Yelena at ako naman sa mga kubyertos.

I also texted my Dad that we will be having dinner at the cafe. And fortunately, he immediately replied.

"Ano bang meron at bakit may kainan bigla?" tanong ni Yelena na nakaupo na sa tabi ko.

Nakaupo kaming dalawa sa sofa, sa harap namin ang mahabang mesa. Ang nagbibigay ng liwanag lang rito sa garden ay ang maliit na lamp sa tabi ng kahoy at sa tabi ng cafe. Kaya kahit papaano, maliwanag pa rin, but it gives an elegant vibe.

"Wala lang. Trip ko lang magpakain bigla," sagot ni Ate na natatawa.

"Wow naman! Iba talaga kapag mayayaman! Nagpapakain nang biglaan!" saad ni Yelena.

"Minsan lang tayo nagkakaisa kaya sinadya ko talaga ito. Lalo pa't baka aalis na naman ako patungong ibang bansa next month. Who knows?" sagot ni Ate.

Napanguso ako. "Aalis ka na naman next month?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. Nagsisisimula na siyang mag-grill ng karne. "Oo. Gusto mong sumama? Sabi ko naman sayo sumama ka sa akin, eh. Ikaw kasi ang may ayaw."

Ngumuso ako. "Titingnan ko. Sasabay lang ako sa ihip ng hangin."

Biglang bumukas ang pinto sa cafe at sumilip si Dad.

"Dad!" Agad kong sabi saka tumayo. "You're here!"

Ngumiti siya agad saka sinara ang pinto at naglakad palapit. "What's going on?" tanong niya agad.

"Si Daddy, we're just going to eat dinner. Simple na simple. Minsan lang ito kaya e-grab na natin ang chance," wika ni Ate. "Upo ka muna, Dad, malapit na itong matapos."

Dad whose smiling sat on the sofa beside me. Agad kong pinulupot ang braso sa braso niya.

"Mabuti at hindi ka late ngayon, Dad?" tanong ko sa kanya.

He chuckled. "I thought something is going on that's why I hurriedly went here. But I guess something special is going on. A special dinner."

"Aalis na rin po kasi next month si Ate kaya siya nagpa-dinner rito. Tsaka look at my garden, Dad! Ang ganda, diba?" tanong ko.

"Yes. I love it! You did this all by yourself?" tanong niya.

I giggled. I was about to answer when Yelena spoke up. "Hindi po, Tito. May kasama po siyang gawin ito. Si--"

"Si Yelena!" Mabilis kong pagpuputol kay Yelena.

Kapag kasi talaga nadadala sa saya itong si Yelena nakakalimutan niya ang mga pinag-uusapan namin. Gaya ngayon, muntik na niyang makalimutan na hindi alam ni Daddy ang tungkol kay Savino. Naku! Lagot ako!

"Tinutulungan po ako ni Yelena, Daddy," sabi ko saka ngumiti ng malawak sa kanya. "Right, Yels?"

Agad namang tumango si Yelena. "Opo, Tito. Ang ganda-ganda, diba? Gawa naming dalawa ito."

"Even the lake?" tanong ni Daddy.

"Oo, pati iyang mga water lilies diyan," sagot ni Yelena.

Dad nodded. "Wow. Ang galing. You both did a great job."

"Yes! True na true!" saad ni Yelena saka pumalakpak pa.

Napapailing na lang ako samantalang si Ate ay natatawa sa kay Yelena. Dahil alam rin niya ang totoo at si Daddy lang ang walang alam.

Nang matapos si Ate sa pag-grill, agad na tumulong si Daddy sa paghain ng pagkain. We prayed before we started eating.

"Sarap mo magluto, Ate Renee! Pwede ka nang mag-asawa." Puno ang bibig na sabi ni Yelena.

Natatawang napailing si Ate. "Thanks, Yels. Pero wala pa sa isip ko ngayon ang mag-asawa. Pauunahin ko muna si Niah."

Napanguso ako saka bahagyang nanlaki ang mga mata. Nakalobo rin ang mga pisngi ko dahil sa pagkain.

"B-Bakit ako?" tanong ko kay Ate.

Ngumisi siya sa akin. "Dahil marami kang manliligaw, syempre. Malay mo, nandiyan na pala ang future mo sa kanila?"

"I'm not yet ready for Inniah to get married, Vevica Renee. Dapat ikaw muna ang mag-aasawa bago ang kapatid mo," sabad naman ni Daddy.

Sabay kaming napatingin kay Daddy. Tapos ay napanguso si Ate. "Bakit ako? Eh, wala naman akong boyfriend, Dad!"

"Bakit? May boyfriend ba ang kapatid mo?" tanong ni Daddy.

Napakurap ako. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Wala, Daddy. Pero may nagpapanggap.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa pagtahimik ni Ate. Pero mabuti na lang at mabilis siyang umiling.

"Wala rin. Pero kasi... gusto ko muna mag-focus sa work ko, Dad. Ayoko muna mag-asawa," wika ni Ate.

Daddy nodded. "I'm not forcing you to get married, anak. What I'm saying is that... dapat ikaw muna ang ikakasal bago ang kapatid mo."

Ate pouted and nodded. "Okay po. Pero baka matagalan pa iyon, Daddy. Edi, matatagalan rin ang paghihintay mong ikasal si Niah."

"Well, that would be a relief for me," sagot ni Daddy.

Mahinang natawa si Yelena. "Naku! Mukhang hindi ka na magkaka-asawa, 'te!" Nakatingin siya sa akin.

Mahina akong natawa. "Grabe ka sa akin, ah."

Ngumisi siya. "Ayaw pa pumayag ng Daddy mo, eh. Daddy knows best. Makinig ka sa kanya."

"And you too, Yelena," wika naman ni Daddy. "Dapat sabay kayong ikasal ni Inniah Feej. Para magkasing-edad ang mga anak ninyong dalawa in the future."

Napatigil si Yelena saka mabilis na napanguso. "Bakit naman umabot sa akin ang usapan, Tito? Sa mga anak mo lang ang usapan, eh."

Daddy chuckled. "Dapat sabay kayo ni Inniah para sabay ko kayong maihatid sa altar."

Napanguso lalo si Yelena. "Si Tito naman, pinapaiyak mo ako. Nasa hapag tayo tapos gumagawa ka ng paraan para maging emosyonal ako."

Daddy chuckled. "Shh... shh... go on, eat. Magpakabusog kayo."

Nang matapos kaming kumain ay sinabi ni Ate kay Daddy na mag-convoy na lang kami. Si Daddy lang sa sasakyan niya dahil ihahatid pa namin ni Ate si Yelena sa apartment niya.

Pero nasa gitna kami ng biyahe nang maka-receive ako ng message galing kay Savino.

Savi

Sweet lily, good evening. What are you doing tonight?

Have you eaten already?

Are you going to sleep already?

I'm so bored here at the bar, sweet lily. I want to escape without telling Zamara.

I'm telling you this because when talking about escaping, you're the one whose so good at it haha.

Napangiti ako. Agad akong nag-type ng reply para sabihin sa kanya na wala akong ginagawa. Na galing akong cafe at papauwi pa lang.

Savi

Really? So... can you escape again this time? I'll fetch you. Let's take a walk tonight.

Agad na nagliwanag ang mga mata ko. Isa sa mga isinulat ko sa bucket list ang mag-stroll sa gabi.

Napatingin ako kay Ate. "Uhm... Ate?" tawag ko sa kanya.

"Hm?" she answered.

"Pwede ba akong... bumalik sa cafe?" tanong ko sa kanya.

"At bakit?" tanong niya. "May nakalimutan ka ba?"

Umiling ako. "Gusto ko sanang... lumabas kasama si Savi."

Nilingon niya ako pero muling binalik ang tingin sa daan. "Gabi na, ah? Ba't ngayon kayo maglalakad?" tanong niya.

"Ate Renee, uso iyan sa mga gen z ngayon. Ang mag-stroll tuwing gabi. Kasi tahimik, peaceful, tapos aesthetic. Payagan mo na," sabad naman ni Yelena na kinangiti ko.

"Tsk. Eh, anong sasabihin ko kay Daddy kapag uuwi ako na hindi ka kasama?" tanong niya.

"Sabihin mo na nasa apartment ko siya," sagot naman ni Yelena.

Napangiti ako saka tumango. "Opo, Ate! Please?"

Bumuntong-hininga siya. "Oo na, oo na. Ibabalik kita sa cafe? Doon ka niya kukunin?"

Tumango ako. "Opo!"

"Okay. Hatid muna natin si Yelena tapos ibabalik kita doon. Tapos mamayang gabi, pag-uwi mo? Kay Yelena ka pupunta, ha? Hindi pwedeng doon sa bahay ni Savino," sabi niya.

Tumango ako saka malawak na ngumiti. "Yes po, Ate. Promise!"

Tumango siya. "Okay, okay."

Kaya matapos naming ihatid si Yelena ay mabilis niya akong binalik ulit sa cafe. Pagdating ko sa cafe ay naroroon na si Savino. Nakaupo siya sa big bike niya ngunit suot niya ay puting suit at puting pants tapos itim na sapatos.

Maayos rin ngayon ang buhok niya. Sobrang gwapo niya tingnan. Halatang panakaw ang pag-alis sa trabaho.

"Bye, Ate!" sabi ko kay Ate.

Tumango siya. "Make sure you go home to Yelena after. Magpahatid ka ng maayos doon, okay? And give me a proof that you're with Yelena later."

Tumango ako. "Opo, Ate!"

She nodded. Agad na niyang pinasibad paalis ang sasakyan kaya naiwan na ako doon kasama si Savino.

Nilingon ko siya. Nakatayo na siya ngayon at nakangiti sa akin.

Ngumuso ako. "Akala ko ba ayaw mo sa mga tumatakas?" tanong ko.

He chuckled. "Gusto ko na ngayon."

Hinubad niya ang suit niyang suot kaya natira na lang ang puti niyang long sleeved polo. Tapos ay sinuot niya sa akin ang suit niya. Amoy na amoy ko siya. Lalo na ang amoy niyang nasa suit.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Inaayos niya ang butones ng suit para maisuot ko ng maayos. "Saan mo ba gusto? Sa park? Sa kainan? Saan mo gusto?" tanong niya.

I smiled. "Sa park! Busog ako, eh. Ayoko kumain. Gusto ko lang maglakad-lakad."

He nodded. "Alright. The park it is."

Nang maayos niyang naisuot sa akin ang suit ay mabilis niyang hinaplos ng tatlong beses ang ulo ko. "Let's go?" aniya.

Tumango ako. "Let's go!"

Agad niya akong inalalayan sa pagsakay sa big bike. Tapos ay sinuot niya ang helmet at sumakay na rin. Gaya kanina ay kinuha niyang muli ang mga braso ko at pinulupot sa katawan niya.

Mas lalo ko siyang naaamoy. He smells so manly but not nose-sore.

"Savi?" tawag ko sa kanya habang nasa biyahe na kami.

"Yes, sweet lily?" sagot niya, bahagya niyang nilalakasan ang boses niya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

He chuckled. Nag-vibrate ang pagtawa niya sa likod niya. Lalo pa't nakasandal ang pisngi ko sa likod niya.

"Yes, sweet lily. Don't worry," sagot niya. "How about you? How was your dinner with your Dad?"

I smiled. He feels so warm around my arms.

"It was fun. Kasama rin namin si Yelena. Marami kaming pinag-usapan. Tapos inihatid namin si Yelena sa apartment niya pagkatapos," sabi ko. "Siya nga pala, sabi ni Ate ihatid mo ako mamaya sa apartment ni Yelena. Doon ako matutulog."

"Why? Bakit hindi ka uuwi sa inyo? I can send you there," aniya.

Napanguso ako. "Kasi malalaman ni Daddy na magkasama tayo."

He went silent then he chuckled. "Why do I sound like your dirty little secret, hm? But fine. I'll send you later at Yelena's place."

Napangiti ako agad. "Thank you!"

"You're always welcome, sweet lily," sagot niya.

Muli kaming natahimik. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naiilang sa katahimikang namamagitan sa amin.

Sobrang sarap ng simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Malamig ang hangin pero hindi ako nilalamig dahil suot ko ang suit ni Savino. Maliban doon, nakayakap rin ako sa kanya kaya ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Savi?" tawag ko sa kanya.

"Yes, sweet lily?" tanong niya.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko.

He chuckled. "With your arms wrapped around me? Nah. You're enough to warm me."

Napangiti ako. Nagkakagulo na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Hindi na naman mapakali.

Nang makarating kami sa park ay malawak ang ngiting napatingin ako sa paligid. Kulang na lang ay magtatakbo ako sa tuwa.

"Ang ganda ng gabi!" Impit kong tili.

Mga ilaw na galing sa street lights ang nagbibigay liwanag sa park. Wala na rin masyadong tao kaya sobrang tahimik. Masarap sa pakiramdam.

"You like it here?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo. First time ko ito na maglakad sa park nang walang katao-tao. Sina Daddy kasi, lumalabas lang kapag Christmas. Edi, maraming tao. Maingay."

He smiled. Sumisingkit ang mga mata niya lalo. "Masaya akong kasama mo ako sa first time mong maglakad rito sa tahimik na park, Ms. Teatreko."

I smiled wide. "And thank you for being with me and granting all my wishes, Savi. You don't know how much this healed my inner child."

"As long as I'm alive, I'll spoil you, sweet lily," saad niya. "So, anong gusto mong gawin ngayon?" tanong niya.

Ngumiti ako. "May dala ka bang camera?" tanong ko.

He smirked. Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya. Napasinghap ako nang makita ang isang napakaliit na camera.

"How could I forget the only thing that keeps us together, sweet lily?" aniya. "Alright, smile! Kukunan kita ng maraming picture."

So, I did what he said. Sobrang daming picture ang kinuha sa akin at sa kahit saang anggulo. Sinasabayan niya bawat galaw ko, bawat tawa ko, bawat pagtakbo ko. Lahat.

Sunod lang siya nang sunod sa akin. Halos libutin ko ang buong park dahil sa tahimik nito. At hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayong gabing ito.

Para akong nakalutang sa hangin. Ang saya-saya ko.

"Savi, dito, dito!" tawag ko sa kanya saka tumigil ako sa tabi ng street lights.

Nakangiting sumunod naman siya saka kinuhanan agad ako. "Alright, smile, pretty. 1, 2, 3..."

And I did not smile because he told me to smile but because he called me pretty.

Talagang alam niya kung paano pabaliwin ang puso ko at ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Pero biglang nag-freeze ang ngiti ko nang biglang sumakit ang ulo ko.

Napatigil ako sa paghinga. Napasinghap ako saka mabilis na nasapo ang ulo ko.

"Sweet lily? What's wrong?" tanong niya sa akin.

Napasinghap ako ulit saka mabilis na napaupo sa malamig na daan. Sapo-sapo ko ang ulo ko.

"A-Aray ko! A-Ang ulo ko!" Impit kong tili.

Agad kong ipinikit ang mga mata. Hawak-hawak ko agad ang buhok ko at mahigpit itong hinawakan.

Ramdam ko ang paghawak ni Savino sa kamay ko. Pilit tinatanggal ang mga kamay kong mahigpit na nakahawak sa buhok ko.

"Inniah, stop it. What's wrong? Tell me? What hurts?" aniya.

Umiling ako saka unti-unting napatili nang sumakit lalo ang ulo ko.

"S-Savi, ang ulo ko! S-Si daddy, t-tawagan mo, S-Savi--ah! Aray ko!"

Napaiyak na ako. Parang binabayo ang ulo ko. Para itong pinupukpok. Parang binibiyak ang ulo ko.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Savino sa katawan ko. "Inniah, ano ba ang nangyayari? Anong nangyayari sa ulo mo? Nasaan ang masakit?"

Umiyak lang ako. Umiiling. Hawak-hawak ang buhok ko. "A-Ang ulo ko..."

Hanggang sa unti-unti ay nanlabo ang mga mata ko. At tuluyan na nga'ng umitim ang paligid ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa dalawang matipunong braso.

...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro