18 | Take a Chance with Me
The next morning, Ate went with me to the cafe. After I revealed to her about Savino and I, I immediately told her about my garden at the backyard. Pumunta agad kami sa garden tapos ay namamanghang nag-suggest siya ng mga pwedeng ilagay sa garden. Kaya ngayon, sinabi niya sa akin na hindi muna siya papasok sa trabaho, tutulungan niya ako sa garden ko.
And now, Ate and I are on the garden, she is putting elegant plants on the circular table. Bumili rin siya ng isang extra na mahabang sofa at isang mahabang rectangular na mesa. Nilagyan niya rin ito ng puting tela tapos sa itaas ay puting vase na may bulaklak.
"The garden looks a lot better now," sabi ko sa kanya.
Nakangiting tinitingnan ko ang paligid. Tapos na ang maliit na lake na gawa ni Savino. May dalawang ducks na doon at may nakalutang na water lilies. Napapalibutan na bawat gilid ng garden ng mga tanim na binili naming dalawa ni Savino.
Nakangiting tumingin rin siya sa paligid. Suot niya ay isang denim white short shorts, fitted red spaghetti strapped top at transparent sandals. May suot siyang sunglasses. Nakadekwatro siyang nakaupo sa mahabang puting sofa.
"Subukan kaya nating kumain ng dinner rito ni Daddy, Niah? Isama natin si Yelena? How about mamayang gabi?" wika niya.
Mabilis akong tumango. "Sige, Ate! Sabihin natin kay Daddy! I'm sure papayag siya!"
"We can call him later. Or kung busy talaga siya, pwede natin siyang puntahan sa opisina niya, tutal may dala naman akong sasakyan," sabi niya.
Tumango ako. Agad akong naupo sa tabi niya.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng ginhawa habang tinitingnan ang pinagbago ng garden. Hindi na ito gaya ng dati na napaka-plain lang. It looks like a fairytale garden, something I have been wishing about.
"Ano kayang magandang kainin mamayang gabi?" tanong ni Ate saka humalukipkip.
"Hm... we can grill some steak here," sabi ko. "Mag-steak na lang tayo, Ate!"
She clicked her fingers. "Tama! Mag-steak tayo. Matagal na rin tayong hindi nakasubok ng steak na magkasama. Napapadalas kasi ang kakasabaw natin."
"So, sabay tayong mag-g-grocery mamaya?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo. Mag-grocery muna tayo mga 1:00 o'clock sa hapon. Para pagdating ni Dad rito, deretso na tayong mag-g-grill. Sabihan mo rin si Yelena para hindi siya umuwi."
Tumango ako. "Okay! Excited na ako!" May bigla akong naalala. "Pwedeng... sabihan ko rin si Savino na sumabay sa atin mag-dinner?" tanong ko sa kanya.
Agad na bumalatay ang ngisi sa mukha niya. "Sus! Ayaw talaga kalimutan ang boyfie, ah? Oh siya, siya. Sabihan mo rin siya para makasabay sa atin."
Agad akong napapalakpak. "Thank you, Ate!"
She is really super considerate when it comes to me. Sana magka-boyfriend na siya. E-bless siya ni Lord.
Natatawang napailing siya. "Naunahan mo pa akong mag-boyfriend. You're really a lady now."
Tumawa ako sa kanya. "Ayan ka na naman. Nag-r-relapse ka na naman. Makakahanap ka rin ng sarili mong boyfriend, Ate. Iyong aalagaan ka."
"Hm... ang daming bansa na na napuntahan ko, pero wala talaga akong mahanap na mabait na boyfriend na aalagaan ako. They only look at me because of how pretty I am," sabi niya sabay flip ng buhok niya.
Natatawang napanguso ako. "At least you're pretty."
Tumango siya. "True naman. Ang mahalaga maganda tayo. They can watch but they can never touch." Sobrang confident niyang pagkakasabi.
Biglang bumukas ang pinto. Agad kaming napalingon doon. Sumilip ang ulo doon ni Savino. May ngiti sa mukha niya.
Agad akong napatayo saka nagliwanag ang mga mata ko. "Savi!" bati ko sa kanya.
His smile widened when he saw me approach him. Lumabas siya sa pinto para salubungin ako.
"I'm back. Missed me?" tanong niya sa akin nang makalapit sa akin. Tapos ay inabot niya sa akin ang bouquet ng lilies.
Tinanggap ko naman ito agad. He is really consistent with giving me these flowers.
Pero napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Nandiyan si Ate. Ang alam niya ay boyfriend ko si Savino. Tapos si Savino, alam niyang hindi ko siya boyfriend. Anong gagawin ko?
"Ah... m-mabuti," sabi ko na lang.
Nilingon ko si Ate. Nakadekwatro pa rin siyang nakaupo sa sofa at pinapanood kami. May ngisi sa mukha niya habang pinapanood kami.
"Ah... si Ate Renee ko," sabi ko kay Savino. "Uhm... alam niyang... boyfriend kita."
Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin talaga. Nahihiya ako na hindi ko alam.
"Really?" Mahina ang boses na tanong niya sa akin. Parang intended for me lang talaga iyong sagot niya.
Tumango ako. "Oo."
"Welcome to the family, Mr. Savino," sabi ni Ate na casual lang na nakaupo. "I am entrusting my sister on you, okay? Kaya huwag na huwag mo siyang sasaktan. O malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin."
I heard Savino's chuckle beside me. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang marahang pagdapo ng kamay niya sa bewang ko.
"No worries, Ma'am. I will surely take good care of her even if you won't ask me to do so," kompyansang sagot niya kay Ate.
Agad naman na lumakas ang kabog ng puso ko. Kasi bakit niya sinasabi iyan? Eh, alam naman niyang hindi talaga totoong boyfriend ko siya.
Tumango si Ate. "I like that. Very confident. Just don't you dare turn back on the words you say."
"I won't promise, but I will never, Ma'am," sagot ulit ni Savino. "So, can I take her out, Ma'am?"
Napakurap ako saka napatingin sa kanya. "O-Out? Aalis tayo?" bulong ko sa kanya.
Nakatingala pa ako sa kanya dahil sa tangkad niya.
Nakangiting tumango siya sa akin. "Oo. Tatapusin natin ang bucket list mo." Marahan niyang sagot sa akin.
"Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Ate sa kanya.
Muli siyang tumingin kay Ate. Tapos ay bumaling siya sa akin. "What do you want to do today, sweet lily?" he asked softly.
"Ah, I want to go to the grass field," sagot ko sa kanya.
He nodded. He looked at Ate. "I'm taking her to the grass field, Ma'am. Don't worry, I'll send her back, safe and sound, no scratches."
Tumango-tango si Ate. "Dapat lang, Mr. Savino. Pakainin mo rin siya ng maayos. Sigurado akong hindi kayo uuwi ng maaga kaya huwag mo siyang gutumin."
Tipid akong napangiti.
Mabilis naman na sumagot si Savino. "Yes, Ma'am."
Agad na tumayo si Ate mula sa pagkakaupo niya sa sofa. "Ihahatid ko ang kapatid ko sa labas. Tara na."
Agad kaming tahimik na pumasok muli sa pinto patungo sa loob ng cafe. Si Savino ay hindi humiwalay sa akin, ang kamay niya ay nasa likod ko. Samantalang si Ate ay nakasunod sa amin.
Agad kong nilagay sa vase ang bulaklak na bigay niya sa akin.
Pagdating namin sa loob ay papasok rin si Yelena sa pinto ng kusina. "Oh? Aalis na kayo? Ingat sa biyahe, ah."
Ngumiti ako saka tumango. "Yes, Yels. Thank you," sabi ko sa kanya.
"Thanks, Yels," wika naman ni Savino sa kanya na kinatango niya saka tuluyang pumasok sa kusina.
Pagdating namin sa labas ng cafe ay unang nakuha ng pansin ko ay ang isang itim na big bike. May helmet doon nakapatong.
Napakurap ako. Hinanap ng mga mata ko ang raptor ni Savino pero wala ito.
"Ah, Savi? Nasaan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.
"Hiniram ni Saki. Kaya itong big bike na lang muna niya ang gamitin natin," sagot niya sa akin.
"Saki? Sino iyon?" tanong ko.
"Nakababata kong kapatid. Sakivino Basaltta," sagot niya. "And no, don't ask for his pictures. He's not good looking."
Ngumuso ako. "Wala naman akong sinabi, ah. Tsaka by the way, dumaan rito ang Kuya Santi mo kahapon. Hinahanap ka. Bumili siya ng munch balls para sa mga prinsesa niya kuno."
"Si Kuya? Dumaan siya rito?" tanong niya. "Bakit niya ako hinahanap, eh, kagagaling niya lang sa bahay no'n? Sabay kaming bumiyahe paalis."
Napakurap ako. "Malay ko. Basta iyon ang sinabi niya sa akin. Tsaka magkakilala na kaming dalawa." Sabay ngiti sa kanya.
He stopped. He stared at my face with his blank eyes. "Bakit mukha kang masaya, Ms. Teatreko?"
Napakurap ako saka mabilis na kinagat ang labi ko. "Bakit? Bawal ba? Masaya lang ako na nakilala ko na ang Kuya mo at nagkausap na kami--"
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya sabay halukipkip at nakatingin sa akin paharap.
Napanguso ako ng bahagya. Bakit ba mukha siyang galit?
"Sinabi niya lang na tawagin ko raw siya na 'kuya' kasi magiging..." Napatigil ako.
Dapat ba na sabihin ko iyong sinabi ni Kuya Santi?
"Magiging?" tanong niya sabay taas ng kilay sa akin.
"Ah... magiging 'Basaltta' rin naman ako in the future, sabi niya," sagot ko, namumula ang pisngi.
Kumurap siya ng dalawang beses. Tapos ay unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.
Tumango-tango siya. "Tama. Tama iyon. Tawagin mo siyang 'kuya' kasi magiging pamilya rin naman talaga tayo in the future."
"A-Ano bang... pinagsasabi mo, Savi?" tanong ko sa kanya.
Bakit niya sinasabi iyan? Hindi ko naman siya boyfriend.
Ngumiti lang siya sa akin. Tapos ay tumingin sa likod ko. "Oh, andito na ang Ate mo. Magpaalam na tayo sa kanya."
Nilingon ko si Ate. "Ate, aalis na kami. Babalik kami before 3:00."
Tumango siya saka ngumiti. "Mag-ingat kayo, ah? Tsaka iyan ba ang sasakyan niyong dalawa?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo."
Tumaas ang kilay niya saka tumingin kay Savino. "Ikaw, ah. Para-paraan ka, eh."
Nagtatakang napatingin ako kay Savino. Bahagyang nakataas rin ang kilay niya. He is acting innocent all of the sudden.
"Bakit po, Ma'am?" tanong niya kay Ate.
"Bakit motor ang dala mo? Pwede namang sasakyan? Gusto mo lang talagang mayakap ka ng kapatid ko, eh. Tsk. Magaling ka, eh," sabi ni Ate.
Mahinang natawa si Savino sa tabi ko. "Wala akong intention na ganyan, Ma'am. Talagang hiniram lang ng kapatid ko ang sasakyan ko kaya nag-swap muna kami."
Naningkit ang mga mata ni Ate. "Huwag mo munang buntisin ang kapatid ko Savino, ah? Huwag muna!"
Namula ang magkabilang pisngi ko. "Ate!"
Tumawa lang si Savino sa tabi ko. "Yes, Ma'am. Not unless we're already married."
Napakurap ako saka namumulang tumingin kay Savino. "K-Kasal?"
Tumango si Ate. "Oh siya, siya. Umalis na kayo. Ang tamis-tamis niyong dalawa. Sige na, alis na. Shoo!"
"Thanks, Ma'am," wika ni Savino.
Ramdam ko ulit ang palad niya sa likod ko. Tapos ay marahan niya akong giniya sa motor na dala niya.
He helped me sat on the big bike first. Then he looked at me with those chinky eyes.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Hinaplos niya ang buhok ko. "You should tie your hair. I only brought one helmet with me."
Tumango ako. Agad kong tinali ang buhok ko. Buti at may suot akong pantali sa kamay ko.
Nang matapos ako ay napatingin ako sa kanya. He is staring at me with eyes that look so drowned. His hand is still on my waist, settling me on the seat of the bike.
"B-Bakit?" he asked.
He blinked when he realized. His ears turned red then he cleared his throat.
Then he let out a soft smile and shook his head. "You're so pretty."
My cheeks immediately heated. I smiled a bit. "T-Thanks. You're so handsome yourself too."
He cleared his throat again and even held the collars of his white long sleeved polo. His three first buttons are opened.
His ears are still so red.
"You really know how to hold me in between your fingers, sweet lily," he chuckled. "Let's just leave."
Tapos ay sumakay na siya sa big bike sa harap ko. Nang patayuin niya ang big bike ay agad akong napakapit sa damit niya.
I felt his hand took my hands on his shirt. Then he pulled me softly towards his back, and made my arms wrap around his body.
Kumakabog na naman ng malakas ang puso ko. Ayaw na naman magpaawat. Sigurado akong ramdam ni Savino ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon pero wala akong pigilan para pigilan ito.
Amoy na amoy ko siya dahil sa lapit ko sa kanya. I feel like resting my whole face on his back.
"Hold on tight, sweet lily," wika niya sa akin.
Tapos ay agad niyang pinaandar ang big bike. At saka sinimulan itong minaneho paalis ng cafe.
Pagdating namin sa grass field, unang bumaba ng bike si Savino. Hinubad niya ang helmet niya saka nilapag sa itaas ng bike. Tapos ay inalalayan niya ako pababa.
Napangiti ako nang makitang may mga pamilyang nag-p-picnic sa malawak na field. May part sa field na inclined kaya masarap doon humiga.
"Whoah! Ang cute ng family doon, oh!" sabi ko kay Savi sabay turo sa isang pamilyang nakapalibot sa isang picnic mat.
He chuckled. "You want a family like that?" he asked.
"Like what?" tanong ko sa kanya.
"A big family," saad niya.
"Ah..." Umiling ako. "Ayoko ng maraming anak. Two to three kids are enough for me."
He chuckled and nodded. "Alright, then. Two to three kids it is."
I blinked. Why does it he sound like agreeing to what I just told him. Kanina kasal ang napag-usapan, ngayon naman anak?
"Let's buy some foods, sweet lily. Para hindi ka magutom habang nandito tayo," sabi niya. "Should we also buy a picnic mat? I know a place somewhere here where we can buy one."
I nodded and smiled. "Sige, let's go!"
Agad na kinuha niya ang isang kamay ko. He intertwined his hand on mine making me blush and my heart race.
Why are we acting like a real couple when no one is watching? Wala naman si Ate, wala si Yelena, wala ang Kuya Santi niya, but why are we doing this?
We stopped a small food shop. Agad kaming namili ng mga pagkain doon. He even bought a picnic mat. All the foods we bought, he was the one who payed for everything.
Agad naman kaming bumalik sa field at naghanap ng spot na pwede kaming maupo. Tapos ay nilapag namin ng sabay ang mga pagkain sa mat. Samantalang siya ay panaka-nakang kumukuha ng mga pictures sa akin at sa mga pagkain.
"Hindi mo talaga nakakalimutan ang camera mo, 'no?" I told him while eating potato chips.
He chuckled. He is sitting across me while holding his camera. He is facing me and taking a lot of photos of me.
"Of course, I want to make sure I have my camera with me so I can capture every moments with you," sabi niya sa kalmadong boses.
I smiled a bit. "Your words are really flower-y. Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng nakakasama mo?"
"Why would I say flower-y words to the other girls if they're not you, sweet lily?" he said and chuckled.
Binaba niya ang camera niya saka ngumiti sa akin. Kumuha siya ng potato chips saka nagsimula na rin na kumain.
Napanguso ako. "Bakit hindi mo sinabi kay Ate na hindi mo naman talaga ako girlfriend? Tsaka bakit ka pa rin ganyan kahit tayong dalawa lang naman? Wala namang nanonood."
He smiled and munched the chips. Tapos ay ngumisi siya sa akin.
"Do you want to hear a song, sweet lily?" tanong niya.
"What song?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "And why are you changing the topic?"
He smiled. He took a bottle of water and drank from it. He swallowed and then smiled.
"Her laugh you'd die for, her laugh you'd die for
The kind that colors the sky..." he immediately started singing.
Dahan-dahan akong kumain habang pinakikinggan siya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang kumakanta. Pero hindi ko mapigilang maging masaya dahil sa ginagawa niya ngayon.
He is making me comfortable with him.
"Heart intangible, slips away faster than
Dandelion fluff in the sunlight
And she's got swirls of passion in her eyes
Uncoverin' the dreams, she dreams at night..." he smiled at me.
Why does it feel like he is talking about through the lyrics? Bakit parang tungkol sa akin iyon? Alam na alam niya kung paano pumili ng kanta.
"As much and hard as he tries to hide
I can see right through, see right through..." Napapikit siya habang kumakanta.
Dahan-dahan kong kinuha ng camera na nasa harap niya. Agad ko siyang kinuhanan ng litrato at kinuhanan ko ng video.
I might forget about him. Who knows? So, I want to make sure that I will keep all of these photos of him.
"Her voice you'd melt for, she says my name like
I'd fade away somehow if she's too loud
What I would give for me to get my feet
Back on the ground, head off the clouds..."
He opened his eyes and looked at me. May nakaukit na namang ngiti sa labi niya. Agad niyang napansin na kinukuhanan ko siya ng video pero ngumiti lang siya at muling pumikit.
"I laugh at how we're polar opposites
I read her like a book, and she's a clueless little kid
Doesn't know that I'd stop time and space
Just to make her smile, make her smile..."
Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya. Ngumiti ako para salubungin ang tingin niya sa akin.
"Oh, why can't we for once
Say what we want, say what we feel?" he sang.
I stopped. Unti-unting kumabog ng mabilis ang puso ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa hindi maintindihang nararamdaman. Nagkakagulo na naman ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Hindi ko maipaliwanag ang klase ng titig niya sa akin. He looks... dreamy... and begging.
"Oh, why can't you for once
Disregard the world, and run to what you know is real?" he sang and smiled sweetly at me. "Take a chance with me, take a chance with me..."
Take a chance with... him?
Or is it just a song?
"In the end we only regret the chances we didn't take
I'll be your safety net, so why not raise the stakes?"
His eyes are closed again. He placed his fist on his chest as if telling me he is there.
Hindi ko na alam ang gagawin? Kung makikinig ba sa boses niya o sa lyrics na kinakanta niya?
"And I can hear your heart from across the room
Pulsin' through my veins, I know you need this too
Lie to me all you please, I can see right through
See right through..."
He opened his eyes and looked straight to my eyes. Para bang sinasabi niya mismo sa akin kung ano ang kinakanta niya. Pero ayokong umasa.
"Oh, why can't we for once
Say what we want, say what we feel?
Oh, why can't you for once
Disregard the world, and run to what you know is real?" He stopped singing. Tumitig siya sa akin.
Tapos ay mahina siyang kumanta. "Take a chance with me, take a chance with me..."
Napakurap ako nang tumigil na siya sa pagkanta. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Nagsasayawan ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Ngumiti siya sa akin. Isang matamis at malambot na ngiti.
I cleared my throat and looked away. "A-Ang ganda. W-What is it called again?" tanong ko na lang nang hindi siya magsalita.
"Take a chance with me, Ms. Inniah Feej Teatreko," sabi niya na kinatigil ko. "You're like the sun to me. You are so warm, so kind, so sweet, so lovely... Binabaliw mo ako, Inniah."
Napatigil ako. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya.
Binabaliw rin niya ako.
I opened my mouth to say something but nothing is coming out of my mouth.
He smiled at me. Napakamot siya sa buhok niya habang may munting ngiti sa labi.
"Three years ago I thought I wouldn't be able to find a woman who will make me feel the butterflies in my stomach again. I never thought I would find someone who will make my ears heat again. Someone whose as lovely and as radiant as you who can warm me," he chuckled. "I went here in Sagittarion to move on and chase my love in photography, but I never expected that in the midst of chasing my passion, I would find you."
Everything look so blurry around him. Habang nagsasalita siya, parang siya lang ang nakikita ko. Wala na akong ibang naririnig kundi siya at ang puso ko.
"I know you might think this is too fast," he chuckled. "But I don't want to regret a single thing anymore. I've been there and I don't want to experience it again. I will be honest with you with what I feel towards you. I will court you every single day. At kung may iba ka man na manliligaw, hindi ako papayag."
Napakurap ako. "H-Ha?"
He chuckled with my reaction. "Dati kasi nagpaubaya ako para sa Kuya ko, eh. Ngayon hindi na. Hindi na ako papayag. Ang akin ay akin, Inniah."
"B-But I'm not yours," sabi ko.
Napasinghap siya saka madramang napahawak sa sintido niya. "Dapat kasi saka ko na ibabanat iyon kapag tayo na, eh."
"H-Ha? H-How sure are you na s-sasagutin kita?" tanong ko.
He chuckled. "Hindi ako papayag na hindi, Ms. Teatreko. Huwag mo akong ginigigil. Nasabi ko na kay Nanay na girlfriend kita, kaya hindi pwedeng hindi mo ako sasagutin."
Napakurap ulit ako. "B-Bakit mo naman kasi sinabi? Pati sa Kuya mo sinabi mo rin!"
Tumawa siya. "Para walang aagaw. Dapat kapag may nanliligaw sayo sabihin mo agad na boyfriend mo ako para tumigil."
Ngumuso ako. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko. Nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko.
"P-Paano kung ayoko?" tanong ko.
He smiled sweetly at me. "No problem. Isusumbong kita sa Daddy mo. Sasabihin ko sa kanya na boyfriend mo ako at ikakasal na tayo."
Napasinghap ako saka mabilis na nabato siya ng isang chip. Natatawang nasalo niya ito saka kinain.
"Ang sama mo!" saad ko.
He laughed. "Kidding aside. Manliligaw ako, Ms. Inniah Feej Teatreko. I will tell your sister as well. And Yelena too. And if you're ready, magpapaalam rin ako sa Daddy mo."
Bahagya akong napanguso. "Bakit mo ba kasi ako nagustuhan? Explain mo sa akin."
He smiled wide. "Huwag na. Lalaki ang ulo mo, eh."
Sumimangot ako sa kanya. "Ang sama mo!"
Tumawa siya. "Alright, alright. Hm... you brought back the spark in me. It's so easy for you to make me happy. And I want to be happy the whole time. And it wouldn't be possible without you." He pursed his lips. "I suddenly want to build a family. I actually suddenly thought of building a house and living with you... with kids."
Napakagat-labi ako. So, he really likes me?
But I'm sick! And I haven't told him yet.
"T-Thank you," sabi ko na lang.
He smiled. "Next time, let's make that a 'yes, I do', Ms. Teatreko."
...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro